Hanggang sa natapos ako ay hindi na muling bumalik pa si Conrad sa opisina niya. Marahil galit yun sa 'kin o baka nandiri nga kaya ayaw akong makita, bagay na parang pinipiga ang puso ko sa sakit lalo pa't malinis ang konsensiya ko, totoong wala akong ginawang masama.Papalabas na dapat ako nang siya namang pagpasok ng malditang si Lorraine sa loob."And what the hell are you doing here?" Mataray na bungad nito sa 'kin.Tinatanong pa niya ako eh bulag ba siya? Hindi ba obvious sa mga dala kong mop at walis?"Naglilinis po ma'am." Walang paligoy ligoy na sagot ko.Umikot lang ang mga mata nito. "At nasaan ang fiance ko? Bakit wala rito si Conrad?" Magkasunod na tanong nito sa irritableng boses.Mukha ba akong tanungan ng nawawalang tao? Nagmamaktol ang isipan ko sa katarayan ng babaeng ito ngunit mas pinili kong magpakumbaba lalo pa't janitress lang naman ako rito."Hindi ko po alam kung saan pumunta ma'am. Lumabas po kanina pa." Ani ko pa at sinimulan ng humakbang para tuluyan ng maka
Magmula kahapon ay di na kami muling nagkaharap pa ni Conrad. Iba na rin kasi ang nakaassign ngayon na maglilinis sa opisina niya. Kumbaga araw araw ay paiba iba. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil hindi na ako distracted sa trabaho o masaktan dahil baka magkasama na naman sila ni Lorraine."Ze, sama ka sa 'kin saglit mamaya?" Ani Rina kaya natanggal ang pagmumuni muni ko. Breaktime namin ngayon kaya sa locker nalang kami tumambay para makapagpahinga."Sasama? Saan naman?" Takang tanong ko habang nakahiga sa mahabang bench. Ito rin naman ay nakahiga rin sa kabilang bench."Ehhhh kasi birthday ko ngayon. Gusto ko sanang magcelebrate tayo, kahit tayong dalawa nalang." Medyo nahihiya pang sabi nito kaya napatayo ako."Ui, Happy Birthday!" Natutuwang bati ko."Pssssh huwag kang maingay. Nakakahiya, baka may iba pang makarinig sayo eh ikaw lang naman ang inimbitahan ko." Napakamot na maktol nito kaya marahan akong napatango."Anong oras ba?""Dinner nalang tayo sa labas mamayang
Usok ng sigarilyo, nakakabinging musika at mga mayayamang personalidad ang bumungad sa amin ng makapasok. Halos mapaawang ako nang makilala ang ibang mga artista at modelo na sa telebisyon ko lang nakikita. They're partying and drinking like there's no other people around."Oh my goodness! Hala di ba mga artista yon?" Tili ni Rina sabay nguso sa direksyon ng grupong tinitingnan ko rin. Kagaya ko'y di rin ito makapaniwala sa mga nakikita."This bar is high end and exclusive kaya maraming mga celebraties ang nagpaparty dito." Si Matthew na ang sumagot habang iginigiya kami nito sa isang malaking couch. At parang nagdadalawang isip pa akong umupo nang makita ang isang lalaki na mukhang kasamahan nito."Hi," Bati nito sa min ni Rina na simple ko lang na nginitian. He looks good, neat tingnan. Tipong parang disenteng professor ang hitsura."This is Ray, my friend. Huwag kayong mailang ah, we're good gentleman. You may sit down now ladies." Pakilala ni Matthew sa kaibigan nito bago kami naup
( Conrad's POV )"Hu--- huwag na po! Kaya ko po umuwi sir," Garagal at nauutal ang boses na tanggi nito. Pulang pula na ang mga mata niya dahil sa pag iyak kaya di ko maiwasang makaramdam ng kung anong kirot sa puso ko habang nakatitig sa maamo at napakaganda nitong mukha.Base sa sinasabi ng babaeng ito kanina, I guess she's not totally moving on from her past. Di kaya'y ang tinutukoy niya ay ang ama ng anak niya? At bakit nga ba siya iniwan ng tarantadong yon kung ganun? What about Keron? Ginawa niya lang bang panakip butas ang step brother kong iyon?"You're literally drunk. It's not good na magcommute ka na ganyan ang itsura mo. Let's go." Ngayo'y kalmado na ang boses ko para di naman ito makaramdam ng pagkailang.Kaso mariin pa rin itong umiling at pinaninindigan ang pagtanggi niya. Hawak hawak pa nito ang ulo."Hindi hindi po, huwag na po." Anito pa kaya napabuga ako ng hangin.Bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako gayung halos lahat ng babaeng nakakasalamuha ko ay nagkakandarap
( Zelena's POV )Naalimpungatan ako nang maramdaman ang sinag na araw na tumama sa balat ko. Di ko pa man lang tuluyang naibuka ang aking mga mata ay napahilot na 'ko sa sintido kong sobrang sakit."Ouch!" Mahinang d***g ko. Resulta na ito sa rami ng alak na nainom ko kagabi. Kung bakit ba naman kasi napasobra ako gayung hindi naman ako sanay.Teka! Kagabi!?Napaawang ako bigla nang unti unting inalala ang mga nangyari kagabi. Tuluyan kong ibinuka ang mga mata at halos mapatalon ako nang makita ang malaking kamang hinihigaan ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng maaliwalas at marangyang kwarto. Shit! Hindi ito ang apartment na tinitirhan namin. Ibig sabihin hindi ako nakauwi kagabi? Goodness! Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Tita Charo at Connor.Napabalikwas ako ng bangon habang parang tambol sa pagdagundong ang puso ko.Oh shit! Nasaan ako? Natutop ko ang bibig nang biglang sumulpot sa isipan ko ang mukha ng lalaking huli kong na
"Sir, aalis na po ako. Ma--- maraming salamat po." Agad na paalam ko pagkatapos kumain. Hindi na rin ako nag offer na maghugas ng pinggan dahil may dishwasher naman siya, pero tumulong naman akong magligpit kahit tinutulan niya."Ihahatid na kita." Mariing alok niya kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano makakatanggi dahil mukhang desidong desidido siya."Let's go?" Ulit niya at nauna na sa may maindoor. Napakagat nalang ako ng ibabang labi bago sumunod. Akala ko mauuna siyang lumabas ngunit tumigil ito at pinauna ako bago ito lumabas at sinarado ang unit niya.Nagpapakagentleman na naman ang loko! Pero hindi, kailangang makapag isip ako ng paraan dahil hindi niya pwedeng malaman ang address ko. Di naman sa pagiging assuming pero kasi baka makita siya ni Connor. Mahirap na, napakakomplikado pa ng sitwasyon namin ngayon.Nilakasan ko ang loob ko hanggang sa tuluyang makalabas. Ngayo'y nauna na rin akong humakbang habang siya'y nakasunod sa 'kin. Naghahanap ako ng paraan
Naghuhumerentado man ang puso ko ngunit natagpuan ko pa rin ang sarili sa entrada ng hotel. Sobrang kabog ng puso ko habang naglalakad papasok sa loob. Tinawagan ko si Rina kanina para itanong kung pinapapasok din ba siya kaso hindi naman daw siya tinawagan ni Mrs. Tizon.Ibig sabihin kaya nito maaaring personal ang sadya sa 'kin ni Conrad? Dahil sa naaalala ko, siya pa ang nagsuggest kanina na huwag nalang akong pumasok kung masakit ang ulo ko pero bakit naman ata biglaang nagbago ang ihip ng hangin at siya pa ang nagpapatawag sa 'kin sa opisina niya?Di magkamayaw ang puso ko sa pagwawala sa kaisipang ito. Para akong naiihi dahil sa kaba na para bang first time namin magkakasama gayung kagabi lang ay buong magdamag akong natulog sa condo niya. Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ko nun dahil sa kalasingan!"Hmmmp ka bago bago mo sa trabaho umaabsent ka na kaagad! Pinapakita mo lang talaga kung gaano ka kairresponsable!"Natilihan ako nang salubungin ako ng galit na mga salita na i
( Conrad's POV )Hindi na ako umimik after saying those words. She didn't even dare to answer kaya mas lalo akong nainis. Ano namang inaakala ng babaeng ito? Na makikipaglapit ako sa kanya after she left me like an idiot? Damn! She's not even worth my time. Sana pala hinayaan ko nalang siya kagabi kung di man lang din pala siya marunong tumanaw ng utang na loob.Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung ginagawa akong parang tanga. Wala pang gumagawa sa 'kin ng ganoon. Never in my entire life!Kita ko ang pamumuo ng pawis sa noo niya habang inaayos ang sandamakmak na mga papeles. Pasimple ko itong sinusulyapan habang nakaupo sa swivel chair ko kaharap ang laptop.Tang ina, di ko mapigilan ang pamumuhay ng pagkalalaki ko habang nakatitig sa mukha nitong halatang pagod na pero ang ganda pa rin. Her sweaty looks made her even hottier.Damn! Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko dapat nararamdaman ito. I shouldn't appreciate her this way. She's Keron's girlfriend and I must stick to my plan.Si