Talagang hinintay ko pang mawala sa paningin namin ni Connor ang sasakyan ni Cole bago kami tuluyang lumabas ng paaralan. Sobrang kabog ng dibdib ko na imbes maglakad ay pumara pa ako ng traysikel sa pagmamadaling makauwi. Na hanggang makarating sa apartment ay aligaga pa rin ang isipan ko."Are you okay mom? You're kinda sick and nervous po." Nag aalalang tanong ng anak ko nang makapasok kami sa loob. Siguro'y kanina pa nito napansin ang hitsura ko pero ngayon lang ito naglakas loob na nagkomento.Umupo ako upang magpantay kami bago pilit na ngumiti."Baka tired lang si mama anak. Don't worry, mawawala din ito." Malambing na sagot ko at dinampian ito ng masuyong halik sa noo niya."Nandito na pala ang mag ina. Nagluto ako ng french fries para meryenda! Dali na baby magbihis na ikaw para makakain na!" Masayang turan ni Tita Charo habang nilalapag nito sa mesa ang nilutong french fries kaya naagaw ang atensyon namin ni Connor. Napalukso pa sa saya ang anak ko. Sinamahan na rin ito ni t
Nagreklamo pa ako kanina dahil dalawang beses na kaming nagkausap ng hindi ko napaghandaan tapos ngayo'y magkakaharap na naman kami ulit. Yun nga lang ay may mga kasama kami.Di ko rin maiwasang tingnan ang kamay nitong nakahawak sa braso ni Lorraine. At ang hibang kong puso ay bigla na lamang kumirot. Nahihirapan akong tingnan ang kamay nitong nakadapo sa balat ng ibang babae.Ayaw kong magpakaipokrita, noong nalaman kong may fiance na siya ay talagang kakaibang sakit ang dulot sa puso ko. Pero mas masakit pala kung mismong nakikita ng mga mata ko na magkadikit sila at magkasama. At ang kaisipang baka may ginagawa pa silang higit pa sa ganoon ay parang tinutusok ng ilang libong karayom ang puso ko."Oh hi there bro, Lorraine!" Mababakas man ang pagkabigla sa mukha ni Keron ay nagawa pa rin nitong pormal na ngitian ang dalawa. Kinuha niya ang kamay na nakahaplos sa isang kamay ko at tumayo para batiin ang mga ito."It's good to see you two here! C'mon join us." Anyaya pa ni Keron na ma
( Conrad's POV )"Baby wait! Where are you going?" Ramdam ko ang taranta sa boses ni Lorraine nang tuloy tuloy akong naglakad patungo sa nakapark na sasakyan ko."I'm leaving." Walang ganang sagot ko. Di ko alam kung saan ako naiirita, sa masamang tabas ng dila ni Lorraine dahil sa pang iinsulto nun sa babaeng janitress o sa mga inamin ni Keron.Damn! Ano nga namang pakialam ko kung nobya ng epal na yun ang janitress na yon?"Conrad ano ba! Bakit aalis ka na agad? Paano ang dinner date natin!?" Naghi- histerical na ang boses nito kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng inis."Kung ayaw mo rito dahil sa step brother mo, we can find another expensive resto!" Maktol pa nito, hindi pa rin ako nilulubayan."I'm tired Lorraine. Nextime nalang." Walang pakialam na sagot ko total siya naman ang namilit sa tang inang dinner date na 'to. At diritso na pumasok ng sasakyan.Inis nitong kinatok ang bintana ng sasakyan ngunit desidido na akong umalis. She has her own car anyway. Pinasibad ko na agad
( Zelena's POV )"Ze, ang swerte naman niyang ganda mo! Biruin mo kakapasok mo lang ulit eh ikaw na ang nakaassign para maglinis sa opisina ni Sir Conrad."Tili na bungad sa akin ni Rina na ikinapanlaki ng mga mata ko."Ha? Ano?"Di ko na naman mapigilan ang pagwawala ng puso ko. Hindi ko pa nga lang nakakaharap si Conrad ay para na 'kong natataranta. Oo, Conrad na dahil iyon naman ang totoong pangalan niya. Hirap na hirap nga akong makatulog kagabi dahil sa di inaasahang paghaharap namin sa restaurant."At bakit naman parang di ka natutuwa? Ayaw mo bang makita ang ubod gwapong boss natin? Gusto mo bang palit na tayo? Sa parking lot ako ngayon." Suhestiyon nito na agaran kong tinanguan."Mas mabuti pa nga, doon nalang ako sa parking lot taz ikaw....... aray!" Di ko natapos ang sasabihin dahil kinutusan nito ang ulo ko."Gagita ka! Naniwala ka naman. Kung pwede nga lang eh, alam mo namang bawal. Nag aagawan nga kami roon tapos ikaw parang ayaw mo pa?" Maktol nito kaya napanguso na lama
Hanggang sa natapos ako ay hindi na muling bumalik pa si Conrad sa opisina niya. Marahil galit yun sa 'kin o baka nandiri nga kaya ayaw akong makita, bagay na parang pinipiga ang puso ko sa sakit lalo pa't malinis ang konsensiya ko, totoong wala akong ginawang masama.Papalabas na dapat ako nang siya namang pagpasok ng malditang si Lorraine sa loob."And what the hell are you doing here?" Mataray na bungad nito sa 'kin.Tinatanong pa niya ako eh bulag ba siya? Hindi ba obvious sa mga dala kong mop at walis?"Naglilinis po ma'am." Walang paligoy ligoy na sagot ko.Umikot lang ang mga mata nito. "At nasaan ang fiance ko? Bakit wala rito si Conrad?" Magkasunod na tanong nito sa irritableng boses.Mukha ba akong tanungan ng nawawalang tao? Nagmamaktol ang isipan ko sa katarayan ng babaeng ito ngunit mas pinili kong magpakumbaba lalo pa't janitress lang naman ako rito."Hindi ko po alam kung saan pumunta ma'am. Lumabas po kanina pa." Ani ko pa at sinimulan ng humakbang para tuluyan ng maka
Magmula kahapon ay di na kami muling nagkaharap pa ni Conrad. Iba na rin kasi ang nakaassign ngayon na maglilinis sa opisina niya. Kumbaga araw araw ay paiba iba. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil hindi na ako distracted sa trabaho o masaktan dahil baka magkasama na naman sila ni Lorraine."Ze, sama ka sa 'kin saglit mamaya?" Ani Rina kaya natanggal ang pagmumuni muni ko. Breaktime namin ngayon kaya sa locker nalang kami tumambay para makapagpahinga."Sasama? Saan naman?" Takang tanong ko habang nakahiga sa mahabang bench. Ito rin naman ay nakahiga rin sa kabilang bench."Ehhhh kasi birthday ko ngayon. Gusto ko sanang magcelebrate tayo, kahit tayong dalawa nalang." Medyo nahihiya pang sabi nito kaya napatayo ako."Ui, Happy Birthday!" Natutuwang bati ko."Pssssh huwag kang maingay. Nakakahiya, baka may iba pang makarinig sayo eh ikaw lang naman ang inimbitahan ko." Napakamot na maktol nito kaya marahan akong napatango."Anong oras ba?""Dinner nalang tayo sa labas mamayang
Usok ng sigarilyo, nakakabinging musika at mga mayayamang personalidad ang bumungad sa amin ng makapasok. Halos mapaawang ako nang makilala ang ibang mga artista at modelo na sa telebisyon ko lang nakikita. They're partying and drinking like there's no other people around."Oh my goodness! Hala di ba mga artista yon?" Tili ni Rina sabay nguso sa direksyon ng grupong tinitingnan ko rin. Kagaya ko'y di rin ito makapaniwala sa mga nakikita."This bar is high end and exclusive kaya maraming mga celebraties ang nagpaparty dito." Si Matthew na ang sumagot habang iginigiya kami nito sa isang malaking couch. At parang nagdadalawang isip pa akong umupo nang makita ang isang lalaki na mukhang kasamahan nito."Hi," Bati nito sa min ni Rina na simple ko lang na nginitian. He looks good, neat tingnan. Tipong parang disenteng professor ang hitsura."This is Ray, my friend. Huwag kayong mailang ah, we're good gentleman. You may sit down now ladies." Pakilala ni Matthew sa kaibigan nito bago kami naup
( Conrad's POV )"Hu--- huwag na po! Kaya ko po umuwi sir," Garagal at nauutal ang boses na tanggi nito. Pulang pula na ang mga mata niya dahil sa pag iyak kaya di ko maiwasang makaramdam ng kung anong kirot sa puso ko habang nakatitig sa maamo at napakaganda nitong mukha.Base sa sinasabi ng babaeng ito kanina, I guess she's not totally moving on from her past. Di kaya'y ang tinutukoy niya ay ang ama ng anak niya? At bakit nga ba siya iniwan ng tarantadong yon kung ganun? What about Keron? Ginawa niya lang bang panakip butas ang step brother kong iyon?"You're literally drunk. It's not good na magcommute ka na ganyan ang itsura mo. Let's go." Ngayo'y kalmado na ang boses ko para di naman ito makaramdam ng pagkailang.Kaso mariin pa rin itong umiling at pinaninindigan ang pagtanggi niya. Hawak hawak pa nito ang ulo."Hindi hindi po, huwag na po." Anito pa kaya napabuga ako ng hangin.Bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako gayung halos lahat ng babaeng nakakasalamuha ko ay nagkakandarap