Hello everyone, kalmahan niyo po muna ah dahil hindi pa tapos ang kwento nina Amina at Drake. May story din kasi sina Zander at Amari kaya may mga extra chapters akong isusulat para sa story nila. Walang sawang pasasalamat po sa lahat ng nag-aabang. Mahal ko kayong lahat!
[ Makalipas ang apat na taon ]( Amina's POV )Napakabilis ng naging takbo ng panahon at di ko manlang ito namalayan. Napakaraming nangyari sa loob ng apat na taon. Nakapag-aral ako ng kolehiyo at grumaduate sa kursong Business Administration.Apat na taon na rin si Baby Amadeus at kasalukuyang nag-aaral sa isang private school for kindergarten dito sa L.A. Apat na taon na ring wala akong balita tungkol sa buhay ng hinayup*k. At gaya nga ng ipinangako niya noon ay hindi na siya muling nagparamdam pa dahil iyon din naman ang kahilingan ko sa kanya.He really fulfilled his promise.I have a lot of questions on my mind. Kadalasan naiisip ko ito sa tuwing nag-iisa ako. Kung kumusta na kaya siya? Did he got married? At sino naman kaya sa mga naging babae niya ang nakatuluyan niya?Huminga ako ng malalim habang umiiling. Para akong tanga sa mga katanungan ko."The hell you care about him Amina. Probably, he's happy now having his own complete family." Marahang turan ko sa sarili.Gustuhin k
Wala ring nagawa ang pag-aalinlangan ko dahil nang dumating ang araw nang flight ay natagpuan ko nalang ang sarili sa airport kasama sina baby Amadeus at Manang Rosa. Kailangan ko ring gawin ito para sa amin ng anak ko. Ayaw ko namang iasa nalang lahat kay mama lalo pa't lumalaki na si baby Amadeus. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong balak galawin ang ATM card na binigay ng hinayup*k. Maski centimo ay wala akong kinuha.Kung tutuusin, sa halagang laman ng card ay maituturing na isang bilyonaryo si baby Amadeus. But I want him to grow up like a normal kid. Ayaw ko siyang sanayin na lumaki sa luho at sa mga materyal na bagay. I want to show him na lahat ng bagay kailangang paghirapan bago makuha. Unlike his father na kahit magpasiga ng panggatong ay hindi man lang marunong dahil laki sa karangyaan ng buhay.He can use the money pagdating ng tamang panahon. Kapag malaki na siya at marunong na.Yun nga lang minsan ay hindi ko rin napipigilan si mama Amanda na e-spoil ang anak ko.S
Kita ko rin ang pagkagulat sa mga mata niya nang makita ako. Alam kong namumukhaan niya ako at kilalang- kilala."You---"Biglang bulalas niya na hindi natapos dahil nagring bigla ang cellphone niya. Sinagot niya ito ngunit nanatili ang mga mata niya sa akin.Mababakas din ang magkahalong gulat at hiya sa mukha ng receptionist na mukhang nagdadalawang isip kong e-aaproach ba ako o hindi.Sumibol ang matinding kaba sa akin habang nakikipaglaban ng titig kay Brittany. Ipinagpapasalamat kong may kausap siya sa telepono kaya nakakuha ako ng pagkakataon para umalis. "Sandali!" Rinig ko pa ang pagtawag niya ngunit hindi na akong muling lumingon pa. Napahawak ako sa dibdib kong nagwawala habang nakasakay sa elevator. Ang balak kong kausapin siya kanina para pakalmahin ay biglang naglaho dahil mas nanaisin ko nalang na umalis siya at magcheck-in sa ibang hotel.Ngayong alam niyang nandito ako, paniguradong ikukwento ito ni Brittany sa hinayup*k. Baka nga ang hinayup*k pa ang tinutukoy niyan
"Sigurado ka na ba na pupunta ka?" Tanong ni Manang Rosa nang mabungaran akong nakaupo sa harapan ng salamin.Marahan akong tumango habang nakatutok ang mga mata sa preskong mukha kong bagong ligo at hindi pa nalalagyan ng kahit anong kolorete."Gusto ko talaga sanang umiwas na sa lalaking iyon Manang. Kaso hindi ko naman pwedeng isawalang bahala ang kikitain ng hotel." Mahinahong paliwanag ko.Isang araw lang kasi matapos ang pag-uusap namin ni Brittany ay agaran din niyang pinareserve ang sampung VIP rooms ng hotel. Ni hindi pa nga ako nagkumpirma sa kanya ay tinupad niya agad ang sinabi niya na para bang sinisiguro niya talaga na pupunta ako.Hindi ko nga siya maintindihan kong bakit gustong- gusto niyang naroon ako sa gaganaping engagement party nila. Isa lang ang naiisip kong dahilan, marahil gusto niya akong mainggit o magselos.Huminga ako ng malalim. Wala akong ibang pagpipilian kaya kailangang isantabi ko na muna ang nararamdaman ko alang-alang sa hotel na ipinagkatiwala sa a
My world suddenly stopped. I can't say any single word. Parang biglang bumagal ang oras at nagslow-mo ang lahat. Nahihipnotismo ako sa titig niyang tagos hanggang kaibuturan ko. I can't even heard the loud music dahil mas nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.Basta ko na lamang naramdaman ang parang pag-angat ko sa ere. Wala akong nagawa ng kargahin niya ako like we are a newly wed couple. Ni hindi ako nagprotesta. Hindi rin ako makapag-isip ng maayos. Feels like I'm a statue.Dahil sa samo't saring nararamdaman ay mas lalo akong nakaramdam ng antok at pagkahilo. Kaya naman napahawak ako lalo ng mahigpit sa matipuno niyang braso bago ko tuluyang ipinikit ang talukap ng mga mata ko dahil sa kalasingan.********"Ouch!"Nagising ako at napadaing nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Dahan- dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit para pa rin itong umiikot kaya hinilot ko ang aking sintido.Nang medyo makaramdam ng ginhawa ay dahan- dahan akong kumilos para bumangon."Baby A
Nakabalik kami sa bahay niya nang hindi na muling nagkikibuan pa. Mas lalo pang lumakas ang ulan ngayon na sinamahan pa ng hangin, kulog at kidlat kaya napayakap ako sa sarili ko dahil na rin sa nararamdamang lamig."Wait here for a while." Baritonong tugon niya nang maipark ang sasakyan. Nauna siyang bumaba habang ako'y nanatili lang sa loob ayon sa bilin niya.Maya- maya pa'y binuksan niya na rin ang pintuan banda sa 'kin habang may hawak siyang payong. Sinisigurado niyang di talaga ako mababasa. He acted so gentleman at di ko kayang pigilan ang kilig na nararamdaman ko.Naging gentleman din naman siya sa akin noong sinusuyo niya ako noon, four years ago. Di ko lang siya magawang purihin sa mga panahong iyon dahil sa galit ko sa kanya.Ngunit ngayon, ibang iba ang hatid na tuwa nito sa puso ko. And maybe because unti-unti ng naghilom ang sugat na siyang dulot niya noon.Bumaba ako habang inaalalayan niya kaya wala sa sariling nag-angat ako ng tingin. And then suddenly, I caught him
Matapos naming kumain ay siya na rin ang kusang naghugas ng plato. I insisted but he didn't let me.Grabe, napakalaki ng ipinagbago niya. Hindi lang talaga ako makapaniwala."Why are you staring at me like that?" Kunot noong tanong niya nang mabalingan ako. Kanina pa kasi ako nakaawang habang pinapanood siyang naghuhugas. Ni hindi ko magawang tumayo sa kinauupuan ko."Kailan ka pa natutong maghugas?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko na ikinangiti niya. And his smile looks him even more manly and gorgeous. "Since I was a kid." Tuwid na sagot niya na ikinasimangot ko bigla. Kung ganun marunong na pala siya noon pa pero hindi ko manlang nakitang tumulong. O baka naman talagang sinadya niyang huwag tumulong noon dahil alipin ang tingin niya sa'kin.Tipid lang akong ngumiti bago nag-iwas ng tingin. May mga pagkakataon talaga na naaalala ko ang mga nangyari noon, gaya ngayon. Yun nga lang ipinagpapasalamat ko na hindi na ganoon katindi ang epekto ng sakit gaya ng dati.Nang patapos na siy
Matapos siyang maalalayan pahiga ay mabilis akong tumayo para sana kumuha ng gamot.Kaso, bago pa man ako makahakbang paalis ay mabilis niya hinawakan ang braso ko.Nang muli akong mapatingin sa kanya ay bahagya na siyang nakadilat kaya nagpang-abot ang mga mata namin."Please don't leave." Mahinang pagsusumamo niya sa matamlay na mga mata. Mahina ngunit parang bombang sumabog dahil rinig na rinig ko. Puno rin ng pagmamakaawa ang mga mata niya kaya marahan kong tinapik ang kamay niyang nakahawak sa braso ko."I won't. Ikukuha lang kita ng gamot." Garalgal ang boses na saad ko. Marahan siyang tumango bago ako binitawan.Mabilis akong naglakad patungo sa kusina. Nagtimpla ako ng maligamgam na tubig tsaka naghanap ng gamot sa medicine kit niya. Nagkalkal ako ng nagkalkal ngunit wala ng Paracetamol na pwedeng ipainom para sa lagnat."Oh shit!" Nababahalang tinapik ko ang noo. Bitbit ang bowl na may maligamgam na tubig ay patakbo kong tinungo ang maindoor at binuksan ito para e-check ang pa