Hello everyone, pasensiya na dahil laging naulan dito at nawawalan kami ng kuryente kaya mabagal ang update ko. Kumusta kayo? Hope you doing all well. Salamat sa walang sawang pagsubaybay. Godbless us all.
( Amari's POV )Walang naging problema ang pagpapanggap ko sa loob ng ilang araw. Wala ni isa sa pamamahay na ito ang nakahalata dahil sobrang maingat ang bawat kilos ko sa paggaya kay Amina.At kahit sa maikling panahon lang na nakasama ko si Zander sa araw-araw ay mas lalo ko siyang hinangaan at minahal dahil talagang napakabuti niya. Yung kabutihan na nakakahawa."Kapag nalaman kaya niyang hindi talaga ako si Amina, ganito pa rin kaya siya kabait? Pakikitunguhan niya pa rin kaya ako ng maayos at ituturing na parang prinsesa?" Di mapigilang tanong ng isip ko habang nakatutok ang mga mata sa kanya.Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon para e-check ang reception area kung saan gaganapin ang kasal namin bukas.Sadyang napakabilis ng panahon at mga pangyayari dahil ang pinakahinihintay kong araw ay magaganap na nga bukas!"Baka matunaw ako sa kakatitig mo niyan." Nakangiting turan ni Zander na para bang alam na alam niyang kanina ko pa siya tinititigan.Bahagya naman akong napangiti at
"Anak, bakit mo sinukat yang gown mo? Alam mo bang nasa pamahiin na malas yan!" Nababahalang saway ni mommy nang maabutan ako sa kwarto na suot- suot ang wedding gown ko."Ma, naman nagpapaniwala ka pa sa pamahiin eh anong taon na ngayon. Tsaka nasa Los Angeles na nga tayo." Sagot ko habang di inaalis ang mga mata sa kabuuan ng salamin.Di matanggal- tanggal ang ngiti ko habang tinititigan ang sarili. The French Lace Fishtail design of the gown suits to me very well na para bang perpektong sukat talaga ito sa katawan ko.Kakadating lang kasi nito ngayong hapon. At sa sobrang excited ko ay hindi ko na ito napigilang pakialaman. Gusto ko ring kasing makasiguro na hapit na hapit ito sa katawan ko dahil nga sukat ito ni Amina. Mabuti nalang at magkasingkatawan lang kami ng kakambal ko. Feeling ko nga mas nababagay pa ito sa akin dahil mas malaman ako kay Amina ng kaunti.Kita ko nalang ang pag-iling ni mommy sa repleksyon niya sa salamin habang sapo ang kanyang sintido. Masyado ng moderni
( WARNING: RATED SPG. THIS CHAPTER CONTAINS SEXUAL AND EXPLICIT CONTENTS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AND SENSITIVE READERS. SO PLEASE SKIP THIS CHAPTER! )You're drunk my wife." Rinig kong bulong ni Zander habang inalalayan ako papasok sa kwarto namin."No! I am not my love." Ani ko habang nakayapos ang mga kamay sa kanya. Ramdam ko na nga na nilukob na ako ng init sa katawan. My face turns red too like I am blushing."You should take a shower first okay?" Malambing na aniya at idiniritso ako sa banyo at marahang pinahiga sa bathtub."Hey! Ayaw mo bang maligo? C'mon love." Nang-aakit na sambit ko nang mapansin na parang may balak siyang lumabas ng banyo.He seems that he wants to give me privacy. He's still gentleman as fuck!"Mauna ka na. I'll take shower when you're done." Nakangiting sagot niya.Ngunit ng akmang tatayo na siya ay mabilis kong hinawakan ang braso niya dahilan para mapadagan siya sa akin.Walang humpay sa pagwawala ang puso ko nang maramdaman ang paglalapit ng mga
( Drake's POV )"Boss, hindi po tinanggap itong bulaklak. Pinapatapon po sa basurahan."Dismayadong pahayag ng isa sa mga tauhan ko matapos ko itong utusan na bilhin ang pinakamahal na bouquet at ibigay ito kay Amina.Napahawak ako sa sintido ko. Di ko na mabilang kung pang ilang bouquet na 'to pero maski isa ay wala man lang siyang tinanggap.Not just flowers kundi pati na rin chocolates and even luxury bags and other expensive stuffs pero pinapabalik niya lang din sa akin. Tinambak ko nalang ang mga mamahaling gamit sa maleta just incase magbago ang isip niya. Sayang din kasi ang ilang milyong ginastos ko.Damn!I feel so devasted. First time ko pang nag-effort para suyuin ang isang babae tapos rejected pa. Ni minsan hindi ko naranasang manligaw kaya wala akong masyadong ideya maliban sa pagbibigay ng mga regalo."It's fine, itapon mo nalang o di kaya'y ibigay mo sa babaeng makakasalubong mo sa daan. Bahala ka na. Magpatake-out ka nalang ng Italian cuisine and then give it to Amina."
( Amina's POV )Nanggigigil na napasalampak ako ng upo sa kama matapos isara ang pintuan."Pota! Ang kapal ng mukha ng hinayup*k na Drake na yun. At talagang nirescue pa ng isang babaeng haliparot" Inis na pagmamaktol ko sa sarili.Tiningnan ko ang pastang nakakalat sa sahig at napagpasyahang linisin ito. Patawarin nawa ako sa pagsasayang ng grasya. Sadyang nadala lang ako sa kakulitan ng hinayup*k kaya gusto kong subukan kung hanggang saan ang kaya niyang gawin.Sa totoo lang nung lumuhod na siya kanina ay hindi ko naman talaga balak na ipakain sa kanya ito ng tuluyan. Kung gagawin ko ang kahayupang iyon ay parang wala na rin akong pinagkaiba sa kanya. Hindi ako kasing sama niya at kahit kailan hindi magiging maitim ang budhi ko dahil lang sa galit ako. Makakaganti naman ako sa ibang paraan. Sa paraang hindi ginagaya ang kahayupan niya.Pagkatapos itong mailigpit ay saka ko naisipang maligo upang malamigan ang mainit kong ulo na di ko alam kung ano ang dahilan, sa pangungulit ba ng
"Kung totoong mahal mo siya hindi mo dapat siya sinaktan at pinagmalupitan ng ganoon!"Kuyom ang kamaong bulalas ni Zander habang ako naman ngayon ang natahimik dahil sa di maipaliwanag na kabog ng damdamin dahil sa narinig."Aaminin kong nagkamali ako. Masyado akong nabulag sa galit ko kaya ako bumabawi kay Amina ngayon. Kaso umeeksena ka! Pinagsisihan kong itinuring kitang kaibigan! Traydor!" Nanlilisik ang mga mata ni Drake sa galit.Nagpalipat- lipat ang tingin ko sa dalawang lalaki habang walang humpay sa pagwawala ang puso ko."Tama na!!! Utang na loob tigilan niyo na 'to!!!" Wala sa sariling napasigaw na lang ako upang pigilan ang dalawa.Bumaling ako sa hinayup*k kaya nagkasukatan kami ng titig. Ngayo'y mababakas ang mas namumutawing sakit niya keysa sa galit habang nakatitig ang mga mata sa akin."Pakiusap! Ibaba mo yang baril mo. Wag mong sasaktan si Zander. Mananatili ako rito basta wag mo lang siyang saktan." Nagsusumamo ang aking tinig habang patuloy pa rin sa pag- agos a
Isang araw pa kaming nanatili sa resort. Isang buong araw na hindi na kami muling nagkausap pa ng hinayup*k matapos niyang hilingin sa akin ang huli niyang pakiusap.At kagaya nga ng pinangako niya, nagsimula na rin siyang tumigil sa pangungulit. Hanggang saipinaalam nalang sa akin ng tauhan niya na iuuwi na nila ako sa Los Angeles ngayong araw.Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang nag-aayos ng sarili sa harapan ng salamin. Magkahalong saya at kalungkutan. Saya dahil makikita ko na ulit ang anak ko na halos ilang linggo ko ring hindi nakasama. Ngunit mayroong lungkot na di ko mapigilan.Gustuhin ko mang magbunyi dahil sa wakas ay magiging tahimik na rin ang buhay namin ni baby Amadeus, ay di ko naman alam kung bakit may bahagi sa puso ko ang kumikirot. Marahan kong tinapik ang dibdib ko. Ayaw kong maramdaman ito. Para akong praning dahil hindi magkasundo ang isipan at puso ko. Gayunpaman, kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko dahil palagay ko yun ang tama at m
( Amari's POV )"You really need to see this documents tita and Amina," Irritableng panimula ni Zander sabay lahad ng marriage contract namin at iba pang mga dokumento ukol sa naganap na kasalanan.Kasalukuyan kaming nasa sala, kasama sina mommy at Amina dahil ito ang nais na mangyari ni Zander, ang magtipon- tipon kaming lahat dahil may importante siyang sasabihin.At kahit hindi pa siya tapos, binalot na ako ng matinding kaba at takot dahil parang alam ko na kung ano ito. Nanginginig ang mga kamay ko at nagmamakaawa ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko dahil tiyak mapapahiya ako ngayon."That woman, napakagaling niyang manloko! Nagawa niyang asikasuhin lahat ng ito nang hindi ko nalalaman." Di makapaniwalang salaysay niya while giving me a death stare. Ramdam ko ang labis na pagkadisgusto at pandidiri sa kanyang mga mata habang nakatitig ng masama sa akin.Umiiling na kinuha ito lahat ni mommy habang binabasa. Noon pa mang may nangyari sa amin ni Zander