Share

Chapter 5

"I MISSED this." Sambit ni Iñigo habang kumakaen sila ng cup noodles sa convenience store sa loob ng school. Niyaya kasi siya nitong kumaen dahil wala pa raw itong almusal. Kaya sa convenience store niya nalang ito dinala, para hindi na rin sila lumayo pa.

"Wala bang convenience store sa america?" Tanong niya rito habang kumakaen.

"Meron, what I mean is, with you." Hinarap siya nito. "I missed being with you."

Ngumiti siya. Siya rin naman ay na miss ito. Kung si Georgina at Jessica ang mga kaibigan niyang babae, ito naman ang kaibigan niyang lalaki. Idadag pa na lihim niyang crush ito noong high school.

"So how are you? Hindi tayo masyadong nagkausap dahil ang bilis mag maneho ni Georgina." Tanong nito sa kanya.

"Parehas lang naman kayo." Komento niya.

"Of course not. Hindi ako ganoon magmaneho pag may kasama ako sa loob ng sasakyan." Tanggi nito. Ngumiti naman siya.

"So mabalik tayo. Kamusta ka?"

"I'm fine, next sem ay mag i-internship na ako." Sabi niya.

"That's good to know. Unti-unti mo ng natutupad ang pangarap mo." Sumubo ito ng noodles nito. "anyway, I want to know if you have a boyfriend now and who is the guy earlier?"

Uminum muna siya bago sumagot. "I don't have a boyfriend. Wala akong time para sa ganoong bagay. Alam mo naman na ang focus ko ay ang pag-aaral ko."

"So who is the guy earlier?"

"His nothing, wala lang magawa iyon kaya ako ang ginugulo."

"I don't think na trip ka lang niyang guluhin. I think he likes you."

Natawa siya. Si Jared? Magkakagusto sa kanya? "Napaka imposible naman ng sinasabi mo. Malabong magkagusto sa akin ang ugok na iyon."

"Well, I don't care if he likes you. But how about you? Do you like him?" Muling tanong nito sa kanya.

Nilaro-laro niya ang noodles na kinakaen niya. "No." Nagsisinungaling siya. Inamin na niya sa sarili niya na gusto niya ito. Pero hindi pa rin siya handa na ipagsabi iyon.

"Are you sure?"

Tumingin siya rito. Isa sa mga expertise niya ay ang magtago mg nararamdaman. " Yes."

Ngumiti ito na para bang kontento sa sagot niya. Marahan niya itong pinagmasdan habang kumakaen ng noodles. Napaka gwapo rin talaga nito. Kung pagtatabihin si Jared at si Iñigo ay tyak na mahahati ang kababaihan dahil sa tingin niya ay pantay ang taglay na kagwapuhan ng dalawa. Kung katulad lang ito ni Jared ay for sure na marami na din itong naipaiyak.

Iyon kasi ang pinagkaiba ng dalawa. Kung si Jared ay napaka palikero. Ito naman ay hindi. Ni minsan ay hindi ito pumatol sa mga babaeng may gusto rito. Naalala niya pa kung paano makiusap ito sa kanya na mag panggap na girlfriend nito para lang makaiwas sa mga babaing may gusto rito. Ito kasi ang pinaka sikat at pinaka gwapo sa school nila noong high school.

"Ikaw kamusta sa america?" Tanong niya naman rito.

"Okay naman kaso wala ang girlfriend ko roon. Kaya maraming nalapit sa akin." Sabi nito na umakto na nagtatampo.

"You can hire one kung talagang ayaw mong may lalapit sa iyo na mga babae."

"Tinatamad ako eh. Saka tingin ko walang magaling um-acting sa mga foreigner." Sabi nito.

"You're in Hollywood Iñigo. Maraming magaling umarte dun." Paalala niya rito.

"Kahit gaano pa sila kagaling umarte wala pa ring tatalo sa performance mo." Kinindatan pa siya nito.

Napangiti naman siya. "Ewan ko sayo." Napailing siya. Kung may gusto pa rin siya rito sa mga oras na iyon ay tyak na kinilig na siya sa mga sinasabi nito. Pero iba na ngayon. May iba na siyang gusto. "Tara na nga baka kung ano pa ang sabihin mo eh." Yaya niya rito at tumayo na sa kinauupuan.

"Yes ma'am!" Agad naman itong sumunod sa kanya.

-----

MASAMANG tinititigan ni Jared ang kaibigan niyang si Dylan habang nasa canteen sila. Ang sabi nito ay may klase sila pero ang ending ay dito lang pala sa canteen ang punta nilang dalawa.

Naiinis siyang isipin na iniwan niya si Sam sa kamay ng kung sino mang poncho pilatong iyon. Kanina ay natunghayan niya kung paano hawakan nito ang kamay ni Sam. At talagang kumukulo ang dugo niya maalala pa lang iyon. Bakit ganun nalang ito makahawak kay Sam? Sino ba ito sa buhay ng dalaga?

"Masarap talaga ang carbonara nila dito." Sabi ni Dylan habang sumusubo pa ng pasta.

Sa halip na sumagot ay tiningnan niya na naman ito ng masama. Napipikon pa rin siya rito dahil parang yung lalaking iyon pa ang pinaboran nito imbes na siya.

"Alam mo ang pogi din talaga ng kapatid ni Georgina ano?" Tanong pa nito sa kanya. Uo nga pala at kapatid daw ni Georgina ang lalaking iyon. Kaya pala may hawig ito sa babae.

"Mas pogi pa rin ako sa kanya." Maikling tugon niya. "Sino ba siya sa akala niya para hawakan si Sam ng ganun ganun na lang. "

"Close siguro sila, dahil hindi naman magpapaiwan si Sam doon kung isang asungot lang ito sa buhay niya." Sabi nito sabay tingin sa kanya.

"Bakit?" Takang tanong niya rito.

"Naisip ko lang. Magkaiba ang pakikitungo ni Samantha sa inyong dalawa. Ikaw halos bugahan niya ng apoy samantalang ang kuya ni George ay hinayaan niya lang na hawakan ang kamay niya."

Napaisip din siya. Kung iisipin nga ay tama ito. Ibang iba ang pakikitungo nito sa kanya. Kanina ay grabi siya nitong itaboy. Siniko at inapakan pa nito ang paa niya para lang mapaalis siya.

"Mukhang may karibal ka na Jared." Sabi pa ng ugok na si Dylan.

"Kasalanan mo tong lahat ehh. Bakit mo kasi ako hinila paalis kanina? Pano kung may iba pang nangyari sa kanila bukod sa hawakan ng kamay?" Inis na sabi niya rito.

"Chill man, mukhang magkaibigan lang naman sila kaya sa tingin ko naman ay may pag asa ka pa. Ang kailangan lang ay mapa amo mo si Sam."

Kumunot ang noo niya. "Dapat ba akong sumunod sayo? Samantalang ilang taon mo nang nililigawan si Georgina pero hindi mo pa rin nakukuha ang loob niya?"

"Alam mo kasi, introvert si George. Nahihiya siyang ipakita ang pagmamahal niya sa akin kaya dinadaan nalang niya sa pag susungit."

"Ewan ko sayo. Paniwalain mo lang ang sarili mo, dyan sa gusto mong paniwalaan."

"Pero kidding aside Jared. Kailangan mo talaga ng plano para mapaibig si Sam. Hindi uubra ang pa stalk stalk mo lang. Lalo pa at hindi maganda ang image mo sa kanya."

Ou nga at tama pa rin naman ito. Hindi nga maganda ang image niya rito. Kung bakit naman kasi ang pangit ng first impression nito sa kanya. Ngayon tuloy ay ang hirap ng pagandahin ang image niya rito.

"May suggestion ka ba para matalo ko ang lalaking iyon sa pag papaimpres kay Sam?"

"Syempre mayroon. Ako pa ba? Si Dylan the love expert yata to." Pag mamayabang pa nito.

Tama kaya na dito siya humingi ng tulong? Para kasing parehas lang silang mababasted pag ipinagpatuloy niya pa iyon. Idadamay pa yata siya nito.

Pero wala naman siyang choice. Dahil wala naman siyang kilalang pwedeng tumulong sa kanya para mapaibig si Sam. Siguro ay magbabaka sakali nalang siya sa tulong nito.

'Bahala na nga!' Sabi niya sa isip.

"Una huwag ka ng mambabae." Patuloy nito. " Kung ang tingin mo ay magiging effective ang ginagawa mo. Ay nagkakamali ka. Lalo mo lang siyang pinapalayo. At ayon sa source ko, ang pinaka ayaw daw ni Sam ay ang pagiging babaero."

"Sino ang source mo?"

"Si Jessica. Siya rin ang asset ko kay Georgina." Mukha naman palang reliable ang source nito dahil mismong kaibigan ni Sam si Jessica. Pero paano nito nakakausap si Jessica? "I suggest, na kunin mo rin ang loob ni Jessica. Siya kasi ang madaling makapalagayan ng loob sa tatlo. Wala kang mapapala kay Georgina. Baka tarayan ka lang nun at isa, for sure ang boto nun ay sa kuya niya."

"So sinasabi mong para makuha ko ang loob ni Sam ay kailangan kong makuha muna ang loob ni Jessica? Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Dahil pag nakuha mo ang loob ni Jessica siya na ang tutulong sayo para makuha mo ang loob ni Sam."

"Akala ko ba ay ikaw ang tutulog sa akin?" Takang tanong niya rito.

"My friend." Lumipat ito sa tabi niya at inakbayan siya. "Baka nakakalimutan mong may love life din akong dapat asikasuhin." Ang tinutukoy nito ay ang panunuyo nito kay Georgina. Na halos tatlong taon na nitong pinupormahan. Samantalang parehas silang palikero noong high school sila. Hindi niya alam kung anong nakita nito sa dalaga eh mukhang matigas pa sa bato ang damdamin nun.

Naalala niya pa kung paano nagkagusto si Dylan kay Georgina.

'Nasa canteen sila ng mga oras na iyon upang kumaen ng tanghalian. Pangalawang taon palang nila sa med school pero parang drain na drain na utak nila.

"Ayaw ko ng pumasok!" Himutok niya. Feeling niya ay sasabog na ang utak niya.

Tinapik ni Dylan ang balikat niya.'"Wala kang magagawa Jared kailangan na natin tong gawin dahil ito ang sumpa ng pagiging nag iisang anak."

Bumuntong hininga siya. Maya maya ay may nakita sila kumosyon sa di kalayuan ng mesa nila.

"Don't you dare touch me!" Tinig iyon ng isang babae. At magmumula iyon sa kumosyon sa di kalayuan. Hindi nila makita ang nangyayari dahil maraming istudyante ang nakikiusyoso doon.

Napalingon siya kay Dylan ng tumayo ito. "Saan ka pupunta?" Tanong niya rito. Ngunit sa halip na magsalita ito ay nagtungo ito sa kinaroroonan ng kumosyon. Siya naman ay napatayo na din.

Nang makarating sila doon ay tumambad sa kanila ang isang magandang babae. Maikli ang buhok nito. Hawak nito ang braso patalikod na wari ba ay babalian nito ng buto ang isang lalaki. Kilala niya ang lalaki, si Daniel iyon. Isa sa mga feeling pogi ng eskwelahan nila.

"Ah! Aray!" Hiyaw ng lalaki. Mukhang nasasaktan nga ito.

"Who told you that you can touch me?" Nagbabagang sambit ng babae. Iba talaga ang aura nito. "The next time you touch me. You'll die, understand?" Sabi pa nito at hinampas pa nito sa ulo ng lalaki ang tray na hawak nito. 'she's tough but not my type.' Sambit niya sa sarili. Masyado itong matapang at hindi maganda iyon sa ego niya l. Kuntento na siya sa mga babaeng lumalapit sa kanya. at least siya ang batas.

Tumayo ang babae at naglakad papalabas ng canteen. Hindi nito alintana ang mga taong nakapaligid at nakikiusyoso.

Habang papalayo ang babae ay narinig niyang nagsalita si Dylan. "Ang cool niya.." Napalingon siya rito. Nakasunod din ang tingin nito sa babaeng papalayo.'

At iyon ang simula ng panunuyo ni Dylan kay Georgina. Na love at sight yata ito sa babae. Nalaman na lamang niya ay freshman law student pala ang babae sa school nila at ang pangalan nito ay Georgina Larazabal.

Napailing siya sa naalala. Simula kasi ng araw na iyon ay lagi nang may pasa ang mukha ni Dylan tuwing popormahan nito si Georgina. Pero parang wala naman iyon sa kaibigan. Malakas din talaga ang tama nito kay Georgina.

Napalingon siya ng kalabitin siya nito. "Bakit?" Takang tanong niya rito.

Tinuro nito ang paparating na si Jessica. "Pagkakataon mo na." Pagkasabi niyon ay tinawag nito si Jessica at iminwestra na maupo sa mesa nila. "Jessica!" Napalingon naman ang dalaga.

"Ano nanaman ang kailangan mo Dylan?" Tanong nito kay Dylan ng makarating sa mesa nila at umupo na din.

"Hindi ako ang may kailangan sayo." Sabi naman ni Dylan at itinuro siya. "Si Jared."

Timingin naman si Jessica sa kanya. "Oh Jared, mukhang wala kang babae ngayon ah..". May pang uuyam na sabi nito sa kanya.

"Wala akong babae." Simpleng sagot niya. Napataas naman ang kilay nito sa sinabi niya.

"Ano naman ang kailangan mo sa akin? The last time I checked ay magkaiba tayo ng course." Tanong muli nito sa kanya.

"It's about Samantha." Simpleng sagot niya.

"What about Sam?"

"I just want to know, if what she likes and dislikes."

Tiningnan siya nito ng mabuti na wari ba ay pinag aaralan ang mukha niya. "At bakit mo naman kailangang malaman ang mga iyon?"

"Hindi pa ba halata? Gusto niya si Samantha." Si Dylan ang sumagot para sa kanya.

Tiningnan na naman siya nito. "At bakit naman kita tutulungan? Eh nakikita kitang iba't ibang babae ang kasama mo araw-araw. Hindi ko ipagkakatiwala ang kaibigan ko sa isang katulad mo." Sabi nito sumubo ng pagkain nito. "To be honest gusto sana kita para kay Sam kaso babaero ka. Hindi kayo bagay. "

"Ginawa ko lang iyon para pagselosin si Sam." Dipensa niya rito. Totoo naman iyon.

Sa halip na magsalita at tumawa ito ng malakas at napahampas pa sa lamesa.

Nagkatinginan sila ni Dylan. "I'm sorry, I just can't help it." Sabi nito pagkatapos tumawa. " So you mean, na kaya iba-iba ang babaeng kasama mo ay dahil gusto mong pagselosin si Sam?"

"Yes."

"You're hopeless. Alam mo bang sa aming magkakaibigan, kung si Georgina ay taong bato ay si Sam naman ang pinaka manhid. Kaya kahit tumambling ka pa sa harap niya. Kung hindi ka magtatapat sa kanya ay hindi niya malalaman na may gusto ka sa kanya." Uminum ito saka muling nagsalita. "Sa tingin mo ay uubra kay Sam ang pag papaselos mo? Tsk tsk. You don't know anything." Iiling ilng pang sabi nito.

"Kaya nga kailangan ko ng tulong mo." Sabi niya rito. "Kailangan kong makuha ang puso niya bago pa makuha iyon ng asungot na kuya ni Georgina." Frustrated na sabi niya.

"Wala kang laban kay Iñigo." May pang uuyam na sabi nito. "Alam mo bang matagal nang crush ni Sam ang kuya ni George?"

"W-what?!" Lalong lumaki ang panalo nito sa kanya. "May gusto siya sa lalaking iyon?"

Sumandal ito sa hamba ng upuan nito. "Yes. Sa pagkakaalala ko ay high school palang ay crush na niya si Iñigo."

Parang bumagsak ang langit at lupa sa narinig niya. Lalong lumabo ang pag asa niya.

"Well. Hindi pa naman sila hindi ba? Kaya may pag asa pa si Jared." Sabi ni Dylan. Tinapik pa nito ang balikat niya.

Nag isip naman ito. " May point ka naman doon." Tiningnan siyang muli nito. "Bigyan mo ako ng mabigat na dahilan para tulungan kitang mapaibig si Sam." Pag hahamon nito sa kanya.

"Hindi pa ba sapat na sinabi niyang gusto niya si Sam?" Tanong ni Dylan.

"Hindi." Sabi ni Jessica. "Sa hinihingi niyong pabor ay maaaring magtampo sa akin si Georgina. Kaya gusto kong malaman if, worth it ba ang gagawin ko."

Sumeryoso siya. At humarap rito. " I love Sam and I will never hurt her."

Tinitigan siyang mabuti nito. Sa paraan ng pagtingin nito ay parang pinag aaralan nitong mabuti ang mga sinabi niya. Maya maya ay ngumiti ito. "Okay, you have my vote."

-----

BIGONG makahanap ng part-time job si Samantha ng gabing iyon. Pagka-out na pagka-out niya sa café Freyja ay nagtungo agad siya sa job interview niya sa isang restaurant. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya natanggap. Hindi dahil sa hindi siya qualified. Ito ay dahil sa oras ng availabilty niya. Ang oras kasi na binigay niya ay 8 pm to 11 pm ng gabi ngunit ang gusto ng may ari ng restaurant na inaapplyan niya ay 5 pm sya pumasok. Masyadong conflict sa schedule niya kaya hindi nalang niya tinanggap ang trabaho. Hindi niya maaaring isa alang-alang ang coffee shop dahil importante ito sa kanya.

Papalabas na siya ng restaurant na pinag applyan niya. Nang tumunog ang cellphone niya. Sinipat niya iyon at si Jessica pala ang natawag kaya sinagot niya agad iyon.

Hello?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Nasaan ka ngayon?" Tanong nito.

"Pumunta ako sa restaurant na inapplyan ko. Pauwi na ako bakit?" Ikinwento niya kasi kay Georgina at Jessica na mag aapply siya ng isang part time dahil hindi sumasapat ang kinikita niya sa coffee shop sa mga gastusin niya. Pinigilan siya ng dalawa na ituloy ang binabalak dahil baka hindi na kayanin ng katawan niya ngunit nagmatigas naman siya. Kailangan niya ng pera lalo pa at malapit na siyang bumisita sa kanyang ina.

"Tanggap ka ba?"

"Hindi, masyadong conflict ang schedule sa pagtatrabaho ko sa coffee shop. Baka mag hanap akong muli ng aapplyan na pwede ang 8 to 11pm na schedule." Sabi niya rito. Tumawid na siya ng kalsada upang sumakay ng bus pauwi sa apartment niya.

"May alam akong part-time job."

Napatigil siya saglit sa paglalakad at nabuhayan ng loob dahil sa sinabi nito. "Ano naman part-time job iyan?" Curious na tanong niya rito.

Narinig niya ang pag buntong hininga nito. "Madali lang ang trabaho. Magluluto ka lang ng hapunan."

Kumunot ang noo niya. May ganun bang part time job? "Anong klaseng part-time job iyan?"

"May classmate kasi akong wala ng time mag asikaso ng bahay pag uwi kaya naghahanap ng pwedeng magluto tuwing gabi. Huwag kang mag alala. Maganda ang swelduhan. 500php per hour."

Lalung kumunot ang noo niya. Parang imposible naman ang ganon. Dahil ang buong araw niya ngang pag duduty sa coffee shop ay umaabot lang ng 600php. Pero sa sinasabi nitong part time na magluluto lang ay 500php per hour ang bayad? Paano nalang kung makatatlong oras siya sa pag luluto?

"Sigurado ka ba na ganyan kalaki ang bayad per hour? I mean hindi ba masyadong malaki iyon kung ipagluluto ko lang ang classmate mo?" Takang tanong niya rito.

"Ganun talaga yung bayad niya sa mga nagtatrabaho sa kanya. Mababa pa nga yun ehh dati raw at 1000php per hour ang binabayad niya. Mayaman kasi yun." Pahayag nito.

Kung mayaman nga ito siguro nga ay makatarungan ang bayad nito. Marahil ay wala na itong pamaglagyan ng pera nito.

"Kailan ako pwedeng magsimula?"

"Ah.. ehh. Ngayon na. Pwede kana ba ngayon?"

"Huh?" Tumingin siya sa kanyang wrist watch. 8 pm na pala. "Oo pwede ako. Saan ba ang bahay ng classmate mo?"

Pagkasabi ng lugar kung saang condo unit nakatira ang classmate nito ay agad na siyang sumakay ng bus upang makarating sa tinitirahan nito.

Nang makarating siya sa building kung saan nakatira ang dating classmate ni Jessica ay nalula siya sa taas ng building. Mukhang mayaman nga ang taong iyon. Sa hitsura palang ng building ay halatang mga mayayaman talaga ang nakatira doon.

Habang papalapit sa condo unit na dapat niyang puntahan ay binilang niya kung ilang condo unit ang naroon. Sa isang floor ay nakita niyang anim lang ang unit. Mukhang malalaking unit ang nandoon.

Pagkarating niya sa tapat ng condo ay agad din naman siyang nag doorbell. Inayos niya ang kanyang sarili. Mas magandang presentable ang hitsura niya pag nakita siya nito.

Maya maya ay bumukas na ang pinto. Napaangat siya ng tingin upang batiin ang magiging amo niya.

"Hi! Ako nga pala s-" Nabitin ang sasabihin niya ng makita kung sino ang nasa pinto.

Walang iba kung hindi si Jared. "Jared?! Anong ginagawa mo rito?"

Kahit ito ay nagulat ng makita siya. "Bahay ko ito. Ikaw anong ginagawa mo rito? "

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status