Di ko alam kung paano ko natapos ang duty sa buong araw na ang sama sama ng loob ko. Hindi na rin kami muling nagkita pa ni Conrad na siyang ipinagpapasalamat ko. Sana man lang magkaroon siya ng kaunting ideya sa mga sinabi ko.Sana nga.....Dahil absent naman si Rina ay mas lalo akong naging matamlay dahil wala akong makausap na pwedeng pagbalingan ng atensyon. Nagmadali akong lumabas ng locker matapos makapagpalit ng masusuot.Halos patakbo pa akong humakbang papalabas ng entrance sa kagustuhang makauwi na.Nakalabas na ako nang biglang magring ang cellphone ko. Sinagot ko rin ito kaagad nang makitang tumatak ang pangalan ni Keron."Hi Ze, I'm here!"Sambit nito agad kaya nagpalinga linga ako sa paligid. Nakita ko itong nakatayo at kumakaway sa pinupwestuhan nito sa tuwing sinusundo niya ako kaya binaba ko na ang tawag. Ang daming trip talaga!Tipid akong napangiti habang naglalakad papalapit sa kanya."I'm back! Did you miss me?" Anitong abot tainga ang ngiti kaya napailing nalang a
Pumasok pa rin ako sa hotel kinabukasan. Hindi naman ako ang nakaschedule na maglilinis ngayon sa opisina ni Conrad kaya walang dahilan para makita ko siya, na ayaw ko naman ding mangyari talaga matapos ang paghaharap naming iyon kahapon.Ano namang akala niya? Na porke't may nangyari sa 'min ay maging sunod sunuran nalang ako ng ganoon kadali? At talagang pinagsalitaan niya pa ako ng masakit!At buti nalang na mukhang parehas naman kami ng gusto dahil di na ulit lumapit sa 'kin ang sekretarya niya gaya ng ginawa nun kahapon."Jusko Ze, ayaw ko na talagang umulit! Pakiramdam ko hanggang ngayon may tama pa rin ng alak ang ulo ko. First time ko nakainom ng ganoon karami." Palatak ni Rina. Naalala na naman nito ang nangyari noong isang gabi.Kasalukuyang lunch break namin ngayon at gaya ng nakagawian ay dito lang kami sa locker kumakain dahil may baon naman kami."Buti naisip mo yan. Kumusta na pala kayo ni Matt?" Tanong ko sa abogadong kameet up niya."Ayon, nagkakachat pa rin kami pero
Ngiting ngiti si Keron sa buong biyahe. Proud na proud siya na effective raw ang plano niyang pagpapanggap namin dahil halata raw na sobrang nagseselos si Conrad."Huwag mo nga akong paasahin. Alam mo ng may fiance na yung tao." Seryosong turan ko.Pero sa kaloob looban ko ay di ko rin naman maiwasang umasa lalo na matapos marinig ang mga sinabi niya kanina."I'm just telling you what I saw Ze. Lalaki ako, kaya alam na alam ko ang pakiramdam." Aniya pa kaya di na ako nagkomento. Ayaw ko ng mag isip pa ng kung anu ano dahil nga napakahirap umasa kaya naman napagpasyahan kong ibaling nalang sa ibang paksa ang usapan."Siyangapala Happy Birthday! Pag iipunan ko na muna yung gift ko sayo." Medyo nahihiyang sambit ko pero matamis itong napangiti."Huwag mo ng isipin yon. Tsaka yan lang ba? Wala bang birthday kiss?" Biro nito kaya sinamaan ko ng tingin na siyang ikinahalakhak niya."Joke lang eh, ang hirap mo talagang biruin." Tawang tawa pa ang loko kaya sinimangutan ko pa."Nakakatawa yon
Nang makarating kami sa mansyon ng mga Farris ay walang paglagyan sa magkahalong kaba at excitement ang puso ko. Tunay ngang napakayaman nila. Napakalaki at napakaganda ng kanilang mansyon kahit sa labas pa lamang ang nakikita ko. May maraming mga bisita na rin sa kanilang malawak na bakuran.At yung abnormal kong mga mata kagaya ng puso kong tanga ay hinanap agad ang mukha ng lalaking di mawala wala sa isipan ko. "Gaga! Sa dami ng tao eh paano mo ba naman makikita eh nasa loob ka pa ng sasakyan!" Saway ko sa sarili sa aking isipan.Pero kahit nakapark na ang sasakyan ay di ko pa rin magawang bumaba dahil namuhay na naman yung pagwawala ng damdamin ko dahil sa kaba."Ma'am?" Takang tanong ng driver nang di ko magawang kumilos.At bago pa man ako tuluyang lukubin ng kaba at kahihiyan ay nakita ko si Keron na naglalakad papalapit sa sasakyan kaya binuksan na ito ni kuyang driver.Kita ko kaagad ang pag awang ng labi nito nang tuluyang makalapit."Woooh! I'm speechless!" Manghang mangha
"I don't know what to say. But to tell you, mas nakakabuting nakalimutan ka niya keysa mapahamak kayo ng anak mo." Sa wakas ay nakapagsalita rin siya. Kapwa kami muling naupo.Emosyonal akong napatanga sa sinabi niya, naguguluhan din ng sobra."Mapahamak? A--- anong ibig mong sabihin? Paano mo naaatim na sabihin yan gayung may bata ng nadamay?" Ani ko, sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib. Napahilot ito sa sintido niya na tila ba nag iisip ng malalim."Napakarami kong hirap na pinagdaanan sa panahong naglaho na parang bula ang kaibigan mo. He left without knowing that I'm pregnant. Pero lahat yun kinaya ko alang alang sa batang nasa sinapupunan ko. Hindi naman ako manggugulo eh, gusto ko lang ng kasagutan sa lahat lalo na ngayong lumalaki na ang anak ko at nangungulila na sa ama niyang ni maski pangalan ko ay di man lang matandaan." Emosyonal na pahayag ko habang walang tigil sa pagbuhos ang aking mga luha."You know, it's also very hard for me! Pinilit kong huwag ng isipin pa ang n
Samo't sari ang emosyong nararamdaman ko nang maliwanagan sa lahat lahat. Umalis na si Jonas matapos namin mag usap habang ako'y nanatili lang sa kinauupuan at patuloy sa pag iyak. Parang walang saysay ang magandang ayos ko ngayong gabi dahil wala na akong ibang gustong gawin ngayon kundi umuwi at ipahinga ang pagod na puso at isipan.Sobra pa akong namuhi noon kay Conrad. Yun pala, sa aming dalawa ay siya ang mas nakakaawa. Hindi siya nagsinungaling noon, totoong mahal niya ako. Totoo lahat ng pinapakita't pinaparamdam niya at hindi iyon pagpapanggap lang. Sadyang kinain lang ako ng sama ng loob dahil akala ko ay basta basta niya nalang akong tinalikuran at iniwan.Pero mali pala ako ng inakala. Maling mali. At mas doble doble pa ang sakit dahil hindi na kami magiging masaya ulit. Hindi na iyon kailan man mangyayari ulit. Sadyang hiram lang ang mga sandaling iyon. Langit at lupa ang pagitan namin at ang kagaya ko'y hindi kailanman nababagay sa kanya. Isang katulad ni Lorraine ang nar
( Lorraine's POV )"The hell Jessa, kanina pa ako naghihintay rito!" Pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko sa inis dahil hanggang ngayon ay hindi ko na mahagilap ulit si Conrad. Kanina lang ay nandito yon tapos biglang nawala. At sa rami ng mga bisita ng pesteng Keron na yon ay hirap na akong hanapin ulit ang lalaki. Ilang minuto na akong nag aabang ngunit maski anino niyon ay di ko na ulit nakita pa."Atat na atat ka na naman eh! Alam mo namang napakailap nung ex mo. Tinutulungan na nga kita di ba?" Maarteng sagot ng pinsan ko. Kandahaba rin ang leeg nito kakahanap kay Conrad."Who told you that he's my ex? Hindi pa kami naghihiwalay." Buong loob na sagot ko sabay tungga ng baso ng wine na hawak ko. Sa tuwing naiisip ko ang sinabing iyon ni Conrad sa 'kin ay nag aalburuto ako sa galit.The nerve! Hinding hindi ko iyon kailanman matatanggap. Anong akala niya na basta basta na lang akong susuko? Hindi ako magpapakatanga ng limang taon kung wala akong mapapala sa lalaking noon ko pa pina
( Conrad's POV )"Oh Fuck!"Napamura ako nang maramdaman ang pagsakit ng ulo ko."Are you okay babe?" Isang boses ng babae ang narinig ko kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata.Napaawang ako nang mabungaran ang mukha ni Lorraine sa tabi ko."Goodmorning babe!" Nakangiting bati nito habang nakatakip ng kumot ang katawan.Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa pagkagulat. At mas lalo lang akong nataranta nang makitang hubo't hubad ako at wala ring anumang suot na saplot sa katawan.Papaanong!?"What the fuck Lorraine! What are you doing here!?" Asik ko habang nagmamadaling pinulot ang nakakalat na boxer, pantalon at t- shirt at isinuot ito agad.Kalmado naman itong umupo sa kama na nagingiti pa. "Why you look furious babe? Samantalang kagabi panay ungol ka. Aren't you happy na sa wakas naisuko ko na sayo ang pagkababae ko?" Kampanteng sagot nito kaya mas lalo akong napamura sa isipan.Damn! How come?Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi ngunit di ko naman maalala na nag
Conrad held my waist habang karga karga nito si Connor sa matipuno niyang braso. Lahat ng mga kasambahay nila sa mansyon ay nanlaki ang mga mata na halatang gulat na gulat at puno ng pagtatakang nakatingin sa amin.Nakakaasiwa man ang tipo ng titig nila ngunit di ko inaasahang mas malala pa ang magiging reaksyon ng dad niya at ng mommy ni Keron. Napaawang din si Keron nang makita kami pero ngumiti rin ito sa 'kin na ginantihan ko naman. Pero di ko napaghandaan ang biglaang pagtayo ni Lorraine sabay turo sa amin sa nanlilisik na mga mata.At ano namang ginagawa ng babaeng ito dito? Akala ko family dinner ito!"What is this Conrad!? Bakit kasama mo yang pobreng janitress ng hotel mo? At yang bata...." Puno ng gigil na asik ng matapobreng babae pero sinamaan ito ng tingin ni Conrad at puno ng gigil na pinagbantaan."Just fucking stop Lorraine! Kung wala kang respeto sa sarili mo, respetuhin mo ang mag ina ko." Buong loob na sambit ni Conrad.Irritableng umupo muli ang babae na kita na a
"Baby, may ipapadala akong box diyan sa tauhan ko. It's for you and Connor, susuotin ninyo ngayong gabi." Wika ni Conrad sa kabilang linya.Magmula ng umuwi kami ng San Agustin ay pumirmi na muna siya sa Maynila dahil may mahalaga raw na aasikasuhin. Habang kami nina Connor at Tita Charo ay dito na nanatili sa resthouse niya sa Batangas. Di na rin naman ako nag isip ng anupaman o nagbusisi pa dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya. At syempre halos oras oras naman itong nagtetext o di kaya'y tumatawag dahil namimiss niya raw kami sa bawat minuto. Medyo OA man pakinggan but maybe ganito lang siya magpakita at magparamdam ng pagmamahal na sobra ko namang na- aapreciate."Bakit? May okasyon ba? Anong meron ngayong gabi?" Nagtatakang tanong ko pero sa malambing na boses."Magdidinner tayo sa bahay. Dumating na kaninang umaga sina daddy. Gusto ko na kayong pormal na ipakilala sa kanila and please don't get nervous or afraid dahil nandito ako baby, I will always protect the two of you!"
At gaya nga ng mariing sinabi at pangako ni Conrad, pormal kaming humarap kami kina Tiyang. Sobrang nagwawala ang puso ko nang nasa harapan ng luma nilang bahay at naabutan si Tiyang na naglalabada. Mangha at gulat na gulat ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Ze---- Zelena?" Di makapaniwalang turan nito at pansin ko kaagad ang namumuong mga luha sa mga mata nito."Tiyang....."Emosyonal akong lumapit at kinuha ang basang kamay niya na dali dali niyang pinunasan bago ito inilahad sa akin at nagmano.Di ko mapigilan maging emosyonal habang nakatitig sa mukha nitong pinaglipasan na ng panahon. Marami na itong puting buhok sa ulo at kulubot na rin ang mataray nitong mukha.At di ko na napigilan ang sariling mapaluha nang ito na mismo ang kusang yumakap sa akin at una pang humagulhol ng iyak.Tahimik lang na nakatingin sa amin si Conrad na mababanaag din ang emosyon sa mga mata niya."Kumusta ka na pamangkin ko? Patawad! Sana mapatawad mo ako!" Humahagulhol na sambit ni Tiyang kay
Matapos namin kumain ng breakfast at nakapaghanda para tumungong San Agustin ay di ko inaasahan ang biglaang pagdating ni Tita Charo."Lala Charoooo!" Tuwang tuwa itong sinalubong ni Connor at ganoon din ako."Tita!" Kapwa kami napayakap sa kanya."Naku! Namiss ko kayong dalawa. Ang isang gabi ay para ng isang linggo." Emosyonal na sambit nito."Welcome po kayo rito. Feel at home lang po." Magalang na ani ni Conrad at nagmano kay tita na ikinangiti naman nito. Inutusan nito ang driver at isang tauhan niya na bitbitin ang malalaking bag na dala ni tita. "Ang dami mo namang gamit na dala ta." Wala sa sariling sambit ko nang mapuna ang mga ito."Hindi ko lang mga gamit iyan. Mga gamit yan natin, inutos daw nitong si Conrad ehh. Ibabahay na ata kayong mag ina. Nakipag agawan pa yan kay Keron para lang mapuntahan kayo nung gabi." Salaysay ni tita kaya napamaang akong nakatingin sa lalaking napakamot pa sa ulo niya na parang nahihiya."Total naman nakahanda na ang paglipat ninyo kaya ipina
Dahil sa sinabi niya ay halos nabuhay ang diwa ko sa buong magdamag. Paano ba namang hindi? Conrad was talking about marriage and building our own family. Para akong nanaginip. Napakabiglaan ng lahat at di ko aakalaing iaalok niya ang ganoon kaseryosong bagay.Dahil lang ba talaga ito kay Connor? O baka may mas malalim pang dahilan?Napapikit ako sa sariling kaisipan at marahang tinampal ang umiinit na pisngi ko dahil sa pagiging ilusyonada. Dahil kahit magdeny pa 'ko, alam ko sa sarili kong umaasa ako na minamahal pa rin ako ng puso niya gaya ng naunawaan ko sa mga sinabi niya kanina.At ang kaba, takot at pag aalinlangan ay napawi lahat sa isang iglap lang. Mahirap man magtiwala ngunit sa salita pa lang niyang iyon ay parang nanumbalik ang lakas kong ipaglaban ang naudlot na pagmamahalan namin noon. Unti unting napapawi ang kaduwagan at takot ko para sa kaligtasan ni Connor dahil nagtiwala at kumakapit ako na poprotektahan kami ni Conrad gaya ng pangako niya.Dahil sa sobrang daming
"Aba'y oo naman! Di lang yun, ipagluluto rin kita ng paborito mong kakanin nang matikman din nitong maganda mong asawa. Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" Inosenteng tanong ni Manang na walang ka alam alam sa nangyayari."Uhmmm Zelena po Manang." Tipid na sagot ko lang at iniwas na ang mga mata sa mapanuksong lalaki."Aba'y kaygandang pangalan, kasing ganda mo. Naku! Kung ako sa inyong dalawa, hangga't bata pa kayo eh mag anak kayo ng marami nang sa gayun dadami ang magagandang lahi ninyo." Ngiting ngiti na turan ni Manang na sinang ayunan naman ni Conrad.Gosh! Inaasar ba ako ng lalaking ito? Kaya naman para makaiwas na sa pang iinis o kung anumang pantitrip niya ay minadali ko ang pag ubos sa pagkain ko at nauna ng tumayo sa kanila.Hawak hawak ko ang dibdib nang makalabas ng kusina. Kokomprontahin ko talaga siya ngayon kung bakit niya iyon sinasabi. Anong klaseng pantitrip ba ang gusto niya. Hindi na nakakatuwa dahil yung puso kong marupok ay umaasa na naman.Upang pakalmahin ang n
Kita ko ang nag uumapaw na kagalakan at kasiyahan sa mga mata niya nang aminin kong siya ang ama ni Connor at nabuo ang bata noong nagkakilala kami sa San Agustin, kung saan siya nangupahan ng halos dalawang buwan lang. Na ganoon lang kami kadaling nagkapalagayan ng loob at nagkaroon ng relasyon. Ngunit ganoon din kabilis na naglaho ang masayang ala ala namin na magkasama nang bigla na lamang siyang nawala sa ere na parang bula. At yun pala ay naaksidente siya ayon na rin sa kwento ni Jonas.Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Sobra din siyang nagulantang sa narinig."So it's all for real? And I am using the name Cole Perez? Kaya pala may time noon na nilapitan ako ng magkaibang babae at tinawag sa ganyang pangalan. But why? Bakit nagpakilala ako sa ibang katauhan? " Garalgal ang boses na tanong niya.Marahan lang akong tumango at di rin naitago ang pagiging emosyonal. "Siguro nagpanggap kang ibang tao dahil ayaw mo ng balikan ang buhay mo bilang isang Conrad Lexus Farris. Kw
( Zelena's POV )"Nasaan tayo?" Ito ang unang tanong ko sa kanya matapos magising mula sa mahabang pagkakatulog. Dahil sa labis na katahimikan namin sa biyahe matapos ang emosyonal na sagutan kanina ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Maging si Connor ay mahimbing at malalim na rin ang tulog."Batangas." Tipid na sagot niya na tutok na tutok ang mga mata sa pagmamaneho.Napalunok ako ng mariin habang tinitingnan ang tinatahak naming daan. Sa dami ng punong kahoy ay alam kong malayo na nga kami sa Maynila.Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero isa lang ang alam kong sigurado, kinakabahan ako ng sobra ngunit di ko rin maikakaila ang kakaibang galak sa puso ko.Ganoon pa man, kailangan kong manatiling pormal at kalmado sa harapan niya. Alam kong mapag uusapan na namin ang lahat tungkol sa nakaraan dahil wala na naman akong takas pa. Ngunit hanggang doon lang din iyon. Hindi na ako aasa pang manunumbalik pa kami sa dati kahit na may anak kaming mag uugnay sa 'min. Itinatak ko
( Conrad's POV )"Papa! Papa!"Nagulat ako nang makita ang isang batang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa isang fastfood.At nang tuluyan itong makalapit at magpang abot ang mga mata namin, ay nakaramdam ako ng bolta boltaheng di maipaliwanag na emosyon sa puso ko.Di ko magawang ialis ang mga mata sa mukha ng inosenteng bata na alam kong napakapamilyar sa 'kin at nakita ko na noon! Fuck! It's because I saw my old self to him, when I was a kid just like his age. Na hanggang ngayon ay nakatago pa ang larawan kong iyon sa wallet ko."Who is he? Damn! Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa batang ito?" My mind shouted. I want to touch and caress this kid's face.At mas lalong nagwala ang damdamin ko nang tarantang lumapit ang ina ng bata.Fuck! It's Zelena....Of all woman ay siya pa talaga!? Kaya mas lalo lang namuhay ang kuryosidad ko. I can't even blink habang nakatutok ang mga mata sa mag ina. Ni hindi ko na halos marinig ang sinasabi ni Zelena dahil sa pagwawala ng damdamin ko.Para la