♡ KABANATA 10 ♡Malalim at sunod sunod na buntong hininga ko, hindi ko namalayan na isang linggo na pala ang lumipas.Nasa bride’s room ako at nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili habang inaayusan ng isang make-up artist at isang hairstylist. Suot ko na ang wedding gown na puti na punong puno ng diamante at pearl, magara para sa isang pekeng kasal. Nang matapos ay ipinatong sa akin ang pulang belo, makapal ito at hindi gaanong makikita ang mukha ko, kagaya ng gustong mangyari ni Earniel na walang sinuman ang maaring makakita sa mukha ko in- case na may mga dumagsang media.Malakas ang kabog ng dib-dib ko habang naglalakad ng mabagal sa gitna, sa kakaunting tao ay nakapokus ang mata nila sa akin! Mas lalo pa akong kumabog ng makita ko sa unahan si Earniel, Kahit natatabingan at nakaharang ang pulang belo na ito ay hindi nakaalis sa akin ang kgwapuhan niya ng araw na iyon. Nang makalapit na ako sa kanya ay huminga ako ng malalim bago nilagay sa braso niya ang kamay ko.
♡ KABANATA 11 ♡Katok ng crew ng hotel ang nagpagising sakin, nakahanda na raw ang aming almusal, balak ko sanang gisingin si Earniel na katabi ko ngunit wala na siya ng mapadako ako sa pwesto ng tinutulugan niya. Marahil ay nauna na itong lumabas.Nag-ayos agad ako at pumunta sa sinabi ng crew sa akin, excited akong makita si Earniel, hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi sa amin. Parang nagsswing swing ang palda ko habang palapit ng palapit sa kinaroroonan niya. Nadatnan kong naroroon na si Earniel at kumakain, masaya ko siyang binati, ngunit nakakapagtakang hindi ‘man lang niya ako tinapunan ng tingin, siguro ay nahihiya siya sa nangyari kagabi, kaya ganun na lamang ang pakikitungo niya sa akin ngayon, ako na ang lumapit sa kanya, ng bigla na lang akong harangin ni Denver, na muli kong pinagtaka.“Pero Bakit?” inis kong tanong kay Denver, pawang iling lang ang tinugon niya sa akin, sa halip ay inaya ako ni Denver na maupo sa kabilang lamesa, wala namang tao sa paligid
♡ KABANATA 12 ♡ Habang naglalakad ako sa malawak na daan, sa matao at sa apat na intersection ng San Miguel ay napadako ang mata ko sa malaking LED T.V ng tatawiran kong pedestrian, nakatawag pansin sa akin ang taong nasa screen at laman ng balita, hindi ako nagkakamali si Earniel at ang babaing minsan ko ng nakita noon na kasama niya sa condo unit niya.Balak ko ng hindi pansinin pero napahinto ako sa balitang si Earniel ay kinasal na, parang tumalbog ang dibdib ko saya dahil sa wakas ay malalaman na nila na kasal na kami ni Earniel, ngunit malayo ito sa nais ko na marinig, ang akala kong wala lang na babae ay siya pa ang ipapakilala na asawa niya. Nagulantang at hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, dahil sa pagkakaalam ko ay kami ang ikinasal, ngunit ano ba ang ginawa namin ng isang linggo na? Para ba kanino ang Vow, para kanino ba ang pratice na iyon, kahit pa sabihin na hindi totoo ang kasal dahil sa kontarata ay malinaw na ako ang babaing hinarap sa dambana, ngunit may pagk
Nagkukumpulan ang lahat sa labas ng elevator ng pumasok ako ng umagang iyon, inakala ko lang na sira ang elevator kaya napakaraming tao, hindi rin magamit ang fire exit dahil pinasarado. Hindi ko maisip kong sino ang gagawa nito, bago lang ako at gusto ko malaman.Maya maya’y may dumating na babae. Sakbit niya ang shoulder bag niya sa tagiliran at may mga hawak siya na sandamakmak na papel, folder at mga brown envelopes.“Hay naku bumabalik na naman siya sa ganito! Kailangan na kailangan pa naman ito.” buntong hininga nito, kaya ako na ang lumapit at nagtanong.“Kilala mo ang may gawa nito?” usisa ko, sapalagay ko ay matagal na siya empleyado rito at sigurado rin ako na may alam siya sa nangyayari.“Dahil hindi mo alam at bago ka lang makinig ka sa akin!” Tinawag niya ako sa gilid at mahinang nagsalita, parang takot rin siya marinig ng iba ang sasabihin niya, kaya minabuti kong dumikit pa sa kanya at malaman ang mga kwento sa loob ng LAO EMPIRE.May bad habits daw ang tinutukoy niyang
Mulat na ang mga mata ko pero hindi ko pa rin magawang umalis sa tabi ni Earniel, nilalasap ko pa ang sandaling katabi ko siya dahil paggising niya strangers na naman kami. Magaan ang pakiramdam ko habang yakap ko siya, wala naman espesyalpero bakit paraang pinapakabog niya ang dibdib ko, hinawi ko ang buhok niya at mas lalo ko pa siyang pinagmasdan, na kahit ano gawin niya ay hindi ako magsasawa. Kumilos na ako ng gumalaw na si Earniel sa higaan, kailangan ko ng umuwi at baka maabutan niya pa ako. Ibinulong ko na alang sa kanya ang paghingi ko ng tawad bago ko siya iniwan sa kama. Nag-iinat inat pa ako likod ng makapasok sa unit ko, inasikaso ko muna ang gagamitin ko pamasok sa unibersidad, tanghali pa naman ang labas ko at diretso na ako ng opisina pagkatapos. Umagang klase, madalas inaantok antok ako, mabuti na lang at naiintindihan ko kaagad ang lesson. At kailangan kong pagbutihan, gusto kong maging proud akin si Earniel. Nagkita kita kami nila sa Charito at Alexis sa room,
Halos hindi ako pinatulog ng mga bulaklak at plaquena na naiwan kong nakapatong sa lamesa ng dining. Aanhin ko ba iyon? Ipapamukha ba sa akin na wala na halaga ang kontrata? Ngayon ay nag-isip na ako, kung paano ko mababayaran ang dalawang milyon.After the party, umalis rin si Earniel papuntang, china para business, kaya naging tahimik ang kompanya kinabukasan, gusto ko sanang masilip ang opisina niya, isang buwan ko siyang hindi makikita, at kahit hindi niya ako pinapansin ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkamiss sa kanya.Nakapasok na ako sa opisina ni Earniel dahil wala naman ang sekretarya nito at kasama niya, tanging gwardiya lang ang naroon pero hindi naman ako sinita.Pagpasok ko pa lang ay gininaw na ako, nakasarado ang malaking kurtina sa glass wall ni Earniel. Tinungo ko kaagad ang lamesa niya hinaplos ang larawan na nakatayo sa likod ng upuan niya.“Ang pogi pa rin kahit ang sungit ng mukha.”Naupo ako at sumandal sa upuan niya, pumikit ako at pinapangarap na makita siya
4 hours and 45 minutes namin ng marating namin ang Guanzhou, nilalamig pa rin ako at parang masama ang pakiramdam ko na parang kulang sa pahinga. Dala ko pa rin ang gamit ni Julia, sa malaking building napako ang mga mata ko kagaya ng building sa San Miguel. Naninibago ako sa mga nakikita ko, maging sa mga sulat sa paligid ng building sa mga empleyado at sa mga taong nakikita ko, para akong nasa ibang mundo. Kasama pa rin namin ni Julia ang interpreter niya kaya naiintindihan niya ang mga nakikita niya sa paligid, habang ako naman ay nangangapa.Sa pinakamataas na floor kami dinala ng isa pa naming kasama isa siyang head security rito si Qui xian. At matagal na siyang empleyado rito. Nang magpakilala siya sa amin sa english.Glass wall ang karamihan sa pader kaya nasisilip ko ang loob ng bawat office, hanggang sa natigilan ako, ng makita ko siya, sa kinatatayuan ko pa lang ay parang gusto ko na siyang yakapin at humihiling na sana ay mapansin o lingunin niya.Nagalak ang puso ko ng
Bumabayo at malalakas na ulan sa buong magdamag, malalakas din ang hampas ng hangin, halos sumasayaw ang mga puno sa labas ng masilip ko sa bintana, agad akong bumaba para silipin ang mga kisame kung may tumutulo, dahil sa bahay namin noon kapag ganito kalakas ang ulan ay siguradong tuluan na naman, kaya kanyang kanyang dampot kami ng pwedeng ipansahod sa mga pumapatak na tubig mula sa pawid namin na bubong.Nakansela na rin ang biyahe namin pabalik dahil sa bagyo, mananatili muna ulit kami ng ilang araw bago kami makakuha ulit ng ticket. Wala naman akong nakitang tulo hanggang makarating ang mga paa ko sa sala. Naabutan kong nakaupo sa sala si Earniel at nanonood ng balita, ngayon ko lang siya nakitang ganun, magmula kasi ng makilala ko siya ay puro trabaho na lang ang lagi niyang ginagawa, at kung hindi pa bumagyo ay hindi pa siya mananatili sa bahay,may kung ano na naman naglalaro sa isip ko, tinungo ko ang kusina at nagtimpla ng kape, sakto sa malamig na panahon, nilapag ko sa co
Isang linggo na kami sa bagong rest house, patuloy pa rin kaming nagtatago, maliban kay Earniel na sa opisina muna pinili magstay, hindi pa kami sigurado kung sino ang may kagagawan, nag-aalala na rin ako kila Mamay, Papay, mga kapatid ko at kay Earen.Gusto ko na rin silang lumayo rito at magbalik sa San Agustin at isama si Earen!Alam kong mas protektado sila lalo na si Earen kung magiging malayo sila rito dahil sa gulo, kahit pa mahirap para sa akin ang malayo kay Earen, ngunit kailangan subukan kahit pansamantala lang.Mag-isa ako sa sala at nagbabasa ng libro ng lumapit si Mayel isa sa mga kasambahay ng rest house, sinabi niyang may bisita ako sa labas at nais pumasok.Napaisip ako, dahil wala naman akong inaasahan na bisita at isa pa ay tagong resort ito ng mga Lao.Agad akong tumayo sa kinauupuan ko, saka nilakad ang mga paa papuntang dalampasigan kung saan ay naghihintay ang bisita ko.Hindi ko inaasahan na lalaki, nakita ko na ang mukha niya ngunit hindi ko maalala ang pangal
Natanggap ko ang Consolation Price na binigay ko naman kay Ikio, halos hindi siya makapaniwala at napayakap pa siya sa akin.Bumaling ang mga mata ko kay Earniel, agad siyang umiwas ng titig at umalis rin sa kinatatayuan niya, hindi na lang din ako nagpaapekto at tinuon muli sa bagong gagawin.Naisipan ng team manager na maghiking rin kami sa lugar bago kami umuwi ng kinahapunan.Kasama ko pa rin si Ikio na todo ang alalay sa akin kahit hindi naman kailangan dahil pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko, may umuudyok pa nga sa isipan ko na magpabaging baging kapag may nadadaanan kami na zip line, hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay taga bundok ang dating ako.Napalingon ako sa likuran ng mahirapan si Ikio na makaakyat sa mataas na bahagi ng bundok, ngunit napukaw ang mata ko sa direksyon papunta kay kay Earniel! Parang gustong magsalubong ng kilay ko ng makita kong magkahawak pa sila ng kamay ng First wife niya.Hindi ko maawat ang sarili na mag-ngitngit sa inis, na hindi k
Hindi ko na talaga alam ano bang pumasok sa isip ko kung bakit ko nga ba natanong iyon. Sobrang sira na yata ako, bagamat dapat ay nasagot na na niya ako ngunit bakit parang titig na titig lang siya sa akin, na parang napapangiti pa? Ano bang tumatakbo sa isip niya? Naguguluhan ba siya kung sino ang mas mahal niya? O nasisiyahan ba siya na may ibang babaing nagkakagusto sa kanya. Hindi ko naman talaga na maitatanggi na napakagwapo niya kahit pa nasa 40’s na ang edad niya, napahinto ako sa ideya na iyon na baka ba nagkakagusto na ako sa kanya o baka nga nadala lang ako ng isang gabing may mangyari sa amin, aaminin ko na hinahanap ko ang mainit niyang halik na kahit pa lasing ako ay damang dama ko, bumaling ang mata ko sa bisig niya, bagamat nababalutan iyon ng makapal na coat at jacket ay bakit parang gusto kong magpakulong muli. Bigla akong napalunok at ilan beses iwinaksi ang iniisip ko.Ngunit nakakaintriga na parang hindi siya makapag-isip agad? Parehas ba kami ng iniisip? Sa titi
Nagising ako kinaumagahan na wala na siya sa loob ng kwarto, hindi naman ako nagugulat dahil madalas naman talaga siyang umaalis lalo na kapag umaga para pumasok ng trabaho. Dinaanan ko muna si Earen sa nursery roon niya pero wala siya, kaya bumaba na ako para mag - agahan. Si Mamay at ilang kasambahay ang naabutan ko noon na nasa kusina at naghahain. Dumulog ako sa hapag naroon na roon sila Maureen, Paula, Elias, Papay at Earen kasama ang tagapag-alaga niya. Pasandok na sana ako ng kanin ng dumating si Earniel, wearing a gray shirt, black short at tuwalya sa balikat, na hindi ko usually nakikita magmula ng dumating ako rito. Basang basa rin siya ng pawis na syang patuloy niyang tinutuyo. “Magpalit kana Earniel bago ka kumain!” Paalala ni Mamay sa kanya na siyang sinunod niya, sinundan ko lang siya ng tingin. Hanggang sa mawala na siya. Nang makabalik siya ay iniisip ko na baka nakacoat and tie na naman siya, or mga damit na pang business attire. Pero same parin sa nauna nagpal
Gulat na gulat si Earniel habang nakatitig sa skin. Hindi yata niya inaasahan na naghihintay ako sa kanya, Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa gilid, sinunod niyang buksan ang polo niya at ilislis naman ang laylayan ng kanyang manggasNakamasid lang ako sa kanyang hanggang sa pansinin niya ako, ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesang nasa gitna ng mga sofa at roon ay naupo siya.Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya.“Okay ka lang ba?” Biglang tanong niya na dapat ay tanong ko. Iniisip ko tuloy hindi ba ako okay kaya ganun ang tanong niya sa akin.“Oo naman, nainip na nga ko rito sa kwarto!” “Aayain sana kita lumabas kaso kakalabas mo lang ng hospital.”“Tara!” aya ko sa kanya gusto ko rin siya makausap ng masinsinan at maliwanagan sa natuklasan ko kanina.“Tara?” Nagtatanong niyang sabi, sumang-ayon, ng sagayon ay kumilos siya, dinampot niya muli ang phone niya at susi, hindi na rin siya nagpalit ng damit, saka kami lumabas ng kwarto.Pawang tulog na ang lahat at kami na
Nagising ako na tila ba ang ingay ng sobrang lamig at ginawin ako. minulat ko ang paningin ko, maraming taong nakapaligid sa akin. Lahat sila ay nakatungo at nakatitig sa akin.Dagli akong bumangon, wala naman masakit sa akin, bukod lang sa hinihigop ako ng antok. Lumapit kaagad si Earniel alalay ang likod ko sa pagbangon.“Ano bang nangyari bakit ba tayo narito?” usisa ko ng mapansin na nasa ospital kami.“Nakita kitang nakahandusay, sobra akong nag-alala kaya dinala rito para makasigurado.” “Umuwi na tayo wala kapa pahinga!” Pilit kong alis sa kama. Nakakahiyang naabala ko pa ang oras na sana ay pahinga na niya, at bukas ay may trabaho pa siya.“Huwag mo ako intindihin! Sandali lang at aalamin ko ang sitwasyon mo!” tumayo siya at tinungo ang labas, umalis naman sila Mamay at Papay ng magising ako na sabi nila ay bibilhan ako ng makakain.Kaya naging tahimik ang kwarto mag-isa at nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, hindi ko mawari kung dapat na ba bumalik na ang alaala ko. Ma
Matapos kong marinig sa Ina ni Earniel ng masasakit na salita, nagpasya muna ako maglakad lakad sa garden hanggang madaanan ko ang bar ni Earniel na malapit lang naman sa pool area.Bumukas ang pinto hudyat na hindi ito nilolock, kahit pa umaalis siya, hindi ko kilala ang alak pero namili pa rin ako kung ano ang pinakamatapang, okay lang kahit hindi na masarap.Kumuha ako nb chaser at nagsalin ng paunti unti. Nakita ko rin ang retro music player ni Earniel at nagpatugtog kung ano man ang naroon.Mag-isa ako at pinagmamasdan ang nangangalahati na rin na alak, hindi ko na alam kung anong oras na, at gaano na ako katagal umiinom rito.Narinig ko lang na bumukas ang pinto hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung sino, dire- direstso lang ako sa paglagok.Umingit ang upuan, alam kong may tumabi at sabay kumuha rin siya ng chaser at nagsalin ng bahagya sa baso niya, saka lang ako tumingin ng lumagok na siya.Si Earniel na mukhang kararating lang galing trabaho, tumitig rin siya sa akin.“Bak
“Ayaw mo na bang bumalik sa dati?” Unti-unti siyang lumapit at halos dumikit ang kanyang mukha sa akin, halos parang takuri ang pisngi ko sa init, hindi ko alam kung kikiligin ako o madidiri, hanggang hawakan niya ang mga kamay ko, at nilapit sa dibdib niya, at maramdaman ko ang tibok ng puso niya, na pabilis ng pabilis – “Doreena! Kasi kahit ayaw mo ipipilit ko pa rin!” nangungusap ang mga mata niyang singkit, tila kinukuha ang loob ko.Wala rin ako nagawa kundi ang matameme na lang, hanggang bumukas ang pinto ng opisina niya, pinapatawag na siya sa meeting niya, marahan niyang binitawan ang kamay ko saka niya tinungo ang pintuan, doon lang din ako nakahinga, na parang kanina ay pigil na pigil ko, hindi ko alam kung bakit sa kilig ba o sa inis.“Salamat at umalis na rin siya!” Bulong ko sa sarili at pabagsak ako na naupo sa sofa, ng muling bumukas at bumungad ang ulo niya.“Antayin mo ako, huwag kang aalis!” pagkatapos niyang sabihin iyon, ay isinarado na niya muli ang pinto, at maiw
Tumikhim siya bago siya kumuha ng damit sa tokador.“Ano ayos lang ba sa’yo? – Hhmm! Sa totoo lang ay hindi pa rin ako naniniwala na asawa kita!” Napansin ko ang pagtigil niya ng panandalian saka muling inayos ang tokador na nabuksan.“Ikaw ang bahala kung maniniwala ka o hindi!” sambit niya bago siya umalis sa harapan ko, pansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang mukha na naging seryoso.Ngunit dapat nga ba ako na mangamba? O mag-alala ‘man lang? O ipagsasawalang kibo ko na lang. Pagkatapos niyang magshower ay dumaretso lang siya papuntang pinto, hindi ‘man lang pumihit ang kanyang ulo para tignan ako, nakaramdam ako ng kunsensiya marahil ay hindi ko iniisip ang mga sinabi ko, pero masisisi niya ba ako kung wala ako maalala.Naghintay akong bumalik siya ng kwarto sa tinutulugan namin kagabi, ngunit sa tinagal tagal at nilalim ng gabi ay wala pa rin siya, iniisip ko na baka sa iba na siya natulog o baka naman nagalit talaga siya sa akin, hindi ko naman talagang pinupunto na gusto ko