♡ KABANATA 3 ♡
What’s wrong with him hindi ako makaalis sa bisig niya, maging sa labi niya. Sinasabi ng utak ko na tumigil na dahil malapit na ako madala, inaamin ko na he's a good kisser kahit pa siya lang ang lalaking umangkin ng labi ko. Binibilang ko ang segundong tinagal ng pagkaka-ayos namin! At patuloy pa rin ako sa pag-iisip kong hanggang saan kami dadalhin ng mapusok niyang halik. Kalaunan tumigil siya, sinubsob muli niya ako sa bisig niya. Bumubulong siya ng mahina sa tainga ko at ang tanging tumatak sa akin ay ang pangalan ng isang babae. Selena! “Se…lena, I mi..ss yo..u!” Pagkasabi niya noon ay bumitaw na siya sa akin at natulog! Halos tatlong taun na ang lumipas, magmula ng maghiwalay sila ni Selena! Sinasabi sa balita, Selena cheated on him, yung iba sinasabing talagang hindi nila minahal ang isa’t isa kaya naghiwalay na sila ng tuluyan at sinasabi rin sa balita na tumagal lang sila para makaahon ang pamilya nila Selena sa malaking pagkakautang sa pamilya Lao na katulad ko. Naupo ako sa sofang nasa tapat ng kama, pinagmamasdan siyang nakaharap sa kisame, nakaawang ng bahagya ang bibig niya, habang ang noo niya ay nakakunot na kahit gising siya ay hindi natatanggal. Mukha siyang lugmok at hirap na hirap, hanggang sa nakita ko ang daliri niya! Ang daliring hindi niya pinakita sa akin kanina. Nakasuot pa rin sa kaliwang kamay niya ang satingin ko ay wedding ring nila ni Selena. Bakit hindi pa rin niya inaalis at nanatili itong nakalagay, kahit matagal na silang hiwalay! Napailing na lang ako, ano ba ang pakialam ko kung hindi niya tanggalin o kahit pa mahal niya pa si Selena, kailangan ko lang matapos ang dalawang taon katumbas ng dalawang milyon, tapos babalik na muli ako sa San Agustin para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Binangon ko sa sandalan ang likod ko. Nakaramdam ako ng gutom, lumabas muna ako ng kwarto at tungohin ang kusina. Masasarap ang nakita kong laman ng fridge, hindi ko alam alin ang unang kakainin ko. Sa rami ay lahat tinikman ko! Naupo ako sa sofa at sumandal! Busog na busog ako at hindi makagalaw. Hindi ko maimagine na para akong mayaman at pagmamay-ari ang unit na ito, tinaas ko pa ang paa ko sa sofa at kinuha ang unan. Pahiga na ako ng tuluyan ng marinig ko ang pag-ubo niya. Nagulat ako sa kalat ng makita ang suka niya sa sahig, sa kama at sa damit niyang suot! Lumapit ako para tignan siya. Nalukot ang mukha ko sa nakita ko, maging sa amoy nito. “Kalalaking tao ang hina uminom! Ang bagra pa!” napapailing na lang ako, pinunasan ko muna ang mga sukang nagkalat sa sahig at kama sunod ay tinanggal ko ang butones ng white polo niya! Saka ako bumalik sa kusina at kumuha ng maligangam na tubig. Wala ako makitang tuwalya para ipunas sa kanya, kaya ang panyo ko na lang ang ginamit ko. Tinanggal ko lahat, maliban sa pang-ibaba niyang suot! Saka ko siya pinunasan paibaba, panay ungol lang siya at hawi sa akin. Muli kong pinalitan ang tubig na maligamgam para ipunas muli sa kanyang mukha. Napapaisip ako sa kalagayan niya, may ina naman siyang nagmamahal at nag-aalala sa kanya, ngunit bakit nais niyang mapag-isa. Ano ba ang kalungkutan ang tinatakasan niya? Hindi ba siya kuntento kung anong meron siya? At ano ba ang kulang ang hinahanap niya? Pera? Kung pera marami na siyang ganun! Negosyo? Marami na rin siya noon! Kung pag-ibig at kasiyahan maaring iyon ang kulang sa kanya. Tumabi ako sa gilid niya. Gumalaw siya at tumagilid din paharap sa akin. Tinanggal ko na rin ang panyong pinupunas ko sa kanyang mukha at binalik iyon sa maliit na palangganang nakapatong sa maliit na lamesa. Hinawi ko ang buhok niyang tumabing sa noo niya. Pinagmasdan pa siya at Tinapik ko ang likod niya, na parang nagpapatulog ng bata. “Hayaan mo! Hahanapin natin yung pag-ibig at kasiyahan mo!” Sabay pumikit na ako at patuloy na tinapik siya hanggang makatulog ako. Malakas na sigaw ang nagpagising sa akin, hindi ko minulat ang mata ko pero nahagip ng kamay ko ang malaking unan at binato. “Tumahimik ka natutulog pa ako!” sigaw ko din. Pero nanatili itong maingay kaya naghanap muli ang kamay ko ng unan para takpan ang tainga ko. “Hoy! Ano ginagawa mo rito ha!” Sigaw pa rin nito at yugyog sa likod ko, hindi ako nakapagigil at nasuntok ko siya, hindi ko alam kung saan tumama pero alam ko napuruhan ko siya. “Sabing huwag ka maingay Ellias eh!” Sigaw ko muli at bumalik sa pagkakatakip ng unan. Madalas akong gisingin ni Ellias kapag natutulog o kaya kulitin ako para maglaro. Dahil hindi ako mabait na ate minsan napapalo ko talaga siya. Narinig ko ang pagdaing niya, na parang may katunog na boses, napabangon ako para lingonin ito, sapo niya ang labi niyang namumula, saka ko naalalang nasa bahay pa pala ako ni Earniel, Tumakbo ako palabas ng kwarto lalo pa ng makita ko siyang nakaboxer short lang! Hindi ko na pala nagawang bihisan siya kagabi at nakatulugan ko na. Naupo ako sa sofa! At pupungaypungay pa. Lumabas siyang nakaligo at nakabihis na. Sa kitchen counter ang punta niya at nagpainit ng tubig, narinig ko rin na binuksan niya ang fridge. Napailing siya ng masilip ko. Matapos tumunog ang kettle naupo siya sa harap ko sabay humigop ng isang tasang kape. Hindi ‘man ako niya nagawang timplahan. “Wala ako ninakaw!” dahil nakatingin siya ng masama sa akin. “Alam ko dahil nandito ka pa rin! Pero bakit ka nga ba nandito ka?” “Wala ka ba naalala kagabi?” kumunot ang noo niya at parang nag-iisip. “Wala pang trainee ang nakapasok dito bakit ikaw narito?” “Ahh! Ganun ba? Akala ko gawain mo talagang manghalik, ako ba ang una sa lahat ng trainee mo?” Nandilat ang mga mata niyang singkit at napabagsak ng malakas ang tasa, tumingin siya ng pailalim! “Anong sinabi mo? Hinalikan kita?” bago ako sumagot ay napakagat ako ng labi at binasa ito. Napaatras siya papuntang sandalan at kinagat-kagat ang daliri niya. Halatang pilit niyang inaalala ang lahat. – “Iyon lang ba nangyari?” naningkit ang mata ko kahit hindi naman ako singkit, nag-iisip ako ng kasinungalingan, pero habang iniisip iyon ay hindi ko mapigilan matawa.— “Hoy! Ano nakakatawa?” inis niyang sabi. “Wala makikiligo na ako, ayoko kasing malala yung nangyari kagabi!” Nanakbo ako sa banyo niya, habang siya patuloy sa pagkatok at kalabog rito, pero hindi ko na pinansin iyon ng makita ko ang kabuuan ng banyo niya. Malaki, maganda at malinis! Hindi ganito ang banyo namin, wala kaming shower, bathtub o maayos na inidoro, at ang pinto ay gawa sa kawayan na sinasandal lang kapag may gagamit, pinakamahirap sa lahat kapag malakas ang ulan at may bagyo ay hindi kami makalabas para gumamit ng banyo. Binabad ko ang paa ko sa maligamgam na tubig ng bathtub, wala na rin ang ingay na nagmumula sa pinto at tanging lagaslas ng tubig sa gripo ang naririnig ko. Hindi ko na sinayang ang tsansa at naglublob na ako! Feel at home ang nararamdaman ko kahit pa hindi ako feel ng taong may-ari ng bahay na ito. Bumukas ng malakas ang pinto, nawindang ako dahil papalapit na siya sa akin. “Hanggang diyan kana lang!” pero lumapit pa rin siya papuntang bathtub. “Huwag kang titingin!” turo ko sa kanya. “Bahay ko ito, kaya bakit mo ako pinipigilan? Kung nakita ko na yan bakit mo pa tinatago?” Namewang pa siya at titig na titig. Malinaw ang tubig siguradong mapapansin niya ang hubad kong katawan, wala naman ako choice na hindi maghubad ng damit, dahil wala naman akong dalang extra. “Sabing huwag kang titingin. Wala akong suot na kahit ano!” bulyaw ko ng akma pa siya na lalapit, pero lumipat ang tingin niya sa undies kong nakasabit! “Hoy! Dito ka tumingin!” pukaw ko ng atensyon niya. “Sabi mo huwag ako tumingin sayo, ngayon gusto mo tignan kita!” humawak siya sa chin niya at hinagod-hagod iyon kahit wala naman siya balbas, naningkit rin ang mata niya lalo, habang tinitignan ang tubig. “Basta huwag ka titingin or pumikit ka - At dapat nga magpasalamat ka sa akin.” “At bakit naman dapat kita pasalamatan? Hindi porket may nangyari satin paninindigan kita!” “Huwag ka ngang assumero, walang nangyari satin at hindi iyon mangyayari dahil ayoko sa matanda!” “Anong matanda? Makakatikim ka talaga sa akin?” “Basta magpasalamat kana lang dahil inalagaan kita! Puro ka suka kahit tignan mo pa sa labahin mo!” “Okay Fine paniniwalaan kita kahit wala akong tiwala sayo! At pakibilisan nagugutom na ako,” lumabas na siya at sinara ang pinto, doon lang ako nakahinga ng husto. Sa isang restaurant kami nagpunta, malaking steak ang inorder niya para sa akin at parang iyon na rin ang pinakamahal, gusto kong magtaka ngunit mas ininda ko na lang gutom ko. Habang kumakain ako dumulas ang karne sa damit ko na puti pa naman, bago pa niya ako mapansin ay tumayo na agad ako para pumunta sa banyo at basain ito! Dahil puti ang suot ko ay nahirapan akong tanggalin ito! Hanggang may babaing nagbigay sa akin ng wipes, hindi na ako nag-atubili at kinuha ko na. Nang matanggal ay lumabas na ako ng banyo! Nawala si Earniel sa lamesa namin, pero nanatili ang mga order namin. Nanlumo ako na iniwan niya ako habang hindi pa ako natatapos kumain. Palapit na ako sa lamesa para maupo ng matanaw ko siya, may kasama siyang babae na satingin ko ay nakita ko na! At kung hindi ako nagkakamali ang babaing nagbigay sa akin ng wipes. Naglakad ako palapit sa kanila para ibalik sa babae ang wipes ng aksidente kong marinig ang pangalan niya. Selena His old lover and wife, seryoso ang usapan nila, nag-aalangan pa ako kung lalapit ba ako o hindi na, dahil wala naman ako kinalaman sa nakaraan nila. Lumipat ang tingin ko sa lalaking palapit at humalik sa labi ni Selena! Nag-ngitian pa ang mga ito at mukang masayang masaya. At kahit pa nakatagilid si Earniel nakita ko ang reaction niya. Bumaba ang tingin niya at kumuyom ang palad na nasa ibabaw ng lamesa. Tumalikod na ako at binalikan ang pagkain namin, pero habang nasa tinidor ko ang karne ay sumasagi naman sa isip ko si Earniel, ang reaksyion niya at kahit pa ang halik niya na alam kong hindi para sa akin. Nilingon ko sila patayo na ang dalawa, agad din ako tumayo at nilapitan sila. Wala sa isip ko at hindi ko pinalano pero nangyari. My eyes closed when I kissed him! Mabilis lang pero nag-iwan ng parehas sa ekspresyon sa tatlo. “Hello…Ms. Selena? I’m Doreena Salvador, Mr. Earniel Lao Fiancé!” Naglahad ako ng palad sa kanya, matapang ang mata kong tumitig sa kanya. Tumayo si Earniel at kinuha ang kamay ko para ibaba, napalingon ako sa kanya na parang ayaw niyang ipahawak ang kamay ng ex niya sa akin. “Aalis na kami!” hinila niya ako palabas bago niya pinakawalan ang kamay ko. Galit na galit ang mukha niya. At dire-diretso sa paglalakad. Hinila ko siya kahit pa parang bigat ng katawan niya, tumigil siya sa paglalakad. Ako na mismo ang lumipat at humarap sa kanya, tiningala ko siyang tinitigan. “May utang kana naman sa akin!” His eyes rolled up, hindi niya ako binigyan ng pansin. Nilampasan niya ako at pumasok siya sa kotse, sumakay na din ako. Nagseat belt siya at saka pinaandar ang kotse. “Hindi ka ba magpapasalamat, sinalba kita?” “Bakit ako magpapasalamat? Do I look pity? Hindi ko kailangan ng tulong mo!” singhal niya. “You have to!” salamat sa diksyonaryong binabasa ko kahit papaano ay may alam akong ingles.— “When I say, sasamahan kita hanggang dulo! Gagawin ko,” bigla siyang nagpreno ng malakas at napauntog ako sa headboard ng sasakyan. “Fuck! What are you talking about huh? Mas mauuna pa ako mamatay sayo, paano mo gagawin iyon?” huminga ako ng malalim, nag-iisip ng isasagot dahil hindi ko din alam ang gagawin. “Easy lang! Kung hanggang saan ka abutin ay iyon na ang dulo na sinasabi ko!” Nang tignan ko siya ay manghang mangha siya kaya sa isip ko napabilib ko siya. “I guess mauuna kang mamatay! Looked at yourself, duguan kana!” pinahid ko ang malagkit na likido na sumapaw na sa kanan kong mata, dugo nga pero his acting na parang wala lang at hindi nag-aalala. So cold-hearted heart. Then I closed my eyes to see what happened. Gusto ko malaman kung makakaramdam ba siya ng pag-alala o hindi talaga! •♡ KABANATA 4 ♡Hindi ako nahimatay sinadya ko lang na pumikit para ipagamot naman niya ako! Iniisip ko na baka maubusan ako ng dugo! Dahil noon sa aming baryo ng San Agustin ay may nasugatan sa amin noon dahil sa layo ng ospital siya ay naubusan ng dugo at namatay.Wala ako narinig na salita sa kanya pero nararamdaman ko ang mabilis na takbo ng sasakyan. Sa isang private hospital kami tumigil! Mga nurse ang umalalay sa akin at hindi siya. Private room ako dinala may IV (intravenous) pa. Pinagsisihan ko tuloy ang madala rito! Nakaupo siya sa upuang nasa sulok at nagbabasa ng dyaryo. Napatitig ako ng husto ng makita ko siya sa FrontPage. Bumaba ang dyaryo at siya na ang nakita ko, tumayo siya at lumapit.“Magpahinga ka mabuti, aalis na ako!” Malamig niyang sabi, pinagmasdan ko ang IV puno pa ito at ayoko mag-isa at mabored rito.“Samahan mo muna ako! Ayoko mag-isa!” Iniangat ko ang kamay ko para bahagyang hilahin ang suit niya.“Hindi pwede busy ako!” alis niya ng kamay ko sa suit niya
♡ KABANATA 5 ♡ 5AM pa lang ay gumising na ako, almusal muna ang una kong inatupag, bago ako naglinis at naglaba ng mga sinuot niya kagabi! Napapaisip ako na parang hindi ako nagttraining as a wife at parang maid. Wala siyang tinakdang oras kung anong oras ko ba siya gigisingin nakaupo lang ako sa sofa at pinagmamasdan siyang matulog! Tunog ng alarm ang nagpagising sa kanya, agad akong lumabas para magtimpla ng kape niya. “Good morning Sir?” Masaya kong bati sa kanya habang pumupungay pa ang mata niya at hindi pa maidilat lumapit ako sa kanya at humalik sa labi niya. Base na rin sa nabasa ko sa contract na good morning kiss, at habang natutulog siya ay iyon ang napagkaabalahan kong basahin, ang papel na binigay ni Ms. Mendoza na photocopy ng kontrata. Hindi naman siya umimik at diretsong tumayo lang, sa hapag siya dumaretso at naupo, binuksan niya ang basket na nakatakip sa pagkain na nasa lamesa! “Nilagang mais?” masama ang titig niya sa akin, saka dinampot niya at kinag
♡ KABANATA 6 ♡ Maaga kami umalis para hindi maabutan ng traffic, tulog pa ang diwa ko habang nakasandal sa upuan ng sasakyan. Bukang liwayway pa at kakaunti lang ang naitulog ko. Tahimik kami sa biyahe at nasa utak ko pa rin ang sinabi niya. Hindi ako nakikipagkompetensiya sa taong mahal niya, wala kong ibang gusto kundi ang matapos na ito. Humikab ako at umunat! Naramdaman ko ang paghapdi ng braso ko kaya napababa ko kaagad! Hindi ko pinahalata na may kakaiba sa braso ko, mabuti na lang at mahaba ang manggas at hindi nakikita ang malaking gasgas. Itinulog ko na lang muna ang lahat ng iniisip ko, hindi dapat ako malungkot o masaktan dapat lagi lan(g ako masaya. Kalabit ang nagpagising sa akin, nasa parking kami ng opisina! “bilisan mo may kliyente pa ako!” labas agad nito sa sasakyan. Sumunod ako sa kanya, pumasok kami sa loob. Pagtitimpla ng kape agad ang inatupag ko pitong tao ang nasilip kong naroon, sa conference room ay seryoso silang nag-uusap, nakaupo siya sa unahan
♡ KABANATA 7 ♡ Isang linggo rin naging laman siya ng headlines, naniniwala siya na hindi niya kailangan magpapaunlak ng interview kahit kaninong reporter, para sa kanya ay katatawanan ang lahat at hindi na kailangan pang pansinin, iyon ang gusto niya na ipamulat sa akin, habang kasama ko pa siya! Kahit si Don Enricko ay walang magawa sa katigasan ng ulo niya. Ngunit patuloy pa rin usapin kung sino ang nagpakalat ng video, dahil sa company policy bawal maglabas ng kahit anong CCTV footage na dapat ay sa loob ng kompanya lang pag-uusapan! Mabigat ang parusa sa taong nagpakalat noon, maari siyang patawan ng suspension or ganap na tanggalin without benefits and insurance f*e from company. Lantad sa hallway ang CCTV, kaya dahil mas mabilis nahuhuli ang may sala kung maraming mata ang nakakakita, walang maitatago siya man o mga empleyado, walang pakealam si Earniel sa mga issue ng empleyado niya, kahit ano pa gawin ng mga ito. Ngunit sa kabila ng issue ay lalong tumaas ang rating niya a
♡ KABANATA 8 ♡Nagising ako sa na parang maliwanag na! Nahagip ng mata ko na katabi ko pa si Earniel at nakayakap pa ako sa kanya napabangon ako dahil alam ko magluluto pa ako ng almusal at maglilinis ng bahay pati narin maglalaba.Agad kong ginawa iyon, puro karne ang niluto ko, mabuti na lang at maalam ako sa pagluluto.Pasado alas siyete kahit naririnig ko ang ang alarm niya ay parang hindi siya gumigising nilapitan ko siya namumutla siya at nang hawakan ko ang kanyang noo at leeg ay sobra niyang init! Agad akong Kumuha ng malamig na tubig at tuwalya para pahiran ang kanyang katawan. Tinanggal ko kaagad ang mga damit niya at naiwan lang siyang nakaboxer short, lalo siyang nagchill kaya nataranta ako! Naghanap ako ng paracetamol para mapainom agad siya. Binihisan ko kaagad siya matapos kong punasan.Narinig ko ang pagtawag ni Ms. Mendoza sa phone na agad kong sinagot! Sinabi ko na hindi na makakapasok si Mr. Lao, hindi ko na binanggit kung bakit basta sinabi ko lang siya na ang baha
CHAPTER 9Sa pasilyo pa lang ay kakaiba na ang mga tingin sa akin ng mga tao, ano na naman kaya ang nasa isip nila, habang binabagtas ko ang papunta sa cafeteria para mag-almusal.Hanggang makasalubong ko si George at sumabay sa akin sa paglalakad hanggang sa makaupo kami, siya muli ang taya sa mga kinain namin. Wala parin akong sapat na pera, hangga’t hindi pa nangyayari ang kasal namin ni Earniel. At hindi ko alam kung kelan matatapos ang pagiging trainee wife ko na lumampas na ng isang linggo. Ganun ba talaga kahirap mahook ang loob ng isang EARNIEL LAO. Patapos na kami kumain ng mapansin ko ang pagdating ni Don Enricko hindi naman niya ako napansin kaya’t diretso lang ang tingin ko sa kanya, ayoko isipin na ang kahapon pag-alalala ko ang dahilan ng pagparito niya rito.At hindi pa nawawala ang paningin ko kay Don Enricko ay nagsusunuran naman sa paglalakad ang mataas na opisyal ng kumpanya, para lahat sila ay nagmamadali, nagmamadali ba silang maabutan si Don Enricko. Ano kayan
♡ KABANATA 10 ♡Malalim at sunod sunod na buntong hininga ko, hindi ko namalayan na isang linggo na pala ang lumipas.Nasa bride’s room ako at nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili habang inaayusan ng isang make-up artist at isang hairstylist. Suot ko na ang wedding gown na puti na punong puno ng diamante at pearl, magara para sa isang pekeng kasal. Nang matapos ay ipinatong sa akin ang pulang belo, makapal ito at hindi gaanong makikita ang mukha ko, kagaya ng gustong mangyari ni Earniel na walang sinuman ang maaring makakita sa mukha ko in- case na may mga dumagsang media.Malakas ang kabog ng dib-dib ko habang naglalakad ng mabagal sa gitna, sa kakaunting tao ay nakapokus ang mata nila sa akin! Mas lalo pa akong kumabog ng makita ko sa unahan si Earniel, Kahit natatabingan at nakaharang ang pulang belo na ito ay hindi nakaalis sa akin ang kgwapuhan niya ng araw na iyon. Nang makalapit na ako sa kanya ay huminga ako ng malalim bago nilagay sa braso niya ang kamay ko.
♡ KABANATA 11 ♡Katok ng crew ng hotel ang nagpagising sakin, nakahanda na raw ang aming almusal, balak ko sanang gisingin si Earniel na katabi ko ngunit wala na siya ng mapadako ako sa pwesto ng tinutulugan niya. Marahil ay nauna na itong lumabas.Nag-ayos agad ako at pumunta sa sinabi ng crew sa akin, excited akong makita si Earniel, hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi sa amin. Parang nagsswing swing ang palda ko habang palapit ng palapit sa kinaroroonan niya. Nadatnan kong naroroon na si Earniel at kumakain, masaya ko siyang binati, ngunit nakakapagtakang hindi ‘man lang niya ako tinapunan ng tingin, siguro ay nahihiya siya sa nangyari kagabi, kaya ganun na lamang ang pakikitungo niya sa akin ngayon, ako na ang lumapit sa kanya, ng bigla na lang akong harangin ni Denver, na muli kong pinagtaka.“Pero Bakit?” inis kong tanong kay Denver, pawang iling lang ang tinugon niya sa akin, sa halip ay inaya ako ni Denver na maupo sa kabilang lamesa, wala namang tao sa paligid
Hindi ko pa rin mahanap ang sagot sa tanong ko sa sarili, kung sino ba ako, kahit pa parang batid ko na ilang panahon na ang lumilipas ay hindi wala pa rin akong maalala. Minsan parang nasasanay ang sarili ko sa payak na mundong ginagalawan ko, parang may payapa sa pakiramdam ngunit may mga tanong sa isipan. kaya naisip kong magpalakad lakad sa bakuran, mayayabong ang puno tila liblib at malayo sa kabihasnan ang kinaroroonan namin. Sa mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig ang siyang nagsisilbing musika sa labas ng tahanan na iyon. Sa paglilibot ko sa paligid ay nakita ko si Carlo na may kasamang babae, wala akong naramdaman na selos o anupaman, sa itsura ng babae ay tila hindi rin naman siya ordinaryo, at halatang hindi taga rito, sa pag-uusisa ko ay marahan akong lumakad gamit ang tungkod na kahoy na siyang nagsisilbing gabay ko sa paghakbang, pa ika ika ko pa rin nailalakad ang mga paa kong may nanatili pa rin na may sugat, seryoso ang kanilang pag-uusap at habang papalapit ako ay
Pabalik na muli kami ng San Miguel at naisipan namin at napag-usapan na rito na lang namin ganapin ang pagdiriwang ng pasko, maganda na rin iyon para makawala na rin sa landas ni Kheanna na sa pagkakaalam ko ay naiwan siya sa China.Pasado alas- tres ng hapon ng lumapag sa airport ang eroplano, maraming bodyguard niya ang sumalubong sa amin at ilang mejia.Sumakay kaagad kami sa magara niyang Van at binaybay ang daan papuntang Townhouse.Naisipan kong paglutuan siya ng dinner para mamaya dahil umalis rin siya kaagad pagkarating namin.Sinamahan ako ng ilang katulong at bodyguard habang naiwan naman sa baby sitter niya si Earen, at hindi ko na sinama pa.Pansin ko na maluwag ang kalsada na parang naubos ang mga sasakyan sa kalsada ng San Miguel, marahil ay marami ang umuwi sa kani-kanilang lugar upang makasama ang kanilang pamilya, iyon rin ang balak namin ni Earniel kapag natapos niya ang ilang trabaho sa opisina.May napansin si Melody na panay ang buntot sa sasakyan namin, ayo
Biglang nagbago ang ekspresyon ang mukha ni Kheanna na hindi ko maintindihan bakit biglang nagkaganoon.“Ano pera lang ang gusto mo kay Earniel?” Biglang nagbago rin ang tibre ng kanyang boses, wala namang ibang tao sa pasilyo ng banyo sa pagkakaalam ko, ngunit ang lakas ng kanyang boses na parang gusto niyang iparinig sa ibang tao, kung sakaling may mapadaan.“Anong sinasabi mo?” Kunot noo kong sabi. Bigla siyang naglakad lagpas sa akin sa likod ko ang tungo niya kaya napalingon ako, hanggang makita ko si Earniel na nakatayo, ang mga mata niya ay blangkong nakatingin sa akin, habang si Kheanna ay sumakbit ang kamay sa braso ni Earniel.“Lumabas na sa kanya na pera lang talaga ang gusto niya sa’yo!” ayokong intindihin ang sinasabi ni Kheanna dahil nakafocus ang mata ko kay Earniel.“Naniniwala ka ba sa kanya?” Kinakabahan ako at natatakot isipin ang mangyayari.Ngunit nanatiling tahimik si Earniel, hindi ko mahulaan ang tinatakbo ng isip niya ngayon.Maya- maya’y inalis niya ang
Hindi ko inaasahan na biglaan ang pag-alis namin papuntang china, hindi na ako tumutol dahil kagustuhan ko naman makasama siya. Ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating roon sino ang naghihintay sa amin.Pasado alas dose ng hapon ng makarating kami, malamig lamig pa ang paligid, katulad noon ay nangangapa na naman ako.May sumalubong sa amin, mga chino, base sasalita nila, nasa likod lang ako habang buhat si Earen at pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap kahit wala naman ako naiintindihan. Sa dati parin kami dumaretso, wala naman nagbago, sa bahay niya rito kahit matagal hindi kami nakabalik rito.Hindi ko inaasahan na may ibang mga tao roon, halos mapuno ng tao ang tahanan. Dumaretso kami kaagad sa loob ng kwarto.“Dito ba gaganapin ang reunion?” “Hindi! Dumalaw lang sila para makita si Earen.” Napatango nalang ako, masaya ako dahil nirerecognize nila si Earen bilang anak ni Earniel.Nagpahinga muna kami ni Earen, habang si Earniel ay nanatili sa sala kausap ang mga
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo
Halos ilang buwan na rin magmula ng umalis si Earniel. At ngayon ay kasama ko na si Earen sa bahay, wala akong makuhang balita sa kanya, bukod sa mahina ang signal ay nasa ibang bansa siya ngayon! Hindi ko na rin ano ang ginagawa niya, namimiss ko na rin siya, at sapalagay ko ay namimiss na rin niya si Earen. Pero hindi ko alam kelan kami muling magkikita. Kaya napagdesisyonan ko rin na sa pagbabalik niya sa bansa ay ang pagbabalik ko rin sa San Miguel. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko na mananatili lang kami ni Earen rito, ngunit mahirap din pala magpanggap na okay lang ang lahat. Na akala ko ay ganun kabilis ang magdesisyon. Ngunit papano ko nga ba malalaman iyon, kung kailangan ko pang pumunta ng bayan upang malaman ang tungkol sa kanya, at iyon ang nakakalungkot na pangyayari. Hanggang isang umaga ay nabulalabog ako ng tawag ng dalawa sa akin, mayroon raw silang balita tungkol kay Earniel kaya dagli akong napabangon at pinuntahan sila, sa labas ng bahay. “Talaga bang babalik na
Nang muli kaming mapunta sa bayan ay ang biglaang pagtunog ng kanyang phone, hudyat na may tumawag sa kanya, ilang araw pa lang siya pero mukhang aalis na siya, alam ko naman at tanggap ko rin naman na hindi niya maaring pabayaan ang negosyo ng pamilya niya kaya kahit pa labag sa loob ko na umalis siya ay kailangan kong tanggapin at intindihin kahit wala pa siyang sinasabi. At busy pa sa kanyang phone.Nang matapos ang tawag ay bumaik siya sa tabi ko, nagbago na rin ang ekspresyon niya kaya alam ko na kaagad, kung ano ang ibig sabihin.“Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa! Naiintintindihan ko naman!” Pilit kong hindi maging malungkot ang tono ng boses ko! Dahil ayokong mag-alalala siya. Napabuntong hininga pa siya kaya tinapik ko siya sa likuran niya.“Sorry Hon, may nangyari lang talaga pero babalik ako huh!” Sabay halik niya sa noo ko! Dala ang agam agam ang biglaan niyang pag-alis na gusto pa sana niya magtagal at magbakasyon rito.Naglakad kami muli papuntang hospital, bukas