Salamat po ng marami sa suporta ninyo! Happy holidays mga mommy na suki kong tagasubaybay..Love you all..
Pumasok pa rin ako sa hotel kinabukasan. Hindi naman ako ang nakaschedule na maglilinis ngayon sa opisina ni Conrad kaya walang dahilan para makita ko siya, na ayaw ko naman ding mangyari talaga matapos ang paghaharap naming iyon kahapon.Ano namang akala niya? Na porke't may nangyari sa 'min ay maging sunod sunuran nalang ako ng ganoon kadali? At talagang pinagsalitaan niya pa ako ng masakit!At buti nalang na mukhang parehas naman kami ng gusto dahil di na ulit lumapit sa 'kin ang sekretarya niya gaya ng ginawa nun kahapon."Jusko Ze, ayaw ko na talagang umulit! Pakiramdam ko hanggang ngayon may tama pa rin ng alak ang ulo ko. First time ko nakainom ng ganoon karami." Palatak ni Rina. Naalala na naman nito ang nangyari noong isang gabi.Kasalukuyang lunch break namin ngayon at gaya ng nakagawian ay dito lang kami sa locker kumakain dahil may baon naman kami."Buti naisip mo yan. Kumusta na pala kayo ni Matt?" Tanong ko sa abogadong kameet up niya."Ayon, nagkakachat pa rin kami pero
Ngiting ngiti si Keron sa buong biyahe. Proud na proud siya na effective raw ang plano niyang pagpapanggap namin dahil halata raw na sobrang nagseselos si Conrad."Huwag mo nga akong paasahin. Alam mo ng may fiance na yung tao." Seryosong turan ko.Pero sa kaloob looban ko ay di ko rin naman maiwasang umasa lalo na matapos marinig ang mga sinabi niya kanina."I'm just telling you what I saw Ze. Lalaki ako, kaya alam na alam ko ang pakiramdam." Aniya pa kaya di na ako nagkomento. Ayaw ko ng mag isip pa ng kung anu ano dahil nga napakahirap umasa kaya naman napagpasyahan kong ibaling nalang sa ibang paksa ang usapan."Siyangapala Happy Birthday! Pag iipunan ko na muna yung gift ko sayo." Medyo nahihiyang sambit ko pero matamis itong napangiti."Huwag mo ng isipin yon. Tsaka yan lang ba? Wala bang birthday kiss?" Biro nito kaya sinamaan ko ng tingin na siyang ikinahalakhak niya."Joke lang eh, ang hirap mo talagang biruin." Tawang tawa pa ang loko kaya sinimangutan ko pa."Nakakatawa yon
Nang makarating kami sa mansyon ng mga Farris ay walang paglagyan sa magkahalong kaba at excitement ang puso ko. Tunay ngang napakayaman nila. Napakalaki at napakaganda ng kanilang mansyon kahit sa labas pa lamang ang nakikita ko. May maraming mga bisita na rin sa kanilang malawak na bakuran.At yung abnormal kong mga mata kagaya ng puso kong tanga ay hinanap agad ang mukha ng lalaking di mawala wala sa isipan ko. "Gaga! Sa dami ng tao eh paano mo ba naman makikita eh nasa loob ka pa ng sasakyan!" Saway ko sa sarili sa aking isipan.Pero kahit nakapark na ang sasakyan ay di ko pa rin magawang bumaba dahil namuhay na naman yung pagwawala ng damdamin ko dahil sa kaba."Ma'am?" Takang tanong ng driver nang di ko magawang kumilos.At bago pa man ako tuluyang lukubin ng kaba at kahihiyan ay nakita ko si Keron na naglalakad papalapit sa sasakyan kaya binuksan na ito ni kuyang driver.Kita ko kaagad ang pag awang ng labi nito nang tuluyang makalapit."Woooh! I'm speechless!" Manghang mangha
"I don't know what to say. But to tell you, mas nakakabuting nakalimutan ka niya keysa mapahamak kayo ng anak mo." Sa wakas ay nakapagsalita rin siya. Kapwa kami muling naupo.Emosyonal akong napatanga sa sinabi niya, naguguluhan din ng sobra."Mapahamak? A--- anong ibig mong sabihin? Paano mo naaatim na sabihin yan gayung may bata ng nadamay?" Ani ko, sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib. Napahilot ito sa sintido niya na tila ba nag iisip ng malalim."Napakarami kong hirap na pinagdaanan sa panahong naglaho na parang bula ang kaibigan mo. He left without knowing that I'm pregnant. Pero lahat yun kinaya ko alang alang sa batang nasa sinapupunan ko. Hindi naman ako manggugulo eh, gusto ko lang ng kasagutan sa lahat lalo na ngayong lumalaki na ang anak ko at nangungulila na sa ama niyang ni maski pangalan ko ay di man lang matandaan." Emosyonal na pahayag ko habang walang tigil sa pagbuhos ang aking mga luha."You know, it's also very hard for me! Pinilit kong huwag ng isipin pa ang n
Samo't sari ang emosyong nararamdaman ko nang maliwanagan sa lahat lahat. Umalis na si Jonas matapos namin mag usap habang ako'y nanatili lang sa kinauupuan at patuloy sa pag iyak. Parang walang saysay ang magandang ayos ko ngayong gabi dahil wala na akong ibang gustong gawin ngayon kundi umuwi at ipahinga ang pagod na puso at isipan.Sobra pa akong namuhi noon kay Conrad. Yun pala, sa aming dalawa ay siya ang mas nakakaawa. Hindi siya nagsinungaling noon, totoong mahal niya ako. Totoo lahat ng pinapakita't pinaparamdam niya at hindi iyon pagpapanggap lang. Sadyang kinain lang ako ng sama ng loob dahil akala ko ay basta basta niya nalang akong tinalikuran at iniwan.Pero mali pala ako ng inakala. Maling mali. At mas doble doble pa ang sakit dahil hindi na kami magiging masaya ulit. Hindi na iyon kailan man mangyayari ulit. Sadyang hiram lang ang mga sandaling iyon. Langit at lupa ang pagitan namin at ang kagaya ko'y hindi kailanman nababagay sa kanya. Isang katulad ni Lorraine ang nar
( Lorraine's POV )"The hell Jessa, kanina pa ako naghihintay rito!" Pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko sa inis dahil hanggang ngayon ay hindi ko na mahagilap ulit si Conrad. Kanina lang ay nandito yon tapos biglang nawala. At sa rami ng mga bisita ng pesteng Keron na yon ay hirap na akong hanapin ulit ang lalaki. Ilang minuto na akong nag aabang ngunit maski anino niyon ay di ko na ulit nakita pa."Atat na atat ka na naman eh! Alam mo namang napakailap nung ex mo. Tinutulungan na nga kita di ba?" Maarteng sagot ng pinsan ko. Kandahaba rin ang leeg nito kakahanap kay Conrad."Who told you that he's my ex? Hindi pa kami naghihiwalay." Buong loob na sagot ko sabay tungga ng baso ng wine na hawak ko. Sa tuwing naiisip ko ang sinabing iyon ni Conrad sa 'kin ay nag aalburuto ako sa galit.The nerve! Hinding hindi ko iyon kailanman matatanggap. Anong akala niya na basta basta na lang akong susuko? Hindi ako magpapakatanga ng limang taon kung wala akong mapapala sa lalaking noon ko pa pina
( Conrad's POV )"Oh Fuck!"Napamura ako nang maramdaman ang pagsakit ng ulo ko."Are you okay babe?" Isang boses ng babae ang narinig ko kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata.Napaawang ako nang mabungaran ang mukha ni Lorraine sa tabi ko."Goodmorning babe!" Nakangiting bati nito habang nakatakip ng kumot ang katawan.Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa pagkagulat. At mas lalo lang akong nataranta nang makitang hubo't hubad ako at wala ring anumang suot na saplot sa katawan.Papaanong!?"What the fuck Lorraine! What are you doing here!?" Asik ko habang nagmamadaling pinulot ang nakakalat na boxer, pantalon at t- shirt at isinuot ito agad.Kalmado naman itong umupo sa kama na nagingiti pa. "Why you look furious babe? Samantalang kagabi panay ungol ka. Aren't you happy na sa wakas naisuko ko na sayo ang pagkababae ko?" Kampanteng sagot nito kaya mas lalo akong napamura sa isipan.Damn! How come?Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi ngunit di ko naman maalala na nag
( Zelena's POV )"Sigurado ka na ba sa pinaplano mo? Di na ba talaga mababago yan?" Paniniguro ni Tita Charo nang banggitin ko sa kanya ang binabalak ko."Opo tita. Kailangan ko na pong mailayo si Connor hangga't wala pang ibang nakakaalam ng lahat, bago pa man malaman ni Conrad at ng pamilya niya na nagkaanak kami. Ayaw ko pong madamay ang anak ko ta." Emosyonal na turan ko. Kinaumagahan palang ay Ikinuwento ko na kay tita ang lahat lahat ng nalaman ko kagabi. Sa sobrang bigat ng dibdib ko at gulo ng isipan ko, feeling ko mapapraning ako kung wala akong masabihan at malabasan ng saloobin.Nasapo nito ang noo bago umupo sa tabi ko. "Di naman sa nangingialam ako sa desisyon mo Ze, pero parang napakaunfair naman ata niyan kay Conrad. Isipin mo, naaksidente siya dahilan ng pagkawala ng ala ala niya, dahilan kung bakit hindi ka niya nabalikan at hindi niya napanindigan ang pagbubuntis mo. Siguradong kung hindi iyon nangyari sa kanya, buo at masaya sana kayo ngayon." Matapat na salaysay ni