Dahil sa kaguluhan sa labas ng eskwelahan ay pinatawag ako sa principal’s office. Sinuspended muna ang pasok ko ng isang linggo, at kung hindi pa maaayos ito ay pwede akong maspell. At isa pa ay kailangan ko rin magdala ng guardian, pero sino naman ang pwede kong dalhin, kung si Earniel ang tanging guardian ko rito, at kapag nangyari iyon lalo kaming pag-uusapan. Hindi ko alam ang gagawin ayokong tumigil sa pag-aaral, ayokong mawala ang pangarap ko na maging guro balang araw. Nakaalis na si Charito ng sunduin na siya ng driver niya, habang ako ay nakaupo sa shed at naghihintay ng masasakyan, nang may tumigil na sasakyan sa harapan ko, nakilala ko kaagad kung kanino, nakalimutan ko na susunduin nga pala ako ni Earniel, bumaba ang wind shield kaya nakita ko kaagad si Earniel sa backseat, bumaba si Denver para pagbuksan ako ng pinto, nang makapasok ako ay hindi ko alam paano ko sasabihin at ipaalam sa kanya, nilingon ko siya na abala sa pag-gamit ng phone niya, mukhang wrong timing
Nagising ako sa sakit ng ulo, hindi ko na matandaan ang nangyari kagabi, basta ang alam ko lang nalasing ako, bumaling ako sa kama, napatingin ako kay Earniel na tulog pa, inabot ko ang orasan na nasa tabi niya saka siya gumalaw at yumakap sa akin, hindi ko na din maalala kung nagkaaminan na kami kagabi, Tinanggal ko ang pagkakayapos niya, saka ako bumangon, naghanda ako ng almusal, nagtimpla na kaagad ng kape ngakita ko siya sa hagdan na bumaba.Yumapos siya sa akin, habang naghahalo ako ng soup at humalik siya sa pisngi ko pero tinabig ko siya para mapalayo sa akin.“Kumain kana malalate kapa!” Nauna na akong umupo at hindi ko na siya inantay pa. binilisan ko rin kumain para hindi kami magkasabay, bumalik muli ako sa taas para mamalantsa ng coat niya at polo, natigilan ako ng maisip ko ang nangyari kagabi naiinis pa rin ako isipin na hindi ko maalala lahat, ganun ba talaga ako kabangag? Nabalik lang ako sa ulirat ng haltakin niya ang polo niya, hindi ko namalayan na nasusunog na pal
Nagkakagulo ang press sa labas maging ang biglaang pagdating ni Don Enricko, hindi maipinta ang mukha nito lalo na sa mga balitang naglalabasan patungkol sa amin ni Earniel!“Kung kelan ka tumanda saka kapa nagrerebelde!” dinig na dinig ko ang singhal at bangayan ng mag-ama, hindi masaya si Don Enricko na ako ang kasama ni Earniel, si Julia parin ang gusto niya para kay Earniel, dahil lubhang makakatulong ito sa pagpapalago ng negosyo at naniniwala si Don Enricko na si Julia ang malaking asset ng kumpanya!Gusto ni Don Enricko na maayos ni Earniel ang problema ng kanilang mga pamilya, ngunit ng dahil sa akin ay hindi na niya mapasunod si Earniel, Hindi ko na nagugustuhan ang mga naririnig ko kaya minabuti ko na lang na umalis at iwan sila sa loob ng opisina! Pababa na ako ng floor ng makita ko si Ella at haltakin ako sa gilid gusto niyang malaman ang namamagitan sa amin ni Earniel, may mga kuha ng picture at video sa elevator na naglink na kung saan saan, gusto ko man maging tikom
Nakauwi na kami sa bahay hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko sa kamay ko ang kumikinang na singsing mabigat bigat din siya kung tutuusin, sumalampak kaagad si Earniel sa sofa, halatang hindi na sanay nagmaneho ng matagal, hinilot ko kaagad ang balikat niya at hinalikan sa pisngi.“Shower muna ako!” Tumayo naman siya at umakyat sa second floor, hindi kaagad ako sumunod ng maisipan ko buksan ang T.V para manood ng balita, sa business news ko kaagad nilipat, umaasa na may coverage kanina sa nangyaring Auction. Isang taon na pala ang lumipas simula ng magkakilala kami ni Earniel , ilan taun pa at matatapos na ang kontrata pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaayos ang pagsasama namin, hindi pa rin naniniwala ang mga tao na asawa talaga ako ni Earniel, napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood ang midnight news, ng bigla ko na naman naalala si Selena, nahuli ko rin na nakatitig siya kay Earniel, may pakiramdam ako pero ayokong isipin na meron pa siyang nararamdaman para
Nang makita ko siya na pasakay ng elevator ay hindi na ako nagpakita alam ko na ang sagot kung bakit hindi siya umuwi, minabuti ko na lang din umalis bago pa ako mapansin ng mga tao rito. Mabibigat ang paa ko habang humahakbang papasok ng elevator, magdamag silang magkasama at ano naman kaya ang ginawa nila, she is Earniel first love, kinabaliwan niya ng husto and now there are united. Nag-abang ako ng taxi, pero mailap sa akin, until a car stop, bumaba ang wind shield niya, ayaw ko sana pansinin pero panay busina siya. “C’mon little princess! Mamaya kapa makakasakay niyan traffic may accident!” My eyes rolled up, no choice na talaga. Malakas rin ang tugtog niya kaya hindi ko rin siya pinapansin kahit nagsasalita siya, puro rin si Earniel ang laman mg isip ko. Until magpreno siya na muntikan ko ng ikalabas ng windshield sa sobrang lakas ay parang nanikip ang dibdib ko. “Ano bang problema Calvin? Ang sakit eh
Wala ng salitaan, diretso agad pasok si Selena, habang si Earniel ay naging mailap ang mata sa akin, nauna na din siyang pumasok sa kwarto, hindi na nito nagawa pang kumain! sumunod ako sa kanya, hinanda ko na ang masusuot niyang pantulog, habang nasa banyo pa siya at nagbabanlaw.Nilapitan ko kaagad siya pagkalabas niya ng banyo at tinuon ko na punasan ang basa niyang katawan na tapis lang ang suot.“Kanina ka pa ba naroon?” Tanong niya habang binubutones ko ang pantulog niya.“Hindi, kakarating ko lang, may nangyari ba?” Tingala ko sa kanya.“Wala naman!” sabay naupo siya sa silya at binuksan ang laptop niya. Nasilip ko sa orasan na ala-una pa lang ng madaling araw, sinuot niya ang reading glass niya, ibig sabihin magtatagal siya at mamaya pa matutulog.Habang abala siya sa pagkutingting ng laptop niya ay siya namang paglapit ko, pinulupot ko ang mga braso ko sa balikat niya, sa tainga niya ay humihip ako ng mahina sabay nilapat ko ang labi ko sa leeg niya at marahan na humalik. Na
Tulog si Selena ng madatnan ko siya sa loob ng Ward, wala ng Oxygen tank na nakakabet at tanging I.V na lang ang nasa kamay niya nakakabit.Nakatitig ako sa maganda niyang mukha, siguro nga iyon ang lamang niya sa akin para siyang babaing umiilaw sa paningin ko, naupo ako sa side ng hospital bed, nawala wala na rin ang mga pantal sa katawan niyang nakaexposed, hindi ko balak istorbohin siya at magising, pero kusang nagmulat ang mga mata niya, hanggang sa akin malipat ang tingin niya.“Sorry!” Yun agad ang una kong bulalas sa kanya, hindi ko ginusto ang nangyari, hindi ko akalain na may allergy siya. Inaasahan ko rin na magagalit siya at munurahin ako pero hindi iyon ang nakita kong sumilay sa mukha niya ,ngiti lang ang isinukli niya sa akin umayos rin siya ng upo niya kahit mabagal na galaw sumandal siya sa headboard at matamang pinagmasdan ako, iniisip ko para saan ang ngiti niya? Normal bang ngitian ang isang tao kung siya ang dahilan ng muntikan ng ikapahamak niya. Ngsimula siy
“Please let me be his wife for one last time!” Selena’s trying to pursuing her plan, ilan araw na niya akong kinukulit, maraming beses ko na siyang tinanggihan. I felt betrayed to my husband. Wala siyang kaalam-alam sa gustong mangyari ni Selena.Matagal kong pinag-isipan nakailang balik balik na ako sa kwarto, mamaya ang dating ni Earniel galing Europa, nanlalamig ako pati ang mga kamay ko, sinasabi ng puso ko hindi ko kayang mawala siya, pero nagbabanta rin si Selena na magpapakamatay siya kung hindi ko siya pagbibigyan, mahapdi na ang ulo ko sa kakaisip, naiipit ako sa sitwasyon.Bumaba ako at muling kinita si Selena sa garden area, nakaupo siya sa bench at umuiinom ng tsaa.“Napag-isipan mo na ba?” Malalaking buntong hininga ang pinakawalan ko, may oras pa naman ako mag-isip pero wala ng pasensya si Selena.“Sige, papayag ako, pero kung hindi umubra ang plano mo, huwag ka ng magpapakita kay Earniel!” She smiled, and she’s totally out of mind.Iniisip ko na umalis, pero saan naman
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo
Halos ilang buwan na rin magmula ng umalis si Earniel. At ngayon ay kasama ko na si Earen sa bahay, wala akong makuhang balita sa kanya, bukod sa mahina ang signal ay nasa ibang bansa siya ngayon! Hindi ko na rin ano ang ginagawa niya, namimiss ko na rin siya, at sapalagay ko ay namimiss na rin niya si Earen. Pero hindi ko alam kelan kami muling magkikita. Kaya napagdesisyonan ko rin na sa pagbabalik niya sa bansa ay ang pagbabalik ko rin sa San Miguel. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko na mananatili lang kami ni Earen rito, ngunit mahirap din pala magpanggap na okay lang ang lahat. Na akala ko ay ganun kabilis ang magdesisyon. Ngunit papano ko nga ba malalaman iyon, kung kailangan ko pang pumunta ng bayan upang malaman ang tungkol sa kanya, at iyon ang nakakalungkot na pangyayari. Hanggang isang umaga ay nabulalabog ako ng tawag ng dalawa sa akin, mayroon raw silang balita tungkol kay Earniel kaya dagli akong napabangon at pinuntahan sila, sa labas ng bahay. “Talaga bang babalik na
Nang muli kaming mapunta sa bayan ay ang biglaang pagtunog ng kanyang phone, hudyat na may tumawag sa kanya, ilang araw pa lang siya pero mukhang aalis na siya, alam ko naman at tanggap ko rin naman na hindi niya maaring pabayaan ang negosyo ng pamilya niya kaya kahit pa labag sa loob ko na umalis siya ay kailangan kong tanggapin at intindihin kahit wala pa siyang sinasabi. At busy pa sa kanyang phone.Nang matapos ang tawag ay bumaik siya sa tabi ko, nagbago na rin ang ekspresyon niya kaya alam ko na kaagad, kung ano ang ibig sabihin.“Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa! Naiintintindihan ko naman!” Pilit kong hindi maging malungkot ang tono ng boses ko! Dahil ayokong mag-alalala siya. Napabuntong hininga pa siya kaya tinapik ko siya sa likuran niya.“Sorry Hon, may nangyari lang talaga pero babalik ako huh!” Sabay halik niya sa noo ko! Dala ang agam agam ang biglaan niyang pag-alis na gusto pa sana niya magtagal at magbakasyon rito.Naglakad kami muli papuntang hospital, bukas
Napagpasyahan muna namin na maglibot libot sa palengke ng bayan, katulad pa rin ng dati ang nakagawi kong tignan, mga simpleng damit na may makukulay na disenyo, naisipan kong bilhan siya ng simpleng damit na walang print at may kulay lang, at isa pa ay hindi rin naman kasi maiwasan na titigan siya ng marami, sa ayos at itsura niya ay namumukod tangi siya.Na parang hindi siya nababagay sa ganitong lugar. Pinapasadahan lang niya ng paningin ang mga panindang nadadaanan namin at wala siyang ideya na nabilhan ko na siya. Nagsasawa na akong makita siyang laging formal, kung hindi naman formal ay polong puti o slux na fitted sa kanya.Nakakita muli ako ng turo turo sa tabi hindi ko maiwasan magbalik tanaw at maalala ng kumain kami, kaya inaya ko siyang kumain, hindi naman siya tumanggi at nakasunod lang sa akin. Para rin siyang batang nakadikit na animo’y mawawala kapag nakalingap ka.Naupo kami sa gilid habang hawak hawak namin ang mga paper plate na kasing kitid ng bamboo na kawayan, la
Ang hangarin ko lang ay mabuo ang pamilya namin pero bakit nga ba hindi ito mangyari na kahit pa dumating na ang batang magbubuklod sa amin at sa aming pagsasama ay may hadlang muli, ngayon ay may kahati ako bagamat hindi sa puso niya kundi sa magiging atensyon niya sa batang lalabas, kahit pa sabihin na hindi niya anak iyon ay siguradong ipagsisiksikan ni Kheanna ang bata sa kanya maging anh sarili nito, napabuntong hininga ako, tila hindi ko kaya na mangyari iyon.Nasa taniman kami at napagpasyahan na maglalakad lakad, malamig ang simoy ng hangin kahit pa nasakop na ng araw ang buong paligid, masaya akong pagmasdan ang umuusbong na mga tanim ni Papay at sa kabilang dako naman ay ang isdaan niya rin na nagraramihan na rin kaya maraming paninda si Mamay sa Talipapa ng baryo.Alam kong kahit hilingin ko na manatili rito si Earniel, ay siguradong hindi rin siya masasanay, magkalayo ang kinalakhan naming lugar, maaring hindi niya masyadong magustuhan ang pagkain rito, o tumira ng matagal
Akala ko ay magiging payapa na ang mga sandali ngayon kapiling ko na siya muli, ngunit hindi pa ‘man nagtatagal ay may narinig akong ingay sa labas, ingay ng helicopter.Napabangon ako maging siya sa papag. Hindi pa kami nakakalapit ay tanaw na agad namin ang lulan sa helicopter mula sa babaing bumababa.Mataray ang kanyang mukha at kahit hirap na hirap dahil sa malaki niyang tiyan ay nagawa pa niyang magtakong ng mataas. Hindi na namin inabala na lumapit dahil siya pa lang ay madaling madali ng makalapit sa amin, na para kaming susugurin dahil magkasama kami ni Earniel.“Ano bang ginagawa mo dito!” Kay Earniel ang dako ng mata niya at inis na inis pa ang kanyang tinig.“Kailangan ko bang magpaliwanag sayo?” Maanghang din ang tono ng boses ni Earniel na nagpalaki ng kanyang mata, sabay tumingin tingin sa paligid na nakamasid sa aming tatlo.Bumalik ang tingin niya sa amin, napansin kong napalunok siya sa tinuran sa kanya ni Earniel, tila napahiya siya sa akin, maging sa mga taong naro
Oras muli ng pagdalaw ko kay Earen ng may makita akong pamilyar na mukha, mula sa kinatatayuan ko ay lumapit ako kaagad gusto ko siyang umalis at ayaw ko ng makita pa, pero habang papalapit ako ay wala ‘man lang nailabas ang bibig ko, tameme lang akong nakatitig sa kanya, bagamat nakapokus ang mata niya sa sanggol na nasa incubator.“Anong ginagawa mo dito?” lakas loob kong sabi ng makalapit na ako sa kanya ng husto. Saka lang siya bumaling sa akin, at tumayo ng tuwid, walang reaction ang mukha niya, pero ramdam ko ang panlalamig na pakikitungo niya.“Bakit hindi ko ba pwedeng makita ang anak ko?” malamig din ang boses niya at parang walang kalambing lambing, tama nga ang hinala ko, wala na ako sa kanya at naiinis akong isipin na pinili niya si Kheanna kesa sa amin.“Paano mo nalaman na nanganak na ako? Baka hanapin ka ni Kheanna kapag nalaman niyang narito ka?” Lumakad ako palapit kay Earen.“Pwede bang tayo muna bago ang iba!”“Sayo pa nanggaling huh? Umalis kana!” Pilit kong taboy