“Please let me be his wife for one last time!” Selena’s trying to pursuing her plan, ilan araw na niya akong kinukulit, maraming beses ko na siyang tinanggihan. I felt betrayed to my husband. Wala siyang kaalam-alam sa gustong mangyari ni Selena.Matagal kong pinag-isipan nakailang balik balik na ako sa kwarto, mamaya ang dating ni Earniel galing Europa, nanlalamig ako pati ang mga kamay ko, sinasabi ng puso ko hindi ko kayang mawala siya, pero nagbabanta rin si Selena na magpapakamatay siya kung hindi ko siya pagbibigyan, mahapdi na ang ulo ko sa kakaisip, naiipit ako sa sitwasyon.Bumaba ako at muling kinita si Selena sa garden area, nakaupo siya sa bench at umuiinom ng tsaa.“Napag-isipan mo na ba?” Malalaking buntong hininga ang pinakawalan ko, may oras pa naman ako mag-isip pero wala ng pasensya si Selena.“Sige, papayag ako, pero kung hindi umubra ang plano mo, huwag ka ng magpapakita kay Earniel!” She smiled, and she’s totally out of mind.Iniisip ko na umalis, pero saan naman
Nasa labas muli ako ng mansiyon umaasa na masulyapan ‘man lang siya, pero halos tatlong oras na akong naghihintay rito pero ni anino ni Earniel ay hindi ko pa nakikita, umaasa akong nasa opisina siya pero sa lawak nito ay imposible kaming magkita.Saan ko pa nga ba siya pwedeng mahanap?Ilang araw na akong pabalik balik, pero palaging ganito ang nangyayari, iniisip ko na sumuko at pabayaan na ang lahat! Pero sa t’wng maalala ko na mag-iisa si Earniel ay saka ako nabubuhayan ng pag-asa.Umaasa pa rin ako na magkakasama pa rin kami, at maayos ang lahat.Nasa labas na ako ng mansiyon ng mga Lao, alam kong naroon siya, natatanaw ko ang kotse niyang laging dala.“Sino po kayo?” Tanong ng lalaking dumungaw sa gate na medyo bata bata pa.“Nandyan ba si Mr. Lao?” Napansin kong kumunot ang noo niya, na parang may mali sa sinabi ko.— “I mean si Mr. Earniel Lao!” dugtong ko pa.“Nandito ho siya!” Pinapasok ako ng gwardiya wala ng masyadong tanong, hindi.ko sigurado kung welcome ba ako dito, pero
Nakahinga ako ng maluwag akala ko talaga ay may iba siyang gagawin over think lang pala ako, gusto lang pala niya na ako ay pigilan na lumabas at kumuha ng pagkain.Nagpresenta siya na lumabas, at hintayin ko na lamang ang pagbabalik niya rito.Nakaupo pa rin ako sa kama at hinihintay ang pagbalik ni Calvin, nag-iisip, ano na ba ang gagawin ko ngayon, kung talagang ayaw na ako makita ni Earniel ay babalik na ba ako ng San Agustin, doon ay mag-umpisa muli at unti-unting kalimutan siya?Nakapasok na si Calvin ng hindi ko napapansin malalim ang buntong hinga ko saka ko lang siya napansin na nakatitig. Nakatitig na naman siya na para akong tinutunaw. Bakit ba ganun siya tumingin sa akin?“Saluhan mo ako!” Aya ko sa kanya pero umiling lang siya.“Siya nga pala pwede mo ba akong samahan magligpit ng mga gamit bukas!”Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa maubos ko.Matapos kong kumain ay lumabas na rin siya.Pagkagising ko ng umaga ay inaya niya ako na magligpit na alala ko a
Sa musika ng sasakyan niya ay binaling ko ang lahat ng alalahanin ko, huling araw ko na sa San Miguel, hindi ko na rin makikita si Earniel. Naglalakbay ang isip ko habang palayo ng palayo ang sasakyan, Matulin ang takbo ni Calvin tila may hinahabol rin siyang oras.Halos walong oras ang tatakbuhin ng kotse bago marating ang terminal ng San Agustin, kung saan ako unang umalis, at ngayon ay babalik. Nagstop over muna kami sa isang gasolinahan para magbanyo siya, sinamantala ko na din ang mamili ng pwedeng ipansalubong sa kanila, nanabik na rin ako makita sila. Ngunit ano nga ba ang idadahilan ko kung sakaling magtanong sila sa biglaan kong pagbabalik?Itinigil ko ang pag-iisip at naglibang ako sa pamimili, natanaw kong naghihintay na si Calvin sa labas kaya minadali ko ng pumila at magbayad.Lumapit ako sa kanya na nakasandal sa itim niyang sasakyan, hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa niya, pero heto na ang huli naming pagkikita, kaya pinili ko maging casual sa kanya.Nang m
Hindi pa namin natatapos ang usapan ay nakarinig na kami ng tunog ng Helicopter sa patag sa ibaba ng bundok, natanaw kaagad namin ang mga kababayan namin na nagkukumpulan at nakaabang sa pababa ng helicopter, lumapit kami kaagad at nakigulo. Sino nga ba sila? Mga lalaking naka barong na itim ang unang lumabas sa helicopter. “Naku ayan na yata ang bibili ng lupain natin!” Nag-aalalang boses ni Yohanna. “Oo nga mayaman daw iyan at kilalang tao!” si Cinderella na bakas sa mukha ang pag-aalala dahil halos lahat kami rito ay umaasa sa sakahan at paisdaan. “Sino kaya siya?” Habol pa ni Yohanna. Kahit ako ay napapaisip sino nga ba siya? Parang tumigil ang mundo ko ng makilala ang taong huling lumabas sa helicopter, kahit pa natatakpan pa ng mga itim na salamin ang kanyang mga mata ay hindi ko maitatanggi na siya pa rin ang lalaking labis kong minamahal. Tumayo siya sa gitna habang nakapalibot ang hindi baba sa waling gwardiya niya. What his business here? Totoo ‘bang bibilhin niya an
Nagpaikot ikot na ako sa higaan ay hindi pa rin ako makatulog, kung bakit ba naman pinagsama kami ni Mamay sa kubo, bumangon ako pero wala siya, kanina lang ay narito siya at kasama ko, inunahan ko na nga siya humiga nagbabakasakali na tabihan niya, pero wala pa din, siguro nga ay hindi na ako ang kahinaan niya ngayon, nilinga at ginala ko ang mata ko, siguro ay doon siya matutulog sa chopper niya. Lumabas ako para gumamit ng banyo, inayos ko kaagad ang pinto ng pawid saka naupo. May napansin akong tao sa may labas kaya binilisan kong tumayo at iangat ang short ko. Bumukas ang pawid kahit pa hindi ko pa inaalis, nakilala ko ang tao na nasa labas. Si Jaime ang taong matagal ko ng manliligaw simula pa lang ng high school ako pero hindi ko siya magustuhan dahil sa ugali niyang mapagmataas at mayabang mahilig din siyang makipagbasag ulo. Kaya hindi boto si Mamay sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” sinubukan ko maging relaks pero ng sunggapan na niya ako at pilit pinapatahimik, na
“Hindi mo ba siya namimiss?” turan sakin ni Cinderella, mahigit tatlong buwan na rin magmula ng umalis siya rito, its my birthday today, I’m still looking forward na magkakasama na kami in my next birthday. But how?“Bili ka kaya ng phone para naman may balita ka sa kanya!” Suwestiyon naman ni Yohanna.“Paano wala naman signal rito!”Tumuro silang dalawa sa mga puno may mga tao at pawang nakataas ang mga kamay, mga taong gagawa ng paraan makausap lang ang minamahal nila.“See, walang alibi!”“Tara na!” Aya nila, at bumaba kami papuntang bayan, nag-ikot ikot kami para makahanap na rin ng bibilhin ng phone, sinulit na rin namin ang mabilis na internet sa bayan hanggang sa hindi ko inaasahan ang balita.“Bakit naghahanap na siya ng bagong asawa?”“Bakit pinalitan ka niya kaagad tatlong buwan pa lang naman ang lumilipas!” Kahit ako ang daming tanong na kung bakit?“Huwag ka ng magpatumpik tumpik pa, mag-apply ka!”Talaga bang dapat pa ba ako mag-apply samantalang may ilang buwan pa siya
Naupo ako sa shed, hindi pa rin ako makapaniwala, totoo nga bang napili ako?Binuklat ko isa-isa ang papel, mabilis kong binasa pero wala ako maintindihan.Hawak ko rin ang susi, at nagtatanong sa sarili kung saan ko ito hahanapin, hanggang tumunog ang phone ko at makatanggap ng email, tila address ng bahay.#28 Istabenger st. hubitol subd. San Miguel.Agad kong binalik sa bulsa ko ang phone ko saka sumakay sa bus ng may dumating. Tila pamilyar ang lugar, hanggang ibaba ako sa designated area.Mukhang ito na yata ang sinasabi na lugar, at mukhang kabisadong kabisado ko, dahil ito ang bahay namin ni Earniel noong nakatira pa ako sa kanya, pero bakit dito ako dinala?Mabigat ang paa ko habang nilalakad ang loob ng subdivision, parang pinipigilan ng paa ko na tumuloy. Pero may bahagi ng isip ko na gusto kong muling marating ang bahay niya.20minutos ng makarating ako. Nasa gate na muli ako at nakatanaw sa bakuran, tila luma
Isang linggo na kami sa bagong rest house, patuloy pa rin kaming nagtatago, maliban kay Earniel na sa opisina muna pinili magstay, hindi pa kami sigurado kung sino ang may kagagawan, nag-aalala na rin ako kila Mamay, Papay, mga kapatid ko at kay Earen.Gusto ko na rin silang lumayo rito at magbalik sa San Agustin at isama si Earen!Alam kong mas protektado sila lalo na si Earen kung magiging malayo sila rito dahil sa gulo, kahit pa mahirap para sa akin ang malayo kay Earen, ngunit kailangan subukan kahit pansamantala lang.Mag-isa ako sa sala at nagbabasa ng libro ng lumapit si Mayel isa sa mga kasambahay ng rest house, sinabi niyang may bisita ako sa labas at nais pumasok.Napaisip ako, dahil wala naman akong inaasahan na bisita at isa pa ay tagong resort ito ng mga Lao.Agad akong tumayo sa kinauupuan ko, saka nilakad ang mga paa papuntang dalampasigan kung saan ay naghihintay ang bisita ko.Hindi ko inaasahan na lalaki, nakita ko na ang mukha niya ngunit hindi ko maalala ang pangal
Natanggap ko ang Consolation Price na binigay ko naman kay Ikio, halos hindi siya makapaniwala at napayakap pa siya sa akin.Bumaling ang mga mata ko kay Earniel, agad siyang umiwas ng titig at umalis rin sa kinatatayuan niya, hindi na lang din ako nagpaapekto at tinuon muli sa bagong gagawin.Naisipan ng team manager na maghiking rin kami sa lugar bago kami umuwi ng kinahapunan.Kasama ko pa rin si Ikio na todo ang alalay sa akin kahit hindi naman kailangan dahil pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko, may umuudyok pa nga sa isipan ko na magpabaging baging kapag may nadadaanan kami na zip line, hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay taga bundok ang dating ako.Napalingon ako sa likuran ng mahirapan si Ikio na makaakyat sa mataas na bahagi ng bundok, ngunit napukaw ang mata ko sa direksyon papunta kay kay Earniel! Parang gustong magsalubong ng kilay ko ng makita kong magkahawak pa sila ng kamay ng First wife niya.Hindi ko maawat ang sarili na mag-ngitngit sa inis, na hindi k
Hindi ko na talaga alam ano bang pumasok sa isip ko kung bakit ko nga ba natanong iyon. Sobrang sira na yata ako, bagamat dapat ay nasagot na na niya ako ngunit bakit parang titig na titig lang siya sa akin, na parang napapangiti pa? Ano bang tumatakbo sa isip niya? Naguguluhan ba siya kung sino ang mas mahal niya? O nasisiyahan ba siya na may ibang babaing nagkakagusto sa kanya. Hindi ko naman talaga na maitatanggi na napakagwapo niya kahit pa nasa 40’s na ang edad niya, napahinto ako sa ideya na iyon na baka ba nagkakagusto na ako sa kanya o baka nga nadala lang ako ng isang gabing may mangyari sa amin, aaminin ko na hinahanap ko ang mainit niyang halik na kahit pa lasing ako ay damang dama ko, bumaling ang mata ko sa bisig niya, bagamat nababalutan iyon ng makapal na coat at jacket ay bakit parang gusto kong magpakulong muli. Bigla akong napalunok at ilan beses iwinaksi ang iniisip ko.Ngunit nakakaintriga na parang hindi siya makapag-isip agad? Parehas ba kami ng iniisip? Sa titi
Nagising ako kinaumagahan na wala na siya sa loob ng kwarto, hindi naman ako nagugulat dahil madalas naman talaga siyang umaalis lalo na kapag umaga para pumasok ng trabaho. Dinaanan ko muna si Earen sa nursery roon niya pero wala siya, kaya bumaba na ako para mag - agahan. Si Mamay at ilang kasambahay ang naabutan ko noon na nasa kusina at naghahain. Dumulog ako sa hapag naroon na roon sila Maureen, Paula, Elias, Papay at Earen kasama ang tagapag-alaga niya. Pasandok na sana ako ng kanin ng dumating si Earniel, wearing a gray shirt, black short at tuwalya sa balikat, na hindi ko usually nakikita magmula ng dumating ako rito. Basang basa rin siya ng pawis na syang patuloy niyang tinutuyo. “Magpalit kana Earniel bago ka kumain!” Paalala ni Mamay sa kanya na siyang sinunod niya, sinundan ko lang siya ng tingin. Hanggang sa mawala na siya. Nang makabalik siya ay iniisip ko na baka nakacoat and tie na naman siya, or mga damit na pang business attire. Pero same parin sa nauna nagpal
Gulat na gulat si Earniel habang nakatitig sa skin. Hindi yata niya inaasahan na naghihintay ako sa kanya, Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa gilid, sinunod niyang buksan ang polo niya at ilislis naman ang laylayan ng kanyang manggasNakamasid lang ako sa kanyang hanggang sa pansinin niya ako, ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesang nasa gitna ng mga sofa at roon ay naupo siya.Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya.“Okay ka lang ba?” Biglang tanong niya na dapat ay tanong ko. Iniisip ko tuloy hindi ba ako okay kaya ganun ang tanong niya sa akin.“Oo naman, nainip na nga ko rito sa kwarto!” “Aayain sana kita lumabas kaso kakalabas mo lang ng hospital.”“Tara!” aya ko sa kanya gusto ko rin siya makausap ng masinsinan at maliwanagan sa natuklasan ko kanina.“Tara?” Nagtatanong niyang sabi, sumang-ayon, ng sagayon ay kumilos siya, dinampot niya muli ang phone niya at susi, hindi na rin siya nagpalit ng damit, saka kami lumabas ng kwarto.Pawang tulog na ang lahat at kami na
Nagising ako na tila ba ang ingay ng sobrang lamig at ginawin ako. minulat ko ang paningin ko, maraming taong nakapaligid sa akin. Lahat sila ay nakatungo at nakatitig sa akin.Dagli akong bumangon, wala naman masakit sa akin, bukod lang sa hinihigop ako ng antok. Lumapit kaagad si Earniel alalay ang likod ko sa pagbangon.“Ano bang nangyari bakit ba tayo narito?” usisa ko ng mapansin na nasa ospital kami.“Nakita kitang nakahandusay, sobra akong nag-alala kaya dinala rito para makasigurado.” “Umuwi na tayo wala kapa pahinga!” Pilit kong alis sa kama. Nakakahiyang naabala ko pa ang oras na sana ay pahinga na niya, at bukas ay may trabaho pa siya.“Huwag mo ako intindihin! Sandali lang at aalamin ko ang sitwasyon mo!” tumayo siya at tinungo ang labas, umalis naman sila Mamay at Papay ng magising ako na sabi nila ay bibilhan ako ng makakain.Kaya naging tahimik ang kwarto mag-isa at nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, hindi ko mawari kung dapat na ba bumalik na ang alaala ko. Ma
Matapos kong marinig sa Ina ni Earniel ng masasakit na salita, nagpasya muna ako maglakad lakad sa garden hanggang madaanan ko ang bar ni Earniel na malapit lang naman sa pool area.Bumukas ang pinto hudyat na hindi ito nilolock, kahit pa umaalis siya, hindi ko kilala ang alak pero namili pa rin ako kung ano ang pinakamatapang, okay lang kahit hindi na masarap.Kumuha ako nb chaser at nagsalin ng paunti unti. Nakita ko rin ang retro music player ni Earniel at nagpatugtog kung ano man ang naroon.Mag-isa ako at pinagmamasdan ang nangangalahati na rin na alak, hindi ko na alam kung anong oras na, at gaano na ako katagal umiinom rito.Narinig ko lang na bumukas ang pinto hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung sino, dire- direstso lang ako sa paglagok.Umingit ang upuan, alam kong may tumabi at sabay kumuha rin siya ng chaser at nagsalin ng bahagya sa baso niya, saka lang ako tumingin ng lumagok na siya.Si Earniel na mukhang kararating lang galing trabaho, tumitig rin siya sa akin.“Bak
“Ayaw mo na bang bumalik sa dati?” Unti-unti siyang lumapit at halos dumikit ang kanyang mukha sa akin, halos parang takuri ang pisngi ko sa init, hindi ko alam kung kikiligin ako o madidiri, hanggang hawakan niya ang mga kamay ko, at nilapit sa dibdib niya, at maramdaman ko ang tibok ng puso niya, na pabilis ng pabilis – “Doreena! Kasi kahit ayaw mo ipipilit ko pa rin!” nangungusap ang mga mata niyang singkit, tila kinukuha ang loob ko.Wala rin ako nagawa kundi ang matameme na lang, hanggang bumukas ang pinto ng opisina niya, pinapatawag na siya sa meeting niya, marahan niyang binitawan ang kamay ko saka niya tinungo ang pintuan, doon lang din ako nakahinga, na parang kanina ay pigil na pigil ko, hindi ko alam kung bakit sa kilig ba o sa inis.“Salamat at umalis na rin siya!” Bulong ko sa sarili at pabagsak ako na naupo sa sofa, ng muling bumukas at bumungad ang ulo niya.“Antayin mo ako, huwag kang aalis!” pagkatapos niyang sabihin iyon, ay isinarado na niya muli ang pinto, at maiw
Tumikhim siya bago siya kumuha ng damit sa tokador.“Ano ayos lang ba sa’yo? – Hhmm! Sa totoo lang ay hindi pa rin ako naniniwala na asawa kita!” Napansin ko ang pagtigil niya ng panandalian saka muling inayos ang tokador na nabuksan.“Ikaw ang bahala kung maniniwala ka o hindi!” sambit niya bago siya umalis sa harapan ko, pansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang mukha na naging seryoso.Ngunit dapat nga ba ako na mangamba? O mag-alala ‘man lang? O ipagsasawalang kibo ko na lang. Pagkatapos niyang magshower ay dumaretso lang siya papuntang pinto, hindi ‘man lang pumihit ang kanyang ulo para tignan ako, nakaramdam ako ng kunsensiya marahil ay hindi ko iniisip ang mga sinabi ko, pero masisisi niya ba ako kung wala ako maalala.Naghintay akong bumalik siya ng kwarto sa tinutulugan namin kagabi, ngunit sa tinagal tagal at nilalim ng gabi ay wala pa rin siya, iniisip ko na baka sa iba na siya natulog o baka naman nagalit talaga siya sa akin, hindi ko naman talagang pinupunto na gusto ko