Hindi pa namin natatapos ang usapan ay nakarinig na kami ng tunog ng Helicopter sa patag sa ibaba ng bundok, natanaw kaagad namin ang mga kababayan namin na nagkukumpulan at nakaabang sa pababa ng helicopter, lumapit kami kaagad at nakigulo. Sino nga ba sila? Mga lalaking naka barong na itim ang unang lumabas sa helicopter. “Naku ayan na yata ang bibili ng lupain natin!” Nag-aalalang boses ni Yohanna. “Oo nga mayaman daw iyan at kilalang tao!” si Cinderella na bakas sa mukha ang pag-aalala dahil halos lahat kami rito ay umaasa sa sakahan at paisdaan. “Sino kaya siya?” Habol pa ni Yohanna. Kahit ako ay napapaisip sino nga ba siya? Parang tumigil ang mundo ko ng makilala ang taong huling lumabas sa helicopter, kahit pa natatakpan pa ng mga itim na salamin ang kanyang mga mata ay hindi ko maitatanggi na siya pa rin ang lalaking labis kong minamahal. Tumayo siya sa gitna habang nakapalibot ang hindi baba sa waling gwardiya niya. What his business here? Totoo ‘bang bibilhin niya an
Nagpaikot ikot na ako sa higaan ay hindi pa rin ako makatulog, kung bakit ba naman pinagsama kami ni Mamay sa kubo, bumangon ako pero wala siya, kanina lang ay narito siya at kasama ko, inunahan ko na nga siya humiga nagbabakasakali na tabihan niya, pero wala pa din, siguro nga ay hindi na ako ang kahinaan niya ngayon, nilinga at ginala ko ang mata ko, siguro ay doon siya matutulog sa chopper niya. Lumabas ako para gumamit ng banyo, inayos ko kaagad ang pinto ng pawid saka naupo. May napansin akong tao sa may labas kaya binilisan kong tumayo at iangat ang short ko. Bumukas ang pawid kahit pa hindi ko pa inaalis, nakilala ko ang tao na nasa labas. Si Jaime ang taong matagal ko ng manliligaw simula pa lang ng high school ako pero hindi ko siya magustuhan dahil sa ugali niyang mapagmataas at mayabang mahilig din siyang makipagbasag ulo. Kaya hindi boto si Mamay sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” sinubukan ko maging relaks pero ng sunggapan na niya ako at pilit pinapatahimik, na
“Hindi mo ba siya namimiss?” turan sakin ni Cinderella, mahigit tatlong buwan na rin magmula ng umalis siya rito, its my birthday today, I’m still looking forward na magkakasama na kami in my next birthday. But how?“Bili ka kaya ng phone para naman may balita ka sa kanya!” Suwestiyon naman ni Yohanna.“Paano wala naman signal rito!”Tumuro silang dalawa sa mga puno may mga tao at pawang nakataas ang mga kamay, mga taong gagawa ng paraan makausap lang ang minamahal nila.“See, walang alibi!”“Tara na!” Aya nila, at bumaba kami papuntang bayan, nag-ikot ikot kami para makahanap na rin ng bibilhin ng phone, sinulit na rin namin ang mabilis na internet sa bayan hanggang sa hindi ko inaasahan ang balita.“Bakit naghahanap na siya ng bagong asawa?”“Bakit pinalitan ka niya kaagad tatlong buwan pa lang naman ang lumilipas!” Kahit ako ang daming tanong na kung bakit?“Huwag ka ng magpatumpik tumpik pa, mag-apply ka!”Talaga bang dapat pa ba ako mag-apply samantalang may ilang buwan pa siya
Naupo ako sa shed, hindi pa rin ako makapaniwala, totoo nga bang napili ako?Binuklat ko isa-isa ang papel, mabilis kong binasa pero wala ako maintindihan.Hawak ko rin ang susi, at nagtatanong sa sarili kung saan ko ito hahanapin, hanggang tumunog ang phone ko at makatanggap ng email, tila address ng bahay.#28 Istabenger st. hubitol subd. San Miguel.Agad kong binalik sa bulsa ko ang phone ko saka sumakay sa bus ng may dumating. Tila pamilyar ang lugar, hanggang ibaba ako sa designated area.Mukhang ito na yata ang sinasabi na lugar, at mukhang kabisadong kabisado ko, dahil ito ang bahay namin ni Earniel noong nakatira pa ako sa kanya, pero bakit dito ako dinala?Mabigat ang paa ko habang nilalakad ang loob ng subdivision, parang pinipigilan ng paa ko na tumuloy. Pero may bahagi ng isip ko na gusto kong muling marating ang bahay niya.20minutos ng makarating ako. Nasa gate na muli ako at nakatanaw sa bakuran, tila luma
Isang linggo matapos ‘kong makapunta sa bahay ni Earniel, magmula noon, hindi na ako bumalik sa bahay, hindi ko makumbinsi ang sarili sa kabutihan niyang pinapakita sa akin.Paanong bigla na lang siyang nagbago? Sa loob ba talaga ng tatlong buwan o isang araw ay kaya agad niyang magbago!Nakakapagtaka.Naging abala rin ako sa bago kong trabaho, katulad ng nabanggit ko sa kanya ay sa isang laundry shop narin ako nag-apply at ngayon ay nagt-trabaho na, sapat naman ang kita para makabukod ako mag-isa, nagbabalak na rin magpakasal sila Charito at Alexis, kaya nagpasya na rin ako makalipat sa madaling panahon.Sa isang maliit na space ako tumutuloy, sapat ang laki para sa akin dahil mag-isa lang naman ako, Maya maya’ay narinig ko ang pagkatok sa pinto, wala naman ako inaasahan na bisita tanging sila Charito at Alexis lang naman ang madalas bumibisita rin sa akin, ngunit wala naman siyang pasabi sa akin.Dumungaw ako sa bintana, isang pamilyar na mukha ang nasilip ko. Agad kong binuksan da
“Nag-drive ka ng nakainom?” Galit kong sabi ng makita siya na pasuray suray at sumalampak ng upo sa baitang ng hagdan.“Gusto ko lang naman malaman kung nakauwi kana!”“Pwede naman magmesaage kana lang sa akin. Nasaan ba phone mo, i-save mo number ko!” Naupo ako sa harap niya at kumapa sa bulsa niya hanggang sa makuha ko ang phone niya. Bumungad sa akin ang wallpaper nito, bakit mukha ko ang naroon. Kuha pa ito noong nasa San Miguel pa kami, hindi ko inaasahan na nanakawan pala niya ako ng litrato.Agad ko siyang inakay papasok, hindi ko rin naman maiuuwi siya dahil hindi naman ako marunong magmaneho, nakita ko rin sa contact niya si Denver pero hindi ko nagawang pindutin.Inakay ko siya hanggang mahiga siya sa higaan sa sahig. Naupo ako sa gilid niya at pinagmamasdan siya.“Isang malambot na Mama kana ngayon huh?” Hagod ko sa buhok niya may kaunting puti.Hinayaan ko lang siya matulog sa tabi ko at dumantay sa dibdib ko hagod ko ang likod niya hanggang sa makatulog na rin ako.Nagisi
Flowers and chocolate ang bumungad sa akin ng makalabas ako ng pinto, ano na naman kayang pakulo ito, bahagya ako sumimangot ng makita siyang may hawak hawak na flowers, parang hindi bagay sa personalidad niya, pansin kong pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay.“P-para saan ba naman ito?” Hindi ako sanay na bigyan ng ganito kahit pa may mga kaklase ako at manliligaw na nagbibigay sa akin noong nasa San Agustin pa ako, naawa ako sa mga bulaklak na malalanta lang dahil mapapabayaang nakatali at malalagyan ng decorasyon, sabay mamatay lang naman kalaunan.“Para sayo yan!” Abot lang niya, at hindi na ako hinintay na hawakan ito ng maigi.—“Tara!” Aya niya sa akin at pagbuksan pa ako ng pinto na akala mo ay gentleman.“Saan ba punta natin?” Nang makapasok at makapagseatbelt ako.Pero wala ako narinig na tugon kundi ang pagpapaharurot lang niya.Sa isang bigatin at mamahalin restaurant niya ako dinala, well-known na kilala siyang mayaman samantalang kung sino lang akong mahirap na kasama
Naging tahimik ng ilang araw ko, since nasa ibang bansa si Earniel, wala ako message na natatanggap sa kanya simula ng umalis siya, siguro sobrang busy niya.Nalipat kami ni Claudia sa isang hotel bilang laundry staff at kung minsan ay housekeeper kapag kulang sila ng tao, wala naman kaso sa’min basta sumasahod at nakakatulong.Nakaassign kami ni Claudia mangolekta ng mga kumot at sapin, at responsible rin minsan sa pagpapalit. Nang bigla niya akong kalabitin at magtago kami sa gilid na hindi ko kaagad naunawaan.“Hindi ba si Earniel Lao iyon? Yung lalaking nakabingwit sayo!” si Earniel nga ang lalaki, at may isa siyang kasama na magandang babae, naglalakad sila sa pasilyo at pumasok sa isang kwartong kahilera roon.— “Tara lumapit tayo roon!” Hila sa akin ni Claudia at tumigil kami sa harap ng pinto.“A-anong ginagawa mo umalis na tayo rito!” Hila ko sa kanya, kinakabahan akong masilip kami o makita sa monitor.“Hindi ko akalain na napakababaero niya sino sino nalaang binibingwit niya
Gulat na gulat si Earniel habang nakatitig sa skin. Hindi yata niya inaasahan na naghihintay ako sa kanya, Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa gilid, sinunod niyang buksan ang polo niya at ilislis naman ang laylayan ng kanyang manggasNakamasid lang ako sa kanyang hanggang sa pansinin niya ako, ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesang nasa gitna ng mga sofa at roon ay naupo siya.Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya.“Okay ka lang ba?” Biglang tanong niya na dapat ay tanong ko. Iniisip ko tuloy hindi ba ako okay kaya ganun ang tanong niya sa akin.“Oo naman, nainip na nga ko rito sa kwarto!” “Aayain sana kita lumabas kaso kakalabas mo lang ng hospital.”“Tara!” aya ko sa kanya gusto ko rin siya makausap ng masinsinan at maliwanagan sa natuklasan ko kanina.“Tara?” Nagtatanong niyang sabi, sumang-ayon, ng sagayon ay kumilos siya, dinampot niya muli ang phone niya at susi, hindi na rin siya nagpalit ng damit, saka kami lumabas ng kwarto.Pawang tulog na ang lahat at kami na
Nagising ako na tila ba ang ingay ng sobrang lamig at ginawin ako. minulat ko ang paningin ko, maraming taong nakapaligid sa akin. Lahat sila ay nakatungo at nakatitig sa akin.Dagli akong bumangon, wala naman masakit sa akin, bukod lang sa hinihigop ako ng antok. Lumapit kaagad si Earniel alalay ang likod ko sa pagbangon.“Ano bang nangyari bakit ba tayo narito?” usisa ko ng mapansin na nasa ospital kami.“Nakita kitang nakahandusay, sobra akong nag-alala kaya dinala rito para makasigurado.” “Umuwi na tayo wala kapa pahinga!” Pilit kong alis sa kama. Nakakahiyang naabala ko pa ang oras na sana ay pahinga na niya, at bukas ay may trabaho pa siya.“Huwag mo ako intindihin! Sandali lang at aalamin ko ang sitwasyon mo!” tumayo siya at tinungo ang labas, umalis naman sila Mamay at Papay ng magising ako na sabi nila ay bibilhan ako ng makakain.Kaya naging tahimik ang kwarto mag-isa at nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, hindi ko mawari kung dapat na ba bumalik na ang alaala ko. Ma
Matapos kong marinig sa Ina ni Earniel ng masasakit na salita, nagpasya muna ako maglakad lakad sa garden hanggang madaanan ko ang bar ni Earniel na malapit lang naman sa pool area.Bumukas ang pinto hudyat na hindi ito nilolock, kahit pa umaalis siya, hindi ko kilala ang alak pero namili pa rin ako kung ano ang pinakamatapang, okay lang kahit hindi na masarap.Kumuha ako nb chaser at nagsalin ng paunti unti. Nakita ko rin ang retro music player ni Earniel at nagpatugtog kung ano man ang naroon.Mag-isa ako at pinagmamasdan ang nangangalahati na rin na alak, hindi ko na alam kung anong oras na, at gaano na ako katagal umiinom rito.Narinig ko lang na bumukas ang pinto hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung sino, dire- direstso lang ako sa paglagok.Umingit ang upuan, alam kong may tumabi at sabay kumuha rin siya ng chaser at nagsalin ng bahagya sa baso niya, saka lang ako tumingin ng lumagok na siya.Si Earniel na mukhang kararating lang galing trabaho, tumitig rin siya sa akin.“Bak
“Ayaw mo na bang bumalik sa dati?” Unti-unti siyang lumapit at halos dumikit ang kanyang mukha sa akin, halos parang takuri ang pisngi ko sa init, hindi ko alam kung kikiligin ako o madidiri, hanggang hawakan niya ang mga kamay ko, at nilapit sa dibdib niya, at maramdaman ko ang tibok ng puso niya, na pabilis ng pabilis – “Doreena! Kasi kahit ayaw mo ipipilit ko pa rin!” nangungusap ang mga mata niyang singkit, tila kinukuha ang loob ko.Wala rin ako nagawa kundi ang matameme na lang, hanggang bumukas ang pinto ng opisina niya, pinapatawag na siya sa meeting niya, marahan niyang binitawan ang kamay ko saka niya tinungo ang pintuan, doon lang din ako nakahinga, na parang kanina ay pigil na pigil ko, hindi ko alam kung bakit sa kilig ba o sa inis.“Salamat at umalis na rin siya!” Bulong ko sa sarili at pabagsak ako na naupo sa sofa, ng muling bumukas at bumungad ang ulo niya.“Antayin mo ako, huwag kang aalis!” pagkatapos niyang sabihin iyon, ay isinarado na niya muli ang pinto, at maiw
Tumikhim siya bago siya kumuha ng damit sa tokador.“Ano ayos lang ba sa’yo? – Hhmm! Sa totoo lang ay hindi pa rin ako naniniwala na asawa kita!” Napansin ko ang pagtigil niya ng panandalian saka muling inayos ang tokador na nabuksan.“Ikaw ang bahala kung maniniwala ka o hindi!” sambit niya bago siya umalis sa harapan ko, pansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang mukha na naging seryoso.Ngunit dapat nga ba ako na mangamba? O mag-alala ‘man lang? O ipagsasawalang kibo ko na lang. Pagkatapos niyang magshower ay dumaretso lang siya papuntang pinto, hindi ‘man lang pumihit ang kanyang ulo para tignan ako, nakaramdam ako ng kunsensiya marahil ay hindi ko iniisip ang mga sinabi ko, pero masisisi niya ba ako kung wala ako maalala.Naghintay akong bumalik siya ng kwarto sa tinutulugan namin kagabi, ngunit sa tinagal tagal at nilalim ng gabi ay wala pa rin siya, iniisip ko na baka sa iba na siya natulog o baka naman nagalit talaga siya sa akin, hindi ko naman talagang pinupunto na gusto ko
89Nagising ako na nakabihis na si Earniel, kagaya ng una ko siyang nakita sa telebisyon, ang formal, halos ibang iba sa kahapon na kasama ko siya, sadyang kahanga hanga at kagalang galang.“Saan ka pupunta?” Habang nakatitig sa kanya na palakad lakad sa loob ng silid na iyon.“Sorry nagising kita!”“Hindi, talagang gising na ako kanina pa, pero ang suot mo hindi pangkaraniwan nakikita sa mga nakakasalamuha ko!” Turo ko pa sa suot niya.“Ito ba, karaniwan suot ko pag nasa trabaho, kapag hindi na ako busy ay isasama kita!”“T-talaga?” kahit wala naman ako ideya sa place niya ay nakaramdam ako ng galak. Hanggang sa lumabas na siya, nag-ayis na rin saka lumabas, sa bintana ko na lang siya natanaw na pasakay na ng magara niyang sasakyan.“Tara kain na Ma’am!” bungad sa akin ng may edad na babae.“Ma’am? Bakit mo ako tinatawag ng ganun?”“Ma’am ako si Servana, mayordona ni Mr. Lao!” Napatango na lang ako ng malaman ko ang katayuan niya, saka niya ako sinama sa hapag, pansin ko ang katahimi
88.“Aalagaan kita! Hanggang sa unti-unting bumalik ang alaala mo!” mga katagang naririnig ko habang nakapikit ako, kahit alam Kong hindi ko siya kilalang lubos.Panandalian akong mag-isa Ng umalis Siya, ang Sabi Niya ay may daraanan lang Siya at babalik muli Kasama Ng isang sopresa.Nanatili Lang ako sa pagkakahiga Hanggang sa bumukas ang pinto bumungad sa akin ang tatlong Bata, isang lalaki at babaing may edad at si Earniel na may kalong na paslit. Lahat sila ay namumula at namumugto ang mga matang nakatitig sakin.“Ate!” Takbo sa akin ng tatlong batang nagsisipag-iyakan na. Napaupo na Lang ako at iniisip kung sino ba sila? – “Ate! Mabuti at buhay ka, namiss ka namin!” dugtong na mga iyak Ng Bata sa akin.Gusto Kong ibuka ang bibig ko ngunit ano ba ang dapat Kong Sabihin sa kanila. Wala akong maalala, hindi ko alam kung sino ba sila at kung kaano ano rin, ang tanging nagawa ko lang ay yakapin rin sila pabalik kagaya ng pagyakap nila sa akin.“Mga Kapatid mo sila, si Elias, Paula at
Ginising agad ako ni Christian sa hindi malamang dahilan, pansin ko ang pagliligpit niya.“Aalis ba tayo” Usisa ko sa kanya.“Basta! Umayos kana!” irita niyang sagot. Sabay nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa, kahit hindi ko maintindihan ang nangyayari, ay sumunod na lang ako sa kanya. Wala naman akong aayusin kundi sarili ko lang naman. Wala Naman ako gamit gaano atang iba ay parang napaglumaan pa. – “May naghihintay sa atin na pick-up sa baba!” Dugtong pa niya.Lumabas na kami, at pinaikutan niya ng makapal na kadena ang yerong pinto, sabay nag-umpisa siyang maglakad, sumunod lang ako at tahimik na nakatanaw, naguguluhan sa biglaan naming paglisan sa lugar.Matapos ang mahigit dalawang oras na paglalakad ay narating namin ang bukana papuntang ibaba ng bundok, kahit hindi pa ganap na nakakarating roon ay natanaw ko na ang pick up na sinasabi niya, may mga taong naghihintay rin, at sumalubong samin.Bahagya silang sumulyap sa akin at bumalik muli ang paningin kay Christian,“Tara!” ay
Hindi napakali ang mga paa ko ng makaalis si Carlo ng umagang iyon, hindi mapakali naparang gusto kong umalis na hindi ko maintindihan, ngunit natitiyak ko na magagalit si Carlo kapag nalaman niya ang balak ko at isa pa ay binalaan na rin niya ako na huwag ng baba ng bundok, ngunit hindi ko mapigil ang sarili na umalis at pumunta sa ibaba, gusto ko lang mapawi ang pagkabagot ko lalo pa at mag-isa ako.Hanggang mabuo ko ang desisyon ang magpunta at mamasyal sa ibaba ng bundok.Kahit malayo at nakakapagod at tiniis ko, kahit pa abutan ako ng mataas na sikat ng araw, at makaramdam na din ng gutom, lalo pa ng mapabaling baling ang tingin ko sa mga nakahilerang kainan, kinapa ko ang loob ng bulsa ng paldang suot ko ngunit iisang barya lang ang laman nito, na hindi makakapawi ng uhaw at gutom ko.Naupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga taong kumakain hanggang madako ang paningin ko sa televisiong nakabukas sa kainan.Bumaling ako at nilibang lang ang sarili upang mapawi ang nararamdaman