♡ KABANATA 5 ♡
5AM pa lang ay gumising na ako, almusal muna ang una kong inatupag, bago ako naglinis at naglaba ng mga sinuot niya kagabi! Napapaisip ako na parang hindi ako nagttraining as a wife at parang maid. Wala siyang tinakdang oras kung anong oras ko ba siya gigisingin nakaupo lang ako sa sofa at pinagmamasdan siyang matulog! Tunog ng alarm ang nagpagising sa kanya, agad akong lumabas para magtimpla ng kape niya. “Good morning Sir?” Masaya kong bati sa kanya habang pumupungay pa ang mata niya at hindi pa maidilat lumapit ako sa kanya at humalik sa labi niya. Base na rin sa nabasa ko sa contract na good morning kiss, at habang natutulog siya ay iyon ang napagkaabalahan kong basahin, ang papel na binigay ni Ms. Mendoza na photocopy ng kontrata. Hindi naman siya umimik at diretsong tumayo lang, sa hapag siya dumaretso at naupo, binuksan niya ang basket na nakatakip sa pagkain na nasa lamesa! “Nilagang mais?” masama ang titig niya sa akin, saka dinampot niya at kinagat! “Hindi ko kasi alam ang gusto mo kaya iyan lang ang niluto ko, tsaka yan kasi madalas naming almusal!” wala sa isip ko kung ano ba ang hilig niyang kainin bukod sa nagkakape lang siya sa umaga ng huli kong punta. “Hindi ako kumakain ng mais!” binitawan niya ang mais pagkatapos kagatan, tumayo siya at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko, napayuko ako ng tumigil siya sa harapan ko. “Sorry na!” lumakad pa siya kaya napaatras ako, hanggang sa sumagad na kami sa pader ng kusina. “Huwag kana magalit! Sorry na?” Bumuntong hininga siya. “Sa daming laman ng fridge, ito lang talaga?” “Masarap naman yan at masustansiya, katumbas din yan ng kanin noh?” pagmamalaki ko dahil minsan ang giniling na bigas ang aming ginagawang sinaing na papartneran lang ng inihaw na tuyo. Napapitlag pa ako ng umangat ang kamay niya papuntang pader. “Pagbibigyan kita ngayon! Next time masarap ang ihain mo!” Tumango na lang ako saka siya umalis. Dumaretso siya sa banyo, sa labas ko na siya inantay habang hawak ang tuwalyang panuyo ng kanyang buhok! Nagugutom na rin ako at takam na takam sa mais, ngunit kailangan ko pa maghintay, sumandal ako sa pintuan, wala sa isip ko kung lalabas na ba siya o magtatagal pa. Napahiga ako ng bumukas ng bigla ang pintuan at bumagsak ako sa pagitan ng kanyang mga hita, iindahin ko sana ang sakit ng ulo at likod ko pero bigla akong napatayo ng may makita akong hindi ko dapat makita. Nakatalikod ako habang inaabot ang tuwalyang panuyo ng buhok niya, hindi ko siya matignan kung bakit ba naman wala siyang suot sa loob ng roba niya. Wala siyang reaction kahit pa nasilipan ko na siya, mukhang normal na sa kanya iyon! Hindi ko masabi kong lahat ba ng trainee niya ay nakita na ang katawan niya pero saan nga ba niya dinadala ang mga trainee niya kung ako lang ang ang sinasabi niyang nakapasok sa condo niya o marahil ay nagsisinungaling lang ba siya? Pang-69 daw ako sa lahat ng trainee na dumaan sa kanya ibig kaya niyang sabihin sa 68 ay nakasama na niya ang trainee niya sa kama niya. Napalunok ako at napapikit, hindi ko maiwasan isipin ang mga susunod na mangyayari. Lalo pa ng maalala ko ang kanyang mapusok na halik. “Ano iniisip mo ha?” Namilog ang mata ko ng magsalita siya. Binilisan ko ang pag-aayos ng polo niya at sa mga sandali na iyon ay hindi ko pa rin siya matignan. “W-wala S-sir!” Nanginginig ang mga daliri ko habang binubutones ko ang polo niya. “Sumusuko ka na ba agad dahil sa nakita mo?” Hindi ko siya tinignan at nakatuon lang ang mga mata ko sa butones. Bumaba ang mukha niya at pumantay sa akin. Saka ko siya nakatitigan! – “Sa nakita mo siguro umaatras kana sa kasal! Ayokong makita niya na naapektuhan ako sa mga nakita ko . – “Akala ko pa naman papatunayan mo sa akin na hanggang dulo ka!” “Hindi no! Ano naman kung makita ko,” pagmamalaki ko kahit laman pa rin iyon ng utak ko. — “Hinding hindi ako susuko no! Papatunayan ko yan sayo! Tayo talaga hanggang dulo diba” Pilit kong ngiti, sabay hinawakan ko ang buhok niya na kunwari ay sinusuklayan ko. “Mabuti kahit malabo!” Sinundan ko siya papasok ng kwarto, sa tokador siya huminto at parang namimili ng isusuot! – “Ito ang isuot mo sakin!” abot niya. “Pero, hindi ba ito isinusuot mo sa opisina?” Hindi na siya sumagot, mabilis nito pinalitan ang polo niya ng stripe na T-shirt at tinak-inan niya sa gray niyang pambaba. “Tara na!” Saad niya, at lumabas na ng kwarto, pagkahanger ko ng suit niya ay sumunod na ako sa kanya palabas ng condo, nakaday-off si denver kaya siya muli ang nagmaneho! Habang nasa sasakyan ay parang nag-iiba ang takbo ng daan namin, hindi ito papuntang opisina, kahit papaano ay nakakabisado ko na ang daan papuntang opisina! Sa palagay ko may iba kami pupuntahan, balak ko sana magtanong kaya lang baka magalit siya. Mga ilang minuto rin kami ng makarating sa isang lugar base sa nakita ko sa karatula Lao Farmhouse and café. Nang maiparada niya at makababa ako ay napanganga ako sa lawak ng lupain, pati ang strawberry na mapipitas mo agad sa bukana pa lang. Mahangin rin ang lugar kaya kahit mataas na ang sikat ng araw ay malamig pa rin. Pumasok kami sa loob at nagdala ng basket, hindi ako magkamayaw kung gaano ba ang kukunin ko at kung dapat ko bang punuin. “Ang tamis naman, hindi siya maasim!” ng kagatan ko ang isa sa strawberry, inabutan ko rin siya at pilit pinapakagat pero umiwas siya at ayaw tikman! Nag-ikot ikot pa kami, hindi lang pala strawberry ang marami sa farm maging mga oranges! Nagpitas rin ako at naglagay sa basket. “May pupuntahan pa tayo! Tara na!” “Saan?” Sumunod ako sa sasakyan hindi ko alam saan kami pupunta. Sa mga kwadra kami napadpad! Isang lalaki ang lumapit sa amin at may hila hilang itim na kabayo, “Mabuti at nakabalik kayo rito?” saad ng lalaki na may matipid na ngiti. Napatingin sa akin ang lalaki at parang kinikilala ako. “Si Menard katiwala sa mga kabayo!” Pakilala ni Earniel sa akin, kumaway lang ako at ngumiti! –“Kumusta si Lio?” Balik niya muli kay Menard. “Maayos naman Sir! Naroon siya!” Tumuro ang daliri ng lalaki papunta sa isang kubo na hindi kalayuan. “Sige pupuntahan namin!” Akala ko tatanawin lang namin ngunit nagsimula kaming maglakad papunta roon sa matirik na araw at katamtamang init na dumadampi sa balat namin, hindi ko siya nakitang nag-inarte o humiling na magpapayong sa akin. Nang huminto kami isang kubo isang bata ang lumapit sa amin, mukhang sa musmos niyang katawan ay nagttrabaho na siya sa kwadra. “Ikaw ba si Lio?” Tanong ko sa bata! Iniisip ko na may tinatagong anak si Earniel, pero umiling ito at tumuro sa loob! – “M-may iba pa?” “Pinagsasabi mo?” Irita niyang sabi. Pumasok kami sa pintuang kahoy, nakita ko ang isang putting kabayo na parang matanda na at payat na payat! – “Kabayo si Lio, at hindi tao! Paboritong kabayo ni Earlio!” Bigla niyang sabi ng makalapit kami. Napagtanto ko na magkatunog ang pangalan ng mga ito! “Siguro malungkot na siya dahil wala na ang amo niya!” nang himasin ko ang ulo ng kabayo, hindi naman ako takot dahil marami akong nakikitang ganun sa amin kahit hindi ko pa nasasakyan. “Hindi ganun ang mga hayop!” “Hindi ah! Kahit hayop may emosyon! Wala ka siguro alaga no?” “Wala! At wala ako balak mag-alaga!” “Iniisip ko anong klaseng tao ang kapatid mo? Mabait siguro siya.” “Huwag muna alamin! Hindi siya ganun sa inaakala mo!” Palabas na kami ng pinto ng may matanaw ako sa labas na baby, agad akong nagmadali na lumabas at makipaglaro dito, kalong kalong siya ng kanyang nanay, sa tantiya ko ay nasa ikawalong buwan na ang baby, naalala ko sa kaniya ang mga nakakabata kong kapatid na naiwan sa San Agustin, hindi ‘man kasing liit niya ang mga ito, ay namimiss ko ang sandali na sila ay kalong kalong ko noon. “Pwede ko ba siyang kargahin!” kinarga ko at niyakap ang baby, hindi ito umiyak bagkus ay natutuwa ito sa presensiya ko. Lumapit ako kay Earniel. – “Papakarga ko din po sa kanya ah?” Paalam ko sa ina ng sanggol. Nag-aalinlangan ang babae na ibigay ko kay Earniel ang baby, dahil narin siguro sa pagkakakilala nila rito. Ang babae ay tahimik lang nakamasid at nangingiti.—“Para na tayong may anak hindi ba?” biro ko kay Earniel habang nilalaro ko ang sanggol na hawak niya. “May kamera ako dito pwede ko ba kayo picturan? Remembrance lang!” saad ng babae at naglabas ng phone camera. Inunahan ko na agad si Earniel alam kong tutol siya. “Sige ho!” sabi ko pa at dumikit ako kay Earniel. Mga ilang shot lang ng camera ay natapos na. Pinagmasdan ko ang picture na nasa phone. “Cora pakuha na ang bata!” Si Earniel na parang asiwang asiwa, paabot na sana niya ang sanggol ng biglaan ang pag-ihi nito. Natawa ako ng makita ko ang reaksiyon niya ng mabasa ng ihi! Halatang diring diri siya. “Paano yan basa kana?” Tawang sabi ko! Kaya lalong gumuhit ang gatla sa noo niya. “Let’s go home!” Aya niya ng biglaan rin ang buhos ng ulan! Mabuti na lang at nakaalis na ang mag-iina. Sa sobrang lakas ay nabasa agad kami at hindi nakasilong. Lumapit ang ilang trabahador para payungan siya, hindi na ako nakipagsiksikan na sumilong sa maliit na payong, bagkus hinayaan ko ang sarili ko sa ulan sabi nila! Let’s your inner chilhood feel! – “Hoy! Ano ginagawa mo?” Tawag niya sa akin ng makasilong siya. “Tara! Sama kana!” Kumpas ng kamay ko para lumapit siya. Pero hindi siya umalis sa kinaroroonan niya, nakatayo lang siya kasama ang ilang trabahador ng farm. Nang magsawa ay lumapit na ako sa kanya, “Sana sumama ka!” “Bakit ko gagawin yun ano ako bata?” asik niyang sabi, na kahit may mga tao ay ganun siya makipag-usap. “Sorry na alam ko naman na matanda kana!” Narinig kong may nagtawanan, may ngilan nagpigil, kaya tumalim ang titig niya sa akin, napayuko na lang ako habang pinagmamasdan ang patak ng ulan sa lupa. “Sir! Bakit kayo nagpabasa sa ulan!” isang matandang lalake ang lumapit sa amin, – “Tara ho magpatuyo tayo!” Tawag ng matanda sa amin! Sa isang lumang bahay kami pumasok, luma ‘man ay maaliwalas ang bahay na may malawak na kusina, naabutan namin na nagluluto ang isang matandang babae. At nagmamadali pa na lumapit sa ng makita kami. “Sir Earniel, totoo palang narito kayo!” nagsalang agad ito ng tubig sa takuri ng mapansin nito na basa kami.— “Sana ho nagpasabi kayo para naasikaso namin ang kwarto ninyo!” “Huwag na ninyo kami initan. Didiretso na kami ni Sir sa banyo!” Singit ko. Alam kong malaking abala pa iyon sa niluluto niya, sanay naman ako maligo ng malamig kaya kahit hindi na ako magmainit, ang kaso lang wala kaming dalang pamalit, na hindi ko naisip ng magpabasa ako sa ulan. – “Saan ho ang banyo ninyo? Maliligo na po kami!” Nakita kong nagkatinginan ang dalawa parang hindi sila naniniwala sa sinasabi ko, maging tignan ko rin ang ekspresyon ni Earniel ay ganun rin. “Ahh! Maglalabas na lang ako ng panuyo at pamalit!” sigaw ng matandang babae, habang tulak tulak ko pa si Earniel papuntang banyo. Sinarado ko kaagad ang pawid na pinto, wala akong tinanggal na kahit ano at dire-diretso lang ako nagbuhos, “Magbuhos kana, magkakasakit ka niyan kapag pinatagal mo pa!” Biglaan ko pang buhos sa kanya ng sunod - sunod. “Nasisiraan kanaba? Mamaya ano isipin nila na sabay tayo naliligo!” “Kagaya naman ng ano? Nakadamit parin naman tayo!” pero hindi napagkakaila na maliit ang banyo na parang pang -isang tao lang! Sa tangkad niya nakayuko na siya sa mababang bubong ng banyo. Halos magkalapit na ang mukha namin. “Basta! Lumabas kana agad!” utos pa niya. “Ayoko nga ang lakas ng hangin sa labas, giniginaw na ako!” yakap ko sa sarili ko. “Ideya mo maligo sa ulan! Tapos mag-iinarte ka ng ganyan!” “Ikaw unang lumabas, hindi ka masyadong basa!” “Anong hindi basa, nakailang buhos kana nga, ang lamig lamig pa!” Nanginginig pa niyang sabi. Natapos ang pagtatalo namin ng may mahinang boses na nagsalita mula sa pintuan, si Manong Carlito na nag-abot ng pamalit! Kinuha ko kaagad at sinara. “Lumabas kana! Magbibihis ako!” Tulak niya sa akin palabas. “Ako ang nagbibihis sayo na bahala magtanggal niyan!” hawak ko pa sa butones ng pantalon niya. “Subukan mo, makikita mo hinahanap mo?” “Nakita ko na yan bakit kaba nahihiya pa!” asar ko pa sa kanya. “Kapag naghubad ako maghubad ka rin?” “Sige! Basta umikot ka!” “Satingin mo makakaikot ako dito? Nanakit na batok ko!” “Edi sabayang hubad!” tanggal ko pa ng tshirt ko, natawa ako ng mapapikit siya. Tumalikod na ako at nagpalit, hindi ko na siya tinignan kung nakatingin ba siya, pag-ikot ko nakatakip na ang tuwalya sa pagitan namin! “Tapos kana ba?” “Tapos na! Bibihisan na kita!” “Hindi! Antayin mo ako sa labas!” Lumabas na akonat hindi na nakipag argumento, narinig kong nagbuhos pa siya, na akala ko ay hindi siya naliligo ng malamig. Nakasuot na siya ng navy blue na t-shirt at black pants. Naupo siya sa bangko at pinupunasan ang buhok niya, inagaw ko iyon para ituloy, marahan ko rin pinunasan ang mukha niya. Pansin kong timititigan niya ako pababa, marahil sa suot ko na hindi ko alam kung kanino. “Bagay diba kahit anong isuot ko?” Pagmamayabang ko sa kanya! Narinig ko lang ang pagbulong niya na hindi ko naintindihan. “Kakain na po!” sabi ng matandang babae. Matapos kami makapagbihis ay tinawag kami sa hapunan, ganap na ganap na bisita ang pakiramdam ko, isda, hipon, gulay at kung ano ano ang hinain sa hapag namin na parang kami lang ni Earniel ang kakain sa rami nito ay hindi namin mauubos. Nagtawag ako ng mga trabahador na magilan-ngilan naroon, lumapit sila at sumalo, sa mahabang dahon ng saging ang nagsilbing pinggan namin! Paghihimay ng una kong inatupag para kay Earniel! “Kumain kana!” Utos ko sa kanya na parang ayaw niya galawin ang mga hinimay ko, dumampot ako at sinubuan siya. Pansin ko na nagtinginan sa amin ang mga trabahador. Nagpatuloy ako hanggang sa tumayo na siya. Hindi siya gaanong kumain kaya naiwan ako sa hapag at nakipagkwentuhan. “Anong meron sa inyo ni Sir?” Usisa agad ng mga katabi at katapat ko sa upuan. “Ahh! Wala secretary lang!” sunod sunod kong subo. – “Tawagin ninyo akong Secretary Doree!” “Secretary Doree! May ganun ba Boss at secretary sabay maliligo at magsusubuan pa?” kantyaw pa ng isa. “Yun kasi nakaassign sa akin na trabaho ehh!” “Talaga? Yung asawa niya nga dati hindi niya ginagawa yan!” “Si Selena ba?” “Oo! Pag nagagawi mga iyon dito, nag-aaway lagi, literal na boss si Sir!” “Naku mapapainom tayo sa dami ng ikkwento namin sayo!” “Sige maglabas na kayo ng alak, game ako diyan!” Kalampag ko pa sa ‘mesa. “Parang ikaw na ikaw si Ma’m Selena! Mas sweet ka nga lang!” “Talaga?” Nagsalin sila ng alak sa akin, nilagok ko ng isa dalawa at pangatlo may pumigil na. “Huwag ninyo siya bigyan ng alak!” singhal niya at nagpulasan ang lahat! Masama ang tingin niya bago niya ako iniwan sa lamesa. Natakot ako kaya sinundan ko kaagad siya. Kahit ang dalawa ay napatingin rin! umakyat siya sa isang malaking silid. Sinarado ko kaagad ang pinto pagkapasok namin. – “Wala ka bang commonsense? Nilalasing kana nila!” “Dalawang tagay pa lang paano ako malalasing!” “Kung hindi pa kita binaba baka pinagpipistahan kana, at pwede ba huwag ninyo banggitin ang asawa ko rito!” “Sir! Wala ka ng asawa!” Lalong tumalim ang paningin niya kulang na lang ay mawala ang mata niya.—" Tsaka pakiramdam ko parang sila yung mga kalugar ko!” “Damn!” Singhal niya lalo, -- “Pwede ba mag-move on kana, wala kana sa lugar mo!” Naupo siya sa kama, tumabi ako sa kanya, hindi ko alam paano siya kakalma kaagad! Kaya umakyat ako sa kama at pumuwesto sa likuran niya, dinampi ko ng marahan ang palad ko sa magkabila niyang balikat maging sa ulo niya na halos mapuno na ng gatla sa labis na inis sa akin, at routine niya rin magpahilot bago siya matulog! “Matutulog na ako!” “Sandali!” Pinigilan ko siya makaalis sa pagkakaupo sa kama, dinantay ko ang chin ko sa balikat niya, makailang beses siyang napalunok. – “magkwentuhan muna tayo Sir!” “Ano naman pagkkwentuhan natin?” “Sabi nila Sir, parehas daw kami ni Selena! Anong klaseng babae ba siya?” malakas din ang ulan ng gabing iyon kaya nilalapit ko ang bibig ko sa tainga niya para marinig, tahimik siya at parang ang paligid ang nag-iingay, maging ang bawat sulok ng silid na iyon dahil sa kalumaan. “Hindi kayo pareho akala lang nila iyon!” Gumalaw siya at tinanggal ang mga kamay kong nakapatong sa balikat niya. Umayos ako at naupo ako sa gilid niya. L “Matulog kana, huwag mo siyang ihambing sayo!” “Siguro talagang minahal mo siya no?” kinuha ko ang kumot at isinaklob sa likuran namin. Sumiksik rin ako sa kanya upang mabawasan ang lamig na tumatagos sa kumot, tabig niya ng mahina sa akin, pero hindi ako umalis at sumiksik pa lalo. “Giniginaw ako Sir!” “Hindi kita yayakapin kahit hilingin mo pa!” “Hindi ko yun hihilingin no!” “Lumayo kana! Naiinitan na ako!” “Bakit ganun?” Tinitigan ko siya hindi siya makatingin sa akin ng diretso. “Ilan nabang trainee ang nakatabi mo? May mga nakasiping kanaba?” Namilog ang eyeball niya ng mapatingin sa akin, maging ang labi niya ay umawang na parang may gustong sabihin. “Dirty minds huh?” dutdot niya sa noo ko. “Masama ba malaman? Curious ako ehh!” “Bakit mo tinatanong ha. Kung sabihin kong lahat sila maniniwala kaba?” “Oo naman! Sa edad mo impossible namang virgin kapa?” Umiwas siya ng tingin at akmang aalis sa kumot na nakasaklob sa amin, pero hindi ko binitiwan ang braso niya at tinignan siya na may halong pang-aasar. “40 na ako malamang hindi na!” Ikot ng mata niya at binaling sa iba. – “itulog mo na ang pagtatanong mo, may gagawin pa tayo bukas!” akma muli niyang tayo hinila ko siya, hanggang mapaharap siya sa akin. Nagkatitigan kami at parang ang mga mata namin ang nag-usap. Lumapit ako at humalik sa kanya. “Good night Sir! Good night kiss yan ahh?” Natatawa ko pang sabi, pero nanatili lang siyang seryoso. “Nakakatawa ba talaga sa inyo ang kontrata?” Nag-iba ang tono niya na parang nagagalit. Bigla siyang lumabas at malakas na sinarado ang pinto, pero hindi ako nanatili roon at hinayaan siya na makaalis, sinundan ko siya palabas, hindi ko rin hahayaan na mabasa siya ng malakas na ulan. Paglabas ko nadatnan ko siyang nakaupo sa labas ng pinto, sa lamesang naiwan namin kanina. May hawak siyang bote, inagaw ko iyon bago pa mangalahati at naupo sa tabi niya. “Mabilis ka malasing, huwag ka uminom ng marami!” sabi ko at lumagok mula sa bote niya. Malungkot ang mukha niya ng titigan ko, wala akong alam sa kanya, wala akong alam sa nararamdaman niya, ngunit ano ba ang rason ng biglaan niyang pagtahimik. Inagaw niya ang bote sa akin at ininom, tumayo siya at naglakad, sa malakas na buhos ng ulan sa malamig na paligid ay lalo akong gininaw, agad ko siyang hinila bago pa siya tuluyang mabasa, halos yakapin ko na siya huwag lang siya makarating sa gitna, naupo siya at tumungo! “May mali ba sa kontrata?” Galit ang tono niya ng tumunghay siya, “Hindi ko alam, ikaw naman gumawa ng kontrata!” “May mali tumawa ka diba?” lumakas lalo ang boses niya at tumayo ng pasuray suray, kaya kinabahan ako na magising ang mga dalawang matanda nakasama namin sa bahay. “Umaarte ka na good wife! Pero hinding hindi mo mapapalitan ang asawa ko!” Bulyaw niya sa akin, hindi ko alam kung paano magrereact, hindi ko alam kung dapat ba magalit ako o umiyak, pero nanatili akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Wala akong balak na palitan ang asawa niya, o higitan ito, sinusunod ko lang ang nasa plano ng kontrata, mula sa umpisa hanggang sa katapusan ng pagsasama namin. “Tama na Sir, lasing kana!” Kumuha pa ito ng bote at ininom ang lahat ng bukas, lalo siyang nagwala kaya niyakap ko na siya, hindi ko alam kung paano siya pinapakalma ng asawa niya, mahigpit kahit nagmamatigas siya. Pero lalaki pa rin siya at malakas, nagawa niya akong maitulak palayo sa kanya, sugat sa braso hindi ko na ininda, tumayo ako at hinagilap ang labi niyang nag-iingay! Mukhang effective at kumalma siya! Niyakap ko siya ng mahigpit. Binubulong niya ang pangalan ni Selena! Inakyat ko siya sa kwarto, tinanggalan ko kaagad siya ng damit at tinuyo ng tuwalya. Nakapikit na siya at bulagta sa kama, tumabi ako kanya habang hinahagod ang buhok niyang basa. “Magpahinga kana! Bukas hindi muna ulit maaalala ang lahat!” patuloy niyang binabanggit ang pangalan ni Selena kahit pa tulog pa siya.♡ KABANATA 6 ♡ Maaga kami umalis para hindi maabutan ng traffic, tulog pa ang diwa ko habang nakasandal sa upuan ng sasakyan. Bukang liwayway pa at kakaunti lang ang naitulog ko. Tahimik kami sa biyahe at nasa utak ko pa rin ang sinabi niya. Hindi ako nakikipagkompetensiya sa taong mahal niya, wala kong ibang gusto kundi ang matapos na ito. Humikab ako at umunat! Naramdaman ko ang paghapdi ng braso ko kaya napababa ko kaagad! Hindi ko pinahalata na may kakaiba sa braso ko, mabuti na lang at mahaba ang manggas at hindi nakikita ang malaking gasgas. Itinulog ko na lang muna ang lahat ng iniisip ko, hindi dapat ako malungkot o masaktan dapat lagi lan(g ako masaya. Kalabit ang nagpagising sa akin, nasa parking kami ng opisina! “bilisan mo may kliyente pa ako!” labas agad nito sa sasakyan. Sumunod ako sa kanya, pumasok kami sa loob. Pagtitimpla ng kape agad ang inatupag ko pitong tao ang nasilip kong naroon, sa conference room ay seryoso silang nag-uusap, nakaupo siya sa unahan
♡ KABANATA 7 ♡ Isang linggo rin naging laman siya ng headlines, naniniwala siya na hindi niya kailangan magpapaunlak ng interview kahit kaninong reporter, para sa kanya ay katatawanan ang lahat at hindi na kailangan pang pansinin, iyon ang gusto niya na ipamulat sa akin, habang kasama ko pa siya! Kahit si Don Enricko ay walang magawa sa katigasan ng ulo niya. Ngunit patuloy pa rin usapin kung sino ang nagpakalat ng video, dahil sa company policy bawal maglabas ng kahit anong CCTV footage na dapat ay sa loob ng kompanya lang pag-uusapan! Mabigat ang parusa sa taong nagpakalat noon, maari siyang patawan ng suspension or ganap na tanggalin without benefits and insurance f*e from company. Lantad sa hallway ang CCTV, kaya dahil mas mabilis nahuhuli ang may sala kung maraming mata ang nakakakita, walang maitatago siya man o mga empleyado, walang pakealam si Earniel sa mga issue ng empleyado niya, kahit ano pa gawin ng mga ito. Ngunit sa kabila ng issue ay lalong tumaas ang rating niya a
♡ KABANATA 8 ♡Nagising ako sa na parang maliwanag na! Nahagip ng mata ko na katabi ko pa si Earniel at nakayakap pa ako sa kanya napabangon ako dahil alam ko magluluto pa ako ng almusal at maglilinis ng bahay pati narin maglalaba.Agad kong ginawa iyon, puro karne ang niluto ko, mabuti na lang at maalam ako sa pagluluto.Pasado alas siyete kahit naririnig ko ang ang alarm niya ay parang hindi siya gumigising nilapitan ko siya namumutla siya at nang hawakan ko ang kanyang noo at leeg ay sobra niyang init! Agad akong Kumuha ng malamig na tubig at tuwalya para pahiran ang kanyang katawan. Tinanggal ko kaagad ang mga damit niya at naiwan lang siyang nakaboxer short, lalo siyang nagchill kaya nataranta ako! Naghanap ako ng paracetamol para mapainom agad siya. Binihisan ko kaagad siya matapos kong punasan.Narinig ko ang pagtawag ni Ms. Mendoza sa phone na agad kong sinagot! Sinabi ko na hindi na makakapasok si Mr. Lao, hindi ko na binanggit kung bakit basta sinabi ko lang siya na ang baha
CHAPTER 9Sa pasilyo pa lang ay kakaiba na ang mga tingin sa akin ng mga tao, ano na naman kaya ang nasa isip nila, habang binabagtas ko ang papunta sa cafeteria para mag-almusal.Hanggang makasalubong ko si George at sumabay sa akin sa paglalakad hanggang sa makaupo kami, siya muli ang taya sa mga kinain namin. Wala parin akong sapat na pera, hangga’t hindi pa nangyayari ang kasal namin ni Earniel. At hindi ko alam kung kelan matatapos ang pagiging trainee wife ko na lumampas na ng isang linggo. Ganun ba talaga kahirap mahook ang loob ng isang EARNIEL LAO. Patapos na kami kumain ng mapansin ko ang pagdating ni Don Enricko hindi naman niya ako napansin kaya’t diretso lang ang tingin ko sa kanya, ayoko isipin na ang kahapon pag-alalala ko ang dahilan ng pagparito niya rito.At hindi pa nawawala ang paningin ko kay Don Enricko ay nagsusunuran naman sa paglalakad ang mataas na opisyal ng kumpanya, para lahat sila ay nagmamadali, nagmamadali ba silang maabutan si Don Enricko. Ano kayan
♡ KABANATA 10 ♡Malalim at sunod sunod na buntong hininga ko, hindi ko namalayan na isang linggo na pala ang lumipas.Nasa bride’s room ako at nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili habang inaayusan ng isang make-up artist at isang hairstylist. Suot ko na ang wedding gown na puti na punong puno ng diamante at pearl, magara para sa isang pekeng kasal. Nang matapos ay ipinatong sa akin ang pulang belo, makapal ito at hindi gaanong makikita ang mukha ko, kagaya ng gustong mangyari ni Earniel na walang sinuman ang maaring makakita sa mukha ko in- case na may mga dumagsang media.Malakas ang kabog ng dib-dib ko habang naglalakad ng mabagal sa gitna, sa kakaunting tao ay nakapokus ang mata nila sa akin! Mas lalo pa akong kumabog ng makita ko sa unahan si Earniel, Kahit natatabingan at nakaharang ang pulang belo na ito ay hindi nakaalis sa akin ang kgwapuhan niya ng araw na iyon. Nang makalapit na ako sa kanya ay huminga ako ng malalim bago nilagay sa braso niya ang kamay ko.
♡ KABANATA 11 ♡Katok ng crew ng hotel ang nagpagising sakin, nakahanda na raw ang aming almusal, balak ko sanang gisingin si Earniel na katabi ko ngunit wala na siya ng mapadako ako sa pwesto ng tinutulugan niya. Marahil ay nauna na itong lumabas.Nag-ayos agad ako at pumunta sa sinabi ng crew sa akin, excited akong makita si Earniel, hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi sa amin. Parang nagsswing swing ang palda ko habang palapit ng palapit sa kinaroroonan niya. Nadatnan kong naroroon na si Earniel at kumakain, masaya ko siyang binati, ngunit nakakapagtakang hindi ‘man lang niya ako tinapunan ng tingin, siguro ay nahihiya siya sa nangyari kagabi, kaya ganun na lamang ang pakikitungo niya sa akin ngayon, ako na ang lumapit sa kanya, ng bigla na lang akong harangin ni Denver, na muli kong pinagtaka.“Pero Bakit?” inis kong tanong kay Denver, pawang iling lang ang tinugon niya sa akin, sa halip ay inaya ako ni Denver na maupo sa kabilang lamesa, wala namang tao sa paligid
♡ KABANATA 12 ♡ Habang naglalakad ako sa malawak na daan, sa matao at sa apat na intersection ng San Miguel ay napadako ang mata ko sa malaking LED T.V ng tatawiran kong pedestrian, nakatawag pansin sa akin ang taong nasa screen at laman ng balita, hindi ako nagkakamali si Earniel at ang babaing minsan ko ng nakita noon na kasama niya sa condo unit niya.Balak ko ng hindi pansinin pero napahinto ako sa balitang si Earniel ay kinasal na, parang tumalbog ang dibdib ko saya dahil sa wakas ay malalaman na nila na kasal na kami ni Earniel, ngunit malayo ito sa nais ko na marinig, ang akala kong wala lang na babae ay siya pa ang ipapakilala na asawa niya. Nagulantang at hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, dahil sa pagkakaalam ko ay kami ang ikinasal, ngunit ano ba ang ginawa namin ng isang linggo na? Para ba kanino ang Vow, para kanino ba ang pratice na iyon, kahit pa sabihin na hindi totoo ang kasal dahil sa kontarata ay malinaw na ako ang babaing hinarap sa dambana, ngunit may pagk
Nagkukumpulan ang lahat sa labas ng elevator ng pumasok ako ng umagang iyon, inakala ko lang na sira ang elevator kaya napakaraming tao, hindi rin magamit ang fire exit dahil pinasarado. Hindi ko maisip kong sino ang gagawa nito, bago lang ako at gusto ko malaman.Maya maya’y may dumating na babae. Sakbit niya ang shoulder bag niya sa tagiliran at may mga hawak siya na sandamakmak na papel, folder at mga brown envelopes.“Hay naku bumabalik na naman siya sa ganito! Kailangan na kailangan pa naman ito.” buntong hininga nito, kaya ako na ang lumapit at nagtanong.“Kilala mo ang may gawa nito?” usisa ko, sapalagay ko ay matagal na siya empleyado rito at sigurado rin ako na may alam siya sa nangyayari.“Dahil hindi mo alam at bago ka lang makinig ka sa akin!” Tinawag niya ako sa gilid at mahinang nagsalita, parang takot rin siya marinig ng iba ang sasabihin niya, kaya minabuti kong dumikit pa sa kanya at malaman ang mga kwento sa loob ng LAO EMPIRE.May bad habits daw ang tinutukoy niyang
Hindi ko pa rin mahanap ang sagot sa tanong ko sa sarili, kung sino ba ako, kahit pa parang batid ko na ilang panahon na ang lumilipas ay hindi wala pa rin akong maalala. Minsan parang nasasanay ang sarili ko sa payak na mundong ginagalawan ko, parang may payapa sa pakiramdam ngunit may mga tanong sa isipan. kaya naisip kong magpalakad lakad sa bakuran, mayayabong ang puno tila liblib at malayo sa kabihasnan ang kinaroroonan namin. Sa mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig ang siyang nagsisilbing musika sa labas ng tahanan na iyon. Sa paglilibot ko sa paligid ay nakita ko si Carlo na may kasamang babae, wala akong naramdaman na selos o anupaman, sa itsura ng babae ay tila hindi rin naman siya ordinaryo, at halatang hindi taga rito, sa pag-uusisa ko ay marahan akong lumakad gamit ang tungkod na kahoy na siyang nagsisilbing gabay ko sa paghakbang, pa ika ika ko pa rin nailalakad ang mga paa kong may nanatili pa rin na may sugat, seryoso ang kanilang pag-uusap at habang papalapit ako ay
Pabalik na muli kami ng San Miguel at naisipan namin at napag-usapan na rito na lang namin ganapin ang pagdiriwang ng pasko, maganda na rin iyon para makawala na rin sa landas ni Kheanna na sa pagkakaalam ko ay naiwan siya sa China.Pasado alas- tres ng hapon ng lumapag sa airport ang eroplano, maraming bodyguard niya ang sumalubong sa amin at ilang mejia.Sumakay kaagad kami sa magara niyang Van at binaybay ang daan papuntang Townhouse.Naisipan kong paglutuan siya ng dinner para mamaya dahil umalis rin siya kaagad pagkarating namin.Sinamahan ako ng ilang katulong at bodyguard habang naiwan naman sa baby sitter niya si Earen, at hindi ko na sinama pa.Pansin ko na maluwag ang kalsada na parang naubos ang mga sasakyan sa kalsada ng San Miguel, marahil ay marami ang umuwi sa kani-kanilang lugar upang makasama ang kanilang pamilya, iyon rin ang balak namin ni Earniel kapag natapos niya ang ilang trabaho sa opisina.May napansin si Melody na panay ang buntot sa sasakyan namin, ayo
Biglang nagbago ang ekspresyon ang mukha ni Kheanna na hindi ko maintindihan bakit biglang nagkaganoon.“Ano pera lang ang gusto mo kay Earniel?” Biglang nagbago rin ang tibre ng kanyang boses, wala namang ibang tao sa pasilyo ng banyo sa pagkakaalam ko, ngunit ang lakas ng kanyang boses na parang gusto niyang iparinig sa ibang tao, kung sakaling may mapadaan.“Anong sinasabi mo?” Kunot noo kong sabi. Bigla siyang naglakad lagpas sa akin sa likod ko ang tungo niya kaya napalingon ako, hanggang makita ko si Earniel na nakatayo, ang mga mata niya ay blangkong nakatingin sa akin, habang si Kheanna ay sumakbit ang kamay sa braso ni Earniel.“Lumabas na sa kanya na pera lang talaga ang gusto niya sa’yo!” ayokong intindihin ang sinasabi ni Kheanna dahil nakafocus ang mata ko kay Earniel.“Naniniwala ka ba sa kanya?” Kinakabahan ako at natatakot isipin ang mangyayari.Ngunit nanatiling tahimik si Earniel, hindi ko mahulaan ang tinatakbo ng isip niya ngayon.Maya- maya’y inalis niya ang
Hindi ko inaasahan na biglaan ang pag-alis namin papuntang china, hindi na ako tumutol dahil kagustuhan ko naman makasama siya. Ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating roon sino ang naghihintay sa amin.Pasado alas dose ng hapon ng makarating kami, malamig lamig pa ang paligid, katulad noon ay nangangapa na naman ako.May sumalubong sa amin, mga chino, base sasalita nila, nasa likod lang ako habang buhat si Earen at pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap kahit wala naman ako naiintindihan. Sa dati parin kami dumaretso, wala naman nagbago, sa bahay niya rito kahit matagal hindi kami nakabalik rito.Hindi ko inaasahan na may ibang mga tao roon, halos mapuno ng tao ang tahanan. Dumaretso kami kaagad sa loob ng kwarto.“Dito ba gaganapin ang reunion?” “Hindi! Dumalaw lang sila para makita si Earen.” Napatango nalang ako, masaya ako dahil nirerecognize nila si Earen bilang anak ni Earniel.Nagpahinga muna kami ni Earen, habang si Earniel ay nanatili sa sala kausap ang mga
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo
Halos ilang buwan na rin magmula ng umalis si Earniel. At ngayon ay kasama ko na si Earen sa bahay, wala akong makuhang balita sa kanya, bukod sa mahina ang signal ay nasa ibang bansa siya ngayon! Hindi ko na rin ano ang ginagawa niya, namimiss ko na rin siya, at sapalagay ko ay namimiss na rin niya si Earen. Pero hindi ko alam kelan kami muling magkikita. Kaya napagdesisyonan ko rin na sa pagbabalik niya sa bansa ay ang pagbabalik ko rin sa San Miguel. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko na mananatili lang kami ni Earen rito, ngunit mahirap din pala magpanggap na okay lang ang lahat. Na akala ko ay ganun kabilis ang magdesisyon. Ngunit papano ko nga ba malalaman iyon, kung kailangan ko pang pumunta ng bayan upang malaman ang tungkol sa kanya, at iyon ang nakakalungkot na pangyayari. Hanggang isang umaga ay nabulalabog ako ng tawag ng dalawa sa akin, mayroon raw silang balita tungkol kay Earniel kaya dagli akong napabangon at pinuntahan sila, sa labas ng bahay. “Talaga bang babalik na
Nang muli kaming mapunta sa bayan ay ang biglaang pagtunog ng kanyang phone, hudyat na may tumawag sa kanya, ilang araw pa lang siya pero mukhang aalis na siya, alam ko naman at tanggap ko rin naman na hindi niya maaring pabayaan ang negosyo ng pamilya niya kaya kahit pa labag sa loob ko na umalis siya ay kailangan kong tanggapin at intindihin kahit wala pa siyang sinasabi. At busy pa sa kanyang phone.Nang matapos ang tawag ay bumaik siya sa tabi ko, nagbago na rin ang ekspresyon niya kaya alam ko na kaagad, kung ano ang ibig sabihin.“Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa! Naiintintindihan ko naman!” Pilit kong hindi maging malungkot ang tono ng boses ko! Dahil ayokong mag-alalala siya. Napabuntong hininga pa siya kaya tinapik ko siya sa likuran niya.“Sorry Hon, may nangyari lang talaga pero babalik ako huh!” Sabay halik niya sa noo ko! Dala ang agam agam ang biglaan niyang pag-alis na gusto pa sana niya magtagal at magbakasyon rito.Naglakad kami muli papuntang hospital, bukas