"SAMANTHA!" Napalingon si Samantha sa tumawag sa kanya. Nakita niya si Georgina at Jessica na naglalakad patungo a kinaroroonan niya. Kasalukuyan kasing nasa soccer field siya ng mga oras na iyon. Katatapos lang ng klase niya at wala pa siya sa mood na pumasok sa trabaho. Kaya doon muna siya nagtungo upang makapag muni-muni. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jessica nang makarating ang dalawa sa kinaroroonan niiya. Umupo ang dalawa sa tabi niya."Wala gusto ko lang mag muni-muni rito." Maikling tugon niya."Alam na namin ang nangyari. May balita ka na ba kay Jared?" Sabi naman ni George sa kanya."Wala pa, Nag-try din akong tawagan ang cellphone niya pero hindi ko ma-contact." Sabi niya rito. Simula kasi nang sunduin si Jared ng tatay nito ay hindi na sila muli pang nagkausap ng binata. Ilang beses na niya itong tinawagan pero hindi niya ma-contact ang cellphone nito. Ilang beses din siyang nagpunta sa condo ng binata ngunit ang sabi ng isang kapit bahay nito ay may mga lalaking
"ANONG ginagawa mo rito?" Tanong ni Samantha nang makilala ang lalaking nanloob sa apartment niya."A-aray! Bitawan mo muna ako para makapag-explain ako ng mabuti sayo." Sabi naman ni Jared sa kanya.Agad naman niyang binitawan ang lalaki. "Now, talk." Utos niya rito. Umupo naman ito sa sofa habang hinihilot ang nasaktang braso nito. "Napaka bayolente mo talaga kahit kailan. Magkaibigan nga kayo ni Georgina." Himutok ito."I'm still waiting for you to answer my question." Sabi niya rito. Kahit naman nami-miss niya ito ay kailangan pa din niyang maintindihan ang mga nangyayari."Tumakas ako sa mansyon. Because I don't want to go to America." Tiningnan siya nito. "I want to be with you."Sa isang iglap ay nawala lahat ng nararamdaman niyang pangungulila dito. "Pero ano na ang gagawin mo sa papa mo? Tiyak na ipapahanap ka niya pag nalaman niyang wala ka sa mansyon." Tanong niya rito. Kahit naman gusto niya ang ginawa nito ay ayaw niya pa ding mapahamak ito nang dahil sa kanya."Kaya ng
"NAPAKA workaholic mo talaga kahit kailan." Komento ni Samantha kay Iñigo. Kasalukuyang nasa opisina siya nito. Dahil doon siya pinapunta ng binata nang makausap niya ito kanina. Kailangan niya ng tulong nito dahil ito lang ang kilala niyang maaaring makatulong sa kanya sa mga gusto niyang malaman mula sa nakaraan.Gusto niyang malinawan kung ano ba talaga ang kuneksyon ng kanyang ama sa tatay ni Jared at bakit ganun na lang ang naging reaksyon ng kanyang amain nang malaman nito ang relasyon nila ni Jared. Marami siyang katanungan na gusto niyang masagot. "So, bakit gusto mo akong makausap? Pwede naman tayong mag usap sa cellphone. Baka mag selos pa yung boyfriend mong tukmol." Sabi nito. Ewan niya ba kung bakit mainit ang dugo nito kay Jared. Sabagay mainit din ang dugo ni Jared dito. Hindi talaga niya alam kung ano bang nangyari sa dalawang ito at bakit ganon na lang ang trato ng mga itto sa isa't isa. Pero hindi naman iyon ang pinunta niya rito. May nais siyang malaaman at iyon a
Samantha took a deep breath while looking at herself in the mirror. It's time to go out and do what she needs to do. She is currently in a bar tonight to work. Ito ang pangalawa niyang part-time job ngayong araw at kailangan niyang mag entertain ng mga customer. Kailangan niya ng mabilisang pera dahil kung hindi ay mapapalayas siya sa kanyang apartment. Pumayag siya sa part time job na ito dahil maganda ang kita at nangako naman ang manager ng bar na hindi siya puwedeng hawakan ng kahit sino man. “Kaya mo yan Sam, isang gabi lang ito. Pagkatapos nito mababayaran mo na ang apartment mo.” Sabi niya sa kanyang sarili. She let out another deep breath and left the dressing room where the other entertainers were getting dressed. Pagkalabas niya ay agad siyang nasilaw sa iba't ibang ilaw na nasa bar na iyon. Maraming nag sasayawan sa saliw ng tugtog at napaka ingay. Iyon pa naman ang ayaw niya sa lahat ang maingay na lugar. Kaya lalo siyang kinabahan. Sinipat niya ang kanyang suot na damit
Nakapangalumbaba si Sam habang tinitingnan ang business card nasa ibabaw ng lamesa niya. Kasalukuyan siyang nasa library ngayon at nagbabalak na mag-review dahil parating na ang Prelim exam niya at siguradong mahirap iyon. Lalo na at next semester ay mag i-internship na siya. Tinitigan niyang muli ang business card na ibinigay ng nag-ngangalang Jared. Hindi niya pa rin alam kung ano ba ang koneksyon nito sa presidente ng Del Fuego Medical Hospital. Masyado siguro siyang na iintriga dahil ito ang isa sa mga hospital na napupusuan niyang applyan para sa intership niya dahil kilala ito sa buong bansa. "Anong ginagawa mo?" Napalingon siya sa nagsalita. Si Jessica pala iyon kasama si Georgina. "Wala." Sabay kuha niya sa business card na nasa lamesa ngunit agad din namang naagaw ni Jesica sa kanya. "Ano to?" Sinipat nito ang business card na hawak. "Del Fuego Medical Hospital? Saan mo nakuha to?" Takang tanong ni Jessica."May nag bigay lang sa akin niyan." Kinuha niya ang business card
"HI!" Napaangat ang tingin niya nang may umupo sa harap niya at bumungad sa paningin niya ang nakangiting mukha ni Jared. Kaya agad din siyang nawalan ng gana. Simula ng mangyari ang munting halik sa pagitan nilang dalawa noong isang linggo, ay hindi na siya nilubayan nito.As in he is EVERYWHERE! Kahit saan man siya mag punta. Sa Canteen, sa soccer field, Sa cover court, sa Science lab sa classroom at dito sa library. Hindi niya alam kung sinusundan ba siya nito o talagang nagkakataon lang na nagkikita sila dahil sa tuwing kokumprontahin niya ito, ay palaging valid ang alibi nito. "Ano naman ang ginagawa mo rito?" Inis na tanong niya rito. "I'm with Rafael. We are making a project." Sabay turo nito sa lalaking nakasalamin sa tabing mesa nila. Kilala niya ito dahil isa ito sa mga classmate niya. Gwapo rin ito gaya ni Dylan pero iba pa rin ang kagwapuhan taglay ni Jared. Ipinilig niya ang ulo sa naisip. 'Hindi gwapo si Jared! Isa siyang malaking balakid sa buhay ko!' Hiyaw niya sa i
"JARED!?" Bulalas niya ng makilala kung sino ang nag salita. Ano ang ginagawa nito rito? At paano nito nalaman kung saan siya nakatira?"Bakit ngayon ka lang nakauwi? Hindi ba 6 pm lang ang out mo?" Tanong nito. "Nakipag-date ka pa ba?""Nag overtime ako." Wala sa sariling sagot niya. "Paano mo naman nalaman ang oras ng pag out ko?" Nagtatakang tanong niya. "Wala ka na roon." Sabi nito at naunang maglakad sa kanya. Siya naman ay naiwang tulala at nagtataka.Lumingon ito sa kanya ng maramdaman nito na hindi niya ito sinusundan. "Ano pang ginagawa mo riyan? Hindi ka pa ba uuwi? Lumalalim na ang gabi."Agad din naman siyang naglakad papunta sa direksyon ng apartment niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya ng makalapit siya rito."Inantay ka ng tatlong oras, hindi pa ba obvious yun?" Sabi nito. "Una, sinampal mo ako noong unang pagkikita natin. Pangalawa, hinalikan mo ako ng walang paalam. Pangatlo, muntik na akong ma-expelled dahil sayo at noong bumalik ako ay hindi mo man lang ako
"I MISSED this." Sambit ni Iñigo habang kumakaen sila ng cup noodles sa convenience store sa loob ng school. Niyaya kasi siya nitong kumaen dahil wala pa raw itong almusal. Kaya sa convenience store niya nalang ito dinala, para hindi na rin sila lumayo pa. "Wala bang convenience store sa america?" Tanong niya rito habang kumakaen. "Meron, what I mean is, with you." Hinarap siya nito. "I missed being with you."Ngumiti siya. Siya rin naman ay na miss ito. Kung si Georgina at Jessica ang mga kaibigan niyang babae, ito naman ang kaibigan niyang lalaki. Idadag pa na lihim niyang crush ito noong high school."So how are you? Hindi tayo masyadong nagkausap dahil ang bilis mag maneho ni Georgina." Tanong nito sa kanya. "Parehas lang naman kayo." Komento niya."Of course not. Hindi ako ganoon magmaneho pag may kasama ako sa loob ng sasakyan." Tanggi nito. Ngumiti naman siya."So mabalik tayo. Kamusta ka?""I'm fine, next sem ay mag i-internship na ako." Sabi niya. "That's good to know. Un