Sorry, late update po. Nadulas ako sa CR at napilayan kaya nagpahinga ako ng ilang araw. Buti nalang po hindi nabagok ang ulo ko. Salamat po sa matiyagang nag-aabang. Walang sawang pasasalamat sa inyong mga readers ng mga libro ko. Godbless us po.
( Amina's POV )Nanggigigil na napasalampak ako ng upo sa kama matapos isara ang pintuan."Pota! Ang kapal ng mukha ng hinayup*k na Drake na yun. At talagang nirescue pa ng isang babaeng haliparot" Inis na pagmamaktol ko sa sarili.Tiningnan ko ang pastang nakakalat sa sahig at napagpasyahang linisin ito. Patawarin nawa ako sa pagsasayang ng grasya. Sadyang nadala lang ako sa kakulitan ng hinayup*k kaya gusto kong subukan kung hanggang saan ang kaya niyang gawin.Sa totoo lang nung lumuhod na siya kanina ay hindi ko naman talaga balak na ipakain sa kanya ito ng tuluyan. Kung gagawin ko ang kahayupang iyon ay parang wala na rin akong pinagkaiba sa kanya. Hindi ako kasing sama niya at kahit kailan hindi magiging maitim ang budhi ko dahil lang sa galit ako. Makakaganti naman ako sa ibang paraan. Sa paraang hindi ginagaya ang kahayupan niya.Pagkatapos itong mailigpit ay saka ko naisipang maligo upang malamigan ang mainit kong ulo na di ko alam kung ano ang dahilan, sa pangungulit ba ng
"Kung totoong mahal mo siya hindi mo dapat siya sinaktan at pinagmalupitan ng ganoon!"Kuyom ang kamaong bulalas ni Zander habang ako naman ngayon ang natahimik dahil sa di maipaliwanag na kabog ng damdamin dahil sa narinig."Aaminin kong nagkamali ako. Masyado akong nabulag sa galit ko kaya ako bumabawi kay Amina ngayon. Kaso umeeksena ka! Pinagsisihan kong itinuring kitang kaibigan! Traydor!" Nanlilisik ang mga mata ni Drake sa galit.Nagpalipat- lipat ang tingin ko sa dalawang lalaki habang walang humpay sa pagwawala ang puso ko."Tama na!!! Utang na loob tigilan niyo na 'to!!!" Wala sa sariling napasigaw na lang ako upang pigilan ang dalawa.Bumaling ako sa hinayup*k kaya nagkasukatan kami ng titig. Ngayo'y mababakas ang mas namumutawing sakit niya keysa sa galit habang nakatitig ang mga mata sa akin."Pakiusap! Ibaba mo yang baril mo. Wag mong sasaktan si Zander. Mananatili ako rito basta wag mo lang siyang saktan." Nagsusumamo ang aking tinig habang patuloy pa rin sa pag- agos a
Isang araw pa kaming nanatili sa resort. Isang buong araw na hindi na kami muling nagkausap pa ng hinayup*k matapos niyang hilingin sa akin ang huli niyang pakiusap.At kagaya nga ng pinangako niya, nagsimula na rin siyang tumigil sa pangungulit. Hanggang saipinaalam nalang sa akin ng tauhan niya na iuuwi na nila ako sa Los Angeles ngayong araw.Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang nag-aayos ng sarili sa harapan ng salamin. Magkahalong saya at kalungkutan. Saya dahil makikita ko na ulit ang anak ko na halos ilang linggo ko ring hindi nakasama. Ngunit mayroong lungkot na di ko mapigilan.Gustuhin ko mang magbunyi dahil sa wakas ay magiging tahimik na rin ang buhay namin ni baby Amadeus, ay di ko naman alam kung bakit may bahagi sa puso ko ang kumikirot. Marahan kong tinapik ang dibdib ko. Ayaw kong maramdaman ito. Para akong praning dahil hindi magkasundo ang isipan at puso ko. Gayunpaman, kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko dahil palagay ko yun ang tama at m
( Amari's POV )"You really need to see this documents tita and Amina," Irritableng panimula ni Zander sabay lahad ng marriage contract namin at iba pang mga dokumento ukol sa naganap na kasalanan.Kasalukuyan kaming nasa sala, kasama sina mommy at Amina dahil ito ang nais na mangyari ni Zander, ang magtipon- tipon kaming lahat dahil may importante siyang sasabihin.At kahit hindi pa siya tapos, binalot na ako ng matinding kaba at takot dahil parang alam ko na kung ano ito. Nanginginig ang mga kamay ko at nagmamakaawa ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko dahil tiyak mapapahiya ako ngayon."That woman, napakagaling niyang manloko! Nagawa niyang asikasuhin lahat ng ito nang hindi ko nalalaman." Di makapaniwalang salaysay niya while giving me a death stare. Ramdam ko ang labis na pagkadisgusto at pandidiri sa kanyang mga mata habang nakatitig ng masama sa akin.Umiiling na kinuha ito lahat ni mommy habang binabasa. Noon pa mang may nangyari sa amin ni Zander
[ Makalipas ang apat na taon ]( Amina's POV )Napakabilis ng naging takbo ng panahon at di ko manlang ito namalayan. Napakaraming nangyari sa loob ng apat na taon. Nakapag-aral ako ng kolehiyo at grumaduate sa kursong Business Administration.Apat na taon na rin si Baby Amadeus at kasalukuyang nag-aaral sa isang private school for kindergarten dito sa L.A. Apat na taon na ring wala akong balita tungkol sa buhay ng hinayup*k. At gaya nga ng ipinangako niya noon ay hindi na siya muling nagparamdam pa dahil iyon din naman ang kahilingan ko sa kanya.He really fulfilled his promise.I have a lot of questions on my mind. Kadalasan naiisip ko ito sa tuwing nag-iisa ako. Kung kumusta na kaya siya? Did he got married? At sino naman kaya sa mga naging babae niya ang nakatuluyan niya?Huminga ako ng malalim habang umiiling. Para akong tanga sa mga katanungan ko."The hell you care about him Amina. Probably, he's happy now having his own complete family." Marahang turan ko sa sarili.Gustuhin k
Wala ring nagawa ang pag-aalinlangan ko dahil nang dumating ang araw nang flight ay natagpuan ko nalang ang sarili sa airport kasama sina baby Amadeus at Manang Rosa. Kailangan ko ring gawin ito para sa amin ng anak ko. Ayaw ko namang iasa nalang lahat kay mama lalo pa't lumalaki na si baby Amadeus. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong balak galawin ang ATM card na binigay ng hinayup*k. Maski centimo ay wala akong kinuha.Kung tutuusin, sa halagang laman ng card ay maituturing na isang bilyonaryo si baby Amadeus. But I want him to grow up like a normal kid. Ayaw ko siyang sanayin na lumaki sa luho at sa mga materyal na bagay. I want to show him na lahat ng bagay kailangang paghirapan bago makuha. Unlike his father na kahit magpasiga ng panggatong ay hindi man lang marunong dahil laki sa karangyaan ng buhay.He can use the money pagdating ng tamang panahon. Kapag malaki na siya at marunong na.Yun nga lang minsan ay hindi ko rin napipigilan si mama Amanda na e-spoil ang anak ko.S
Kita ko rin ang pagkagulat sa mga mata niya nang makita ako. Alam kong namumukhaan niya ako at kilalang- kilala."You---"Biglang bulalas niya na hindi natapos dahil nagring bigla ang cellphone niya. Sinagot niya ito ngunit nanatili ang mga mata niya sa akin.Mababakas din ang magkahalong gulat at hiya sa mukha ng receptionist na mukhang nagdadalawang isip kong e-aaproach ba ako o hindi.Sumibol ang matinding kaba sa akin habang nakikipaglaban ng titig kay Brittany. Ipinagpapasalamat kong may kausap siya sa telepono kaya nakakuha ako ng pagkakataon para umalis. "Sandali!" Rinig ko pa ang pagtawag niya ngunit hindi na akong muling lumingon pa. Napahawak ako sa dibdib kong nagwawala habang nakasakay sa elevator. Ang balak kong kausapin siya kanina para pakalmahin ay biglang naglaho dahil mas nanaisin ko nalang na umalis siya at magcheck-in sa ibang hotel.Ngayong alam niyang nandito ako, paniguradong ikukwento ito ni Brittany sa hinayup*k. Baka nga ang hinayup*k pa ang tinutukoy niyan
"Sigurado ka na ba na pupunta ka?" Tanong ni Manang Rosa nang mabungaran akong nakaupo sa harapan ng salamin.Marahan akong tumango habang nakatutok ang mga mata sa preskong mukha kong bagong ligo at hindi pa nalalagyan ng kahit anong kolorete."Gusto ko talaga sanang umiwas na sa lalaking iyon Manang. Kaso hindi ko naman pwedeng isawalang bahala ang kikitain ng hotel." Mahinahong paliwanag ko.Isang araw lang kasi matapos ang pag-uusap namin ni Brittany ay agaran din niyang pinareserve ang sampung VIP rooms ng hotel. Ni hindi pa nga ako nagkumpirma sa kanya ay tinupad niya agad ang sinabi niya na para bang sinisiguro niya talaga na pupunta ako.Hindi ko nga siya maintindihan kong bakit gustong- gusto niyang naroon ako sa gaganaping engagement party nila. Isa lang ang naiisip kong dahilan, marahil gusto niya akong mainggit o magselos.Huminga ako ng malalim. Wala akong ibang pagpipilian kaya kailangang isantabi ko na muna ang nararamdaman ko alang-alang sa hotel na ipinagkatiwala sa a
[ Excited akong nagmaneho patungong Quezon para sa gaganaping fashion show. Medyo may kabigatan ang dibdib ko dahil hindi ko makikita si Zander ng ilang araw. Gayunpaman, may sulat naman akong iniwan. Umaasa akong uuwi siya ng condo at mababasa niya iyon kahit alam ko namang imposible.Ngunit kung kailan malapit na akong makarating sa venue ay bigla na lamang nagloko ang sasakyan ko kaya napilitan ko itong ihinto sa gilid ng kalsada.I was about to ask for help nang may lumapit sa aking dalawang lalaki. Kinatok nito ang bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko na."Miss, anong problema? Kailangan mo ba ng tulong?" Ani ng isang may mahabang bigote.I am not that judgmental pero nakakaramdam ako ng kakaiba presensiya sa dalawa. Para bang may gagawin ang mga ito na hindi kanais nais."No need. Tatawagan ko nalang yung mga kasamahan ko." Ani ko. Pilit nilalabanan ang nararamdamang takot lalo pa't hindi matao sa banda rito at may matarik pang bangin.Ngunit edi-dial ko pa nga lang ang numero n
"Goodmorning ma'am, ready na po ang breakfast niyo."Ang katok na ito ng staff ng resort kung saan ako naglalagi ang siyang gumising sa aking diwa. Nakangiti itong bumungad sa akin bitbit ang tray ng pagkain."Salamat." Sambit ko at tipid na napangiti. Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok ito.Matapos nitong mailapag ang bitbit na tray ay agad din itong nagpaalam. "Enjoy your breakfast po ma'am." Magiliw na sambit pa nito bago tuluyang naglakad paalis.Isinara ko ang pintuan at muling umupo sa kama. Magdadalawang linggo na magmula ng napadpad ako rito. Isang simpleng resort ito rito sa Zambales. Pero kahit simple ay maganda naman rito, maaliwalas at walang masyadong turista kaya dito ako tumagal. The place is so perfect for my broken heart.Magmula ng umalis ako nang gabing iyon ay nakailang lipat din ako ng lugar sa kagustuhan ng tahimik na buhay. At dito nga ako dinala ng aking mga paa, gawa na rin ng maiging pagsesearch online. Mabuti na lamang at dala dala ko sa wallet
"Ma'am saan po kayo pupunta ng ganitong oras?"Takang tanong ng isang tauhan ni Alexander. Lima silang nagwagwardiya rito sa resthouse niya, di pa kasama ang iilang nakabantay rin pero ito lang ang may lakas ng loob na lumapit sa 'kin para tanungin ako.Buong loob ko itong hinarap. "May mahalaga lang akong pupuntahan." Pagdadahilan ko ngunit mukhang hindi ito kumbinsido."Ma'am, nagpaalam ka na po ba kay boss? Para sana samahan ka ng ibang kasamahan namin para sa proteksyon niyo po." Pangungulit pa nito kaya napairap na ako. Nagsilapitan na rin ang iba pa kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis."Hindi na kailangan. Tsaka bakit ba kayo nakikialam? Hindi ako ang amo ninyo rito. May karapatan akong umalis dahil hindi niyo na ako bihag." Singhal ko dahil sa pagkairita.Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng mga ito ngunit matigas pa ring naninindigan."Patawad po ma'am pero sinusunod lang namin ang utos ni boss lalo pa't malalim pa po ang gabi at delikado sa daan. Kung gusto niyo pong
( Madison/Amari's POV )"Ma'am! Nasa TV sina Señorito at ma'am Amanda!"Natatarantang tawag sa akin ng katulong. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon. Nang umalis sina Alexander at mommy kanina ay minu-minuto akong taimtim na nanalangin para sa kanilang kaligtasan.Patakbo akong lumabas ng kwarto at dali- daling pumunta sa sala para mapanood ang sinabi ng katulong.Napakalakas ng kabog ng puso ko habang nakatutok ang mga mata sa balita. Nasa TV nga sina mommy at Alexander. Karga karga na nito si Austin kaya parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa."Sumabog ang isang abandonadong pabrika na dating pagmamay- ari ng namayapang dr*g syndicate na si Mr. Luis Cruz. Ayon sa ulat ay ginawa raw itong hideout ng asawang si Elizabeth Cruz,"Hindi pa man tapos ang balita ay patakbo akong lumabas ng bahay."Ma'am saan po kayo pupunta!?" Takang tanong ng katulong habang nakasunod sa 'kin."Sa pabrikang tinutukoy ng balita. Pupuntahan ko ang mag- ama ko!" Mariing sagot ko kaya napakamot nalang ito
( Alexander's POV )"Can I go with you?" Pakiusap ni Madison or shall I say Amari. Ngayon na kasi ang araw ng paghaharap namin ni Elizabeth, ang araw na kahapon ko pa pinaghandaang mabuti.Marahan akong umiling bago ito niyakap."No baby. I'm sorry but you better stay here. Hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit." Puno ng pagmamahal na turan ko bago ito hinagkan sa ulo.I can't dare to kiss her on her lips dahil pakiramdam ko nagkakasala ako dahil sa ibang mukha niya. But I'll also promise to myself na ibabalik ko ang dati niyang hitsura kapag maayos na ang lahat. Mas pipiliin ko pa rin ang kagandahan ng orihinal niyang mukha na higit kailanman ay hindi ko ipagpapalit ninuman.Matapos namin malaman ang resulta ng DNA test kagabi, pinangako ko na sa sarili ko na wala ng ibang taong mananakit sa babaeng mahal na mahal ko. Walang paglagyan sa tuwa ang puso ko dahil tama lahat ng kutob ko. Worth it lahat ng pagtitiis ko. Pero alam kong mas kompleto ang kasiyahang ito kapag nabawi na namin s
Kinabukasan nang magising ako ay nakaramdam agad ako ng kirot sa aking ulo. Marahil ay dahil sa ilang baso ng alak na nainom ko kagabi, halatang nanibago ang katawan ko.Pero di ko naman din pinagsisihan na uminom ako dahil madali akong nakatulog pagkatapos. Isa pa, marami rin kaming napagkwentuhan ni Alexander. At kahit sa isang gabing pag- uusap na iyon ay nakagaanan ko na siya ng loob.Bumalikwas na ako ng bangon at diritsong tinungo ang banyo para makaligo na. Pagkatapos ay dali dali rin akong nagbihis para lumabas ng kwarto. Maaga pa naman, nasa alas sais pa lang kaya gusto kong tumulong sa kusina.Tahimik pa sa sala kaya't tantiya ko'y tulog pa sina Alexander at ang ginang na si Amanda.Pagkarating ay ang katulong agad ang nabungaran ko. Ngayo'y may kasama ito na sa tingin ko'y chef dahil na rin sa suot nitong uniporme."Magandang umaga ma'am." Sabay na bati agad ng dalawa nang mapansin ako."Hello, goodmorning." Nakangiting bati ko naman."Gusto niyo na po bang kumain? Uminom ng
Matapos makipagkita kay Nick ay mas lalo akong nahirapan makatulog nang gumabi. Ngayong kumpirmado na na hindi nga ako si Madison ay mas dumoble ang takot at pag- aalala ko para kay Austin. Paano nalang kong saktan siya ni Elizabeth dahil hindi naman pala sila totoong magkadugo?Oo at Elizabeth na ang tawag ko sa kanya! Hindi na mommy. Sa ginawa niyang pagamit sa akin ay hindi siya nararapat na erespeto. Wala siyang konsensiya! Tunay ngang napakaitim ng budhi niya.Tiningnan ko ang oras at malalim na nga ang gabi pero heto ako't gising na gising pa ang buong diwa. Muli akong bumangon sa hinihigaang kama at nagpasyang lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina at uminom ng tubig. Gusto kong pakalmahin ang di mapakaling isipan.At nang makadaan ako sa may sala ay napansin ko kaagad si Alexander at ang bote ng beer na nakalapag sa babasaging table.Napatikhim ako dahilan para maagaw ang atensyon niya."Hmmm hi! You're still awake?" Tanong agad nito na ikinatango ko ng marahan."I can't slee
"Then you better prepare. Aalis na tayo ng 1:00 PM. May kalayuan pa ang biyahe natin." Agad na tugon ni Alexander nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Nick."Sasama ka?" Kunot noong tanong ko."Ofcourse! Hindi ka pwedeng umalis na hindi ako kasama." Seryosong turan nito bago tuloy tuloy na naglakad paakyat, patungo sa kwarto niya."Sabi sayo ma'am eh, napakaconcern ni Señorito sayo."Bigla akong napapitlag nang may nagsalita sa bandang likuran ko kaya gulat akong napalingon. Kita ko ang abot taingang ngiti ng katulong. Nakapeace sign pa ito dahil sa naging reaksyon ko."Maglalaba na po muna ako ma'am." Nakangising paalam nito. Ngising halatang nanunudyo.Napahawak ako sa dibdib ko. Rinig at ramdam ko ang pagwawala ng aking puso.Goodness! Para iyon lang ay nag- ooverthink na agad ako. Alexander isn't concern. Kailangan niyang sumama dahil pandagdag ebidensiya ang magiging testamento ni Nick laban kay mommy Elizabeth. Iyon lang yun! Dapat hindi na ako nag-iisip ng iba pa
( Madison's POV )"Tatlong araw ang sinabi ni Elizabeth. Kailangan na nating makapagplano agad ngayon." Kita ko ang pagmamadali sa mukha ni Alexander . Nang makarating ito ay naikwento niya agad ang nangyari at tungkol sa pagtawag ni mommy. Bagay na ipinag- aalala ko ng lubos kaya di ko mapigilan ang sariling humagulhol."Kung ako lang ang kailangan niya ay hindi ako natatakot sa kanya. Papayag akong makaharap siya anumang oras, sisiguraduhin niya lang na ligtas ang bata at tutupad siya sa usapan." Lakas loob na sambit ng ginang na si Amanda ngunit mariing napailing si Alexander."Tuso at mapanlinlang si Elizabeth mom. Hindi tayo pwedeng maniwala sa sasabihin niya. Kailangang makagawa tayo ng magandang plano." He uttered kaya kapwa kami nag- isip ng malalim.I just can't believe it! Ginawang pa- in ng itinuring kong ina ang inosenteng anak ko na itinuring siyang abuela. At sa ginagawa niyang ito kay Austin ay parang pinapamukha niya na rin sa 'kin ang katotohanan kahit wala pa man an