Share

Chapter 2

Nakapangalumbaba si Sam habang tinitingnan ang business card nasa ibabaw ng lamesa niya. Kasalukuyan siyang nasa library ngayon at nagbabalak na mag-review dahil parating na ang Prelim exam niya at siguradong mahirap iyon. Lalo na at next semester ay mag i-internship na siya. Tinitigan niyang muli ang business card na ibinigay ng nag-ngangalang Jared. Hindi niya pa rin alam kung ano ba ang koneksyon nito sa presidente ng Del Fuego Medical Hospital. Masyado siguro siyang na iintriga dahil ito ang isa sa mga hospital na napupusuan niyang applyan para sa intership niya dahil kilala ito sa buong bansa.

"Anong ginagawa mo?" Napalingon siya sa nagsalita. Si Jessica pala iyon kasama si Georgina.

"Wala." Sabay kuha niya sa business card na nasa lamesa ngunit agad din namang naagaw ni Jesica sa kanya.

"Ano to?" Sinipat nito ang business card na hawak. "Del Fuego Medical Hospital? Saan mo nakuha to?" Takang tanong ni Jessica.

"May nag bigay lang sa akin niyan." Kinuha niya ang business card sa kamay ni Jesica ngunit naagaw naman ito ngayon ni Georgina.

"Do you know Fernando Del Fuego? Siya ba ang nagbigay sayo nito?" Tanong ni George.

"Kilala mo ang may-ari nito?" Takang tanong niya.

"Well, si daddy ang legal advisor ng hospital na pag mamay-ari niya." Hindi niya alam iyon. Iwinagayway ulit nito ang business card na hawak. "So how do you know him?"

Umiling siya. "I don't him. Nag-iisip lang ako kung dito ako sa hospital na ito ako mag i-internship. Pero mukhang mataas ang standard nila kaya baka hindi rin ako matanggap." Pagkaila niya. Hindi alam ng mga ito ang totoong nangyari sa kanya sa bar, kaya wala siyang pera naiuwi kagabi. Hindi na rin naman kailangang malaman pa nila kung ano ang tunay na nangyari.

"I can ask dad to tell him to accept you, for your internship next sem."

"Hindi na kailangan. Besides nag-iisip pa lang naman ako. Saka marami pa namang hospital dyan na pwedeng apply-an George. Salamat na lang sa offer."

"Are you sure?" Tumango siya."Okay, if you say so. I gotta go, I have class in an hour. See you later guys!" tumayo na ito at umalis.

"You're a bad liar." Sambit ni Jessica nang makaalis si Georgina. Umupo ito sa katapat na silya niya.

"Hindi ako nag sisinungaling." Giit niya.

"I know you're lying because I heard Ricky. Tumakas ka raw kasama si Jared." Humalukipkip ito sa harap niya. Si Ricky ay isa sa mga alagad ni Joshua.

Wala talaga siyang maitatago dito. Dahil napaka tsimosa nito. Kahit yata buhay ng janitor ng iskwelahang iyon ay alam nito. Hindi niya talaga akalaing ganito ang maging papagbabago nito.

"Bagay na bagay talaga sayo yung course mong Brodcasting. napaka chismosa mo." Palatak niya.

Actually ay grumaduate na ito ng Bachelor Degree kasabay nila. Nag trabaho muna ito ng dalawang taon. Bago magpasiya na kumuha ng masteral's degree dahil naiinggit daw ito sa kanila ni George. Ipinagpatuloy kasi nila ni Georgina ang pag-aaral matapos makatapos ng bachelor's degree. Ayaw nilang mag sayang ng panahon. Tutal naman ay doon rin ang punta nilang dalawa. Si George ay nagpatuloy ng pag aaral ng abugasya at siya naman ay medisina.

Nakilala niya ito noong high school dahil palagi itong kasama ni George. Iisang high school lang naman kasi ang pinasukan nilang tatlo.

"But please don't tell George. You know her." Pakiusap niya rito.

"I will not tell her but you know Joshua, for sure ikakalat niya sa lahat na nagtrabaho ka sa bar. Gagantihan ka noon. Okay lang ba sayo iyon? You can ask George for legal help para hindi mangyari iyon." Suggest nito.

"Wala naman akong pakialam kung anong kumalat na balita sa akin. Ang mahalaga ay makatapos ako ng medicine at maging isang doctor sa kahit anong paraan." Sambit niya. Iyon naman talaga ang pangarap niya. Ang maging doctor gaya ng yumaong ama niya.

"Paano kung malaman ni George?"

"We'll cross the bridge when we get there."

"Okay. But I will not allow Joshua to do such things don't worry." She asured her. "Pero anong nangyari sa inyo ni Jared?" Kumikislap ang mga matang tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "Kilala mo siya?"

"Si Jared? Of course." Pagmamalaki pa nito. Itinuro nito ang business card na nasa lamesa. "Siya ang tagapagmana ng hospital na iyan." Itinuro nito ang hawak niyang business card. "Siya rin ang pinaka gwapo at sikat dito sa school. Hindi mo ba alam iyon?" So kaya pala meron itong business card ng CEO ng Hospital na iyon dahil ito ang tagapagmana?

Umiling siya. "You're hopeless." Sabi nito. Maya-maya ay may naalala ito. "Alam mo bang siya iyong tinanggihan na mong makapareha last year?"

Kumunot muli ang noo niya. May naalala nga siyang ganoong insidente. Last year kasi ay nag botohan kung sino ang magiging queen and king sa taunang Anniversary party ng University nila. At siya ang napiling maging queen ngunit tinanggihan niya iyon dahil hindi naman niya kilala ang makakapareha niya at isa pa ay wala siyang panahon sa mga ganoong party. Mas pipiliin niyang pumasok na lamang sa part-time job niya kesa mag party. Naalala niya pa kung pano madisappoint si George at Jessica ng malaman ng mga ito na hindi siya aattend doon.

"You mean istudyante siya rito?" Tanong niya rito.

"Yes and she's your senior. Medicine din ang tine-take niya."

"W- what?" Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Ang inaakala niya ay hindi na niya makikita pa itong muli ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay istudyante  din pala iyo sa University na pinapasukan niya at higit sa lahat ay senior pa niya? 'What a small world.'

"So anong nangyari sa inyo ni Jared?" Tanong muli na ni Jessica. "May palitan ba ng number naganap? Give me some details naman." Pangungulit pa nito.

"Siningil ko lang siya."

"What? he saved you. Bakit mo siya siningil? You should have thanked him."

"Well, His not what you think. Alam mo bang inoffer-an niya pa akong makipag sex sa kanya matapos ko siyang singilin ? What a jerk! Kaya sinampal ko siya."

"Hmm. Kung ako ang nasa katayuan mo. Makikipag sex ako sa kanya kahit walang bayad. He is so hot kaya. Alam mo ba kung gaano ka dami ang magpapakamatay para sa atensyon niya?" Malanding sabi pa nito.

"Jessica! Ang bunganga mo!" Sita niya rito.

Humalakhak naman ito. Kaya sumenyas siyang huwag itong maingay. "I'm sorry my virgin friend. I can't help it. Ang sarap mo talagang asarin. Pero talagang sinampal mo siya?"

"Of course, he deserved it." Sabi niya na binuksan ang libro at nagpatuloy sa pagbabasa.

-----

"NANDITO ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Napadilat si Jared nang may nagsalita sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa Soccer field ng mga oras na iyon. Nais niya sanang matulog dahil wala siyang balak umattend ng klase ngayon. Nilingon niya ito. Si Dylan pala iyon. Kaibigan niya at kaklase ito. Gaya niya ay tagapag-mana din ito ng hospital, ang Rodriguez Medical Center. Hindi iyon kasing laki ng hospital ng tatay niya pero isa rin iyon sa kilalang hospital sa bansa.

"Istorbo ka talaga sa buhay ko." Sambit niya nang ipinatong ang librong hawak niya sa kanyang mukha. Wala siya sa mood mag aral ngayon. Mas gusto niyang matulog nalang. Wala talaga sa puso niya ang pag do-doctor.

"Sa tingin mo makakatakas ka sa pagiging doctor kung hindi ka papasok sa klase mo? Baka nakakalimutan mo kung sino ang tatay mo."

Napaupo siya. "Hay! Bakit kasi hindi nalang nila akong hayaang gawin ang gusto ko? Ayokong maging doctor!" Palatak niya.

"Well, Sorry to tell you bud. Nakasulat na ang tadhana natin simula ng ipinanganak tayo. Kaya kahit ilang beses mong ibagsak ang mga subjects mo ay wala kang mapapala. Hindi na natin iyon matatakasan, iyon na ang tadhanang nakasulat sa mga palad natin. Magiging doctor ka sa ayaw mo at sa gusto mo."

"Tumakas kaya ako at magpunta sa ibang bansa? Tingin mo?" Tanong niya rito.

Sa halip na sumagot ay hinila siya nito patayo. "Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo. Dinamayan na kita ng ibagsak natin lahat ng subjects natin. Dapat ay intership na tayo ngayon. Pero dahil sinabi mo na dapat nating ibagsak ang subjects natin para matakasan ang med school ay sumunod ako sayo." Pumalatak ito. "Ngayon tuloy ay lalo akong na buro dito. Kaya tumayo kana riyan at pumasok na tayo sa klase natin. Ang tanging paraan nalang natin ay grum-aduate para matakasan dito sa kalbaryong school na ito."

Napilitan siyang tumayo at tahimik na sumunod dito. 'Hays buhay nga naman.' Sambit niya sa kanyang sarili. Buong buhay niya ay ipinamulat sa kanya ng kanyang ama na dapat ay maging doctor siya. Dahil walang ibang magmamana ng kanilang hospital kung hindi siya lamang. Ngunit anong gagawin nya kung hindi ito ang nais niyang gawin? Ang talagang nais niya ay mag pinta. Naalala niya pa noong nalaman ng kanyang ama na palihim syang nag enroll sa art school. Sinira lahat nito ang mga gamit niya sa pagpipinta at ipinasara ang art school kung saan siya nag enrol. Nakunsensya siya dahil maraming nawalan ng trabaho dahil sa kanya. Kaya nangako siyang mag aaral na ng medisina ka palit ng pag bubukas muli ng art school.

Kahit anong takas niya ay ibinabalik talaga siya nito sa medical school. Kaya heto siya ngayon. Kahit ayaw pumasok ay napipilitan nalang upang matapos ang kalbaryo niya.

Nang papaliko na sila sa may library ay napahinto siya nang mapalingon sa may bintana ng library. May nahagip ang kanyang mata na isang pamilyar na babae. Nakaupo ito sa isa sa mga mesa at tahimik na nagbabasa. Napakunot siya ng noo. Kamukha nito ang babaeng nagatatrabaho sa bar na iniligtas niya nang makita niyang hinaharass ito ni Joshua. Ngunit sa halip na magpasalamat ay siningil pa siya nito.

"Hey!" Pukaw ni Dylan sa atensyon niya."Kanina pa ako salita ng salita wala na pala akong kausap."

"Do you know her?" Tanong niya rito at tinuro ang kinaroroonan ng babae.

"Sino?" Tanong naman nito habang sinusundan ang tingin niya. "Ah si Samantha?"

"Samantha?"

"Oo si Samantha. Kaklase natin siya sa Anatomy."

"Kaklase? kailan pa?"

"Hindi mo alam kasi hindi ka naman pumapasok sa subject na iyon." Umiling-iling pa ito. "Kaibigan siya ni Georgina yung sexy hot girl ng law sa kabilang building saka ng Student Council President natin." Patuloy nito. "Tsaka siya yung babaeng tumangging makapartner ka sa party natin last year."

"What?!" Gulat niyang tanong. Matagal nya nang hina hunting ang babaeng tumanggi sa kanya last year dahil feeling niya ay pinababa nito ang reputasyon niya. Siya kasi ang tinaguriang campus crush sa school nila. Kaya nang mag botohan ang school nila upang maghanap ng magiging king sa taunang anniversary party ng school nila ay siya agad ang nanalo. Ngunit sa kasamaang palad ay tinanggihan siya ng dapat na makakapareha niya dahil hindi daw siya nito kilala. Kaya simula noong ay hina-hunting na niya ito ngunit hindi niya ito mahagilap dahil palagi daw itong busy.

"You mean that's her? And classmate natin siya?" Gulat paring tanong niya. "Bakit hndi mo man lang sinabi sa akin?"

"Well, first hindi ka naman pumapasok sa subject na anatomy second, masyado akong busy ngayon dahil ayaw ko nang bumagsak kaya nakakalimutan kong sabihin sayo."

"How can you forget that kind of thing?" Nagtatakang tanong niya rito.

"I told you I'm busy. Tsaka hindi ka pa rin niya papansinin kahit anong gawin mo. Manhid iyan. Hindi uubra ang karakas mo diyan. Si Joshua nga, ganun ganun nalang bastedin ni Samantha." Bahagyang natawa pa ito. "Alam mo ba kung san niya binasted si Joshua? sa gitna ng soccer field! may pa bulaklak pa ang loko tapos sagot sabi lang sa kanya ni Sam 'Para kang tanga ano naman ang gagawin ko dyan?' sabay alis." Tumawa ulit ito.

"Don't you ever compare me to that bastard." No wonder ganun na lamang ang galit ni Joshua kay Samantha. Grabi pala ang pagkapahiya nito. Kung bakit naman kasi ito sa soccer field pa nagtapat? Halos lahat ng istudyante sa campus ay doon nagtatambay pag walang klase. Pero tama lang din naman ang ginawa ni Samantha sa ugok na iyon. Masyado na din kasing masama ang ugali ni Joshua. Feeling nito ay lahat mapapasagot nito. hmmm. Na ko-curious tuloy siya sa Samantha na iyon.

Tiningnan niyang muli ang babae. Aaminin niyang nagandahan din talaga siya rito dahil napaka amo ng mukha nito. At istudyante pala ito sa school nila. Pero ang tanong doon ay bakit ito nasa bar ng gabing iyon? Talaga bang babaeng bayaran ito? Lalo tuloy siyang nakonsensya sa sinabi niya sa babae. Nasabi lang naman niya ang ganoong bagay dahil nainis siya ng singilin siya nito sa halip na pasalamatan.

Napahawak siya sa kanyang kaliwang pisngi. Naalala na naman niya ang pag sampal nito ng malakas sa kanya. Wala pang babaeng sumampal sa kanya. Napailing siya.

"Tara na Jared! At baka ma-late na naman ako dahil sayo." Yaya ni Dylan sa kanya.

'Hmmm.. We will meet again'. Tahimik na sambit niya sa kanyang isip habang hinihila siya nito papalayo.

-----

ABALANG nag aayos ng gamit si Samantha dahil ilang oras nalang ay darating na ang kanilang professor sa Anatomy. Isa ito sa pinaka gusto niyang subject dahil talagang napag-aaralan nila ang bawat bahagi ng tao.

Napalingon siya ng biglang may tumabi sa kanya. Ganon nalang ang gulat niya ng makita kung sino iyon. Walang iba kung hindi si Jared.

Kumunot ang noo niya. Bakit nasa klase niya ito? Hindi ba at sabi ni Jessica ay senior niya ito? Tinitgan niya ito. Gwapo talaga ito kahit saang anggulo.

"Alam kong napaka gwapo ko pero huwag mo akong pagkatitigan baka matunaw ako." Sambit nito at lumingon sa kanya at ngumiti.

Napasimangot siya. 'Mayabang talaga ang loko.' Sambit niya sa kanyang sarili. Hindi niya ito pinansin sa halip ay ipinagpatuloy niya ang pag aayos ng gamit.

Kumatok ito sa harap ng desk niya." Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong nito. Tinuro pa nito ang pisngi nito. "Ako yung sinampal mo noong nakaraang gabi."

"Kung inaasahan mong hihingi ako ng tawag sayo ay nagkakamali ka. You don't deserve my apology." Sambit niya ng hindi pa rin lumilingon dito.

"Base sa sinabi mo ay feeling natatandaan mo na ako and by the way I'm not asking for your apology. I'm just curious about kung bakit ang isang istudyanteng katulad mo ay nag tatrabaho sa isang bar." Sabi pa nito. "By the way, my name is Jared Del Fuego. Your classmate in Anatomy." Inilahad nito ang kamay sa harap niya. Ngunit tinitigan niya lang iyon. Nagpatuloy pa rin siya sa pag aayos ng gamit niya. Classmate niya pala ito kaya pala nasa klase nito.

"Ganyan ka ba talaga? Alam mo dapat matuto kang maging nice pag may nagpakilala sayo? Dapat magpakilala ka din."

"Magpapakilala lang ako kung interesado ako sa nagpapakilala sa akin." Sabi niya habang hindi pa rin niya ito nililingon.

"You're really bad for my ego. Don't you think that you're too harsh to me? Sinagip kita kay Joshua." Paalala nito sa kanya.

"At sa tingin mo ay magiging mabait ako sayo dahil sa ginawa mo? Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako nabayaran ng gabing iyon. Kung tutuusin ay may atraso ka sa akin dahil sa mga sinabi mo nang gabing iyon." Hinarap niya ito. "Kaya kung ako sayo lubayan mo nalang ako, kung ayaw mo na masampal muli."

Naiinis talaga siya sa mga taong katulad nito. Mayabang at babaero. Ang akala niya ay hindi niya na ito makikita pa dahil never naman nag krus ang mga landas nila sa loob ng apat na taon sa school na iyon. Pero sa gulat niya ay nakita niya ito kahapon na may kahalikang babae sa may hallway ng school nila. At ang mas nakakainis pa ay parang wala itong pakialam kung may makakita sa kanila. Para bang pinagmamalaki pa nito na kaya nitong makipag halikan sa kahit saang lugar. Lalo tuloy nadadagan ang inis niya rito. At ngayon ay kaklase pa pala niya ito. Paano siya magiging payapa?

"Jared, anong ginagawa mo rito? Hindi ba ayaw mo ng subject na ito?" Tanong ng dumating. Si Dylan pala iyon. Ang masugid na manliligaw ni Georgina.

Matagal na itong nanliligaw kay Georgina, pero lagi naman itong basted. Ewan niya ba kung bakit nagtitiis pa rin itong manligaw eh halata namang walang paki si Georgina dito. Samantalang kung tutuusin ay gwapo rin naman ito at marami itong mapapaibig kung gugustohin lang nito.

Hindi niya alam na magkakilala ang dalawang ito. Ngayon niya lang napatunayan na napakaliit pala talaga ng mundo.

"Nagkaroon ako ng dahilan para pumasok sa subject na ito kaya wag kang istorbo dyan." Sagot lang ni Jared dito.

"Oh! Hi! Samantha, kamusta si Georgina my love?"

Pero sa halip na sumagot ay tinanguan laman niya ito. Wala siyang balak kausapin ang sinuman sa dalawang ito.

Maya maya ay pumasok na ang kanilang professor kaya hindi na niya inintindi ang dalawang katabi. Ngunit habang busy siya sa pakikinig ng discussion ay may kumatok sa desk niya at nakita niyang may nakatuping papel sa ibabaw niyon. Kinuha niya iyon at binasa.

'Let's have lunch together. My treat.'

'Jared'

Bumuntong hininga siya at nilamukos ang papel. Wala siyang panahon rito. Bumalik siya sa pakikinig sa professor. Ngunit mga ilang minuto palang ang nakakaraan ng may kumatok muli sa desk niya. At may nakita na naman siyang papel na nakatupi sa ibabaw niyon. Inis na tiningnan niya si Jared. Pero sa halip na matakot ay nakangiti lang itong tumingin sa kanya at iniwestra na basahin niya ang papel.

Inis na dinampot niya iyon at binasa. 'It's my way of saying sorry from what I've said to you the other night' Nakasaad doon. Nilamukos niya ulit ang papel na iyon. At naghanap ng maaring malipatan na upuan, dahil sa tingin niya ay hindi talaga siya nito titigilan.

Pero wala siyang makitang bakanteng upuan. Na lalo niyang ikinainis dahil ang ibig sabihin noon ay wala siyang choice kung hindi mag tyaga sa tabi ng ugok na si Jared.

Wala siyang choice kung hindi makinig muli sa discussion at ituon ang atensyon doon. Nagpasya siyang hindi na niya papansin ito kahit ilang katok pa ang gawin nito sa desk niya. Ilang pang katok ang narinig niya pero hindi na niya iyon pinansin pa. Nag concentraite nalang siya sa pakikinig. Bahala ito sa buhay nito.

Naramdaman niyang bahagyang lumapit sa kanya si Jared. It makes her uneasy pero hindi niya iyon ipinahalata. "You are very rude don't you think so?" Bahagya siyang nagulat ng maramdaman niya ang hininga nito malapit sa tainga niya. Dahilan iyon upang bigla siyang mapalingon rito. Pero agad din naman niya iyong pinagsisihan. Nanigas ang buong katawan niya at sa pakiramdam niya ay nag init ang buong mukha niya.

Dahil n*******n niya ito!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status