Share

Chapter 4

"JARED!?" Bulalas niya ng makilala kung sino ang nag salita. Ano ang ginagawa nito rito? At paano nito nalaman kung saan siya nakatira?

"Bakit ngayon ka lang nakauwi? Hindi ba 6 pm lang ang out mo?" Tanong nito. "Nakipag-date ka pa ba?"

"Nag overtime ako." Wala sa sariling sagot niya. "Paano mo naman nalaman ang oras ng pag out ko?" Nagtatakang tanong niya.

"Wala ka na roon." Sabi nito at naunang maglakad sa kanya. Siya naman ay naiwang tulala at nagtataka.

Lumingon ito sa kanya ng maramdaman nito na hindi niya ito sinusundan. "Ano pang ginagawa mo riyan? Hindi ka pa ba uuwi? Lumalalim na ang gabi."

Agad din naman siyang naglakad papunta sa direksyon ng apartment niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya ng makalapit siya rito.

"Inantay ka ng tatlong oras, hindi pa ba obvious yun?" Sabi nito. "Una, sinampal mo ako noong unang pagkikita natin. Pangalawa, hinalikan mo ako ng walang paalam. Pangatlo, muntik na akong ma-expelled dahil sayo at noong bumalik ako ay hindi mo man lang ako pinansin. Tapos ngayon." Hinarap siya nito. "Pinag-antay mo pa ako ng tatlong oras. Alam mo bang hindi pa ako nag antay ng ganito katagal sa buong buhay ko?"

Kumunot ang noo niya. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ba at ito ang hindi pumansin sa kanya noong makabalik ito? Bakit parang siya pa ang sinisisi nito?

"Teka nga." Pigil niya rito. "Naguguluhan ako sayo eh. Yung pag sampal ko sayo alam mo kung bakit kita sinampal nun, it's because you called me a slut remember?" Pagpapaalala niya rito.

"I never called you a slut." Napaisip niya. Hindi nga ba? Mali ba ang pagkaalala niya sa nangyari? "I just ask you, if you want  to spend a night with me."

Ah yon pala ang sinabi nito. "It has the same meaning." Sabi niya nalang. Kumunot naman ang noo nito.

"Yung h-halik na sinasabi mo." Pag iiba na niya ng topic. "Purely accident lang yun. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit napaka big deal nun sayo. As if naman na isang beses pa lang nangyayari sayo iyon. For sure madami ka ng n*******n." Hindi talaga siya komportable na pag usapan ang ganong bagay kaya nga hanggang ngayon ay wala pa rin sa mga kaibigan niya ang nakakaalam ng naganap na iyon sa kanila ni Jared. May sasabihin pa sana siya ngunit napansin niyang titig na titig ito sa kanya.

"What?" Takang tanong niya rito.

"You're blushing." Sabi nito. "Don't tell me, that was your first kiss?"

Napahawak siya sa pisngi niya. Lalong nag init ang mag-kabilang pisngi niya. 'Badtrip'!

"H- hindi no!" Nauutal niyang sabi. 'buwisit na dila to!'

Ilang saglit pa ay unti-unting sumilay ang ngiti nito sa mga labi. At unti-unti ring lumalalas ang pintig ng puso niya habang nakatitig siya rito. Wala siyang ibang naririnig kundi ang pintig ng puso niya na napaka bilis at lakas. Bakit ganon nalang ang pintig niyon ng ngumiti ito? Ano bang nangyayari sa kanya?

"Ako nga ang first kiss mo." May pagmamalaki pang sabi ni Jared.

H-hindi ikaw ang f-first kiss ko sabi ehh." Pagkasabi niyon ay agad siyang naglakad papuntang apartment niya.

Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay humarang na naman ito sa dinaraanan niya. Lalong kumabog ang puso niya. She never felt like this before.

"San ka pupunta? Ilang oras akong nag antay sayo, tapos bigla ka lang aalis ng ganun ganun na lang?" Sabi nito habang nakaharang pa rin sa dinaraanan niya.

"S-sino ba kasing nag sabi sayo na mag antay ka dito?" Tanong niya rito.

"I just want to talk to you." Sabi nito. "Hindi pa tayo nag uusap simula nang pumasok ako."

Napatitig siya sa gwapong mukha nito. 'Ang gwapo talaga ng mokong!' Ngunit nanlaki ang mga mata at nanigas ang buong katawan niya ng bigla nalang siya nitong niyakap. Ramdam na ramdam niya kung gaano kalakas ang pintig ng puso niya ngayon.

Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya ay may mga sinabi pa ito na hindi niya maintindihan dahil ang ang buong atensyon niya ngayon ay nasa pintig ng puso niya. Tumingin siya rito. "Anong ginawa mo sa akin?" Wala sa sarili niyang tanong rito.

"Huh?" Takang tanong naman nito. Nagsalita na naman ito ngunit wala siyang maintindihan sa sinasabi nito. Hindi na maganda ang pakiramdam niya. Pumikit siya ng mariin.

'Mag focus ka Sam wag mong hayaang mahipnotismo ka ng lalaking nasa harap mo!' Hiyaw niya sa isip.

"Umalis kana muna Jared. Masama ang pakiramdam ko. Saka na tayo mag usap." Sabi niya rito ng hindi ito tinitingnan. Naglakad siya patungo sa apartment niya. "Huwag na huwag mo akong susundan." Pag babanta niya pa rito.

Hindi na niya ito hinayaan pang makatugon. At nagmadali na siyang makaalis sa lugar na iyon.

-----

"SO, WHAT'S with you? Bakit mas gusto mong kumaen dito sa rooftop ng school kesa sa canteen?" Tanong sa kanya ni Georgina ng makarating sila sa rooftop ng building ng school nila.

Doon niya kasi ito dinala pagkatapos nilang bumili ng makakaen sa convenience store sa loob ng campus nila. Ayaw niya kasi sa canteen. Hindi dahil ayaw niya sa pagkaen ng canteen na inihanda para sa mga istudyante ngayong araw ngunit dahil sa isang partikular na dahilan. Ayaw niyang mag krus ang landas nila ni Jared. Hindi pa siya handang makita ito.

Matapos ang pag uusap nila kagabi ay nagpasya muna siyang iwasan ito. Kailangan muna niyang i-analyze ang nararamdaman niya para dito. Iniisip niya baka gumwapo lang talaga ito kaya ganon nalang ang reaksyon niya ng makita ito.

"May iniiwasan lang ako." Sabi niya bago kumagat ng siopao na binili niya.

"Sino naman? Si Jared?" Tanong nito.

"How did you know?"

"Ang dali naman ng tanong mo. Sa loob ng apat na taon ako lang at si Jessica ang kilala mo rito school. Si Jared lang naman ang panay ang sunod sayo noong mga nakaraang araw. At imposible na kami ang iniiwasan mo?"

Tama nga naman ito. Masyado siyang focus sa pag aaral kaya hindi siya interesadong makakilala ng ibang tao. Si Jessica at Georgina ay sapat na para sa kanya.

"May nangyari ba sa inyo? Oh nagseselos ka kasi marami ang babaeng dine-date ni Jared?" Kumagat na rin ito sa binili nitong sandwich.

"Anong pinagsasasabi mo? Wala akong pakialam dun. Ayaw ko lang siyang makita." Saad niya. Ayaw na niyang pag usapan ang lalaki dahil lalo lang hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

"If you say so. By the way." Lumingon ito sa kanya. "Darating na si kuya mamaya."

Iyon ang nag patawag ng pansin sa kanya. "Si Iñigo?"

Georgina rolled her eyes. " May iba pa ba akong kapatid?"

"Oh my god!" Bulalas niya. " Susunduin mo ba siya?"

Excitement filled her. Dalawang taon na niyang hindi nakikita si Iñigo. Kaya ganun nalang ang reaksyon niya. Nagpunta ito sa america upang mag aral dahil ito ang magmamana ng business ng pamilya nito. Ang law firm ni tito Edwardo. Ang totoo ay gusto nitong kumuha ng medisina kagaya niya ngunit hindi maaari dahil ito ang lalaki sa pamilya, kaya ito ang kailangan mag manage ng law firm ng tatay nito.

Iñigo is her long lost crush. Simula pagkabata ay gusto na niya ito, dahil bukod sa napaka gwapo nito ay napakabait pa nito. Kaya maraming nagkakagusto rito. Naalala niya noong high school pa sila ay madalas silang magkasama sa library dahil parehas nilang gusto mag aral. Doon niya ito palihim na pinagmamasdan.

Napangiti siya pag naiisip niyang makikita niya itong muli. Marahil ay wala naman talaga siyang nararamdaman kay Jared. Baka napagkamali niya lang iyon dahil nainis siya sa ginawa nito. At ang gusto niya talaga ay si Iñigo.

"Ikaw ba ang susundo sa kanya?" Excited na tanong niya kay Georgina.

"Yup. Alam mo naman yun ayaw magtataxi. Why? Do you want to come with me?"

Tumango siya ng nakangiti. "Wala ka bang duty sa Café Freyja ngayon?"

"Pwede naman akong um-absent."

"Iba talaga ang nagagawa ni kuya sayo." Iiling-iling na sabi nito. At ipinagpatuloy ang pagkaen.

Excited na siyang makita ito.

-----

HMM! masarap ang kape nila rito." Sabi ni Dylan habang umiinom ng kape na inorder nito.

Kanina pa sila nasa Cafe Freyja. Dito sila nagtungo pagkatapos na pagkatapos ng klase nila. Nagbabaka sakaling makikita niya rito si Samantha.

Buong araw niyang hindi nakita ang dalaga. Nilibot na niya ang buong University ngunit hindi niya ito nahanap. Nang kausapin naman niya ang kaibigan nito na si Jessica upang tanungin kung pumasok ba si Sam ay sinabi naman nito na pumasok si Sam. Kaya naisip nalang niyang magtungo kung saan ito nagtatrabaho pero wala rin ito doon.

Hindi niya alam kung iniiwasan ba siya nito. Nais pa naman niya itong makausap. Upang linawin ang dapat linawin. Baka iniisip nito na tsinansingan lang niya ito kagabi ng magkita sila. Dahil bigla nalang itong nagalit sa kanya kagabi. Hindi pwedeng magalit ito dahil masisira ang diskarte niya.

Nang ilang araw siyang hindi pumasok ay na-realize niya na importante si Sam sa kanya. Dahil dati-rati naman ay hindi siya napapasok sa gulo lalo na kung ang babae ang dahilan. Hindi siya para makipag away, para lang sa isang babae. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang makilala niya si Samantha. Unang araw palang niya itong nakikila ay nakipag ayaw na siya agad dahil dito. Idagdag pa ang nangyaring engkwentro sa kanila ni Joshua noong nakaraang tatlong linggo. Makita palang na pinapahiya si Samantha ni Joshua ay kumukulo na ang kanyang dugo. Muntik pa siyang expelled dahil sa nangyaring iyon. Masyado lang maimpluwensya ang kanyang ama kaya hindi iyon nangyari. Hindi niya alam kung dapat niya bang ipagpasalamat ang pagiging makapangyarihan ng tatay niya. Dahil sa pagiging maimpluwensya nito ay nag drop out si Joshua sa school. Pinagbantaan pa siya nito na pag hindi nagtino ay ipapadala sa america at doon siya pag aaralin.

Kaya kailangan niyang umiwas sa kahit anong kalokohan ngayon. Dahil pagsinabi ng tatay niya at tyak na gagawin nito iyon.

Ilang araw niyang hindi pinansin si Sam at nagpakipot sa pag aakalang ito ang unang kakausap sa kaniya. Nagpapakita pa siya na may kasama siyang iba't ibang babae at nakikipag date sa mismong coffee shop kung saan ito nag tatrabaho. Pero wala man lang itong reaksyon. Hindi niya alam kung paano ba niya ito mapapaibig.

Napatingin siya sa may counter. Nakita niya roon ang lalaking barista. Kaya nag init nanaman ang dugo niya. Ito kasi ang lalaking nakita niya na nagpangiti kay Sam. Bakit ganoon nalang nito kadaling mapangiti si Sam? Samantalang pag siya ay lagi itong nakasimangot. Parang ang hirap hirap bilhin ng ngiti nito.

"Ano ba talagang ginagawa natin dito Jared?" Tanong ni Dylan sa kanya.

Sa halip na sagutin ang tanong nito ay nag tungo siya sa counter. "Excuse me." Pukaw niya ng pansin sa lalaking kinabu-bwisitan niya. Anong oras ang pasok ni Sam? Ang alam ko kasi ay 3 pm ang pasok niya pero wala pa rin siya ang hanggang ngayon rito." 'Control yourself Jared. Just be cool.'

Paalala niya sa sarili. Ayaw niyang masangkot na naman sa gulo.

"Wala si Sam ngayon. Tumawag siya kanina na hindi raw siya papasok ngayon." Sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Bakit daw siya hindi papasok?"

"Ang sinabi niya lang na dahilan ay may importante daw siyang gagawin."

"Ah ganun ba? Sige salamat." Ano kayang importante ang gagawin nito?

Bumalik na siya sa kinauupuan niya. "Ano? hindi daw papasok si Sam?"

Napalingon siya sa tanong ni Dylan. "Paano mo nalaman na nagtatrabaho si Sam dito?" Takang tanong niya dito. "Ngayon ka lang naman nakarating rito?"

"Alam mo, alam na alam ko kung paano mo ini-stalk si Sam. Alam ko na nagdadala ka ng mga babae dito para pag selosin si Sam. At alam ko rin na sinusundan mo siya pauwi." Sabi nito na may pagmamalaki.

"Paano mo nalamang.." Nabitin ang sasabihin niya rito dahil sa gulat.

"Been there, done that. And ilang beses din kita nakita. Kaya wala kang maitatago sa akin."

Hindi niya akalain na ang lihim na ginagawa niya ay nahahalata pala nito. Napaka galing pala nitong mag obserba.

"So, anong plano mo? Hindi ko alam na ganun pala kalakas ang tama mo kay Sam. Talaga bang gusto mo si Sam?" Maya maya ay tanong nito sa kanya.

" Ou." Tumingin siya rito. " Gusto ko si Sam." Pag amin niya.

Wala na rin namang dapat itago. At matagal na rin naman niyang inamin sa sarili niya na gusto niya ito.

Ipinatong nito ang dalawang braso sa lamesa. "Alam mo ba ang pinapasok mo? You've never been in a serious relationship before. At isa pa, paano kung malaman ng papa mo?"

Hindi niya pa naiisip ang bagay na iyon. "Saka ko na lang iisipin ang tungkol sa papa ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mapa-ibig ko si Sam.

'I will cross the bridge when I get there'

-----

NAGLALAKAD siya papasok sa campus nila ng tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino ang tumawag ay unregistered ito. Napakunot noo siya. Lahat ng kakilala niya ay naka save sa cellphone niya. Sino kaya ito?

"Hello?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Nasaan ka?" Tanong din ng nasa kabilang linya. Agad nagrigodon ang puso niya sa hindi malamang dahilan.

"Sino to?" Nagtataka siya dahil pamilyar ang boses nito.

"Hindi mo kilala ang nakatadhana sayo?"

Narinig niyang may tumawa sa kabilang linya.

'Pre talagang iba na tama mo.'

"Tigilan niyo ako! Istorbo kayo sa love life ko." Sita nito sa marahil ay mga kasama niyo. "Si Jared to. I can't believe you don't recognize my voice." May pagtatampo pa na sabi nito.

Nagulat siya. Si Jared pala ang nasa kabilang linya. Kahit boses palang nito ang naririnig niya ay ganoon na ang nagiging reaksyon ng puso niya. "P-paano mo nakuha ang number ko?"

" I have my ways. So nasaan ka nga? Bakit hindi kita nakita kahapon sa school tapos wala ka rin sa coffee shop. Nag aalala ako sayo. May sakit ka ba?"

Nang makarating sa sa school soccer field ng univesity nila ay umupo muna siya sa bench. "M-may importante lang akong ginawa kahapon." Simpleng sabi niya. Pero sobrang lakas na ng pintig ng puso niya. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? She really needs to compose herself right now.

"Ano naman iyon? Mas importante pa ba iyon kaysa makita ang gwapo kong mukha?" Mayabang na tanong nito. Kung dati rati ay pag nabanat ito ng mga ganoong linya ay naaasar siya, ngayon ehh parang wala na sa kanya ang ganun.

"Bakit ka ba napatawag at saan mo nakuha ang number ko?" Tanong na lamang nyang muli.

"Got you! Nakita na kita." Imbis ay sagot nito sa kanya.

"Sam." Napalingon siya sa tumawag sa kanya at para bang slow motion ang nasa paligid niya habang papalapit sa dereksyon niya si Jared. She never felt like this before. Kahit kay Iñigo ay hindi niya naramdaman ang ganun na pakiramdam. Ang akala niya ay sobrang gusto na niya si Iñigo dahil pag nakikita niya ito ay napapangiti siya ngunit hindi pala. Ano ba ang nakita niya kay Jared at bakit parang mas matindi ang nararamdaman niya para rito?

Hindi ito ang tipo niya. Isa itong mayabang na babaero. Pero ngayon ang tingin niya rito ay isang kaaya ayang tao. Na para bang bawat tingin nito sa kanya ay matutunaw siya. Pag tinatawag nito ang pangalan niya ay napaka sarap pakinggan.

"Hey." Sambit nito ng makarating ito sa kinaroroonan niya at umupo sa tabi niya. Umurong naman siya dahil ayaw niya magkadikit sila. Ngunit umurong din ito palapit sa kanya. Umurong na naman siya palayo. Pero gaya nang kanina ay umurong lang ulit ito palapit sa kanya. Nang umurong ulit siya ay mahuhulog na pala siya. Mabuti nalang at agad siyang na nasalo nito. Ang braso nito ay nakasalo sa baywang niya na para bang nakayap ito sa kanya. Ito ang dahilan kaya nagkalapit ang mga mukha nila.

Habang titig na titig siya sa mga mata nito ay parang tumigil ang mundo niya. Napaka lakas ng pintig ng puso niya. Wala na siyang iba nagawa kung hindi titigan ang gwapo nitong mukha. Wala na suko na siya. Talagang nagugustohan na niya ang lalaki.

Nasa ganoong sitwasyon sila ng may tumawag sa pangalan niya.

"Sammy?" Agad siyang napalingon sa taong tumawag sa kanya. Iisang tao lang kasi ang tumatawag sa kanya ng ganoon. At iyon ay si Iñigo.

Napatayo siya sa gulat ng makita ito. "A-anong ginagwa mo rito?" Tanong niya rito.

Lumapit naman ito sa kanya habang tinitingnan si Jared. "I was a about to go to my office pero nakita ko tong pasalubong ko sayo sa kotse. Maaga pa naman kaya dumaan muna ako dito." May inabot itong maliit na box. "Here, for you."

"Istorbo." Napalingon siya kay Jared na ngayon ay nakatayo na rin gaya niya.

Akmang aabutin niya ang regalo ni Iñigo ng may humila sa kanya. Napalingon siya sa gawi ni Jared. "She doesn't want that."

"And who are you?" Tanong ni Iñigo dito.

Bago sumagot at umakbay pa sa kanya si Jared. "You don't need to know."

"Ano ba?" Sabi niya kay Jared at tinanggal ang pagkaka akbay nito sa kanya. Lumakas na naman kasi ang pintig ng puso niya. Bawat galaw talaga nito ay nag wawala ang puso niya. "He's just my classmate." Sabi niya at muling lumapit kay Iñigo. Kinuha niya ang regalo nito. At binuksan iyon.

Isa itong gold bracelet na may letter S sa gitna niyon. "Wow! Ang ganda naman nito Iñigo." Bulalas niya. "Salamat."

Lumapit din si Jared at sinipat ang bracelet na hawak niya. "Pangkaraniwan lang naman ito." Kumento nito.

Napatingin siya ng matalim dito. Ano bang problema nito? Kahit napaka lakas ng pintig ng puso niya ay nahihiya siya kay Iñigo dahil sa pinag gagagwa nito. Pero hindi naman pinansin ni Iñigo ang komento nito, kinuha na lamang nito ang bracelet sa kamay niya at ikinabit iyon sa kanyang pulsuhan.

Ngunit ilang sandali lang ay may umagaw na naman ng kaniyang kamay. "Don't touch her." May pag babanta sa tinig ni Jared.

"You don't tell me what to do. Who do you think you are?" Sabi naman ni Iñigo na hindi nagpatinag kay Jared hinawakan din nito ang kamay niya. Ngayon ay napapagitnaan na siya ng mga ito. magkasing tangkad lang ang dalawa at l nakakadama na siya ng tensyon sa pagitan ng mga ito.

"Okay guys. Calm down." Siniko niya si Jared. At tinulak papalayo. Nagtatakang tiningnan naman siya nito. She just made a face. "Diba may klase ka pa?" Sabi niya rito.

"Wala akong kla-" Inapakan niya ang paa nito. "Aray!"

Pinanlakihan niya ito ng mata. "May klase ka pa. Umalis kana at baka malate ka pa!" Mabuti nalang at nakita niya si Dylan na papadaan malapit sa kanila. Kaya agad niya itong tinawag. "Dylan! Nandito si Jared! Diba may klase pa kayo."

Nagtataka namang napatingin sa kanila si Dylan. Siya naman ay kinindatan ito. Kailangan niya ng tulong nito ngayon. Tinulak niyang muli si Jared patungo kay Dylan. "Sige na umalis na kayo at may pag uusapan pa kami ng 'kuya' ni Georgina."

"Kuya ni Georgina?" At tumingin naman ito kay Iñigo na nakamasid lang sa kanila. at naintindihan naman nito ang sinabi niya. "Ahh oo may project pa kami-"

"Klase." Pagtatama niya rito.

"Ou nga klase pala." Hinila na nito si Jared.

Nakita niyang nagpupumiglas pa ito kay Dylan ngunit hindi naman nagpapatinag ang lalaki. Napailing na lang siya.

At iyon ang lalaking unang minahal niya. Tama kaya ang puso niya sa pagpili rito? Napailing nalang siya sa naisip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status