Pinatawag ako sa opisina ng Cleaning department para kunin ang isang regalo, sa pagkakaalam ko ay hindi ko naman birthday, at baka ang taong nagpadala nito ay nagkakamali lang ng pagbibigyan. Nakapangalan sa akin ang paper bag, pero walang sender, kaya nakumbinsi ko ang sarili na sa akin nga ito, binuklat ko nalang at tinignan pero hindi ko muna nilabas balak kong sa bahay na ito galawin, pero isa lang naman ang nasa isip ko na pwedeng magbigay nito ang mahal kong si Earniel.Pagkatapos ng klase at trabaho ay diretso agad ako ng uwi, excited na ako makita at makalkal ang laman ng paper bag, ng mailabas ko ay may parang mabigat na bagay ang sa loob ng maliit na box, saka ko lang napagtanto na phone ang laman ng mabuksan ko, na nahahawig sa phone na ginagamit ni Earniel.Nang bigla na lang ito umilaw at tumunog, may numerong nagflash sa screen. Nalito ako bigla kung anong kulay ang dapat ko pindutin, Red ba o green? Sabay inalala ko kung anong kulay ang madalas gamitin ni Earniel kapag
Kung saan saan naghanap ng trabaho pero walang tumatanggap sa akin lahat sila tingin sa akin ay gold digger lalo pa sa mga katulad ni Calvin na isang bilyonaryo, at kilala sa lipunan. Inubos ko na ang natitirang pera sa bulsa ko mula sa huling sinahod ko, at hindi ko pa alam ang gagawin sa susunod na araw, hapong hapo ako sa maghapong lakaran, at ang pawis at basa ng ulan ay napag-isa ko na, pakiramdam ko ay lalagnatin ako habang naglalakad sa pasilyo at papalapit sa pintuan ng unit ni Earniel.Pagkabukas ko ng pinto ay may nabungaran akong isang pares ng sapatos, kinutuban ako kung sino ang nagmamay-ari, naglakad ako ng mabagal hanggang makapasok ako sa bukas na pinto ng kwarto, maliwanag ang sinag ng palubog na araw mula sa bintana, nabungaran kong may lalaking nakatayo roon habang may hawak itong wine glass na may kalahating alak, kahit pa hindi na siya lumingon ay nakilala ko kagad siya.Halos anim na buwan na rin magmula ng mawala siya, at magpasyang manirahan sa China, at ang
Hindi ko nakilala ang sarili ko habang pinagmamasdan ko sa harap ng salamin ang bagong ako, sino nga ba mag-aakalang na isang katulad kong mahirap ay magiging mukhang mayaman, maswerte na kung tutuusin dahil sa dinami dami ng babaing nagtraining niyang maging wife ay ako ang nakapasa at kasama niya ngayon. Mula sa salamin na kinatatayuan ko ay natanaw kong nakatitig sa akin si Earniel, walang ekspresyon ang mukha niya kaya hindi ko mabasa kung ano ang tingin niya sa akin, matapos akong ayusan ng stylist, ay umikot ako paharap sa kanya, naiilang pa rin ako magsuot ng magarang damit at mga mamahaling kwintas at mga kung ano anong abubot na ngayon ko pa lang nagamit. Lumapit ako sa kanya na nakaupo sa kama at iniintay akong matapos, wala akong ideya kung bakit niya ako pinagbihis gayung may klase sa hapon at sa palagay ko ay hindi naman kailangan. “Kailangan ba talagang ganito pa?” Turo ko sa ayos ko. Pero natigilan ako ng mapansin kong seryoso siya at naniningkit ang mga mata niyang
Dahil sa kaguluhan sa labas ng eskwelahan ay pinatawag ako sa principal’s office. Sinuspended muna ang pasok ko ng isang linggo, at kung hindi pa maaayos ito ay pwede akong maspell. At isa pa ay kailangan ko rin magdala ng guardian, pero sino naman ang pwede kong dalhin, kung si Earniel ang tanging guardian ko rito, at kapag nangyari iyon lalo kaming pag-uusapan. Hindi ko alam ang gagawin ayokong tumigil sa pag-aaral, ayokong mawala ang pangarap ko na maging guro balang araw. Nakaalis na si Charito ng sunduin na siya ng driver niya, habang ako ay nakaupo sa shed at naghihintay ng masasakyan, nang may tumigil na sasakyan sa harapan ko, nakilala ko kaagad kung kanino, nakalimutan ko na susunduin nga pala ako ni Earniel, bumaba ang wind shield kaya nakita ko kaagad si Earniel sa backseat, bumaba si Denver para pagbuksan ako ng pinto, nang makapasok ako ay hindi ko alam paano ko sasabihin at ipaalam sa kanya, nilingon ko siya na abala sa pag-gamit ng phone niya, mukhang wrong timing
Nagising ako sa sakit ng ulo, hindi ko na matandaan ang nangyari kagabi, basta ang alam ko lang nalasing ako, bumaling ako sa kama, napatingin ako kay Earniel na tulog pa, inabot ko ang orasan na nasa tabi niya saka siya gumalaw at yumakap sa akin, hindi ko na din maalala kung nagkaaminan na kami kagabi, Tinanggal ko ang pagkakayapos niya, saka ako bumangon, naghanda ako ng almusal, nagtimpla na kaagad ng kape ngakita ko siya sa hagdan na bumaba.Yumapos siya sa akin, habang naghahalo ako ng soup at humalik siya sa pisngi ko pero tinabig ko siya para mapalayo sa akin.“Kumain kana malalate kapa!” Nauna na akong umupo at hindi ko na siya inantay pa. binilisan ko rin kumain para hindi kami magkasabay, bumalik muli ako sa taas para mamalantsa ng coat niya at polo, natigilan ako ng maisip ko ang nangyari kagabi naiinis pa rin ako isipin na hindi ko maalala lahat, ganun ba talaga ako kabangag? Nabalik lang ako sa ulirat ng haltakin niya ang polo niya, hindi ko namalayan na nasusunog na pal
Nagkakagulo ang press sa labas maging ang biglaang pagdating ni Don Enricko, hindi maipinta ang mukha nito lalo na sa mga balitang naglalabasan patungkol sa amin ni Earniel!“Kung kelan ka tumanda saka kapa nagrerebelde!” dinig na dinig ko ang singhal at bangayan ng mag-ama, hindi masaya si Don Enricko na ako ang kasama ni Earniel, si Julia parin ang gusto niya para kay Earniel, dahil lubhang makakatulong ito sa pagpapalago ng negosyo at naniniwala si Don Enricko na si Julia ang malaking asset ng kumpanya!Gusto ni Don Enricko na maayos ni Earniel ang problema ng kanilang mga pamilya, ngunit ng dahil sa akin ay hindi na niya mapasunod si Earniel, Hindi ko na nagugustuhan ang mga naririnig ko kaya minabuti ko na lang na umalis at iwan sila sa loob ng opisina! Pababa na ako ng floor ng makita ko si Ella at haltakin ako sa gilid gusto niyang malaman ang namamagitan sa amin ni Earniel, may mga kuha ng picture at video sa elevator na naglink na kung saan saan, gusto ko man maging tikom
Nakauwi na kami sa bahay hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko sa kamay ko ang kumikinang na singsing mabigat bigat din siya kung tutuusin, sumalampak kaagad si Earniel sa sofa, halatang hindi na sanay nagmaneho ng matagal, hinilot ko kaagad ang balikat niya at hinalikan sa pisngi.“Shower muna ako!” Tumayo naman siya at umakyat sa second floor, hindi kaagad ako sumunod ng maisipan ko buksan ang T.V para manood ng balita, sa business news ko kaagad nilipat, umaasa na may coverage kanina sa nangyaring Auction. Isang taon na pala ang lumipas simula ng magkakilala kami ni Earniel , ilan taun pa at matatapos na ang kontrata pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaayos ang pagsasama namin, hindi pa rin naniniwala ang mga tao na asawa talaga ako ni Earniel, napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood ang midnight news, ng bigla ko na naman naalala si Selena, nahuli ko rin na nakatitig siya kay Earniel, may pakiramdam ako pero ayokong isipin na meron pa siyang nararamdaman para
Nang makita ko siya na pasakay ng elevator ay hindi na ako nagpakita alam ko na ang sagot kung bakit hindi siya umuwi, minabuti ko na lang din umalis bago pa ako mapansin ng mga tao rito. Mabibigat ang paa ko habang humahakbang papasok ng elevator, magdamag silang magkasama at ano naman kaya ang ginawa nila, she is Earniel first love, kinabaliwan niya ng husto and now there are united. Nag-abang ako ng taxi, pero mailap sa akin, until a car stop, bumaba ang wind shield niya, ayaw ko sana pansinin pero panay busina siya. “C’mon little princess! Mamaya kapa makakasakay niyan traffic may accident!” My eyes rolled up, no choice na talaga. Malakas rin ang tugtog niya kaya hindi ko rin siya pinapansin kahit nagsasalita siya, puro rin si Earniel ang laman mg isip ko. Until magpreno siya na muntikan ko ng ikalabas ng windshield sa sobrang lakas ay parang nanikip ang dibdib ko. “Ano bang problema Calvin? Ang sakit eh