♡ KABANATA 2 ♡
ALA SAIS pa lang ng umaga ay ginising na ako ng mga katulong para mag-almusal, halos hindi ko pa nababawi ang pagod ko sa biyahe kahapon, kayang latang lata ako ng makarating sa hapagkainan! Sinandukan ako ng katulong sa pinggan kahit wala pa ako sa wisyo na kumain. Sanay naman ako gumising ng maaga pero sa pagkakataon na ito ay hinahanap ko ang mahabang tulog. - Nagpanggap ako na okay lang, lalo na at hiyang hiya ako sa itsura ko, pawang naka ayos na sila at nakabihis ng maganda samantalang ako ay nakapantulog pa na sinabayan ng magulo kong buhok na lagpas balikat at hindi pa nasuklayan. “Anak ito ang unang araw mo bilang sekretarya ni Earniel!” simulang sabi ni Don Enricko, nangunot at napamulat ng husto ang mata ko ng marinig na magtatrabaho ako kay Earniel bilang sekretarya niya na pinagtaka ko, dahil sa pagkakaalam ko ay kapag nagkita na kami ay ikakasal na kami dahil nakapirma na ako sa kontrata. “Magwowork po ako?” “Hindi naman literal na trabaho, sabihin na nating trainee wife. Means sa lahat ng lakad niya kasama ka niya, sa meeting at kung ano-ano pa personal man o hindi!” Si Madam Victoria na ang nagpapaliwanag. “Sosyal may OJT!—Kelan ho ako mag-uumpisa?” “Actually ngayon din!” Si Don Ericko. Napapitlag ako, madaliang ligo na ito! Sa kanila nanggaling ang damit na susuotin ko ngayon. Sa mahaba at magarang sasakyan na ginamit ko ng sunduin ako nakasakay na parang ako ang mayaman at nagmamay-ari nito. Iniisip ko kung anong klaseng training ang gagawin ko, dahil nahihiwagahan ako kung bakit sa opisina ako dadalhin kung hindi naman ako magtatrabaho talaga! Nasa isip ko na pati ba paghuhugas ng plato ay ituturo ba nila? Pumasok kami sa umiikot na mga pinto! Humanga ako pero hindi ko pinahalata, pagpasok pa lang ay nilamig na ako lalo na ang hita kong hindi natakpan ng maiksing palda. Napalunok pa ako mg makita ang hagdan na gumagalaw. Hindi ako ignorante ngunit sa palabas ko ito madalas nakikita at ngayon ay nasa harap ko na at matatapakan. Lumakad kami kasama si Melody! Sa isang pintong bumubukas na kung tawagin ay elevator. Bumukas ito at niluwa ang mga taong nasa loob! At may mga pumasok muli kasama namin! Pawang lahat sila nakatingin sa akin! Sapalagay ko naman wala akong dumi sa mukha. Nang bumukas muli ang pinto ay may babaing parang naghihintay sa amin pagdating! Seryoso ang kanyang mukha na parang sobrang sungit! “Iiwan na kita sa kanya Ms. Salvador siya na ang bahala sayo!” Sabi ni Melody at agad na bumalik sa loob ng elevator. “T-Teka!” Habol ko pero sa tingin ko na lang siya napigilan. Napabuntong hininga ako ng kami na lang ng babae. Cassandra Mendoza ang pangalan niya sa suot niyang maliit na badge na nakatahi sa navy blue niyang office attire! “Shall we go!” “Saan?” “Mr. Lao office! – Not aware?” Nanigas ang panga ko sa estilo ng pananalita niya! Pero wala ako magawa kailangan ko sumunod sa kanya at sa itsura niya ay napakataas ng posisyon niya. Pumasok kami sa loob ng opisina, nabasa ko sa table ang pangalan ni Earniel pero wala siya ng mga oras na iyon. Naupo ako habang pinagmamasdan ang paligid ng opisina. Sobrang liwanag nito dahil sa salamin na dingding nito! Para akong nalula kahit pa hindi pa ako nakakalapit. “Let me remind you sa mga gagawin mo?” “Sige sabihin muna!” Sumandal ako sa sofa, habang nakita ko ang panlalaki ng mata niya. “Mr. Lao, want coffee during morning, afternoon or di naman kaya kapag nagoovertime siya.” “Iyon lang ba? Useless naman ang training na ito!” “FYI! Pang 69 ka sa list at ang mga nauna rejected – training ka for 1 week” “pagkatapos ng 1 week ikakasal na ba kami!” umiling siya. “The major rule! Hook Mr. Lao heart!” “So heartbreaking! Pag hindi napaibig sa training pa lang hindi niya ipapasa?” “Hindi naman ibig sabihin mainlove sayo si Mr. Lao, ang sinasabi ay makuha ninyo ang loob niya. Maya-maya may tatlong lalaki na dumating. Mga prominante at may binatbat! Halatang mayayaman rin kaya lang mukhang may mga edad na. Hindi ko mapigilan tignan sila. Nakakahanga na para silang nasa K-drama na maaliwalas ang itsura sa suot nilang suit. At isa pa ay hinahagilap ko ng tingin kung sino sa kanila si Mr. Lao, dahil para sakin, para silang magkakamukha. “Mr. Lao siya na po ang trainee!” Nang bumukas muli ang pinto at ang pumasok ang pang-apat na lalaki. Sa taas niya ay naglalaro sa 6ft siya, maganda ang tindig kahit pa medyo payat siya. Maliliit rin ang mata niya na pataas at katulad ng larawan ay busangot ang mukha niya na parang pasan ang mundo. “May bago na naman?” Saad nito ng maupo ito sa lamesa niya, samantalang humilera naman ang tatlong lalaki at naupo sa tapat ko. “Napakabata naman nito, hindi ba ito magrereflect sa kompanya?” “Kaya nga! Hindi pa yata tapos ito ng pag-aaral!” “Gentlemen, magfocus muna tayo, tumitig siya ng pailalim sa akin saka bumalik ang mata nito sa papel na hawak niya. – “Hayaan ninyo yan! Susuko rin yan katulad ng mga nauna.” Wala ako alam sa pinag-uusapan nila pero interesting dahil about sa negosyo. Hindi ko mahulaan ang edad niya! Na iba sa naiimagine ko noong hindi pa kami nagkikita. Pansin ko sa kanya ang singhal niyang boses. Nangingibabaw ito sa kanilang apat. “Magtimpla ka ng kape! Dapat mainit na mainit na black coffee!” Utos ni Earniel sa akin! “Latte!” “Caffucino sa akin!” “Mocha-latte naman sa akin!” Nawindang ako ng marinig ang mga sumunod sa black coffee na request ni Earniel! Hindi pa ako nakakakita ng mga kape na iyon o kape ba talaga iyon? Napansin kong nakatitig sila, at hinihintay ako gumalaw. “Bakit hindi kapa umaalis?” “Kasama ba sa training ito ang timplahan kayong lahat?—Tumuro ang daliri ko kay Earniel at matamang tinitigan siya.— “Ikaw lang naman ang magiging asawa ko ahh!” tumayo siya at umupo ng bahagya sa lamesa niya. At nagcrossed arms din siya. “Oo kasama! Kung ayaw mo sumunod pwede ka ng bumalik kung saan bundok ka nakatira!” singhal niya. “Ano sinabi mo taga bundok ako? Sige talagang aalis ako, kesa makasama ang hambog na katulad mo!” Hindi ko napigilan taasan siya ng boses! Pakirdam ko nakatingin lahat sila sa akin. “Go!” – angat ng kamay niya sa pintuan, saka binalik muli sa pagccrossed ng kamay niya. – “Kaya lang kapag umalis ka, pupunitin ko ang kontrata at ngayon mismo babayaran mo ang 2million!” Hindi ako nakaimik, dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng 2million agad na pambabayad sa kanya. “Miss kapag wala ka pambayad kay Mr. Lao, May pera ako dito pwede kitang matulungan! Kasi yung katulad mo ang hanap ko.” Nangingisi nitong sabi. “Madiri ka naman ang tanda tanda muna ehh!” Irap ko, dahil nangingilabot ako sa sinabi niya! Hindi niya tinukoy pero nauunawaan ko ang ibig niya sabihin. At hindi na siya nahiya sa puti niyang buhok. “Okay gentlemen lumabas na lang tayo after work.” “Good idea!” “As a trainee kasama pa rin siya hindi ba?” Sabi ng isang lalaki. “Saan ba kayo pupunta?” usisa ko. Hindi na niya ako sinagot! At nagpatuloy sila sa pagdidisgust. Binigyan muna ako ni Ms. Mendoza ng isang oras na break! Sandwich at cola lang ang kinain ko dahil naparami naman ang kain ko kaninang almusal! Hindi rin ako nagtagal bumalik rin ako agad kahit may ilang minuto pa ako natitira. “Ms. Salvador may ididiscus ako regarding sa training mo. Sumunod ka sa akin!” Pumasok kami sa isa pang room, may white board sa dingding, at mahabang lamesa na may walong malalambot na upuan! At inakupahan namin and dalawa at nagtapat, may hawak siyang makapal na papel. “Tatapatin na kita! Hindi porket nakahilera ka maging asawa ni Mr. Lao ay may special treatment kana!” “Hindi ko naman iniisip iyon!” “Mabuti kung ganun, since ikaw ang umutang required na maging sunod sunuran ka!” “Pero?” “At ayoko ang ginawa mong pagsagot sa kanila! Always respect at kung gusto mo makapasa,” tumango na lang ako. –“Mr. Lao can’t express his feeling! Kaya ngayon pa lang mag-adjust kana!” “Kaya pala ganun siya? Okay gagawin ko ang lahat!” Bumalik ako sa loob ng opisina niya para antayin siya makabalik. Alam ko naman na ganun talaga ang ugali ng tao kapag tumatanda na! Takot na sila ma-express ang feelings nila, kaya kahit masaya sila, hindi na nila mapakita kung paano, kapag malungkot naman sila hindi rin nila pinapakita dahil nasanay sila na tinatago iyon! At sapalagay ko isa si Earniel Lao sa mga taong nahihirapan pakita kung sino siya. Halos wala ako ginawa maghapon, nasa opisina lang niya ako at nakaupo! Sinasalat ang bawat sulok ng malaking silid na iyon. Pumasok si Ms. Mendoza dala ang isang bond paper na print. Inabot niya sa akin, at bago siya makalabas ay kailangan ko ng basahin, intindihin at kabisaduhin. Pumasok ng maaga. Bawal malate Magtimpla ng kape kada apat na oras) Ayusin ang necktie, palitan depende sa okasyon. And first in the morning dictating appointment and meeting including name, time place. So on and etc… Nawindang ako ng matapos kong basahin ang ilan sa mga nakalagay sa bond paper na iyon, pero sa tingin ko naman ay kayang kaya ko ito gawin lahat para sa dalawang milyon. Nakaidlip ako sandali sa swivel chair niya! Sa sobrang lamig ng silid na iyon ay hinigop ako ng antok! Kahit hindi ito gaano kalambutan ay napasandal ako. Nagising ako sa maingay na parang may nag-uusap! Pagmulat ko ay nakita ko kaagad ang mukha ni Earniel na nakasimangot at nakatayo sa likod ng upuan! Tumunghay ako at ininda ang batok kong nanakit sa pagkakapatong sa sandalan ng swivel chair. Tumayo ako naglakad papuntang sofa pero nag-alinlangan ako ng makita ang manyak na matanda! Kasama pa rin niya ang mga ito. “Let’s go!” Narinig kong sinabi ni Earniel, tinignan ko sa wrist watch ko ala-singko pasado na! Sumunod ako sa kanya kagaya ng nabasa ko sa papel kanina! Hindi ako sigurado kung saan ang punta nila. At sa paglabas pa lang ay hindi ko alam kung kanino ako sasama na sasakyan! Tanging ang matandang manyak lang ang tawag ng tawag sa akin at nagpupumilit na sumakay na ako sa kanyang kotse. Pero hindi ko siya pinansin hanggang makita ko ang sasakyan ni Earniel, paalis na ito kaya tinakbo ko at binuksan ang pinto, mabilis akong nakaupo kahit pa muntik na ako mahulog mabuti na lang sanay ako sa pagsabit sa jeep at pagbaging baging sa kagubatan ng San Agustin. “Bakit ka nandito?” Hindi siya nakatingin sa akin! “Isasama mo ako pero paglalakarin ninyo ako?” “Hindi ko sinabi na isasama kita,” Kinuha ko sa bulsa ng skirt ko ang papel na itinupi ko ng apat at pinakita sa kanya ang nakalagay. “Bond your husband everywhere! Kaya nga nandito ako at babantayan kita baka mamaya mambabae ka,” binalik ko muli ang papel sa skirt! At umayos ng upo. “Hindi mo pa ako asawa!” Tinaas pa niya ang palasingsingan niya para ipakita ang daliri niyang walang suot na wedding ring. “Ahh! Basta sa akin ka lang!” Hindi ko na siya tinignan pero alam ko nakatuon ang mukha niya sa akin! Pero sa kaloob - looban ko ay parang gusto kong masuka. Hindi naman siya ganun katanda, sa kutis niya, sa tindig at pananalita ay wala kong mabakas na katandaan! May magilan-ngilan nga lang siyang puting buhok pero hindi halata kung hindi titignan ng maigi. Sa isang madilim na resto kami tumigil! Nagbabaan na rin ang mga kasama niya at sunod sunod silang naglakas papuntang entrance habang ako ay nakasunod lang sa likod niya. Sa VIP room kami pumasok naupo kami sa pabilog na sofa na may bilog ding lamesa, tanging ako lang ang babaing kasama nila! At hindi ako kampante sa ganun! Lalo pa at nagpakilala na ang isa sa kanila! Nalingap lang ako ay katabi ko na ang matandang manyak, katabi ko man si Earniel pero malayo siya at nasa bandang gitna. “Kumuha na tayo ng babae!” sabi ng isa. “Ikaw Mr. Lao hindi kaba kukuha ng babae?” sabi ng lalaki na tumatawa tawa pa. “Hindi! Hindi siya pwede kumuha!” Malakas kong sabi. Nagtawanan sila at nagsimula silang asarin si Earniel sa akin. “Sa lahat ng trainee matindi ito ahh?” “Mapusok talaga kapag bata!” Saad ng matandang manyak at humaplos pa sa hita ko, tinabig ko ang kamay niya, sabay nagsumisik ako kay Earniel, kumapit pa ako sa braso niya sa inis at takot na nararamdaman ko. Lalo silang nag-asaran ng makitang nakatitig sa akin si Earniel, hindi ako nagpasindak, hindi ko inalis ang kamay ko sa braso niya. Siya na lang ang kusang nag-alis at lumayo sa akin. “Don’t cross the line!” Mariin niyang sabi, sabay lumagok ng alak! Nanahimik na lang ako sa isang tabi, tumigil na rin sa pangungulit sa akin ang matandang manyak ng may maka-table na itong babae! Hindi ako uminom kapag mas maraming lalaking kasama kaya minabuti ko na lang na pagmasdan sila at libangin ang isip ko sa mga alaala sa aming baryo. Kung ano-ano na rin ang ginagawa nila, may naghahalikan, may inom ng inom at buga ng buga! Hanggang matuon ang mata ko kay Earniel may hawak pa siyang bote habang nakayuko. Sapalagay ko may tama na siya. “Mr. Earniel Lao?” Tapik at yugyog ko sa kanya, umuungol lang siya at napahiga pa sa sofa! Dahil lasing na si Earniel ay Pinasan ko siya sa likod ko kahit pa parang mas mabigat pa siya sa isang sako ng bigas. Sinalubong kami ni Denver na driver niya paglabas ng resto-bar. Sa isang mataas na building kami tumigil, sabi ni Denver roon nakatira si Earniel. Sumama naman siya at hinatid kami hanggang 16th floor. Finger passcode ang nagpabukas sa pintuan at hinayaan na ako ni Denver na maiwan kay Earniel. Sa kama ang tungo ko kung saan ay binalibag ko siya pahiga. Hiningal ako sa pagpasan ko sa kanya nanakit ang likod ko sa bigat niya! Hinila ko siya pataas para mapunta siya sa unan, sinabay ko na rin ang pagtanggal ng sapatos at medyas niya. Saka siya gumalaw patagilid! Nagsasalita siya pero napakahina. Naupo ako sa bandang tagiliran at nilapit ko pa ang tainga ko sa bibig niya! Pero wala ako marinig. “Ano ba sinasabi mo ha?” tampal ko sa kanya, gumalaw muli siya at tumihaya, ang isang kamay nito ay ang humahatak sa necktie niyang suot, at parang hirap na hirap siyang tanggalin iyon. Napakamot ako ng ulo! Nagdadalawang isip ako kung tutulungan ko ba siya. Umakyat ako sa kama para lapitan ang necktie niya at tanggalin, sunod ay tinanggal ko ang suit na gray na suot niya, napahawak ako sa belt niya, pero gumapang ang kamay niya sa kamay ko para pigilan ako kahit wala naman ako balak na tanggalin iyon. “Huwag muna ituloy,” nakapikit siya ng tignan ko ang mukha niya. “Kunwari ka lang na lasing no?” Umangat ang kamay niya papunta sa likod ko, huli na para pigilan ko, muntik na akong masubsob sa kanya, namilog ang mata ko at napalunok, wala ng isang dangkal ang pagitan ng mga mukha namin. Maagap kong tinakpan ang bibig niya bago pa ulit siya gumalaw. His eyes opened but did not widen. Umangat pa ang kamay niya at hinahawi ang buhok kong sumangga sa mukha ko. My heart beaten fast! Parang may racing ng kabayo. “Hoy! Hindi ako yung pang one night stand no!” Layo ko sa kanya, pero malakas ang kabig niya pabalik sa kanya. Sa mga labi niya ako nasubsob. Hindi ako makagalaw habang gumagalaw ang labi niya at parang nilalaro ang labi ko. Hindi pa ako nakiss ninuman, at hindi rin ako makapaniwala na siya pa ang unang halik ko. ★♡ KABANATA 3 ♡ What’s wrong with him hindi ako makaalis sa bisig niya, maging sa labi niya. Sinasabi ng utak ko na tumigil na dahil malapit na ako madala, inaamin ko na he's a good kisser kahit pa siya lang ang lalaking umangkin ng labi ko. Binibilang ko ang segundong tinagal ng pagkaka-ayos namin! At patuloy pa rin ako sa pag-iisip kong hanggang saan kami dadalhin ng mapusok niyang halik. Kalaunan tumigil siya, sinubsob muli niya ako sa bisig niya. Bumubulong siya ng mahina sa tainga ko at ang tanging tumatak sa akin ay ang pangalan ng isang babae. Selena! “Se…lena, I mi..ss yo..u!” Pagkasabi niya noon ay bumitaw na siya sa akin at natulog! Halos tatlong taun na ang lumipas, magmula ng maghiwalay sila ni Selena! Sinasabi sa balita, Selena cheated on him, yung iba sinasabing talagang hindi nila minahal ang isa’t isa kaya naghiwalay na sila ng tuluyan at sinasabi rin sa balita na tumagal lang sila para makaahon ang pamilya nila Selena sa malaking pagkakautang
♡ KABANATA 4 ♡Hindi ako nahimatay sinadya ko lang na pumikit para ipagamot naman niya ako! Iniisip ko na baka maubusan ako ng dugo! Dahil noon sa aming baryo ng San Agustin ay may nasugatan sa amin noon dahil sa layo ng ospital siya ay naubusan ng dugo at namatay.Wala ako narinig na salita sa kanya pero nararamdaman ko ang mabilis na takbo ng sasakyan. Sa isang private hospital kami tumigil! Mga nurse ang umalalay sa akin at hindi siya. Private room ako dinala may IV (intravenous) pa. Pinagsisihan ko tuloy ang madala rito! Nakaupo siya sa upuang nasa sulok at nagbabasa ng dyaryo. Napatitig ako ng husto ng makita ko siya sa FrontPage. Bumaba ang dyaryo at siya na ang nakita ko, tumayo siya at lumapit.“Magpahinga ka mabuti, aalis na ako!” Malamig niyang sabi, pinagmasdan ko ang IV puno pa ito at ayoko mag-isa at mabored rito.“Samahan mo muna ako! Ayoko mag-isa!” Iniangat ko ang kamay ko para bahagyang hilahin ang suit niya.“Hindi pwede busy ako!” alis niya ng kamay ko sa suit niya
♡ KABANATA 5 ♡ 5AM pa lang ay gumising na ako, almusal muna ang una kong inatupag, bago ako naglinis at naglaba ng mga sinuot niya kagabi! Napapaisip ako na parang hindi ako nagttraining as a wife at parang maid. Wala siyang tinakdang oras kung anong oras ko ba siya gigisingin nakaupo lang ako sa sofa at pinagmamasdan siyang matulog! Tunog ng alarm ang nagpagising sa kanya, agad akong lumabas para magtimpla ng kape niya. “Good morning Sir?” Masaya kong bati sa kanya habang pumupungay pa ang mata niya at hindi pa maidilat lumapit ako sa kanya at humalik sa labi niya. Base na rin sa nabasa ko sa contract na good morning kiss, at habang natutulog siya ay iyon ang napagkaabalahan kong basahin, ang papel na binigay ni Ms. Mendoza na photocopy ng kontrata. Hindi naman siya umimik at diretsong tumayo lang, sa hapag siya dumaretso at naupo, binuksan niya ang basket na nakatakip sa pagkain na nasa lamesa! “Nilagang mais?” masama ang titig niya sa akin, saka dinampot niya at kinag
♡ KABANATA 6 ♡ Maaga kami umalis para hindi maabutan ng traffic, tulog pa ang diwa ko habang nakasandal sa upuan ng sasakyan. Bukang liwayway pa at kakaunti lang ang naitulog ko. Tahimik kami sa biyahe at nasa utak ko pa rin ang sinabi niya. Hindi ako nakikipagkompetensiya sa taong mahal niya, wala kong ibang gusto kundi ang matapos na ito. Humikab ako at umunat! Naramdaman ko ang paghapdi ng braso ko kaya napababa ko kaagad! Hindi ko pinahalata na may kakaiba sa braso ko, mabuti na lang at mahaba ang manggas at hindi nakikita ang malaking gasgas. Itinulog ko na lang muna ang lahat ng iniisip ko, hindi dapat ako malungkot o masaktan dapat lagi lan(g ako masaya. Kalabit ang nagpagising sa akin, nasa parking kami ng opisina! “bilisan mo may kliyente pa ako!” labas agad nito sa sasakyan. Sumunod ako sa kanya, pumasok kami sa loob. Pagtitimpla ng kape agad ang inatupag ko pitong tao ang nasilip kong naroon, sa conference room ay seryoso silang nag-uusap, nakaupo siya sa unahan
♡ KABANATA 7 ♡ Isang linggo rin naging laman siya ng headlines, naniniwala siya na hindi niya kailangan magpapaunlak ng interview kahit kaninong reporter, para sa kanya ay katatawanan ang lahat at hindi na kailangan pang pansinin, iyon ang gusto niya na ipamulat sa akin, habang kasama ko pa siya! Kahit si Don Enricko ay walang magawa sa katigasan ng ulo niya. Ngunit patuloy pa rin usapin kung sino ang nagpakalat ng video, dahil sa company policy bawal maglabas ng kahit anong CCTV footage na dapat ay sa loob ng kompanya lang pag-uusapan! Mabigat ang parusa sa taong nagpakalat noon, maari siyang patawan ng suspension or ganap na tanggalin without benefits and insurance f*e from company. Lantad sa hallway ang CCTV, kaya dahil mas mabilis nahuhuli ang may sala kung maraming mata ang nakakakita, walang maitatago siya man o mga empleyado, walang pakealam si Earniel sa mga issue ng empleyado niya, kahit ano pa gawin ng mga ito. Ngunit sa kabila ng issue ay lalong tumaas ang rating niya a
♡ KABANATA 8 ♡Nagising ako sa na parang maliwanag na! Nahagip ng mata ko na katabi ko pa si Earniel at nakayakap pa ako sa kanya napabangon ako dahil alam ko magluluto pa ako ng almusal at maglilinis ng bahay pati narin maglalaba.Agad kong ginawa iyon, puro karne ang niluto ko, mabuti na lang at maalam ako sa pagluluto.Pasado alas siyete kahit naririnig ko ang ang alarm niya ay parang hindi siya gumigising nilapitan ko siya namumutla siya at nang hawakan ko ang kanyang noo at leeg ay sobra niyang init! Agad akong Kumuha ng malamig na tubig at tuwalya para pahiran ang kanyang katawan. Tinanggal ko kaagad ang mga damit niya at naiwan lang siyang nakaboxer short, lalo siyang nagchill kaya nataranta ako! Naghanap ako ng paracetamol para mapainom agad siya. Binihisan ko kaagad siya matapos kong punasan.Narinig ko ang pagtawag ni Ms. Mendoza sa phone na agad kong sinagot! Sinabi ko na hindi na makakapasok si Mr. Lao, hindi ko na binanggit kung bakit basta sinabi ko lang siya na ang baha
CHAPTER 9Sa pasilyo pa lang ay kakaiba na ang mga tingin sa akin ng mga tao, ano na naman kaya ang nasa isip nila, habang binabagtas ko ang papunta sa cafeteria para mag-almusal.Hanggang makasalubong ko si George at sumabay sa akin sa paglalakad hanggang sa makaupo kami, siya muli ang taya sa mga kinain namin. Wala parin akong sapat na pera, hangga’t hindi pa nangyayari ang kasal namin ni Earniel. At hindi ko alam kung kelan matatapos ang pagiging trainee wife ko na lumampas na ng isang linggo. Ganun ba talaga kahirap mahook ang loob ng isang EARNIEL LAO. Patapos na kami kumain ng mapansin ko ang pagdating ni Don Enricko hindi naman niya ako napansin kaya’t diretso lang ang tingin ko sa kanya, ayoko isipin na ang kahapon pag-alalala ko ang dahilan ng pagparito niya rito.At hindi pa nawawala ang paningin ko kay Don Enricko ay nagsusunuran naman sa paglalakad ang mataas na opisyal ng kumpanya, para lahat sila ay nagmamadali, nagmamadali ba silang maabutan si Don Enricko. Ano kayan
♡ KABANATA 10 ♡Malalim at sunod sunod na buntong hininga ko, hindi ko namalayan na isang linggo na pala ang lumipas.Nasa bride’s room ako at nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili habang inaayusan ng isang make-up artist at isang hairstylist. Suot ko na ang wedding gown na puti na punong puno ng diamante at pearl, magara para sa isang pekeng kasal. Nang matapos ay ipinatong sa akin ang pulang belo, makapal ito at hindi gaanong makikita ang mukha ko, kagaya ng gustong mangyari ni Earniel na walang sinuman ang maaring makakita sa mukha ko in- case na may mga dumagsang media.Malakas ang kabog ng dib-dib ko habang naglalakad ng mabagal sa gitna, sa kakaunting tao ay nakapokus ang mata nila sa akin! Mas lalo pa akong kumabog ng makita ko sa unahan si Earniel, Kahit natatabingan at nakaharang ang pulang belo na ito ay hindi nakaalis sa akin ang kgwapuhan niya ng araw na iyon. Nang makalapit na ako sa kanya ay huminga ako ng malalim bago nilagay sa braso niya ang kamay ko.
Hindi napakali ang mga paa ko ng makaalis si Carlo ng umagang iyon, hindi mapakali naparang gusto kong umalis na hindi ko maintindihan, ngunit natitiyak ko na magagalit si Carlo kapag nalaman niya ang balak ko at isa pa ay binalaan na rin niya ako na huwag ng baba ng bundok, ngunit hindi ko mapigil ang sarili na umalis at pumunta sa ibaba, gusto ko lang mapawi ang pagkabagot ko lalo pa at mag-isa ako.Hanggang mabuo ko ang desisyon ang magpunta at mamasyal sa ibaba ng bundok.Kahit malayo at nakakapagod at tiniis ko, kahit pa abutan ako ng mataas na sikat ng araw, at makaramdam na din ng gutom, lalo pa ng mapabaling baling ang tingin ko sa mga nakahilerang kainan, kinapa ko ang loob ng bulsa ng paldang suot ko ngunit iisang barya lang ang laman nito, na hindi makakapawi ng uhaw at gutom ko.Naupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga taong kumakain hanggang madako ang paningin ko sa televisiong nakabukas sa kainan.Bumaling ako at nilibang lang ang sarili upang mapawi ang nararamdaman
Habang nilalakad namin ang kahabaan ng kalye ng pamilihan ay wala ‘man lang sa akin nagpapaalala ng lahat, ni hindi ‘man sumasagi sa isip ko ang panunumbalik ng alalaalang nawawala sa pagkatao ko, hawak niya ang mga kamay ko ng mahigpit ngunit ang init niyon ay hindi ‘man lang pumapawi sa nalulumbay kong damdamin. Tumigil kami sa isang kainang nakatayo sa gilid. Pamilyar ngunit hindi ko mawari at matukoy, dumampot siya ng stick at nagsimulang tumusok tusok, nakamasid lang ako sa kanya na parang batang maghihintay na abutan ng makakain.Sa mga daliri ko ay inipit ang makitid at maliiit na stick.“Fishball baka magustuhan mo!” Sambit pa niya sa akin, sabay inilapat ko sa akin labi at kagatan ng maliit. Sa pagnguya ko ay ang biglaang kong pagkahilo na ikinabahala niya.Sapo ko ang noo ko, sa hindi ko malamang dahilan ay may isang mukha ng lalaki ang rumehistro sa isip ko, hindi ko maaninawan ang kanyang mukha, at pilit na inaalala, ng mabaling ako kay Carlo ay nabatid ko na hindi siya
Hindi ko pa rin mahanap ang sagot sa tanong ko sa sarili, kung sino ba ako, kahit pa parang batid ko na ilang panahon na ang lumilipas ay hindi wala pa rin akong maalala. Minsan parang nasasanay ang sarili ko sa payak na mundong ginagalawan ko, parang may payapa sa pakiramdam ngunit may mga tanong sa isipan. kaya naisip kong magpalakad lakad sa bakuran, mayayabong ang puno tila liblib at malayo sa kabihasnan ang kinaroroonan namin. Sa mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig ang siyang nagsisilbing musika sa labas ng tahanan na iyon. Sa paglilibot ko sa paligid ay nakita ko si Carlo na may kasamang babae, wala akong naramdaman na selos o anupaman, sa itsura ng babae ay tila hindi rin naman siya ordinaryo, at halatang hindi taga rito, sa pag-uusisa ko ay marahan akong lumakad gamit ang tungkod na kahoy na siyang nagsisilbing gabay ko sa paghakbang, pa ika ika ko pa rin nailalakad ang mga paa kong may nanatili pa rin na may sugat, seryoso ang kanilang pag-uusap at habang papalapit ako ay
Pabalik na muli kami ng San Miguel at naisipan namin at napag-usapan na rito na lang namin ganapin ang pagdiriwang ng pasko, maganda na rin iyon para makawala na rin sa landas ni Kheanna na sa pagkakaalam ko ay naiwan siya sa China. Pasado alas- tres ng hapon ng lumapag sa airport ang eroplano, maraming bodyguard niya ang sumalubong sa amin at ilang mejia. Sumakay kaagad kami sa magara niyang Van at binaybay ang daan papuntang Townhouse. Naisipan kong paglutuan siya ng dinner para mamaya dahil umalis rin siya kaagad pagkarating namin. Sinamahan ako ng ilang katulong at bodyguard habang naiwan naman sa baby sitter niya si Earen, at hindi ko na sinama pa. Pansin ko na maluwag ang kalsada na parang naubos ang mga sasakyan sa kalsada ng San Miguel, marahil ay marami ang umuwi sa kani-kanilang lugar upang makasama ang kanilang pamilya, iyon rin ang balak namin ni Earniel kapag natapos niya ang ilang trabaho sa opisina. May napansin si Melody na panay ang buntot sa sasakyan
Biglang nagbago ang ekspresyon ang mukha ni Kheanna na hindi ko maintindihan bakit biglang nagkaganoon.“Ano pera lang ang gusto mo kay Earniel?” Biglang nagbago rin ang tibre ng kanyang boses, wala namang ibang tao sa pasilyo ng banyo sa pagkakaalam ko, ngunit ang lakas ng kanyang boses na parang gusto niyang iparinig sa ibang tao, kung sakaling may mapadaan.“Anong sinasabi mo?” Kunot noo kong sabi. Bigla siyang naglakad lagpas sa akin sa likod ko ang tungo niya kaya napalingon ako, hanggang makita ko si Earniel na nakatayo, ang mga mata niya ay blangkong nakatingin sa akin, habang si Kheanna ay sumakbit ang kamay sa braso ni Earniel.“Lumabas na sa kanya na pera lang talaga ang gusto niya sa’yo!” ayokong intindihin ang sinasabi ni Kheanna dahil nakafocus ang mata ko kay Earniel.“Naniniwala ka ba sa kanya?” Kinakabahan ako at natatakot isipin ang mangyayari.Ngunit nanatiling tahimik si Earniel, hindi ko mahulaan ang tinatakbo ng isip niya ngayon.Maya- maya’y inalis niya ang
Hindi ko inaasahan na biglaan ang pag-alis namin papuntang china, hindi na ako tumutol dahil kagustuhan ko naman makasama siya. Ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating roon sino ang naghihintay sa amin.Pasado alas dose ng hapon ng makarating kami, malamig lamig pa ang paligid, katulad noon ay nangangapa na naman ako.May sumalubong sa amin, mga chino, base sasalita nila, nasa likod lang ako habang buhat si Earen at pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap kahit wala naman ako naiintindihan. Sa dati parin kami dumaretso, wala naman nagbago, sa bahay niya rito kahit matagal hindi kami nakabalik rito.Hindi ko inaasahan na may ibang mga tao roon, halos mapuno ng tao ang tahanan. Dumaretso kami kaagad sa loob ng kwarto.“Dito ba gaganapin ang reunion?” “Hindi! Dumalaw lang sila para makita si Earen.” Napatango nalang ako, masaya ako dahil nirerecognize nila si Earen bilang anak ni Earniel.Nagpahinga muna kami ni Earen, habang si Earniel ay nanatili sa sala kausap ang mga
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo