Share

21. Still remember

Kung saan saan naghanap ng trabaho pero walang tumatanggap sa akin lahat sila tingin sa akin ay gold digger lalo pa sa mga katulad ni Calvin na isang bilyonaryo, at kilala sa lipunan.

Inubos ko na ang natitirang pera sa bulsa ko mula sa huling sinahod ko, at hindi ko pa alam ang gagawin sa susunod na araw, hapong hapo ako sa maghapong lakaran, at ang pawis at basa ng ulan ay napag-isa ko na, pakiramdam ko ay lalagnatin ako habang naglalakad sa pasilyo at papalapit sa pintuan ng unit ni Earniel.

Pagkabukas ko ng pinto ay may nabungaran akong isang pares ng sapatos, kinutuban ako kung sino ang nagmamay-ari, naglakad ako ng mabagal hanggang makapasok ako sa bukas na pinto ng kwarto, maliwanag ang sinag ng palubog na araw mula sa bintana, nabungaran kong may lalaking nakatayo roon habang may hawak itong wine glass na may kalahating alak, kahit pa hindi na siya lumingon ay nakilala ko kagad siya.

Halos anim na buwan na rin magmula ng mawala siya, at magpasyang manirahan sa China, at ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status