♡ KABANATA 4 ♡
Hindi ako nahimatay sinadya ko lang na pumikit para ipagamot naman niya ako! Iniisip ko na baka maubusan ako ng dugo! Dahil noon sa aming baryo ng San Agustin ay may nasugatan sa amin noon dahil sa layo ng ospital siya ay naubusan ng dugo at namatay. Wala ako narinig na salita sa kanya pero nararamdaman ko ang mabilis na takbo ng sasakyan. Sa isang private hospital kami tumigil! Mga nurse ang umalalay sa akin at hindi siya. Private room ako dinala may IV (intravenous) pa. Pinagsisihan ko tuloy ang madala rito! Nakaupo siya sa upuang nasa sulok at nagbabasa ng dyaryo. Napatitig ako ng husto ng makita ko siya sa FrontPage. Bumaba ang dyaryo at siya na ang nakita ko, tumayo siya at lumapit. “Magpahinga ka mabuti, aalis na ako!” Malamig niyang sabi, pinagmasdan ko ang IV puno pa ito at ayoko mag-isa at mabored rito. “Samahan mo muna ako! Ayoko mag-isa!” Iniangat ko ang kamay ko para bahagyang hilahin ang suit niya. “Hindi pwede busy ako!” alis niya ng kamay ko sa suit niya, hindi na ako umangal pa ng makalabas siya. Hinawakan ko ang nasa noo ko isang gasa lang naman ito pero kailangan kong gumugol ng ilang oras dito. Wala ako magawa kundi ang mahiga at maghintay na maubos ang dextrose. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako, nagising na ako na puro pagkain ang nasa tabi ko, kahit wala naman akong inaasahan na bisitang dumating nakaramdam ako ng pagdudumi kaya bumangon ako at hinila ang IV stand at ilagay doon ang dextrose. Lumabas ako at naglakad para hanapin ang banyo. Pero hindi ko inaasahan na naroon siya sa labas at nakaupo busy siya nagbabasa ng magazine. Tumigil ako sa harap niya. “Hindi pa oras para lumabas!” tumigil siya sa pagbabasa at bumaling ng tingin sa akin. “Naiinip na ako, anong oras ba?” sabay umupo ako sa mga upuang nakahilera sa harapan niya. “5pm!” “Pero! Gasgas lang naman ang nasa noo ko bakit kailangan ko ng ng dextrose?” hawak ko sa gasang nasa noo ko. “Dehydrated ka; that’s why you still here.” Bumalik siya sa pagbabasa, at nagpalipat lipat pa ng pahina –“Bumalik kana sa kwarto mo. Matulog kapa!” Utos niya at hindi na tumingin pa sa akin, ipinagpatuloy lang niya ang pagbabasa at dumekwatro pa ng upo. “Ano ba yan!” Nang makabalik ako sa kwarto, Hindi na ako nakapagbanyo nawala ang sakit ng tiyan ko ng makita ko siya, mula sa wall clock ng ospital ay nasipat ko ang oras, may dalawang oras pa ako na ilalagi at sasamatalahin ko na ang matulog ng matulog. Umayos ako at muling nahiga, nag-isip ako ng pampaantok para makabalik ako sa pagkakatulog. Hindi ko namalayan ang oras, lagpas na ng ala-singko ako nagising, oras na pala para umuwi. Bumukas ang pinto at pumasok siya na may dalang malaking paper bag, wala siyang sinabi at pahagis na nilagay iyon sa ibabaw ng kama! “A-ano ito?” ng buklatin ko ang paper bag. “Damit! Sukatin mo,” isang red dress ang tumambad sa akin ng ilabas ko sa paper bag, simple lang ito at hindi daring, pero nung makita ko ang tag ay nanlumo ako sa presyo. Binalik ko sa loob ng paperbag ang dress at inabot sa kanya. “Ang mahal! Nasaan na ba ang damit ko kanina!” baling ng mata ko sa katabing kong lamesa. “Nasa laundry shop! Kung ayaw mo isuot yan, hospital dress na lang gamitin mo palabas dito!” Tumalikod na siyanat nagtuloy tuloy palabas ng pinto. Wala na ata ako magagawa kundi ang suotin ito! Lumabas na ako suot ang damit na binigay niya. Sukat naman sa akin ang dress, lumagpas naman ito ng bahagya sa tuhod ko at nagustuhan ko rin dahil may manggas ito, sa parking lot ko na siya nakita. Wala ang driver niyang si Denver kaya siya ang nakita ko sa driver seat, binuksan niya rin ang pinto bago pa ako makapasok. Nang makaupo ako ay lumapit siya sa akin malapit na malapit hindi siya nakatingin pero nalalasap ko ang amoy ng hininga niya maging ang amoy niyang humalo na sa pabango at nagresulta ng pagiging amot Man scent niya na parang ang sarap sa ilong! Mainit rin ang katawan niya naparang tumagos sa black suit niya. “Huwag mo lagi ito kakalimutan!” Lock niya sa taling hinila niya sa gilid ko. Tumango lang ako, saka siya umandar. “Salamat dito!” saad ko habang umaandar kami. Hindi siya tumugon diretso lang ang tingin niya sa daan. Madilim na rin iyon at nakikita ko na ang city lights na parang natatanaw ko lang sa bayan namin sa San Agustin. May nadaanan kaming street foods kaya kinalabit ko siya para tumigil siya. “Bakit?” usisa niya saka itinabi. “Kain tayo bilis!” kahit hindi pa siya sumasang-ayon ay bumaba agad ako ng maitabi niya ang sasakyan. Nanakbo ako at agad sumulyap sa mga stall na naroroon. Mga turo turong pagkain ang nagpasaya sa akin, kinawayan ko siya na lumapit pero nanatili lang siyang nakatayo sa malayo lumapit ako at hinila siya. “Hindi ako kumakain sa ganito!” hindi ko siya pinakinggan, hinila ko siya hanggang matigil kami sa mga stall, inabutan ko siya ng isaw at palamig, one day old, chicharong bulaklak, punong puno ang lagayan namin kaya nagpasya ako na maupo kami sa mga bakanteng upuan at lamesa na gawa sa plastic Naupo siya at pinagmasdan ang hawak niya. Hindi ako nakatiis sinubuan ko siya. Pinasak ko sa kanya ang isang malaking tokneneng, halos maduwal siya pero hindi niya niluwa. Natawa ako sa ekspreston niya na parang bata pero matanda! Hindi pa namin nauubos ang nasa lamesa ay umorder ako ng hotdog sandwich at nilagyan ko na sandamakmak na hot sauce. Naccrave kasi ako sa maanghang ng araw na iyon. “Bayaran mo ahh! Wala ako pera!” inangat ko pa ang kamay ko at isinubo naman sa kanya ang hotdog muntik na naman siya maduwal pero nginuya niya at nilunok. Napansin kong may ketchup siya sa labi, tinanggal ko at gamit ang daliri ko at sinipsip. Nangiwi siya at parang nadiri. Hindi pa ako umalis sa pagkakalingon ko sa kanya at pinakatitigan pa ang labi niya. “Ano ginagawa mo ha?” napansin kong parang namumula siya. At hindi mapakali ang tingin. Kaya hindi ko napigilan ang hawakan siya sa magkabila niyang pisngi . “Mabuti hindi nagpasa ang suntok ko sayo!” Titig ko pa rin sa gilid ng labi niya na nalagyan noon ng ketchup! – “Madaya sa akin may gasgas!” tinanggal ko ang kamay ko na nakalagay sa kabila niyang pisngi at humawak ako sa noo ko, at hinimas himas ang gasang nakadikit sa itaas ng ulo ko, hanggang sa umakyat ang tingin ko papunta sa ilong niya na may kaliitan pero matangos, napangiti ako bahagya akong nainggit kahit hindi naman ako pango, sabay tinitigan ko siya pataas sa mata niya. Lalo akong natulala ng makatitigan ko ang maliit at nangungusap niyang mata! Pero ng kumurap siya bigla niya akong tinabig palayo. “Umuwi na tayo!” Tumayo siya at nagsimulang lumakad, habang ako hindi magkamayaw kung ano ang dadamputin sa rami ng laman ng lamesa, wala akong tinira at dinala ko lahat ng nabili namin. “Mamaya na tayo umalis!” Habol ko sa kanya, bago pa siya makasakay, hingal na hingal akong huminto sa harap niya dahil sa bilis niyang maglakad.— “Hindi ko pa ubos ehh! Tsaka tignan mo sa labas ang ganda sa city lights!” Turo ko sa kanya! Tumingin naman siya. –“Alam mo mananawa ka ng ganyan sa amin!” Pagmamalaki ko sa kanya dahil sa lugar ng San Agustin ay mananawa ka makita ang citylights dahil bukod sa liblib ay mataas rin ang lugar. “Bakit taga saan ka ba?” Napapitlag ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na wala siyang kaalam alam sa akin! “Ibig mong sabihin hindi mo alam kung taga saan ako?” Nauna ako pumasok sa kanya sa loob ng kotse at naupo habang patuloy na inuubos ang lahat ng street foods. Sabay sumunod siyang pumasok at umupo at sumandal sa upuan. “Hindi! Kailangan pa ba?” sagot niya na akala ko ay hindi na niya sasagutin. “Dapat inaalam mo kung saan manggagaling ang asawa mo, paano kung killer?” “Edi ayos!” Kampante ang boses niya na parang okay lang sa kanya ang mamatay, at hindi ko gustong marinig iyon dahil maraming buhay ang nais madugtungan pa ang kanilang buhay. At makasama pa ng matagal ang mga mahal nila sa buhay! Ngunit bakit siya okay lang sa kanya ang mamatay? “Uy wag ka naman magsalita ng ganyan, dapat kahit gaano pa kahirap ang nararanasan mo huwag mong pipiliin ang mamatay!” “Bakit nung nalaman mo na magpapakasal ka sa akin hindi mo ba binalak na magpakamatay?” “Hindi no! Iniisip ko para sa pamilya ko. “Wala pala tayo pinagkaiba! nabubuhay para sa pamilya, sa kapangyarihan at reputasyon!” Naging tahimik kami ng may makita akong dumaan na angbibike agad ko siyang nilingon at kinalabit. “Ahm… pwede ba humingi ng pabor?” Tumingin lang siya at bumalik muli sa manibela ang tingin.— “May sahod ako?” “Sahod kailangan pa ba?— Kapag kinasal na tayo kung ano pera ko pera mo na din. Magagamit mo ng dalawang taon!” “Pero ayoko naman ng ganun, gusto ko yung pinaghihirapan ko!” “Edi paghirapan mo!” “Paano?” “Trainee wife ka diba?—Let’s go home!” sabi niya at pinaandar n ang sasakyan. Sa condomininium niya ulit kami tumigil na dapat ay ihahatid niya ako sa bahay ng mga magulang niya. “Magcocomute na lang ba ako pauwi!” nang makababa kami sa sasakyan, nakasunod ako sa kanya hanggang elevator. “Bukas kana umuwi, inaantok na ako!” “Pero baka hanapin ako ni Madam Victoria?” “Bakit ka naman niya hahanapin kung alam niyang kasama mo ako!” May point naman siya kaya ng makapasok kami sa bahay niya ay pabagsak siyang naupo sa sofa, sumunod ako at nakatayo sa gilid. “Lumapit ka dito at tanggalin ang damit ko!” “Hah?” “Kasama yan sa kontrata ahh!” “Hah..ahh..okay! Tumayo ako sa harap niya at yumuko sa mga butones niya ako nakatuon ng sulyapan ko siya ay nakapikit siya. “P-pati ba pantalon?” “Oo lahat, maliban sa—” “O-okay I get it!” “Ihanda mo panligo ko!” Tumango ako at dumaretso sa banyo, binuksan ko ang gripo na may hot and cold. Tinantiya ko bago ko siya tinawag, nakaroba siya ng huminto sa pinto. “Hindi naman na kailangan ako dyan diba?” “Hindi na! Bakit gusto mo ba ako silipan?” “Hah?” sabay umiwas ako ng tingin sa kanya. Nang matapos siya maligo ay tinuyo ko ang buhok niya at minasahe ang likod niya nakaupo siya sa harap ng salamin kaya nakikita ko ang ekspresyon niya. “Ano ba dapat itawag ko sayo? Mr. Lao, Sir Earniel o honey?” Napamulat siya ng marinig niya iyon kahit ako parang nabigla din. – “Ahh…huwag muna pansinin iyong huli kong sinabi nagjojoke lang ako!” “Kung saan ka komportable bahala ka! Matutulog na ako!” Tumayo siya at nagpunta na sa kama. – May mga damit sa tokador pwede ka magpalit!” sabi pa niya at nahiga na. Nag-alinlangan pa ako na magbukas lalo na at hindi sa akin ang tokador na iyon pero dahil may pahintulot niya ay kumuha ako ng terno, isang mahabang manggas at pajama na puti na parehas na makintab na pantulog. Hindi ko inaasahan na may nakalaan na tokador siya na puro gamit pangbabae, napapaisip tuloy ako kung ano ba siya. Matapos kong maghilamos at pumasok muli ako sa kwarto niya, gusto ko sana malamn kung saan ako matutulog gayong iisang silid lang ang meron siya sa condo niya. Nakahiga na siya at nahihiya na akong kulitin soya kaya minabuti ko na maupo at mahiga sa sofang malapit sa kama niya. Gumalaw siya at humarap sa akin. Nakatagilid ako kaya kita ko ang mukha niya, nakapikit na siya kaya malayo ko siyang napagmasdan. “Tulog kanaba? Gusto mo ba makinig ng kwento sa baryo namin?” “Kung walang sense hindi ko papakinggan!” Bumangon ako at lumapit sa kama, sa kumot na nakatabing sa kanya ay sumukob ako, gumalaw lang siya at tumihaya. “Kukuwentuhan kita hanggang sa makatulog ka!” “Ano ako bata?” “Alam mong hindi! Tsaka praktis narin, malay mo magkaanak tayo, babasahan ko rin sila ng kwento o kkwentuhan ko sila about sa atin!” “2 years lang tayo magsasama, umaasa ka na magkakaanak tayo?” “Alam ko naman yun matanda kana! Tsaka sa age mo dapat may anak kana!” Gumalaw siya at dumagan sa akin, napalunok ako habang magkalapit ang mukha namin. “Gusto mo ba?” Namilog ang mata ko, ng tumuon ang mata niya sa labi ko. – “Sabi mo hinalikan kita? Anong naramdaman mo?” “W-wala! Hindi naman para sa akin iyon ehh!” “Gusto mo ba ulitin ko?” Hindi na ako nakapagsalita pa, napapikit na lang ako ng maramdaman kong tumatama na ang ilong niya sa ilong ko. Ngunit naudlot iyon ng tumunog ang phone niya na nakapatong sa tabi ng lampshade, sa tabi ko ng pwesto ko. Nakuha na niya ang phone niya pero hindi siya umalis sa pagkakadagan sa akin, busy ang mga mata niya sa pagbabasa ng mensahe kaya, malaya kong napagmasdan ang mukha niya. Hindi ko napigilan hawakan ang mata niya kaya napabaling sa akin siya, dun na rin siya umalis at nahiga. Sa kabilang gilid naman ako pumuwesto. “6am magluto ka na ng almusal!” “O-okay Sir!” hawak ko pa rin ang dibdib kong malakas ang kabog. Hanggang sa nakatulugan ko na.♡ KABANATA 5 ♡ 5AM pa lang ay gumising na ako, almusal muna ang una kong inatupag, bago ako naglinis at naglaba ng mga sinuot niya kagabi! Napapaisip ako na parang hindi ako nagttraining as a wife at parang maid. Wala siyang tinakdang oras kung anong oras ko ba siya gigisingin nakaupo lang ako sa sofa at pinagmamasdan siyang matulog! Tunog ng alarm ang nagpagising sa kanya, agad akong lumabas para magtimpla ng kape niya. “Good morning Sir?” Masaya kong bati sa kanya habang pumupungay pa ang mata niya at hindi pa maidilat lumapit ako sa kanya at humalik sa labi niya. Base na rin sa nabasa ko sa contract na good morning kiss, at habang natutulog siya ay iyon ang napagkaabalahan kong basahin, ang papel na binigay ni Ms. Mendoza na photocopy ng kontrata. Hindi naman siya umimik at diretsong tumayo lang, sa hapag siya dumaretso at naupo, binuksan niya ang basket na nakatakip sa pagkain na nasa lamesa! “Nilagang mais?” masama ang titig niya sa akin, saka dinampot niya at kinag
♡ KABANATA 6 ♡ Maaga kami umalis para hindi maabutan ng traffic, tulog pa ang diwa ko habang nakasandal sa upuan ng sasakyan. Bukang liwayway pa at kakaunti lang ang naitulog ko. Tahimik kami sa biyahe at nasa utak ko pa rin ang sinabi niya. Hindi ako nakikipagkompetensiya sa taong mahal niya, wala kong ibang gusto kundi ang matapos na ito. Humikab ako at umunat! Naramdaman ko ang paghapdi ng braso ko kaya napababa ko kaagad! Hindi ko pinahalata na may kakaiba sa braso ko, mabuti na lang at mahaba ang manggas at hindi nakikita ang malaking gasgas. Itinulog ko na lang muna ang lahat ng iniisip ko, hindi dapat ako malungkot o masaktan dapat lagi lan(g ako masaya. Kalabit ang nagpagising sa akin, nasa parking kami ng opisina! “bilisan mo may kliyente pa ako!” labas agad nito sa sasakyan. Sumunod ako sa kanya, pumasok kami sa loob. Pagtitimpla ng kape agad ang inatupag ko pitong tao ang nasilip kong naroon, sa conference room ay seryoso silang nag-uusap, nakaupo siya sa unahan
♡ KABANATA 7 ♡ Isang linggo rin naging laman siya ng headlines, naniniwala siya na hindi niya kailangan magpapaunlak ng interview kahit kaninong reporter, para sa kanya ay katatawanan ang lahat at hindi na kailangan pang pansinin, iyon ang gusto niya na ipamulat sa akin, habang kasama ko pa siya! Kahit si Don Enricko ay walang magawa sa katigasan ng ulo niya. Ngunit patuloy pa rin usapin kung sino ang nagpakalat ng video, dahil sa company policy bawal maglabas ng kahit anong CCTV footage na dapat ay sa loob ng kompanya lang pag-uusapan! Mabigat ang parusa sa taong nagpakalat noon, maari siyang patawan ng suspension or ganap na tanggalin without benefits and insurance f*e from company. Lantad sa hallway ang CCTV, kaya dahil mas mabilis nahuhuli ang may sala kung maraming mata ang nakakakita, walang maitatago siya man o mga empleyado, walang pakealam si Earniel sa mga issue ng empleyado niya, kahit ano pa gawin ng mga ito. Ngunit sa kabila ng issue ay lalong tumaas ang rating niya a
♡ KABANATA 8 ♡Nagising ako sa na parang maliwanag na! Nahagip ng mata ko na katabi ko pa si Earniel at nakayakap pa ako sa kanya napabangon ako dahil alam ko magluluto pa ako ng almusal at maglilinis ng bahay pati narin maglalaba.Agad kong ginawa iyon, puro karne ang niluto ko, mabuti na lang at maalam ako sa pagluluto.Pasado alas siyete kahit naririnig ko ang ang alarm niya ay parang hindi siya gumigising nilapitan ko siya namumutla siya at nang hawakan ko ang kanyang noo at leeg ay sobra niyang init! Agad akong Kumuha ng malamig na tubig at tuwalya para pahiran ang kanyang katawan. Tinanggal ko kaagad ang mga damit niya at naiwan lang siyang nakaboxer short, lalo siyang nagchill kaya nataranta ako! Naghanap ako ng paracetamol para mapainom agad siya. Binihisan ko kaagad siya matapos kong punasan.Narinig ko ang pagtawag ni Ms. Mendoza sa phone na agad kong sinagot! Sinabi ko na hindi na makakapasok si Mr. Lao, hindi ko na binanggit kung bakit basta sinabi ko lang siya na ang baha
CHAPTER 9Sa pasilyo pa lang ay kakaiba na ang mga tingin sa akin ng mga tao, ano na naman kaya ang nasa isip nila, habang binabagtas ko ang papunta sa cafeteria para mag-almusal.Hanggang makasalubong ko si George at sumabay sa akin sa paglalakad hanggang sa makaupo kami, siya muli ang taya sa mga kinain namin. Wala parin akong sapat na pera, hangga’t hindi pa nangyayari ang kasal namin ni Earniel. At hindi ko alam kung kelan matatapos ang pagiging trainee wife ko na lumampas na ng isang linggo. Ganun ba talaga kahirap mahook ang loob ng isang EARNIEL LAO. Patapos na kami kumain ng mapansin ko ang pagdating ni Don Enricko hindi naman niya ako napansin kaya’t diretso lang ang tingin ko sa kanya, ayoko isipin na ang kahapon pag-alalala ko ang dahilan ng pagparito niya rito.At hindi pa nawawala ang paningin ko kay Don Enricko ay nagsusunuran naman sa paglalakad ang mataas na opisyal ng kumpanya, para lahat sila ay nagmamadali, nagmamadali ba silang maabutan si Don Enricko. Ano kayan
♡ KABANATA 10 ♡Malalim at sunod sunod na buntong hininga ko, hindi ko namalayan na isang linggo na pala ang lumipas.Nasa bride’s room ako at nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili habang inaayusan ng isang make-up artist at isang hairstylist. Suot ko na ang wedding gown na puti na punong puno ng diamante at pearl, magara para sa isang pekeng kasal. Nang matapos ay ipinatong sa akin ang pulang belo, makapal ito at hindi gaanong makikita ang mukha ko, kagaya ng gustong mangyari ni Earniel na walang sinuman ang maaring makakita sa mukha ko in- case na may mga dumagsang media.Malakas ang kabog ng dib-dib ko habang naglalakad ng mabagal sa gitna, sa kakaunting tao ay nakapokus ang mata nila sa akin! Mas lalo pa akong kumabog ng makita ko sa unahan si Earniel, Kahit natatabingan at nakaharang ang pulang belo na ito ay hindi nakaalis sa akin ang kgwapuhan niya ng araw na iyon. Nang makalapit na ako sa kanya ay huminga ako ng malalim bago nilagay sa braso niya ang kamay ko.
♡ KABANATA 11 ♡Katok ng crew ng hotel ang nagpagising sakin, nakahanda na raw ang aming almusal, balak ko sanang gisingin si Earniel na katabi ko ngunit wala na siya ng mapadako ako sa pwesto ng tinutulugan niya. Marahil ay nauna na itong lumabas.Nag-ayos agad ako at pumunta sa sinabi ng crew sa akin, excited akong makita si Earniel, hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi sa amin. Parang nagsswing swing ang palda ko habang palapit ng palapit sa kinaroroonan niya. Nadatnan kong naroroon na si Earniel at kumakain, masaya ko siyang binati, ngunit nakakapagtakang hindi ‘man lang niya ako tinapunan ng tingin, siguro ay nahihiya siya sa nangyari kagabi, kaya ganun na lamang ang pakikitungo niya sa akin ngayon, ako na ang lumapit sa kanya, ng bigla na lang akong harangin ni Denver, na muli kong pinagtaka.“Pero Bakit?” inis kong tanong kay Denver, pawang iling lang ang tinugon niya sa akin, sa halip ay inaya ako ni Denver na maupo sa kabilang lamesa, wala namang tao sa paligid
♡ KABANATA 12 ♡ Habang naglalakad ako sa malawak na daan, sa matao at sa apat na intersection ng San Miguel ay napadako ang mata ko sa malaking LED T.V ng tatawiran kong pedestrian, nakatawag pansin sa akin ang taong nasa screen at laman ng balita, hindi ako nagkakamali si Earniel at ang babaing minsan ko ng nakita noon na kasama niya sa condo unit niya.Balak ko ng hindi pansinin pero napahinto ako sa balitang si Earniel ay kinasal na, parang tumalbog ang dibdib ko saya dahil sa wakas ay malalaman na nila na kasal na kami ni Earniel, ngunit malayo ito sa nais ko na marinig, ang akala kong wala lang na babae ay siya pa ang ipapakilala na asawa niya. Nagulantang at hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, dahil sa pagkakaalam ko ay kami ang ikinasal, ngunit ano ba ang ginawa namin ng isang linggo na? Para ba kanino ang Vow, para kanino ba ang pratice na iyon, kahit pa sabihin na hindi totoo ang kasal dahil sa kontarata ay malinaw na ako ang babaing hinarap sa dambana, ngunit may pagk
Hindi ko pa rin mahanap ang sagot sa tanong ko sa sarili, kung sino ba ako, kahit pa parang batid ko na ilang panahon na ang lumilipas ay hindi wala pa rin akong maalala. Minsan parang nasasanay ang sarili ko sa payak na mundong ginagalawan ko, parang may payapa sa pakiramdam ngunit may mga tanong sa isipan. kaya naisip kong magpalakad lakad sa bakuran, mayayabong ang puno tila liblib at malayo sa kabihasnan ang kinaroroonan namin. Sa mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig ang siyang nagsisilbing musika sa labas ng tahanan na iyon. Sa paglilibot ko sa paligid ay nakita ko si Carlo na may kasamang babae, wala akong naramdaman na selos o anupaman, sa itsura ng babae ay tila hindi rin naman siya ordinaryo, at halatang hindi taga rito, sa pag-uusisa ko ay marahan akong lumakad gamit ang tungkod na kahoy na siyang nagsisilbing gabay ko sa paghakbang, pa ika ika ko pa rin nailalakad ang mga paa kong may nanatili pa rin na may sugat, seryoso ang kanilang pag-uusap at habang papalapit ako ay
Pabalik na muli kami ng San Miguel at naisipan namin at napag-usapan na rito na lang namin ganapin ang pagdiriwang ng pasko, maganda na rin iyon para makawala na rin sa landas ni Kheanna na sa pagkakaalam ko ay naiwan siya sa China.Pasado alas- tres ng hapon ng lumapag sa airport ang eroplano, maraming bodyguard niya ang sumalubong sa amin at ilang mejia.Sumakay kaagad kami sa magara niyang Van at binaybay ang daan papuntang Townhouse.Naisipan kong paglutuan siya ng dinner para mamaya dahil umalis rin siya kaagad pagkarating namin.Sinamahan ako ng ilang katulong at bodyguard habang naiwan naman sa baby sitter niya si Earen, at hindi ko na sinama pa.Pansin ko na maluwag ang kalsada na parang naubos ang mga sasakyan sa kalsada ng San Miguel, marahil ay marami ang umuwi sa kani-kanilang lugar upang makasama ang kanilang pamilya, iyon rin ang balak namin ni Earniel kapag natapos niya ang ilang trabaho sa opisina.May napansin si Melody na panay ang buntot sa sasakyan namin, ayo
Biglang nagbago ang ekspresyon ang mukha ni Kheanna na hindi ko maintindihan bakit biglang nagkaganoon.“Ano pera lang ang gusto mo kay Earniel?” Biglang nagbago rin ang tibre ng kanyang boses, wala namang ibang tao sa pasilyo ng banyo sa pagkakaalam ko, ngunit ang lakas ng kanyang boses na parang gusto niyang iparinig sa ibang tao, kung sakaling may mapadaan.“Anong sinasabi mo?” Kunot noo kong sabi. Bigla siyang naglakad lagpas sa akin sa likod ko ang tungo niya kaya napalingon ako, hanggang makita ko si Earniel na nakatayo, ang mga mata niya ay blangkong nakatingin sa akin, habang si Kheanna ay sumakbit ang kamay sa braso ni Earniel.“Lumabas na sa kanya na pera lang talaga ang gusto niya sa’yo!” ayokong intindihin ang sinasabi ni Kheanna dahil nakafocus ang mata ko kay Earniel.“Naniniwala ka ba sa kanya?” Kinakabahan ako at natatakot isipin ang mangyayari.Ngunit nanatiling tahimik si Earniel, hindi ko mahulaan ang tinatakbo ng isip niya ngayon.Maya- maya’y inalis niya ang
Hindi ko inaasahan na biglaan ang pag-alis namin papuntang china, hindi na ako tumutol dahil kagustuhan ko naman makasama siya. Ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating roon sino ang naghihintay sa amin.Pasado alas dose ng hapon ng makarating kami, malamig lamig pa ang paligid, katulad noon ay nangangapa na naman ako.May sumalubong sa amin, mga chino, base sasalita nila, nasa likod lang ako habang buhat si Earen at pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap kahit wala naman ako naiintindihan. Sa dati parin kami dumaretso, wala naman nagbago, sa bahay niya rito kahit matagal hindi kami nakabalik rito.Hindi ko inaasahan na may ibang mga tao roon, halos mapuno ng tao ang tahanan. Dumaretso kami kaagad sa loob ng kwarto.“Dito ba gaganapin ang reunion?” “Hindi! Dumalaw lang sila para makita si Earen.” Napatango nalang ako, masaya ako dahil nirerecognize nila si Earen bilang anak ni Earniel.Nagpahinga muna kami ni Earen, habang si Earniel ay nanatili sa sala kausap ang mga
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo
Halos ilang buwan na rin magmula ng umalis si Earniel. At ngayon ay kasama ko na si Earen sa bahay, wala akong makuhang balita sa kanya, bukod sa mahina ang signal ay nasa ibang bansa siya ngayon! Hindi ko na rin ano ang ginagawa niya, namimiss ko na rin siya, at sapalagay ko ay namimiss na rin niya si Earen. Pero hindi ko alam kelan kami muling magkikita. Kaya napagdesisyonan ko rin na sa pagbabalik niya sa bansa ay ang pagbabalik ko rin sa San Miguel. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko na mananatili lang kami ni Earen rito, ngunit mahirap din pala magpanggap na okay lang ang lahat. Na akala ko ay ganun kabilis ang magdesisyon. Ngunit papano ko nga ba malalaman iyon, kung kailangan ko pang pumunta ng bayan upang malaman ang tungkol sa kanya, at iyon ang nakakalungkot na pangyayari. Hanggang isang umaga ay nabulalabog ako ng tawag ng dalawa sa akin, mayroon raw silang balita tungkol kay Earniel kaya dagli akong napabangon at pinuntahan sila, sa labas ng bahay. “Talaga bang babalik na
Nang muli kaming mapunta sa bayan ay ang biglaang pagtunog ng kanyang phone, hudyat na may tumawag sa kanya, ilang araw pa lang siya pero mukhang aalis na siya, alam ko naman at tanggap ko rin naman na hindi niya maaring pabayaan ang negosyo ng pamilya niya kaya kahit pa labag sa loob ko na umalis siya ay kailangan kong tanggapin at intindihin kahit wala pa siyang sinasabi. At busy pa sa kanyang phone.Nang matapos ang tawag ay bumaik siya sa tabi ko, nagbago na rin ang ekspresyon niya kaya alam ko na kaagad, kung ano ang ibig sabihin.“Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa! Naiintintindihan ko naman!” Pilit kong hindi maging malungkot ang tono ng boses ko! Dahil ayokong mag-alalala siya. Napabuntong hininga pa siya kaya tinapik ko siya sa likuran niya.“Sorry Hon, may nangyari lang talaga pero babalik ako huh!” Sabay halik niya sa noo ko! Dala ang agam agam ang biglaan niyang pag-alis na gusto pa sana niya magtagal at magbakasyon rito.Naglakad kami muli papuntang hospital, bukas