Share

Chapter 3

Author: DianNyx
last update Last Updated: 2023-06-10 05:30:04

"HI!" Napaangat ang tingin niya nang may umupo sa harap niya at bumungad sa paningin niya ang nakangiting mukha ni Jared. Kaya agad din siyang nawalan ng gana. Simula ng mangyari ang munting halik sa pagitan nilang dalawa noong isang linggo, ay hindi na siya nilubayan nito.

As in he is EVERYWHERE! Kahit saan man siya mag punta. Sa Canteen, sa soccer field, Sa cover court, sa Science lab sa classroom at dito sa library. Hindi niya alam kung sinusundan ba siya nito o talagang nagkakataon lang na nagkikita sila dahil sa tuwing kokumprontahin niya ito, ay palaging valid ang alibi nito.

"Ano naman ang ginagawa mo rito?" Inis na tanong niya rito.

"I'm with Rafael. We are making a project." Sabay turo nito sa lalaking nakasalamin sa tabing mesa nila. Kilala niya ito dahil isa ito sa mga classmate niya. Gwapo rin ito gaya ni Dylan pero iba pa rin ang kagwapuhan taglay ni Jared.

Ipinilig niya ang ulo sa naisip. 'Hindi gwapo si Jared! Isa siyang malaking balakid sa buhay ko!' Hiyaw niya sa isip. Ou nga't noong una ay nagwapuhan siya rito. Ngunit ngayon? Isa na lamang itong asungot sa buhay niya.

"Kung kasama mo siya, bakit nandito ka? Doon ka sa table niyo, huwag mo akong istorbuhin rito." Taboy niya rito.

"Na bored ako eh. Nakita kita rito kaya pinuntahan ko muna ang nag nakaw ng halik sa akin." Sabay kindat sa kanya.

'Heto nanaman kami.' Sambit niya sa isip. "I told you, that was just an accident. Malapit ka sa akin kaya.. k- kaya nangyari yon!"

Sumandal ito sa inuupuan nito at prenteng ipinatong ang siko sa ibabaw ng mesa. "I don't think so. Alam mong malapit lang ako sayo pero lumingon ka pa rin sa akin." Bahagya pa nitong tinapik ang mesa. "You did that on purpose."

"Pwede ba? Kung hindi ka bumulong sa akin ay hindi kita mahahalikan." bulong niya rito. At ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Ayaw niyang may makarining sa pinag uusapan nilang dalawa.

Ganun ang sistema nila tuwing magkikita sila. Lagi nitong ipinapaalala ang munting halik na napagsaluhan nila noonh nakarang linggo. Hindi naman ganon ka big deal iyon pero ginagawa nitong big deal. 'Are you sure? That was your first kiss for goodness sake!' Sambit niya sa isip.

Tama, iyon ang first kiss niya dahil never naman siyang nagkaroon ng boyfriend. Wala naman kasi siyang time para doon. At hinding hindi niya hahayaang malaman iyon ni Jared dahil alam niyang, lalo siya nitong hindi titigilan.

"You know what? Pwede ka namang umamin sa akin eh. Huwag kang mag alala, sanay na ako sa ganyang mga confession. You don't have to be bothered."

Huminga siya ng malalim. Nauubusan na talaga siya ng pasensya rito. "At ano naman ang aaminin ko sayo?" Iritang tanong niya rito. "Hindi ka ba busy? Mambabae ka nalang kaya? Isang linggo mo na akong inaabala." She rolled her eyes.

"Nagpapahinga muna ako diyan, ayaw kong magselos ka. You know, I'm a one woman man. " pagmamayabang pa nito.

Pumikit siya at nag bilang ng hanggang tatlo upang mapakalma niya ang kanyang sarili. Pagkatapos ay iniligpit na niya ang binabasang libro at inayos ang gamit niya. Kailangan na niya itong layuan bago pa siya tuluyang mapikon rito. Nasa library pa naman sila. Nakakahiya kung gagawa siya ng eksena doon.

Tumayo siya at aakmang aalis. "Teka lang saan ka pupunta?" Takang tanong ni Jared sa kanya.

"May mas importante pa akong dapat gawin kaysa makipag usap sayo." Papalabas na siya ng library nang makasalubong naman niya ang isa pang tinik sa lalamunan niya. Si Joshua. Ngayon lang uli niya ito nakita simula ng gabing iyon sa bar. Hindi niya alam ang nangyari dito. Akala niya ay hindi na ito papasok pa.

'Pagminamalas ka nga naman.'  Mukhang hindi niya talaga araw ngayon.

"Look who's here. The girl at the bar." Bahagya pa itong natawa. "Hindi talaga ako makapaniwala that you made me believe na isa kang kagalang galang na babae. Pero ang ending ay sa bar ka lang naman pala nag tatrabaho?" Malakas na sabi nito at tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.

Narinig niya ang mga bulong-bulongan ng mga tao roon. "I'm not in the mood to argue with you Joshua. So, if you'll excuse me." Aakma siyang lalagpasan ito ngunit hinarangan lang siya nito.

"Not so fast Samantha." He said with an evil grin.

"Ano ba Joshua?!" Angil niya rito. Nilibot niya ang tingin sa paligid. Dumarami na ang istudyanteng nakikiusyoso sa kanila.

"What's happening here?" Tanong ni Jared. Lumabas na rin pala ito ng library at nakatingin sa kanila ni Joshua.

"Oh, the knight in shining armour is here." Natawa na naman ito. "So tell me Jared, magkano ang binayad mo sa babaeng ito para makasama mo siya ng isang gabi?" Napasinghap ang mga tao sa paligid dahil sa sinabi ni Joshua.

Hinila muna siya ni Jared papunta sa likod nito bago ito nagsalita. "Kung ano man ang nangyari sa amin ng gabing iyon ay wala ka ng pakialam doon. Bakit hindi nalang natin pag usapan kung paano ko sinuntok ang mukha mo? Mukhang mas magandang topic iyon hindi ba?" Cool na sabi ni Jared dito.

"Napaka yabang mo talaga!" Agad na inundayan ng suntok ni Joshua si Jared ngunit gaya ng gabing niligtas siya Jared ay nakailag ito. At saka malakas na sinipa si Joshua dahilan upang matumba ito. Kinubabawan agad ni Jared si Joshua at sinuntok ito. Sumusuntok din si joshua rito at nagpaikot ikot ang mga ito sa sahig. Nang tatayo si Jared ay agad din namang nahila ni Joshua ang paa nito dahilan upang mawalan ito ng balanse at matumba.

"T-tama na iyan!" Sigaw niya. Hindi na niya alam ang gagawin sa pagkakataong iyon. Gaya ng mga taong nanroon ay natatakot siyang lumapit dahil baka madali siya ng dalawa. "Enough! Jared, Joshua!" Sigaw niyang muli.

"Anong meron dito?" Narinig niyang sinabi ng dumating. "Jared? Hey! Hey!" Napalingon siya rito. Si Dylan pala iyon. Agad nitong inawat ang dalawa. "That's enough! You two!" Sigaw pa nito. tumulong din sa pag awat si Rafael na nakalabas na rin pala ng library.

Naghiwalay naman ang dalawa at nakita niyang duguan ang mukha ni Joshua ganun din si Jared. Maya maya pa ay dumating na ang head ng school nila. Kasama ang tatlong school guards.

"Anong kaguluhan ito?" Tanong ni Mrs. Santos. Walang sino man ang nagsalita. Tiningnan nito ang dalawa. "Kayong dalawa sa office ko ngayon din!" At nag lakad ito patungo sa office kasunod ang tatlong lalaki.

-----

OH! SAM maaga ka yata ngayon?" Sambit ng katrabaho niyang si Adrian.

Ala una pa lang kasi ng hapon. Kakarating pa lamang niya ngayon sa Café Freyja. Ang coffee shop na pinag tatrabahuan niya. Cashier ang position niya roon. Alas tres pa talaga ng hapon ang oras ng duty niya rito. Maaga lang natapos ang klase niya dahil absent ang isa niyang professor. Kaysa naman mag tambay sa school ay nagpunta na siya dito. At least mababayaran pa ang oras niya.

"Maagang natapos ang klase ko kaya imbes na magtambay doon sa school ay nagpunta na lang ako rito." Sabi niya habang isinusuot ang apron niya.

"Napaka workaholic mo talaga Sam. Magpahinga ka naman kahit minsan lang." Sabi naman ni Franco, ang baker nila sa kanya.

Ngiti lang ang tugon niya rito. Matapos niyang ayusin ang sarili ay nagtungo na siya sa counter. Ready na siyang magtrabaho.

"Isang Caramel Macchiato at Cappuccino on the go." Order ng babaeng customer.

"Let me repeat your order ma'am. One Caramel Macchiato and Cappuccino on the go. Was that all ma'am?"  Tanong niya sa customer. Tumango naman ang customer. "That would be 460 pesos."

Ganito lagi ang routine niya. Pagkatapos ng klase ay dumideretso siya rito upang mag trabaho. Matagal na siya rito, mga apat na taon na. Ito ang bumubuhay at nag babayad ng ibang gastusin niya. Napakabait din ng may ari ng coffee shop na ito dahil pinapayagan nitong mag advance siya pag malapit na ang bayarin niya sa eskwelahan.

Speaking of school ay naalala niya ang nangyaring engkwentro kina Jared at Joshua noong nakaraang araw. Matapos ang pag aaway ng dalawa ay kinausap ang mga ito ng head ng school nila na si Mrs. Santos. Gusto niya sanang samahan si Jared ngunit pinigilan na siya ni George. Sinabi nitong hayaan na lamang si Jared tutal naman ay kasama nito si Dylan. Nagtanong ito kung anong nangyari at ikinuwento niya kung ano ba talaga ang nangyari noong gabing nagtrabaho siya sa bar.

Makalipas ang ilang oras ay nakita na lamang niya na may dumating na dalawang sasakyan lulan ang mga naka-uniform ng itim na mga lalaki, para bang mga presidential guards ang aurahan ng mga ito. Naroon pala ang mga iyon para sunduin si Jared.

Ang sabi ni Dylan ay mga tauhan daw iyon ng tatay ni Jared. Doon niya nakita kung gaano ka layo ang antas ng pamumuhay nila ni Jared at kung gaano ka impluwensya ng ama nito.

Lumipas ang ilang araw, ngunit hindi niya nakita si Jared sa school. Nabalitaan niya rin na nag drop out na si Joshua at hindi na muling magpapakita pa sa school.

Ang sabi ni George ay malaki ang posibilidad na kagagawan iyon ng tatay ni Jared. Dahil sobrang maimpluwensyang tao ito. At malamang sa malamang ay lumipat na din ng pinapasukang University si Jared dahil sa nangyari.

Maraming nagalit sa kanya dahil sa balitang iyon. Lalo na ang mga babaeng istudyante na may gusto kina Jared at Johua. Tuwing kakaen siya sa canteen ay iba't ibang parinig ang nahahagip ng tainga niya patungkol sa kanya. Hinahayaan na lamang niya iyon dahil totoo naman na siya ang dahilan kung bakit aalis sa Univerisity si Jared.

Naputol ang pag mumuni-muni niya ng may kumatok sa ibabaw ng counter. Napatingin siya rito at laking gulat niya ng malaman kung sino iyon. Si Jared.

"One affogato, please." Sabi nito na para bang hindi siya nito kilala.

Ilang saglit niyang pinag-aralan ang mukha nito. May band aid pa ang kaliwang pisngi nito at mahahalatang may bakas pa ng pasa ang kanang labi nito. May benda pa rin ang kanang kamay nito.

Gusto niyang kamustahin ito ngunit nahihiya siya dahil siya ang may kasalanan kung bakit ganito ang hitsura nito ngayon. "Let me repeat your order sir." Sabi na lamang niya. "One affogato, is that all sir? Do you want to order a dessert sir?"

Umiling ito. "No, that would be all. Thank you."

"That's 265 pesos sir." Binigyan siya nito ng buong isang libo. Matapos niya itong suklian ay nagtungo na ito sa bakanteng mesa di kalayuan sa counter.

Marahil ay galit ito sa kanya dahil na nangyari dito. Lalo tuloy siyang nakonsensya. Napabuntong hininga na lamang siya.

"Anong pangalan ang ilalagay dito?" Tanong sa kanya ni Adrian.

"Ako nalang ang mag dadala niyan sa customer. Wala naman gaanong tao ngayon dito." Sabi niya.

"Uyyy mukhang type mo yun si sir ah." Pang aasar pa nito sa kanya.

"Tigilan mo ako Adrian. Gawin mo nalang iyan para maihatid na sa customer."

"Yes ma'am!" Sumaludo pa sa kanya si Adrian. Napangiti siya. Baliw talaga ito kahit kailan. Nang mapalingon siya sa gawi ni Jared ay nakita niyang nakamasid ito sa kanya ngunit agad din naman itong umiwas ng tingin nang mapatingin siya rito.

Maya maya pa ay iniabot na ni Adrian ang order ni Jared. "Bigay mo na sa crush mo." Sabi pa nito. Ngunit hindi na niya iyon pinatulan pa. Nagtungo na lang siya sa kinaroroonan ni Jared.

"Ito na po ang order niyo sir." Iniabot niya rito ang order nito.

"Thank you." Iyon lang ang sinabi nito at humigop na ng kape.

Mukhang hindi na talaga siya nito papansin kaya bumalik nalang siya sa counter.

Pinagmamasdan niya lang ito habang humihigop ng kape. Para kasing ang layo ng iniisip nito. Mukhang may pinagdadaanan ito ngayon. Marahil ay masama ang loob nito dahil lilipat ito ng eskwelahang pinapasukan. Siguro nga ay napakalupit ng tatay nito. Nakita niya itong tumayo at lumabas ng coffee shop nila.

'Hindi manlang ako kinausap.' Malungkot na sabi niya sa isip. Sinundan na lamang niya ito ng tingin habang papalayo.

-----

NAKA PANGALUMBABA si Samantha habang nakaupo sa isa sa mga bench ng eskwelahan nila. Katatapos lang ng exam niya kaya naubos ang kanyang lakas. Naroon siya upang mag muni-muni muna habang pinag mamasdan lang niya ang mga istudyante na naglalakad.

"Sam!" Napalingon siya ng may tumawag sa kanya. Si jessica pala iyon. "Kamusta ang exam mo?" Tanong nito sa kanya.

"Maayos naman, feeling ko naman makakapasa ako." Maikling pahayag niya at ibinalik ang tingin sa mga nag lalakad na istudyante sa eskwelahan nila.

"Buti ka pa. Samantalang ako parang sumabog yata lahat ng ugat ko sa ulo kanina. Tapos ang dami ko pang hindi nasagutan." Bumuntong hininga pa ito. "Bakit ba hindi niyo man lang ako binigyan ng talino ni George?"

"Matalino ka. Marami ka lang ginagawa dito sa school kaya hindi ka nakapag review. " Hinarap niyang muli ito." Sabi naman kasi namin sayo huwag ka ng mag bida bida at tanggihan mo na ang pagiging student Council President tutal naman 2 years kana sa position na iyon. Pero ginusto mo pa rin, kaya ngayon ay nahihirapan ka." Palatak niya.

"You know me. I can't afford to lose my position."

"Kung makapagsalita ka ay akala mo naman, may napapala ka sa position mo na iyan."

"Meron naman ah. I became famous because of that." Iyon talaga ang dahilan kung bakit hindi nito maiwan iwan ang pagiging student council president nito dahil iniisip nito na pag nawala na rito ang position ay wala na rin ang pagiging sikat nito.

Naaalala niya pa kung pano niya ito nakilala. Si George ang unang naging kaibigan nito. Dahil siya naman ay walang pakialam kung magkaroon ng kaibigan o wala ang importante kasi sa kanya ay ang pag aaral niya.

Nagkataong na iisang private high school lang ang pinasukan nilang tatlo. Siya ay nadamay lang kay Georgina dahil ang tatay nito ang nag babayad ng tuition fee niya ng mga panahon na iyon. Kaya madalas ay sabay silang pumasok at umuwi.

Isang araw habang inaantay niya si Georgina pauwi ay tin-ext siya nito at sinabing pumunta siya sa backyard ng school.

'Naglalakad siya papunta sa likod ng eskwelahan. Nang marinig niya ang boses ni Georgina.

"Yan lang ba ang kaya niyo? Mahihina pala kayo eh!" Mayabang na sabi nito. Napatakbo siya papunta sa kinaroroonan nito.

Naabutan niya na may tatlong istudyanteng babae na nakasubsob sa lupa sa lugar na iyon. Nakaharap rito si George at sa may likod naman ni George ay isang istudyanteng nakauniform at nakaupo sa lupa. May mga sugat ito sa mukha at braso pati na rin sa binti.

Nakilala niya ito. Si Jessica. Minsan na niyang nakitang kasama ito ni George. .Magkaklase kasi ang mga ito.

Tumalikod si George sa tatlong babae at hinarap si Jessica. "Are you okay?" Tanong ni George kay Jessica. Pero sa halip na sumagot ay umiyak lang ito ng umiyak. Kaya tinulungan nitong tumayo si Jessica. Siya naman ay akmang lalapit sa dalawa ngunit napansin niyang nakatayo na rin ang dalawang babae sa likod ni Georgina.

Nang akmang susugod ang dalawang babae sa walang ka alam alam na si Georgina ay tumakbo na siya patungo rito. Sinipa niya ang isang babae at sinuntok naman ang isa. She and George know how to fight. Dahil palihim silang sumali sa taek kwon do class kahit ayaw ng tatay nito. Ayaw kasi ni tito Edwardo na masasaktan ang unica hija nito.

Muling bumagsak ang dalawa sa lupa. Napalingon naman sa kanya si Georgina. "Nandito kana pala." Sabi nito. Napatingin ito sa dalawang babae na ngayon ay walang malay dahil sa pagkakasipa at pagsuntok niya. "Thank you."

"Anong nangyari dito?" Takang tanong niya. " Kailan ka pa naging basagulera?" Inakay na din niya si Jessica upang tulongan ito.

"They are not after me. Iyan ang mga nambubully kay Jessica."

Sambit nito habang papalakad sila.'

Nang araw din na iyon. Ikinuwento na ni George kung bakit nito laging kasama si Jessica. Naabutan pala nito na magpapakamatay si Jessica. Mabuti nalang at dumating ito at napigilan ang pagtatangka ni Jessica sa kaniyang buhay. Doon nalaman ni George na binubully pala si Jessica ng mga kaklase nila. Kaya simula noon ay naging tagapag tanggol na nito si George. Siya naman ay binabantayan na din ito hanggang sa tuluyan na niya itong naging kaibigan.

Malaki na ang ipinagbago nito mula noon at natutuwa siya sa pagbabagong nangyari dito.

"You will not lose your fame. Sikat kana sa school na ito dahil naipamalas mo ang galing mo sa pagiging leader." Inakbayan niya ito. "You will always be known."

Ngumiti ito. "Kung hindi ko kayo nakikila ni Georgina. Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko."

Ngumiti na din siya." Tumigil ka nga at baka magkaiyakan pa tayo dito." Sabi niya at ibinalik ang tingin sa mga istudyante. Nang may mapansin.

Sa di kalayuan ay nakita niya si Jared na may kasamang babae. Masaya itong nakikipag usap. Mukhang nang bababae na naman ito. Balik sa dating gawi.

Simula kasi ng pumasok itong muli ay ganun na ang ginagawa nito. Hindi na rin talaga siya nito pinapansin kahit ilang beses pa silang magka salubong sa hallway ng school nila. Gusto niya sanang humingi ng paumanhin dito ngunit wala siyang lakas ng loob, lalo na at hindi na naman siya pinapansin nito. Kaya hinayaan na lamang niya ito. Baka ito talaga ang gusto nitong mangyari. Sabi naman ni George ay marahil napagod nang magpapansin ito sa kanya kaya ganon.

Ang ipinagtataka niya ay simula ng magpunta ito sa coffee shop na pinag tatrabahuhan niya ay walang araw na hindi ito nag pupunta. Yun nga lang ay iba't ibang babae ang kasama nito sa bawat araw. Ang iba ay sa school din nila nag aaral, ang iba naman ay hindi niya alam kung saan nito nakuha. Naalala niya nga isang beses ng umorder ito ng coffee para dito at sa kadate nito ay sa halip na pangalan ng kadate nito nang araw na iyon ang isulat niya ay ang kadate nito noong nakaraang araw ang naisulat niya. Nang tawagin ko ang pangalan na nakasulat sa cup ng kape ay walang napunta sa counter kaya napilitan akong ibigay sa mga ito ang kape. Doon ko lang na pagtanto na hindi pala iyon ang pangalan ng ka-date ni Jared. Kaya nag walk out ang babaeng ka date nito.

Hindi naman niya sinandya iyon. Nalito lang talaga siya sa pangalan na dapat ilagay. Ang dami kasi nitong dini-date eh.

"Akala ko talaga magiging kayo na ni Jared." Sambit ni Jessica. Nakatingin rin pala ito sa gawi ni Jared.

"Bakit naman magiging kami? Nakita mo naman kung gaano ka babaero yan. Saka wala sa isip ko ang pumasok sa relasyon." sabi niya. Totoo naman yun. Ang ayaw niya sa lahat ay ang pagiging babaero. Kaya lang naman niya ito gustong makausap dahil nais niya na manghinga ng paumanhin dito.

"I thought he likes you."

"That's imposible."

Tumayo na siya. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Jessica.

"Papasok na ako ng trabaho. Ayoko ng magtambay dito. Hindi naman ako kumikita sa pagtatambay."

"Sama ako." Parang bata pang sabi ni Jessica habang ikinawit nito ang braso sa kanang braso niya.

"Yong pinakamahal yung orderin mo ahh para matuwa naman ako." Nakangiting sabi niya rito.

"Kahit bilhin ko pa buong coffee shop niyo." Natatawang biro nito. Na ikinatawa niya rin.

-----

9:30PM na ng ay naglalakad pa rin siya. Kaka-out niya lang sa trabaho niya. Madalas ay 6 pm lang ang out niya ngunit absent si Adrian ng araw na iyon kaya nag o.t na lamang siya dagdag kita rin naman iyon.

Abala siyang nag ku-kuwenta ng mga bayarin niya habang nakayuko at naglalakad pauwi sa apartment niya. Kahit anong kwenta niya ay hindi talaga sapat ang kinikita niya sa pag papart-time sa coffee shop. Kailangan niya talaga ng isa pang part-time job. Bukas na bukas din ay mag hahanap siya ng isa pang trabaho.

"Bakit ngayon ka lang?" Halos mapatalon siya sa gulat ng may biglang mag salita sa gilid niya. Agad siyang napalingon sa pinagalingan ng boses na iyon. Ngunit hindi niya maaninag kung sino ito dahil madilim ang gilid ng daanan. Hindi pa kasi naaayos ang street light malapit sa apartment niya.

Bahagya pa siyang lumapit para makita kung sino ang nag salita. Laking gulat nalang niya nang makilala kung sino ito.

"Jared?!"

Anong ginagawa nito rito? At paanong nalaman nito kung saan siya nakatira?

Related chapters

  • Loving Jared   Chapter 4

    "JARED!?" Bulalas niya ng makilala kung sino ang nag salita. Ano ang ginagawa nito rito? At paano nito nalaman kung saan siya nakatira?"Bakit ngayon ka lang nakauwi? Hindi ba 6 pm lang ang out mo?" Tanong nito. "Nakipag-date ka pa ba?""Nag overtime ako." Wala sa sariling sagot niya. "Paano mo naman nalaman ang oras ng pag out ko?" Nagtatakang tanong niya. "Wala ka na roon." Sabi nito at naunang maglakad sa kanya. Siya naman ay naiwang tulala at nagtataka.Lumingon ito sa kanya ng maramdaman nito na hindi niya ito sinusundan. "Ano pang ginagawa mo riyan? Hindi ka pa ba uuwi? Lumalalim na ang gabi."Agad din naman siyang naglakad papunta sa direksyon ng apartment niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya ng makalapit siya rito."Inantay ka ng tatlong oras, hindi pa ba obvious yun?" Sabi nito. "Una, sinampal mo ako noong unang pagkikita natin. Pangalawa, hinalikan mo ako ng walang paalam. Pangatlo, muntik na akong ma-expelled dahil sayo at noong bumalik ako ay hindi mo man lang ako

    Last Updated : 2023-06-11
  • Loving Jared   Chapter 5

    "I MISSED this." Sambit ni Iñigo habang kumakaen sila ng cup noodles sa convenience store sa loob ng school. Niyaya kasi siya nitong kumaen dahil wala pa raw itong almusal. Kaya sa convenience store niya nalang ito dinala, para hindi na rin sila lumayo pa. "Wala bang convenience store sa america?" Tanong niya rito habang kumakaen. "Meron, what I mean is, with you." Hinarap siya nito. "I missed being with you."Ngumiti siya. Siya rin naman ay na miss ito. Kung si Georgina at Jessica ang mga kaibigan niyang babae, ito naman ang kaibigan niyang lalaki. Idadag pa na lihim niyang crush ito noong high school."So how are you? Hindi tayo masyadong nagkausap dahil ang bilis mag maneho ni Georgina." Tanong nito sa kanya. "Parehas lang naman kayo." Komento niya."Of course not. Hindi ako ganoon magmaneho pag may kasama ako sa loob ng sasakyan." Tanggi nito. Ngumiti naman siya."So mabalik tayo. Kamusta ka?""I'm fine, next sem ay mag i-internship na ako." Sabi niya. "That's good to know. Un

    Last Updated : 2023-06-13
  • Loving Jared   Chapter 6

    Jessica, what is this?" Jared asked on the other line. He is talking to Jessica now. He immediately called her when Sam mentioned that he was the one who said that he was looking for a cook and a dishwasher. Hindi niya alam na ganun pala ang plano nito dahil kanina, ng pinaki-usapan niya ito na tulungan siya para mapa-ibig si Sam ay pumayag naman ito at sinabing may maganda itong plano. Hindi niya lang alam na ito pala ang paraan na sinasabi nito."What? You want to be with her, right? Ayan. Makakasama mo siya gabi-gabi. Pwede mo na siyang pa-ibigin ng hindi niya namamalayan." Sabi nito sa kabilang linya. "I want to be with her and make her fall in love with me but not in this kind of way." Sinilip niya si Sam na nakaupo sofa at ngumiti ng makita niyang nakatingin ito sa kanya. "Ayaw kong magtrabaho siya para sa akin.""Kung hindi siya mag-tatrabaho sayo ay hindi ka mapapalapit sa kanya. " Napaisip siya sa sinabi nito. May punto nga naman kasi ito. "Alam mo naman na trabaho ang impor

    Last Updated : 2023-06-14
  • Loving Jared   Chapter 7

    "ANONG ibigsabihin nito? Bakit magkahawak kamay kayo?" Sa paraaan ng pagkakatanong ni Jared kay Sam at Iñigo ay para bang malaki ang nagawa nilang kasalanan. Nang makasalubong nila ito ay tinanguan niya lamang ito at niyaya na niya si Iñigo na umalis sa lugar. Ngunit papasakay palang sila ng sasakyan ay bigla nanaman itong nagsalita sa likod nila. Nakasunod pala ito sa kanila. "Ano bang ginagawa mo rito?" Balik na tanong ni Sam. Bakit ka nagtatanong? Ako ang unang nagtanong ahh." Apila naman nito."Kung magkahawak man kami ng kamay ay wala ka ng pakialam don pare." Sabi ni Iñigo at inakbayan pa siya nito. Lalo namang sumama ang tingin ni Jared. Sa tingin niya ay anumang oras ay maghahamon na ito ng away. "Wala kang karapatang hawakan si Sam." Akmang tatanggalin nito ang pagkakaakbay ni Iñigo sa kanya ng ilayo ito ni Dylan. "Take it easy man." Pigil ni Dylan kay Jared. "Bakit ba ang init ng ulo mo." Nakahawak si Dylan sa magkabilang balikat ni Jared. Habang si Jared naman ay masam

    Last Updated : 2023-06-15
  • Loving Jared   Chapter 8

    "Hey." Napalingon si Samantha kay Georgina na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya. "No class?" Nasa canteen sila ngayon at dahil wala ang prof niya sa first period ay na pag-pasyahan niyang dito na lang muna pumunta. Nagugutom din siya dahil hindi siya nakapag almusal kanina. Hindi siya nakatulog buong magdamag kakaisip sa napag usapan nila ni Jared. Nagkasundo kasi sila na bibigyan niya ng pagkakataon ang binata. 'Isang buwan.' Sa isang buong buwan ay liligawan siya ng lalaki. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Dapat niya ba talagang pagbigyan si Jared? Naiisip niya na baka lalo lang nitong paguluhin ang buhay niyang magulo na. At paano kung masaktan lang siya sa huli? Alam niyang mag kaiba ang estado ng buhay nila ni Jared at masyadong maimplowensya ang tatay nito. Paano na siya?'Manliligaw pa lang si Jared. Ang layo na nang narating ng utak ko.' ipinilig niya ang ulo sa naisip. Umiling siya. "Wala yung prof namin sa first period kaya pumunta

    Last Updated : 2023-06-22
  • Loving Jared   Chapter 9

    ABALANG nag aayos ng gamit si Samantha ng araw na iyon. Naghahanda siya dahil uuwi siya bukas sa probinsya upang bisitahin ang mama niya. Matagal tagal na din niyang hindi ito nakikita. Mag iisang taon na rin, dahil naging busy siya sa pag aaral pero kahit naman ganun ay hindi siya nagpapabaya rito. Lagi pa rin niya itong kinakamusta sa telepono at pinadadalhan ng pera pag may sobra siya. Sana ay nasa maayos itong kalagayan. Sana ay hindi na rin ito binububog ng amain niya. Maya maya ay tumunog ang cellphone niya hudyat na may nag text sa kanya. Agad naman niya iyong dinampot upang tingnan kung sino ang nagtext sa kanya. Nang makita kung sino ito ay agad siyang napangiti. Si Jared pala iyon. 'From: My Loving JaredBusy ka ba? Bakit hindi ka nagte-text? Kanina pa ako text ng text sayo hindi ka nagrereply? Hindi mo na babako mahal?'Natawa siya habang binabasa ang text nito. Mansan ay hindi niya alam kung maiinis ba o matutuwa sa inaasal nito. Sino bang mag aakala na ang tinaguriang

    Last Updated : 2023-07-07
  • Loving Jared   Chapter 10

    "J-JARED?" Nanlaki ang mga mata ni Samantha ng Inilahad nito ang kamay sa harap ng mama niya.makita kung sino ang bumaba ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. "A-anong ginagawa mo rito at paano mo nalaman kung na saan ang lugar namin?" Sabi niya. Sa halip na sumagot sa kanya ay may kinuha ito sa backseat ng sasakyan nito. Dalawang plastic bag na sa tingin niya ay grocery items ang laman at isang basket na puno ng prutas ang dala nito. "What the hell?" Hindi niya napigilang komento. Ano na naman kaya ang nakain nito ngayon?Binalingan siya ng kanyang ina. "Sino siya Sam?" Takang tanong nito sa kanya. "Magandang gabi po. Pasensya na sa abala. Bago po ako makapag pakilala ng pormal ay pwede po ba akong makapasok? Medyo mabigat kasi itong dala ko. Pasensya na ho." Magalang na sabi ni Jared. Pero hindi kumilos si Sam. Shock pa rin siya sa pagdating ng binata.Nang mapansin naman ng mama nya na hindi pa rin siya gumalaw ay ito na ang nag bukas ng gate para kay Jared. "Halika, pumasok ka n

    Last Updated : 2023-07-07
  • Loving Jared   Chapter 11

    "MAGANDANG gabi po seniorito." Tumango lang si Jared ng batiin ni aling Nimfa. Ang isa sa mga kasambahay nila sa mansion. Alas otso na ng gabi ng makarating sila sa mansion ng papa niya. Habang nasa byahe ay wala silang imikan. That was the most awkward moment of his life. Hinarap niya ang papa niya ng makataring sila sa sala ng mansion. Hindi niya kayang manatili sa lugar na iyon.Ayaw niyang iwanan si Samantha ngunit wala siyang choice dahil mukhang hindi naman magpapapigil ang papa niya sa pag sundo sa kanya. Alam naman niyang safe na makakauwi si Sam dahil naroon naman si Zion. Pero ang hindi niya alam ay kung paano ba nalaman ng tatay niya kung nasaan siya? Samantalang wala naman siyang pinagsabihan kung saan siya pupunta. Hindi kaya nag hire na rin ito ng mag imbestigador para alamin ang mga ginagawa niya?Sabagay hindi na rin naman nakakapagtaka iyon dahil malawak ang koneksyon nito. May kakayahan itong gawin posible ang imposible. Pagpasok niya sa mansyon ay saglit niyang na

    Last Updated : 2023-07-21

Latest chapter

  • Loving Jared   Chapter 14

    "NAPAKA workaholic mo talaga kahit kailan." Komento ni Samantha kay Iñigo. Kasalukuyang nasa opisina siya nito. Dahil doon siya pinapunta ng binata nang makausap niya ito kanina. Kailangan niya ng tulong nito dahil ito lang ang kilala niyang maaaring makatulong sa kanya sa mga gusto niyang malaman mula sa nakaraan.Gusto niyang malinawan kung ano ba talaga ang kuneksyon ng kanyang ama sa tatay ni Jared at bakit ganun na lang ang naging reaksyon ng kanyang amain nang malaman nito ang relasyon nila ni Jared. Marami siyang katanungan na gusto niyang masagot. "So, bakit gusto mo akong makausap? Pwede naman tayong mag usap sa cellphone. Baka mag selos pa yung boyfriend mong tukmol." Sabi nito. Ewan niya ba kung bakit mainit ang dugo nito kay Jared. Sabagay mainit din ang dugo ni Jared dito. Hindi talaga niya alam kung ano bang nangyari sa dalawang ito at bakit ganon na lang ang trato ng mga itto sa isa't isa. Pero hindi naman iyon ang pinunta niya rito. May nais siyang malaaman at iyon a

  • Loving Jared   Chapter 13

    "ANONG ginagawa mo rito?" Tanong ni Samantha nang makilala ang lalaking nanloob sa apartment niya."A-aray! Bitawan mo muna ako para makapag-explain ako ng mabuti sayo." Sabi naman ni Jared sa kanya.Agad naman niyang binitawan ang lalaki. "Now, talk." Utos niya rito. Umupo naman ito sa sofa habang hinihilot ang nasaktang braso nito. "Napaka bayolente mo talaga kahit kailan. Magkaibigan nga kayo ni Georgina." Himutok ito."I'm still waiting for you to answer my question." Sabi niya rito. Kahit naman nami-miss niya ito ay kailangan pa din niyang maintindihan ang mga nangyayari."Tumakas ako sa mansyon. Because I don't want to go to America." Tiningnan siya nito. "I want to be with you."Sa isang iglap ay nawala lahat ng nararamdaman niyang pangungulila dito. "Pero ano na ang gagawin mo sa papa mo? Tiyak na ipapahanap ka niya pag nalaman niyang wala ka sa mansyon." Tanong niya rito. Kahit naman gusto niya ang ginawa nito ay ayaw niya pa ding mapahamak ito nang dahil sa kanya."Kaya ng

  • Loving Jared   Chapter 12

    "SAMANTHA!" Napalingon si Samantha sa tumawag sa kanya. Nakita niya si Georgina at Jessica na naglalakad patungo a kinaroroonan niya. Kasalukuyan kasing nasa soccer field siya ng mga oras na iyon. Katatapos lang ng klase niya at wala pa siya sa mood na pumasok sa trabaho. Kaya doon muna siya nagtungo upang makapag muni-muni. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jessica nang makarating ang dalawa sa kinaroroonan niiya. Umupo ang dalawa sa tabi niya."Wala gusto ko lang mag muni-muni rito." Maikling tugon niya."Alam na namin ang nangyari. May balita ka na ba kay Jared?" Sabi naman ni George sa kanya."Wala pa, Nag-try din akong tawagan ang cellphone niya pero hindi ko ma-contact." Sabi niya rito. Simula kasi nang sunduin si Jared ng tatay nito ay hindi na sila muli pang nagkausap ng binata. Ilang beses na niya itong tinawagan pero hindi niya ma-contact ang cellphone nito. Ilang beses din siyang nagpunta sa condo ng binata ngunit ang sabi ng isang kapit bahay nito ay may mga lalaking

  • Loving Jared   Chapter 11

    "MAGANDANG gabi po seniorito." Tumango lang si Jared ng batiin ni aling Nimfa. Ang isa sa mga kasambahay nila sa mansion. Alas otso na ng gabi ng makarating sila sa mansion ng papa niya. Habang nasa byahe ay wala silang imikan. That was the most awkward moment of his life. Hinarap niya ang papa niya ng makataring sila sa sala ng mansion. Hindi niya kayang manatili sa lugar na iyon.Ayaw niyang iwanan si Samantha ngunit wala siyang choice dahil mukhang hindi naman magpapapigil ang papa niya sa pag sundo sa kanya. Alam naman niyang safe na makakauwi si Sam dahil naroon naman si Zion. Pero ang hindi niya alam ay kung paano ba nalaman ng tatay niya kung nasaan siya? Samantalang wala naman siyang pinagsabihan kung saan siya pupunta. Hindi kaya nag hire na rin ito ng mag imbestigador para alamin ang mga ginagawa niya?Sabagay hindi na rin naman nakakapagtaka iyon dahil malawak ang koneksyon nito. May kakayahan itong gawin posible ang imposible. Pagpasok niya sa mansyon ay saglit niyang na

  • Loving Jared   Chapter 10

    "J-JARED?" Nanlaki ang mga mata ni Samantha ng Inilahad nito ang kamay sa harap ng mama niya.makita kung sino ang bumaba ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. "A-anong ginagawa mo rito at paano mo nalaman kung na saan ang lugar namin?" Sabi niya. Sa halip na sumagot sa kanya ay may kinuha ito sa backseat ng sasakyan nito. Dalawang plastic bag na sa tingin niya ay grocery items ang laman at isang basket na puno ng prutas ang dala nito. "What the hell?" Hindi niya napigilang komento. Ano na naman kaya ang nakain nito ngayon?Binalingan siya ng kanyang ina. "Sino siya Sam?" Takang tanong nito sa kanya. "Magandang gabi po. Pasensya na sa abala. Bago po ako makapag pakilala ng pormal ay pwede po ba akong makapasok? Medyo mabigat kasi itong dala ko. Pasensya na ho." Magalang na sabi ni Jared. Pero hindi kumilos si Sam. Shock pa rin siya sa pagdating ng binata.Nang mapansin naman ng mama nya na hindi pa rin siya gumalaw ay ito na ang nag bukas ng gate para kay Jared. "Halika, pumasok ka n

  • Loving Jared   Chapter 9

    ABALANG nag aayos ng gamit si Samantha ng araw na iyon. Naghahanda siya dahil uuwi siya bukas sa probinsya upang bisitahin ang mama niya. Matagal tagal na din niyang hindi ito nakikita. Mag iisang taon na rin, dahil naging busy siya sa pag aaral pero kahit naman ganun ay hindi siya nagpapabaya rito. Lagi pa rin niya itong kinakamusta sa telepono at pinadadalhan ng pera pag may sobra siya. Sana ay nasa maayos itong kalagayan. Sana ay hindi na rin ito binububog ng amain niya. Maya maya ay tumunog ang cellphone niya hudyat na may nag text sa kanya. Agad naman niya iyong dinampot upang tingnan kung sino ang nagtext sa kanya. Nang makita kung sino ito ay agad siyang napangiti. Si Jared pala iyon. 'From: My Loving JaredBusy ka ba? Bakit hindi ka nagte-text? Kanina pa ako text ng text sayo hindi ka nagrereply? Hindi mo na babako mahal?'Natawa siya habang binabasa ang text nito. Mansan ay hindi niya alam kung maiinis ba o matutuwa sa inaasal nito. Sino bang mag aakala na ang tinaguriang

  • Loving Jared   Chapter 8

    "Hey." Napalingon si Samantha kay Georgina na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya. "No class?" Nasa canteen sila ngayon at dahil wala ang prof niya sa first period ay na pag-pasyahan niyang dito na lang muna pumunta. Nagugutom din siya dahil hindi siya nakapag almusal kanina. Hindi siya nakatulog buong magdamag kakaisip sa napag usapan nila ni Jared. Nagkasundo kasi sila na bibigyan niya ng pagkakataon ang binata. 'Isang buwan.' Sa isang buong buwan ay liligawan siya ng lalaki. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Dapat niya ba talagang pagbigyan si Jared? Naiisip niya na baka lalo lang nitong paguluhin ang buhay niyang magulo na. At paano kung masaktan lang siya sa huli? Alam niyang mag kaiba ang estado ng buhay nila ni Jared at masyadong maimplowensya ang tatay nito. Paano na siya?'Manliligaw pa lang si Jared. Ang layo na nang narating ng utak ko.' ipinilig niya ang ulo sa naisip. Umiling siya. "Wala yung prof namin sa first period kaya pumunta

  • Loving Jared   Chapter 7

    "ANONG ibigsabihin nito? Bakit magkahawak kamay kayo?" Sa paraaan ng pagkakatanong ni Jared kay Sam at Iñigo ay para bang malaki ang nagawa nilang kasalanan. Nang makasalubong nila ito ay tinanguan niya lamang ito at niyaya na niya si Iñigo na umalis sa lugar. Ngunit papasakay palang sila ng sasakyan ay bigla nanaman itong nagsalita sa likod nila. Nakasunod pala ito sa kanila. "Ano bang ginagawa mo rito?" Balik na tanong ni Sam. Bakit ka nagtatanong? Ako ang unang nagtanong ahh." Apila naman nito."Kung magkahawak man kami ng kamay ay wala ka ng pakialam don pare." Sabi ni Iñigo at inakbayan pa siya nito. Lalo namang sumama ang tingin ni Jared. Sa tingin niya ay anumang oras ay maghahamon na ito ng away. "Wala kang karapatang hawakan si Sam." Akmang tatanggalin nito ang pagkakaakbay ni Iñigo sa kanya ng ilayo ito ni Dylan. "Take it easy man." Pigil ni Dylan kay Jared. "Bakit ba ang init ng ulo mo." Nakahawak si Dylan sa magkabilang balikat ni Jared. Habang si Jared naman ay masam

  • Loving Jared   Chapter 6

    Jessica, what is this?" Jared asked on the other line. He is talking to Jessica now. He immediately called her when Sam mentioned that he was the one who said that he was looking for a cook and a dishwasher. Hindi niya alam na ganun pala ang plano nito dahil kanina, ng pinaki-usapan niya ito na tulungan siya para mapa-ibig si Sam ay pumayag naman ito at sinabing may maganda itong plano. Hindi niya lang alam na ito pala ang paraan na sinasabi nito."What? You want to be with her, right? Ayan. Makakasama mo siya gabi-gabi. Pwede mo na siyang pa-ibigin ng hindi niya namamalayan." Sabi nito sa kabilang linya. "I want to be with her and make her fall in love with me but not in this kind of way." Sinilip niya si Sam na nakaupo sofa at ngumiti ng makita niyang nakatingin ito sa kanya. "Ayaw kong magtrabaho siya para sa akin.""Kung hindi siya mag-tatrabaho sayo ay hindi ka mapapalapit sa kanya. " Napaisip siya sa sinabi nito. May punto nga naman kasi ito. "Alam mo naman na trabaho ang impor

DMCA.com Protection Status