Bumabayo at malalakas na ulan sa buong magdamag, malalakas din ang hampas ng hangin, halos sumasayaw ang mga puno sa labas ng masilip ko sa bintana, agad akong bumaba para silipin ang mga kisame kung may tumutulo, dahil sa bahay namin noon kapag ganito kalakas ang ulan ay siguradong tuluan na naman, kaya kanyang kanyang dampot kami ng pwedeng ipansahod sa mga pumapatak na tubig mula sa pawid namin na bubong.Nakansela na rin ang biyahe namin pabalik dahil sa bagyo, mananatili muna ulit kami ng ilang araw bago kami makakuha ulit ng ticket. Wala naman akong nakitang tulo hanggang makarating ang mga paa ko sa sala. Naabutan kong nakaupo sa sala si Earniel at nanonood ng balita, ngayon ko lang siya nakitang ganun, magmula kasi ng makilala ko siya ay puro trabaho na lang ang lagi niyang ginagawa, at kung hindi pa bumagyo ay hindi pa siya mananatili sa bahay,may kung ano na naman naglalaro sa isip ko, tinungo ko ang kusina at nagtimpla ng kape, sakto sa malamig na panahon, nilapag ko sa co
Nakatulog agad ako pagkarating ko noon sa bahay kaya hindi ko nalaman pa anong nangyari kay Earniel, at kung anong dahilan ng galit niya at pinag-awayan pagod na pagod ako ng araw na iyon at tanging pahinga na lang ang gusto kong gawin, hindi ko na rin siya dinalaw pa sa kwarto niya bago ako umalis, 8am ang flight at kailangan akong maaga para alang aberya, pero hindi mawala sa isip ko na masama loob niya, hindi ko ‘man lang siya natanong bago ako umalis.Isang oras na magmula ng makarating ako sa Airport ng San Miguel mag-isa lang ako umalis at ang mga bodyguard ni Julia ang naghatid sakin sa airport pabalik ng San Miguel hindi ko kasama si Julia katulad ng nauna naming pagpunta, dahil may aaaikasuhin pa siya marahil ay ang problema nila ni Earniel. Kung kaya’t solong solo na niya si Earniel, habang ako ay hindi ko pa alam ang gagawin, hindi ko pa alam saan ako mag-pupunta at kung saan ako mag-uumpisa ngayon pang umalis na ako sa poder ni Earniel, nag-iisip din ako na kung babalik
He is Syd Calvin Lao Wang, 27 years old, athlete, highest rank in Chinese business, he is one of business partner of Earniel Lao, he owned 60 percent share in LAO EMPIRE and THE GROUP OF COMPANY, not married, and also, putol na sabi ng reporter, habang iniisa isa niya ang katangian ng bagong Branch CEO. Nasa elevator na kami ni Ella at pabalik na sa office ng bumukas ang pintuan ng elevator, at nagsipasok ang mga tao at pumuwesto sa likurang bahagi namin na maluwag luwag pa, sa dami nila ay hindi ko na inisa-isang pinagmasdan. Naramdaman kong parang may lumapit sa bandang likuran ko, alam kong natural lang ang magkadikit dikit sa loob ng elevator pero kakaiba ang taong nasa likuran ko kaya napalingon ako sa kanya, namilog ang mga mata ko na parang ang lapit na niya at ng pagkatitigan ko siya ay pamilyar ang mukha niya, hindi ko lang gaanong matandaan kung saan ko nakita. “Doreena tama ba?” kaya hindi ko na nabawi ang tingin ko ng marinig ko sa kanya ang pangalan ko. “Oo, bakit?”
Pinatawag ako sa opisina ng Cleaning department para kunin ang isang regalo, sa pagkakaalam ko ay hindi ko naman birthday, at baka ang taong nagpadala nito ay nagkakamali lang ng pagbibigyan. Nakapangalan sa akin ang paper bag, pero walang sender, kaya nakumbinsi ko ang sarili na sa akin nga ito, binuklat ko nalang at tinignan pero hindi ko muna nilabas balak kong sa bahay na ito galawin, pero isa lang naman ang nasa isip ko na pwedeng magbigay nito ang mahal kong si Earniel.Pagkatapos ng klase at trabaho ay diretso agad ako ng uwi, excited na ako makita at makalkal ang laman ng paper bag, ng mailabas ko ay may parang mabigat na bagay ang sa loob ng maliit na box, saka ko lang napagtanto na phone ang laman ng mabuksan ko, na nahahawig sa phone na ginagamit ni Earniel.Nang bigla na lang ito umilaw at tumunog, may numerong nagflash sa screen. Nalito ako bigla kung anong kulay ang dapat ko pindutin, Red ba o green? Sabay inalala ko kung anong kulay ang madalas gamitin ni Earniel kapag
Kung saan saan naghanap ng trabaho pero walang tumatanggap sa akin lahat sila tingin sa akin ay gold digger lalo pa sa mga katulad ni Calvin na isang bilyonaryo, at kilala sa lipunan. Inubos ko na ang natitirang pera sa bulsa ko mula sa huling sinahod ko, at hindi ko pa alam ang gagawin sa susunod na araw, hapong hapo ako sa maghapong lakaran, at ang pawis at basa ng ulan ay napag-isa ko na, pakiramdam ko ay lalagnatin ako habang naglalakad sa pasilyo at papalapit sa pintuan ng unit ni Earniel.Pagkabukas ko ng pinto ay may nabungaran akong isang pares ng sapatos, kinutuban ako kung sino ang nagmamay-ari, naglakad ako ng mabagal hanggang makapasok ako sa bukas na pinto ng kwarto, maliwanag ang sinag ng palubog na araw mula sa bintana, nabungaran kong may lalaking nakatayo roon habang may hawak itong wine glass na may kalahating alak, kahit pa hindi na siya lumingon ay nakilala ko kagad siya.Halos anim na buwan na rin magmula ng mawala siya, at magpasyang manirahan sa China, at ang
Hindi ko nakilala ang sarili ko habang pinagmamasdan ko sa harap ng salamin ang bagong ako, sino nga ba mag-aakalang na isang katulad kong mahirap ay magiging mukhang mayaman, maswerte na kung tutuusin dahil sa dinami dami ng babaing nagtraining niyang maging wife ay ako ang nakapasa at kasama niya ngayon. Mula sa salamin na kinatatayuan ko ay natanaw kong nakatitig sa akin si Earniel, walang ekspresyon ang mukha niya kaya hindi ko mabasa kung ano ang tingin niya sa akin, matapos akong ayusan ng stylist, ay umikot ako paharap sa kanya, naiilang pa rin ako magsuot ng magarang damit at mga mamahaling kwintas at mga kung ano anong abubot na ngayon ko pa lang nagamit. Lumapit ako sa kanya na nakaupo sa kama at iniintay akong matapos, wala akong ideya kung bakit niya ako pinagbihis gayung may klase sa hapon at sa palagay ko ay hindi naman kailangan. “Kailangan ba talagang ganito pa?” Turo ko sa ayos ko. Pero natigilan ako ng mapansin kong seryoso siya at naniningkit ang mga mata niyang
Dahil sa kaguluhan sa labas ng eskwelahan ay pinatawag ako sa principal’s office. Sinuspended muna ang pasok ko ng isang linggo, at kung hindi pa maaayos ito ay pwede akong maspell. At isa pa ay kailangan ko rin magdala ng guardian, pero sino naman ang pwede kong dalhin, kung si Earniel ang tanging guardian ko rito, at kapag nangyari iyon lalo kaming pag-uusapan. Hindi ko alam ang gagawin ayokong tumigil sa pag-aaral, ayokong mawala ang pangarap ko na maging guro balang araw. Nakaalis na si Charito ng sunduin na siya ng driver niya, habang ako ay nakaupo sa shed at naghihintay ng masasakyan, nang may tumigil na sasakyan sa harapan ko, nakilala ko kaagad kung kanino, nakalimutan ko na susunduin nga pala ako ni Earniel, bumaba ang wind shield kaya nakita ko kaagad si Earniel sa backseat, bumaba si Denver para pagbuksan ako ng pinto, nang makapasok ako ay hindi ko alam paano ko sasabihin at ipaalam sa kanya, nilingon ko siya na abala sa pag-gamit ng phone niya, mukhang wrong timing
Nagising ako sa sakit ng ulo, hindi ko na matandaan ang nangyari kagabi, basta ang alam ko lang nalasing ako, bumaling ako sa kama, napatingin ako kay Earniel na tulog pa, inabot ko ang orasan na nasa tabi niya saka siya gumalaw at yumakap sa akin, hindi ko na din maalala kung nagkaaminan na kami kagabi, Tinanggal ko ang pagkakayapos niya, saka ako bumangon, naghanda ako ng almusal, nagtimpla na kaagad ng kape ngakita ko siya sa hagdan na bumaba.Yumapos siya sa akin, habang naghahalo ako ng soup at humalik siya sa pisngi ko pero tinabig ko siya para mapalayo sa akin.“Kumain kana malalate kapa!” Nauna na akong umupo at hindi ko na siya inantay pa. binilisan ko rin kumain para hindi kami magkasabay, bumalik muli ako sa taas para mamalantsa ng coat niya at polo, natigilan ako ng maisip ko ang nangyari kagabi naiinis pa rin ako isipin na hindi ko maalala lahat, ganun ba talaga ako kabangag? Nabalik lang ako sa ulirat ng haltakin niya ang polo niya, hindi ko namalayan na nasusunog na pal
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo
Halos ilang buwan na rin magmula ng umalis si Earniel. At ngayon ay kasama ko na si Earen sa bahay, wala akong makuhang balita sa kanya, bukod sa mahina ang signal ay nasa ibang bansa siya ngayon! Hindi ko na rin ano ang ginagawa niya, namimiss ko na rin siya, at sapalagay ko ay namimiss na rin niya si Earen. Pero hindi ko alam kelan kami muling magkikita. Kaya napagdesisyonan ko rin na sa pagbabalik niya sa bansa ay ang pagbabalik ko rin sa San Miguel. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko na mananatili lang kami ni Earen rito, ngunit mahirap din pala magpanggap na okay lang ang lahat. Na akala ko ay ganun kabilis ang magdesisyon. Ngunit papano ko nga ba malalaman iyon, kung kailangan ko pang pumunta ng bayan upang malaman ang tungkol sa kanya, at iyon ang nakakalungkot na pangyayari. Hanggang isang umaga ay nabulalabog ako ng tawag ng dalawa sa akin, mayroon raw silang balita tungkol kay Earniel kaya dagli akong napabangon at pinuntahan sila, sa labas ng bahay. “Talaga bang babalik na
Nang muli kaming mapunta sa bayan ay ang biglaang pagtunog ng kanyang phone, hudyat na may tumawag sa kanya, ilang araw pa lang siya pero mukhang aalis na siya, alam ko naman at tanggap ko rin naman na hindi niya maaring pabayaan ang negosyo ng pamilya niya kaya kahit pa labag sa loob ko na umalis siya ay kailangan kong tanggapin at intindihin kahit wala pa siyang sinasabi. At busy pa sa kanyang phone.Nang matapos ang tawag ay bumaik siya sa tabi ko, nagbago na rin ang ekspresyon niya kaya alam ko na kaagad, kung ano ang ibig sabihin.“Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa! Naiintintindihan ko naman!” Pilit kong hindi maging malungkot ang tono ng boses ko! Dahil ayokong mag-alalala siya. Napabuntong hininga pa siya kaya tinapik ko siya sa likuran niya.“Sorry Hon, may nangyari lang talaga pero babalik ako huh!” Sabay halik niya sa noo ko! Dala ang agam agam ang biglaan niyang pag-alis na gusto pa sana niya magtagal at magbakasyon rito.Naglakad kami muli papuntang hospital, bukas
Napagpasyahan muna namin na maglibot libot sa palengke ng bayan, katulad pa rin ng dati ang nakagawi kong tignan, mga simpleng damit na may makukulay na disenyo, naisipan kong bilhan siya ng simpleng damit na walang print at may kulay lang, at isa pa ay hindi rin naman kasi maiwasan na titigan siya ng marami, sa ayos at itsura niya ay namumukod tangi siya.Na parang hindi siya nababagay sa ganitong lugar. Pinapasadahan lang niya ng paningin ang mga panindang nadadaanan namin at wala siyang ideya na nabilhan ko na siya. Nagsasawa na akong makita siyang laging formal, kung hindi naman formal ay polong puti o slux na fitted sa kanya.Nakakita muli ako ng turo turo sa tabi hindi ko maiwasan magbalik tanaw at maalala ng kumain kami, kaya inaya ko siyang kumain, hindi naman siya tumanggi at nakasunod lang sa akin. Para rin siyang batang nakadikit na animo’y mawawala kapag nakalingap ka.Naupo kami sa gilid habang hawak hawak namin ang mga paper plate na kasing kitid ng bamboo na kawayan, la
Ang hangarin ko lang ay mabuo ang pamilya namin pero bakit nga ba hindi ito mangyari na kahit pa dumating na ang batang magbubuklod sa amin at sa aming pagsasama ay may hadlang muli, ngayon ay may kahati ako bagamat hindi sa puso niya kundi sa magiging atensyon niya sa batang lalabas, kahit pa sabihin na hindi niya anak iyon ay siguradong ipagsisiksikan ni Kheanna ang bata sa kanya maging anh sarili nito, napabuntong hininga ako, tila hindi ko kaya na mangyari iyon.Nasa taniman kami at napagpasyahan na maglalakad lakad, malamig ang simoy ng hangin kahit pa nasakop na ng araw ang buong paligid, masaya akong pagmasdan ang umuusbong na mga tanim ni Papay at sa kabilang dako naman ay ang isdaan niya rin na nagraramihan na rin kaya maraming paninda si Mamay sa Talipapa ng baryo.Alam kong kahit hilingin ko na manatili rito si Earniel, ay siguradong hindi rin siya masasanay, magkalayo ang kinalakhan naming lugar, maaring hindi niya masyadong magustuhan ang pagkain rito, o tumira ng matagal
Akala ko ay magiging payapa na ang mga sandali ngayon kapiling ko na siya muli, ngunit hindi pa ‘man nagtatagal ay may narinig akong ingay sa labas, ingay ng helicopter.Napabangon ako maging siya sa papag. Hindi pa kami nakakalapit ay tanaw na agad namin ang lulan sa helicopter mula sa babaing bumababa.Mataray ang kanyang mukha at kahit hirap na hirap dahil sa malaki niyang tiyan ay nagawa pa niyang magtakong ng mataas. Hindi na namin inabala na lumapit dahil siya pa lang ay madaling madali ng makalapit sa amin, na para kaming susugurin dahil magkasama kami ni Earniel.“Ano bang ginagawa mo dito!” Kay Earniel ang dako ng mata niya at inis na inis pa ang kanyang tinig.“Kailangan ko bang magpaliwanag sayo?” Maanghang din ang tono ng boses ni Earniel na nagpalaki ng kanyang mata, sabay tumingin tingin sa paligid na nakamasid sa aming tatlo.Bumalik ang tingin niya sa amin, napansin kong napalunok siya sa tinuran sa kanya ni Earniel, tila napahiya siya sa akin, maging sa mga taong naro
Oras muli ng pagdalaw ko kay Earen ng may makita akong pamilyar na mukha, mula sa kinatatayuan ko ay lumapit ako kaagad gusto ko siyang umalis at ayaw ko ng makita pa, pero habang papalapit ako ay wala ‘man lang nailabas ang bibig ko, tameme lang akong nakatitig sa kanya, bagamat nakapokus ang mata niya sa sanggol na nasa incubator.“Anong ginagawa mo dito?” lakas loob kong sabi ng makalapit na ako sa kanya ng husto. Saka lang siya bumaling sa akin, at tumayo ng tuwid, walang reaction ang mukha niya, pero ramdam ko ang panlalamig na pakikitungo niya.“Bakit hindi ko ba pwedeng makita ang anak ko?” malamig din ang boses niya at parang walang kalambing lambing, tama nga ang hinala ko, wala na ako sa kanya at naiinis akong isipin na pinili niya si Kheanna kesa sa amin.“Paano mo nalaman na nanganak na ako? Baka hanapin ka ni Kheanna kapag nalaman niyang narito ka?” Lumakad ako palapit kay Earen.“Pwede bang tayo muna bago ang iba!”“Sayo pa nanggaling huh? Umalis kana!” Pilit kong taboy