Naguguluhan na nga si Zelena. Ano kaya ang dapat niyang gawin? Salamat po sa inyo! Patuloy lang po sa pagsubaybay. Love you all!
Buong gabi kong pinag isipan ng maigi at buo na ang magiging desisyon ko."Huh? Magreresign ka?" Gulat na tanong ni Tita Charo nang sabihin ko sa kanya ang plano ko. Marahan akong tumango. "Sa restaurant ni Keron nalang ako papasok ta.""Aala ko ba pangarap mong makapasok sa hotel na iyon? Umiiwas ka ba sa ex mo? Hindi ba't sa inyong dalawa ay siya dapat ang mahiya sa pag iwan sayo? Siya dapat ang walang mukhang ihaharap sayo, hindi yung ikaw ang namomroblema." Komento ni tita na pawang totoo naman lahat.Kaso mas iniisip ko ang kapakanan ni Connor. Paano kung malaman niyang nagkaanak kami? O paano kung ang anak ko mismo ang aksidenteng makakita sa kanya eh kilala na siya nun at sabik na sabik yun sa kanya? Dun palang sa posibilidad na iyon natatakot na ako. Ayaw kong masaktan si Connor lalo na ngayong malabo na ang lahat na maibigay ko ang kahilingan niya dahil may fiance na ang ama nito."Para kay Connor kaya ako umiiwas ta." Mabigat ang damdamin na sambit ko. Rinig ko pa ang malali
Puno man ng kaba at takot ay natagpuan ko pa rin ang sarili sa mismong building ng hotel kinabukasan. Didiritso na ako sa opisina ni Mrs. Tizon gaya ng nais niya. Dala dala ko ang medical certificate dahil ayaw ko namang umalis na may masamang record.Kahapon naganap ang general meeting nila at ang hindi ko pagsipot ay patunay rin na talagang desidido na akong magresign.Saktong papasok pa lang ako sa main entrance nang salubungin ako ni Rina. Saglit itong tumawag kagabi kaya nabanggit ko na sa kanya ang plano ko. Dami pa nga sana niyang tanong kaso isa lang ang dinahilan ko, yun ay upang maiwasan na ang mga bruhang sina Ms. Jessa at Lorraine."Zelena!" Yumakap agad ito sa 'kin at bahagya kaming pumagilid para walang ibang makapansin."Kumusta ka? Ano ba yan! Bakit ka naman magreresign agad agad. Alam kong palaban ka eh, bakit ka naman magpapatalo sa mga bruhang yun." Mahinang talak nito.Akala kasi nito ay iyon talaga ang totoong dahilan. Nakakakonsensiya rin na di ko masabi ang toto
Namanhid ang buong katawan ko na maski gumalaw ay di ko magawa habang di inaalis ang mga mata sa lalaking nasa harapan ko. Samo't sari ang nararamdaman ko habang ito'y blangko at parang walang ekspresyon bukod sa mariin nitong titig na parang pinag aaralan ang kabuuan ng hitsura ko."Are you going to stand in there?" Ang irritableng boses nito ang nagpabalik sa akin sa realidad matapos matulos sa kinatatayuan. Dahil sa nagwawalang damdamin at kaisipan ay hindi ko namalayang umalis na pala si Mrs. Tizon at kami na lamang dalawa ang naririto ngayon.Napalunok ako ng ilang beses at napakurap. Paano niya nagagawang umakto ng para lang akong normal na tao sa paningin niya? Bakit parang hindi niya ako kilala?"Damn! Are you deaf?" Tanong nito ulit kasabay ng pag angat ng isang sulok ng labi nito.Di ko na napigilan ang mabilis na paglaglagan ng mga butil sa aking mga mata. Ang hirap hirap magsink in sa utak ko ng lahat. Si Cole ba talaga ang lalaking ito? Bakit nagagawa niya akong tingnan n
"Gusto ko tuloy isipin na inaalok mo ako ng date ngayon." Humahagikhik si Keron sa kabilang linya nang tawagan ko ito agad. Di ko maiwasang matawa at mapailing sa biro niya."Keron, seryoso ako. Kailangan talaga kitang makausap, mahalagang bagay ito." Seryosong sagot ko. Desidido na akong sabihin sa kanya ang totoo dahil alam kong siya lang ang bukod tanging makakatulong sa 'kin."I'm just kidding Ze. Anyway, susunduin nalang kita diyan mamaya. Let's talk about it over dinner." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at nagpasalamat bago naputol ang tawag.Alam ko namang hindi sila malapit ni Cole sa isa't isa gaya ng naikwento niya pero alam ko rin na napakalaki pa rin ng maitutulong niya sa 'kin lalo pa't magkasama sila sa iisang bahay dahil sa mga magulang nila."Uhmmm"Rinig ko ang pagtikhim ni Tita Charo kaya napabaling ako sa kanya pagkababa ng cellphone "Umaliwalas ata yang magandang mukha mo. Kausap mo ba yung lalaking palaging naghahatid sayo?" May himig panunukso sa boses n
Talagang hinintay ko pang mawala sa paningin namin ni Connor ang sasakyan ni Cole bago kami tuluyang lumabas ng paaralan. Sobrang kabog ng dibdib ko na imbes maglakad ay pumara pa ako ng traysikel sa pagmamadaling makauwi. Na hanggang makarating sa apartment ay aligaga pa rin ang isipan ko."Are you okay mom? You're kinda sick and nervous po." Nag aalalang tanong ng anak ko nang makapasok kami sa loob. Siguro'y kanina pa nito napansin ang hitsura ko pero ngayon lang ito naglakas loob na nagkomento.Umupo ako upang magpantay kami bago pilit na ngumiti."Baka tired lang si mama anak. Don't worry, mawawala din ito." Malambing na sagot ko at dinampian ito ng masuyong halik sa noo niya."Nandito na pala ang mag ina. Nagluto ako ng french fries para meryenda! Dali na baby magbihis na ikaw para makakain na!" Masayang turan ni Tita Charo habang nilalapag nito sa mesa ang nilutong french fries kaya naagaw ang atensyon namin ni Connor. Napalukso pa sa saya ang anak ko. Sinamahan na rin ito ni t
Nagreklamo pa ako kanina dahil dalawang beses na kaming nagkausap ng hindi ko napaghandaan tapos ngayo'y magkakaharap na naman kami ulit. Yun nga lang ay may mga kasama kami.Di ko rin maiwasang tingnan ang kamay nitong nakahawak sa braso ni Lorraine. At ang hibang kong puso ay bigla na lamang kumirot. Nahihirapan akong tingnan ang kamay nitong nakadapo sa balat ng ibang babae.Ayaw kong magpakaipokrita, noong nalaman kong may fiance na siya ay talagang kakaibang sakit ang dulot sa puso ko. Pero mas masakit pala kung mismong nakikita ng mga mata ko na magkadikit sila at magkasama. At ang kaisipang baka may ginagawa pa silang higit pa sa ganoon ay parang tinutusok ng ilang libong karayom ang puso ko."Oh hi there bro, Lorraine!" Mababakas man ang pagkabigla sa mukha ni Keron ay nagawa pa rin nitong pormal na ngitian ang dalawa. Kinuha niya ang kamay na nakahaplos sa isang kamay ko at tumayo para batiin ang mga ito."It's good to see you two here! C'mon join us." Anyaya pa ni Keron na ma
( Conrad's POV )"Baby wait! Where are you going?" Ramdam ko ang taranta sa boses ni Lorraine nang tuloy tuloy akong naglakad patungo sa nakapark na sasakyan ko."I'm leaving." Walang ganang sagot ko. Di ko alam kung saan ako naiirita, sa masamang tabas ng dila ni Lorraine dahil sa pang iinsulto nun sa babaeng janitress o sa mga inamin ni Keron.Damn! Ano nga namang pakialam ko kung nobya ng epal na yun ang janitress na yon?"Conrad ano ba! Bakit aalis ka na agad? Paano ang dinner date natin!?" Naghi- histerical na ang boses nito kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng inis."Kung ayaw mo rito dahil sa step brother mo, we can find another expensive resto!" Maktol pa nito, hindi pa rin ako nilulubayan."I'm tired Lorraine. Nextime nalang." Walang pakialam na sagot ko total siya naman ang namilit sa tang inang dinner date na 'to. At diritso na pumasok ng sasakyan.Inis nitong kinatok ang bintana ng sasakyan ngunit desidido na akong umalis. She has her own car anyway. Pinasibad ko na agad
( Zelena's POV )"Ze, ang swerte naman niyang ganda mo! Biruin mo kakapasok mo lang ulit eh ikaw na ang nakaassign para maglinis sa opisina ni Sir Conrad."Tili na bungad sa akin ni Rina na ikinapanlaki ng mga mata ko."Ha? Ano?"Di ko na naman mapigilan ang pagwawala ng puso ko. Hindi ko pa nga lang nakakaharap si Conrad ay para na 'kong natataranta. Oo, Conrad na dahil iyon naman ang totoong pangalan niya. Hirap na hirap nga akong makatulog kagabi dahil sa di inaasahang paghaharap namin sa restaurant."At bakit naman parang di ka natutuwa? Ayaw mo bang makita ang ubod gwapong boss natin? Gusto mo bang palit na tayo? Sa parking lot ako ngayon." Suhestiyon nito na agaran kong tinanguan."Mas mabuti pa nga, doon nalang ako sa parking lot taz ikaw....... aray!" Di ko natapos ang sasabihin dahil kinutusan nito ang ulo ko."Gagita ka! Naniwala ka naman. Kung pwede nga lang eh, alam mo namang bawal. Nag aagawan nga kami roon tapos ikaw parang ayaw mo pa?" Maktol nito kaya napanguso na lama