I'm sorry po sa lahat. Nagpalamig lang po talaga ako ng ulo dahil sobrang stress ko na rin po. Salamat sa pag cheer up po ninyo. Napakalaking tulong po para magporsige akong magpatuloy sa pagsusulat. Di ko kayo maisa isa pero maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
( Conrad's POV )Hindi na ako umimik after saying those words. She didn't even dare to answer kaya mas lalo akong nainis. Ano namang inaakala ng babaeng ito? Na makikipaglapit ako sa kanya after she left me like an idiot? Damn! She's not even worth my time. Sana pala hinayaan ko nalang siya kagabi kung di man lang din pala siya marunong tumanaw ng utang na loob.Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung ginagawa akong parang tanga. Wala pang gumagawa sa 'kin ng ganoon. Never in my entire life!Kita ko ang pamumuo ng pawis sa noo niya habang inaayos ang sandamakmak na mga papeles. Pasimple ko itong sinusulyapan habang nakaupo sa swivel chair ko kaharap ang laptop.Tang ina, di ko mapigilan ang pamumuhay ng pagkalalaki ko habang nakatitig sa mukha nitong halatang pagod na pero ang ganda pa rin. Her sweaty looks made her even hottier.Damn! Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko dapat nararamdaman ito. I shouldn't appreciate her this way. She's Keron's girlfriend and I must stick to my plan.Si
( Zelena's POV )"Alas nuebe na Ze, hindi ka pa ba tapos riyan?" Nag- aalalang tanong ni Tita Charo sa kabilang linya. Kanina ay tinawagan ko na ito para ipaalam na matatagalan ako ng uwi dahil sa sandamakmak na pinapagawa ng Conrad na iyon. Bayad naman ang overtime ko pero ang nakakainis lang ay ang binilin nun na hindi ako puwedeng umuwi hanggat hindi ito natatapos.At anong karapatan kong umalma gayung empleyado lang naman niya ako, empleyadong nasa pinakamababang posisyon pa.Tila ba biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang nagulat ako kanina dahil lumabas ang pagkaistrikto nun na huling nangyari lang noong una kaming nagkatagpo sa napaka- awkward na sitwasyon. Yung pagiging istrikto na kasalungat sa pinapakita niyang concern at kabaitan sa pagtulong sa 'kin kagabi at kaninang umaga. "Patapos na rin ta, pasensiya ka na di kana naman nakauwi sa bahay mo." Malungkot na sambit ko. Kahit pa man kusang loob ang pagtulong nito sa 'min ay may mga panahon pa rin na gaya nito na nakakar
Parang biglang tumigil ang mundo ko sa oras na ito. Simpleng halik lang ang iginawad niya ngunit hinaplos nito ang buong puso ko. It's just a smack kiss pero para bang nakalimutan ko lahat ng pangungulila at pagkamuhi na pinagdaanan ko sa limang taon na iyon sa simpleng halik na ito.Nang maramdaman kong nilayo nito ang mukha ay saka pa lamang ako nagmulat ng mga mata."Damn! I'm.... sorry. Fuck! I can't help it." He uttered pero pipikit pikit na ang mga mata niya at marahan itong napasandal sa gilid ng elevator.Tanging paglunok lang ang naging reaksyon ko dahil na rin ng samo't saring emosyon. Alam ko namang lasing lang siya pero gustong maniwala ng puso ko na baka unti unti na 'kong naalala ng puso niya kahit malabo akong makilala ng isipan niya.Huminga ako ng malalim ng makitang napahilot ito sa kanyang sintido. Sakto namang bumukas na ang elevator sa pinakahuling palapag kaya wala na rin akong ibang nagawa pa kundi ang alalayan siya palabas hanggang sa makarating kami sa may park
[NOTE: Mature content ahead, not intended for young and minor readers.]Marahan kong ipinikit ang mga mata para namnamin ang bawat hagod ng labi niya. Sumisigaw ang kabilang parte ng utak ko na mali ito dahil nakatali na siya sa ibang babae. Ngunit di ko magawang tumutol dahil mas nangibabaw ang kagustuhan ng puso ko. I want this, I am longing for this for a long time.Martir, tanga o bobo man akong matatawag but what can I do? Alam na alam ko sa kaibuturan ng puso ko na mahal na mahal ko pa rin ang lalaking ito. Ang lalaking kauna unahan kong minahal at pinag alayan ng sarili ngunit siya rin mismong naging dahilan ng kauna unahang sakit na naranasan ko noon.At kahit gaano pa kahirap ang pinagdaanan ko sa limang taon na wala siya sa tabi ko, napatunayan ko ngayon na hindi kailanman kumupas ang pagmamahal kong iyon. Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Namumuhi ako sa kanya noon ng sobra pero sa araw araw na nakikita kong parang totoong nawalan talaga siya ng ala- ala at hindi basta
( Conrad's POV )Nagising ako nang makaramdam ng pagkirot ng ulo ko. Marahan kong kinapa ang babaeng kayakap ko kagabi ngunit nang unan lang ang mahawakan ko ay mabilis akong nagdilat ng mga mata.Damn! Where is she?Bumalikwas agad ako ng bangon at mabilisang sinuot ang boxer ko. Patakbo akong lumabas ng master's bedroom sa pag asang makikita ko lang siya sa may banyo, sala o di kaya'y sa kitchen. Ngunit nanlumo lang ako at nadismaya nang hindi ko makita ang mukha ng babaeng kinahuhumalingan ko.She's probably leaving without a word at hindi ko man lang namalayan ang pag alis niya. Fuck!Dismayado akong naupo sa sofa sabay hilot sa sintido ko. Nakainom ako kagabi pero hindi ako nakakalimot sa lahat ng nangyari. Bawat detalye ay sariwang sariwa lahat sa isipan ko. Alam na alam ko lahat dahil hindi naman talaga ako ganoon kalasing. It's just that, umandar lang talaga ang kapilyuhan sa utak ko kagabi nang makita ko sa mga mata niya na parang concern siya sa 'kin noong nagpang abot kami
( Zelena's POV )"Pinapautos ng boss na dalhin mo ito sa opisina niya." Mariing tugon ng sekretarya ni Conrad matapos ako nitong pababain kanina sa rooftop. Na maski si Ms. Jessa ay wala nagawa nang ito mismo ang ma- autoridad na nagsabing may ibang ipapagawa sa 'kin.Napalunok ako ng mariin. Matapos nang may mangyari sa amin kagabi ay hindi ko pa kayang makaharap si Conrad. Sobrang nahihiya ako, wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Pagkagising ko kaninang madaling araw ay para akong sinampal ng ilang libong beses sa kahangalang ginawa ko. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin. Na kahit alam kong mali ay di ko pa rin tinutulan."Ma'am, pwede po bang iutos niyo nalang po sa iba? May gagawin pa po kasi ako." Kinakabahang paliwanag ko. Bakit naman kasi ako pa? Sinasadya ba ito ng lalaki? Ngunit kumunot lang ang noo nito. "Wala ng mas mahalaga pa sa mismong utos ng presidente Ms. Agustino. Pakiusap, dalhin mo na kung ayaw mong dalawa tayong mawawalan ng trabaho." Wika nito kaya di na ak
Di ko alam kung paano ko natapos ang duty sa buong araw na ang sama sama ng loob ko. Hindi na rin kami muling nagkita pa ni Conrad na siyang ipinagpapasalamat ko. Sana man lang magkaroon siya ng kaunting ideya sa mga sinabi ko.Sana nga.....Dahil absent naman si Rina ay mas lalo akong naging matamlay dahil wala akong makausap na pwedeng pagbalingan ng atensyon. Nagmadali akong lumabas ng locker matapos makapagpalit ng masusuot.Halos patakbo pa akong humakbang papalabas ng entrance sa kagustuhang makauwi na.Nakalabas na ako nang biglang magring ang cellphone ko. Sinagot ko rin ito kaagad nang makitang tumatak ang pangalan ni Keron."Hi Ze, I'm here!"Sambit nito agad kaya nagpalinga linga ako sa paligid. Nakita ko itong nakatayo at kumakaway sa pinupwestuhan nito sa tuwing sinusundo niya ako kaya binaba ko na ang tawag. Ang daming trip talaga!Tipid akong napangiti habang naglalakad papalapit sa kanya."I'm back! Did you miss me?" Anitong abot tainga ang ngiti kaya napailing nalang a
Pumasok pa rin ako sa hotel kinabukasan. Hindi naman ako ang nakaschedule na maglilinis ngayon sa opisina ni Conrad kaya walang dahilan para makita ko siya, na ayaw ko naman ding mangyari talaga matapos ang paghaharap naming iyon kahapon.Ano namang akala niya? Na porke't may nangyari sa 'min ay maging sunod sunuran nalang ako ng ganoon kadali? At talagang pinagsalitaan niya pa ako ng masakit!At buti nalang na mukhang parehas naman kami ng gusto dahil di na ulit lumapit sa 'kin ang sekretarya niya gaya ng ginawa nun kahapon."Jusko Ze, ayaw ko na talagang umulit! Pakiramdam ko hanggang ngayon may tama pa rin ng alak ang ulo ko. First time ko nakainom ng ganoon karami." Palatak ni Rina. Naalala na naman nito ang nangyari noong isang gabi.Kasalukuyang lunch break namin ngayon at gaya ng nakagawian ay dito lang kami sa locker kumakain dahil may baon naman kami."Buti naisip mo yan. Kumusta na pala kayo ni Matt?" Tanong ko sa abogadong kameet up niya."Ayon, nagkakachat pa rin kami pero
Conrad held my waist habang karga karga nito si Connor sa matipuno niyang braso. Lahat ng mga kasambahay nila sa mansyon ay nanlaki ang mga mata na halatang gulat na gulat at puno ng pagtatakang nakatingin sa amin.Nakakaasiwa man ang tipo ng titig nila ngunit di ko inaasahang mas malala pa ang magiging reaksyon ng dad niya at ng mommy ni Keron. Napaawang din si Keron nang makita kami pero ngumiti rin ito sa 'kin na ginantihan ko naman. Pero di ko napaghandaan ang biglaang pagtayo ni Lorraine sabay turo sa amin sa nanlilisik na mga mata.At ano namang ginagawa ng babaeng ito dito? Akala ko family dinner ito!"What is this Conrad!? Bakit kasama mo yang pobreng janitress ng hotel mo? At yang bata...." Puno ng gigil na asik ng matapobreng babae pero sinamaan ito ng tingin ni Conrad at puno ng gigil na pinagbantaan."Just fucking stop Lorraine! Kung wala kang respeto sa sarili mo, respetuhin mo ang mag ina ko." Buong loob na sambit ni Conrad.Irritableng umupo muli ang babae na kita na a
"Baby, may ipapadala akong box diyan sa tauhan ko. It's for you and Connor, susuotin ninyo ngayong gabi." Wika ni Conrad sa kabilang linya.Magmula ng umuwi kami ng San Agustin ay pumirmi na muna siya sa Maynila dahil may mahalaga raw na aasikasuhin. Habang kami nina Connor at Tita Charo ay dito na nanatili sa resthouse niya sa Batangas. Di na rin naman ako nag isip ng anupaman o nagbusisi pa dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya. At syempre halos oras oras naman itong nagtetext o di kaya'y tumatawag dahil namimiss niya raw kami sa bawat minuto. Medyo OA man pakinggan but maybe ganito lang siya magpakita at magparamdam ng pagmamahal na sobra ko namang na- aapreciate."Bakit? May okasyon ba? Anong meron ngayong gabi?" Nagtatakang tanong ko pero sa malambing na boses."Magdidinner tayo sa bahay. Dumating na kaninang umaga sina daddy. Gusto ko na kayong pormal na ipakilala sa kanila and please don't get nervous or afraid dahil nandito ako baby, I will always protect the two of you!"
At gaya nga ng mariing sinabi at pangako ni Conrad, pormal kaming humarap kami kina Tiyang. Sobrang nagwawala ang puso ko nang nasa harapan ng luma nilang bahay at naabutan si Tiyang na naglalabada. Mangha at gulat na gulat ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Ze---- Zelena?" Di makapaniwalang turan nito at pansin ko kaagad ang namumuong mga luha sa mga mata nito."Tiyang....."Emosyonal akong lumapit at kinuha ang basang kamay niya na dali dali niyang pinunasan bago ito inilahad sa akin at nagmano.Di ko mapigilan maging emosyonal habang nakatitig sa mukha nitong pinaglipasan na ng panahon. Marami na itong puting buhok sa ulo at kulubot na rin ang mataray nitong mukha.At di ko na napigilan ang sariling mapaluha nang ito na mismo ang kusang yumakap sa akin at una pang humagulhol ng iyak.Tahimik lang na nakatingin sa amin si Conrad na mababanaag din ang emosyon sa mga mata niya."Kumusta ka na pamangkin ko? Patawad! Sana mapatawad mo ako!" Humahagulhol na sambit ni Tiyang kay
Matapos namin kumain ng breakfast at nakapaghanda para tumungong San Agustin ay di ko inaasahan ang biglaang pagdating ni Tita Charo."Lala Charoooo!" Tuwang tuwa itong sinalubong ni Connor at ganoon din ako."Tita!" Kapwa kami napayakap sa kanya."Naku! Namiss ko kayong dalawa. Ang isang gabi ay para ng isang linggo." Emosyonal na sambit nito."Welcome po kayo rito. Feel at home lang po." Magalang na ani ni Conrad at nagmano kay tita na ikinangiti naman nito. Inutusan nito ang driver at isang tauhan niya na bitbitin ang malalaking bag na dala ni tita. "Ang dami mo namang gamit na dala ta." Wala sa sariling sambit ko nang mapuna ang mga ito."Hindi ko lang mga gamit iyan. Mga gamit yan natin, inutos daw nitong si Conrad ehh. Ibabahay na ata kayong mag ina. Nakipag agawan pa yan kay Keron para lang mapuntahan kayo nung gabi." Salaysay ni tita kaya napamaang akong nakatingin sa lalaking napakamot pa sa ulo niya na parang nahihiya."Total naman nakahanda na ang paglipat ninyo kaya ipina
Dahil sa sinabi niya ay halos nabuhay ang diwa ko sa buong magdamag. Paano ba namang hindi? Conrad was talking about marriage and building our own family. Para akong nanaginip. Napakabiglaan ng lahat at di ko aakalaing iaalok niya ang ganoon kaseryosong bagay.Dahil lang ba talaga ito kay Connor? O baka may mas malalim pang dahilan?Napapikit ako sa sariling kaisipan at marahang tinampal ang umiinit na pisngi ko dahil sa pagiging ilusyonada. Dahil kahit magdeny pa 'ko, alam ko sa sarili kong umaasa ako na minamahal pa rin ako ng puso niya gaya ng naunawaan ko sa mga sinabi niya kanina.At ang kaba, takot at pag aalinlangan ay napawi lahat sa isang iglap lang. Mahirap man magtiwala ngunit sa salita pa lang niyang iyon ay parang nanumbalik ang lakas kong ipaglaban ang naudlot na pagmamahalan namin noon. Unti unting napapawi ang kaduwagan at takot ko para sa kaligtasan ni Connor dahil nagtiwala at kumakapit ako na poprotektahan kami ni Conrad gaya ng pangako niya.Dahil sa sobrang daming
"Aba'y oo naman! Di lang yun, ipagluluto rin kita ng paborito mong kakanin nang matikman din nitong maganda mong asawa. Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" Inosenteng tanong ni Manang na walang ka alam alam sa nangyayari."Uhmmm Zelena po Manang." Tipid na sagot ko lang at iniwas na ang mga mata sa mapanuksong lalaki."Aba'y kaygandang pangalan, kasing ganda mo. Naku! Kung ako sa inyong dalawa, hangga't bata pa kayo eh mag anak kayo ng marami nang sa gayun dadami ang magagandang lahi ninyo." Ngiting ngiti na turan ni Manang na sinang ayunan naman ni Conrad.Gosh! Inaasar ba ako ng lalaking ito? Kaya naman para makaiwas na sa pang iinis o kung anumang pantitrip niya ay minadali ko ang pag ubos sa pagkain ko at nauna ng tumayo sa kanila.Hawak hawak ko ang dibdib nang makalabas ng kusina. Kokomprontahin ko talaga siya ngayon kung bakit niya iyon sinasabi. Anong klaseng pantitrip ba ang gusto niya. Hindi na nakakatuwa dahil yung puso kong marupok ay umaasa na naman.Upang pakalmahin ang n
Kita ko ang nag uumapaw na kagalakan at kasiyahan sa mga mata niya nang aminin kong siya ang ama ni Connor at nabuo ang bata noong nagkakilala kami sa San Agustin, kung saan siya nangupahan ng halos dalawang buwan lang. Na ganoon lang kami kadaling nagkapalagayan ng loob at nagkaroon ng relasyon. Ngunit ganoon din kabilis na naglaho ang masayang ala ala namin na magkasama nang bigla na lamang siyang nawala sa ere na parang bula. At yun pala ay naaksidente siya ayon na rin sa kwento ni Jonas.Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Sobra din siyang nagulantang sa narinig."So it's all for real? And I am using the name Cole Perez? Kaya pala may time noon na nilapitan ako ng magkaibang babae at tinawag sa ganyang pangalan. But why? Bakit nagpakilala ako sa ibang katauhan? " Garalgal ang boses na tanong niya.Marahan lang akong tumango at di rin naitago ang pagiging emosyonal. "Siguro nagpanggap kang ibang tao dahil ayaw mo ng balikan ang buhay mo bilang isang Conrad Lexus Farris. Kw
( Zelena's POV )"Nasaan tayo?" Ito ang unang tanong ko sa kanya matapos magising mula sa mahabang pagkakatulog. Dahil sa labis na katahimikan namin sa biyahe matapos ang emosyonal na sagutan kanina ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Maging si Connor ay mahimbing at malalim na rin ang tulog."Batangas." Tipid na sagot niya na tutok na tutok ang mga mata sa pagmamaneho.Napalunok ako ng mariin habang tinitingnan ang tinatahak naming daan. Sa dami ng punong kahoy ay alam kong malayo na nga kami sa Maynila.Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero isa lang ang alam kong sigurado, kinakabahan ako ng sobra ngunit di ko rin maikakaila ang kakaibang galak sa puso ko.Ganoon pa man, kailangan kong manatiling pormal at kalmado sa harapan niya. Alam kong mapag uusapan na namin ang lahat tungkol sa nakaraan dahil wala na naman akong takas pa. Ngunit hanggang doon lang din iyon. Hindi na ako aasa pang manunumbalik pa kami sa dati kahit na may anak kaming mag uugnay sa 'min. Itinatak ko
( Conrad's POV )"Papa! Papa!"Nagulat ako nang makita ang isang batang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa isang fastfood.At nang tuluyan itong makalapit at magpang abot ang mga mata namin, ay nakaramdam ako ng bolta boltaheng di maipaliwanag na emosyon sa puso ko.Di ko magawang ialis ang mga mata sa mukha ng inosenteng bata na alam kong napakapamilyar sa 'kin at nakita ko na noon! Fuck! It's because I saw my old self to him, when I was a kid just like his age. Na hanggang ngayon ay nakatago pa ang larawan kong iyon sa wallet ko."Who is he? Damn! Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa batang ito?" My mind shouted. I want to touch and caress this kid's face.At mas lalong nagwala ang damdamin ko nang tarantang lumapit ang ina ng bata.Fuck! It's Zelena....Of all woman ay siya pa talaga!? Kaya mas lalo lang namuhay ang kuryosidad ko. I can't even blink habang nakatutok ang mga mata sa mag ina. Ni hindi ko na halos marinig ang sinasabi ni Zelena dahil sa pagwawala ng damdamin ko.Para la