Sorry sorry. Sinimulan ko na po kasi ang pagsusulat sa next book ko dahil sa totoo lang disappointed po ako sa result ng book na ito. Huhuhu as you can see kaunti lang po readers niya na halos mga loyal supporters ko lang kagaya ninyo ang nagbabasa. Ganoon pa man, tatapusin ko pa rin po ito hanggang dulo. Thank you for cheering up! Love you all po.
Naghuhumerentado man ang puso ko ngunit natagpuan ko pa rin ang sarili sa entrada ng hotel. Sobrang kabog ng puso ko habang naglalakad papasok sa loob. Tinawagan ko si Rina kanina para itanong kung pinapapasok din ba siya kaso hindi naman daw siya tinawagan ni Mrs. Tizon.Ibig sabihin kaya nito maaaring personal ang sadya sa 'kin ni Conrad? Dahil sa naaalala ko, siya pa ang nagsuggest kanina na huwag nalang akong pumasok kung masakit ang ulo ko pero bakit naman ata biglaang nagbago ang ihip ng hangin at siya pa ang nagpapatawag sa 'kin sa opisina niya?Di magkamayaw ang puso ko sa pagwawala sa kaisipang ito. Para akong naiihi dahil sa kaba na para bang first time namin magkakasama gayung kagabi lang ay buong magdamag akong natulog sa condo niya. Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ko nun dahil sa kalasingan!"Hmmmp ka bago bago mo sa trabaho umaabsent ka na kaagad! Pinapakita mo lang talaga kung gaano ka kairresponsable!"Natilihan ako nang salubungin ako ng galit na mga salita na i
( Conrad's POV )Hindi na ako umimik after saying those words. She didn't even dare to answer kaya mas lalo akong nainis. Ano namang inaakala ng babaeng ito? Na makikipaglapit ako sa kanya after she left me like an idiot? Damn! She's not even worth my time. Sana pala hinayaan ko nalang siya kagabi kung di man lang din pala siya marunong tumanaw ng utang na loob.Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung ginagawa akong parang tanga. Wala pang gumagawa sa 'kin ng ganoon. Never in my entire life!Kita ko ang pamumuo ng pawis sa noo niya habang inaayos ang sandamakmak na mga papeles. Pasimple ko itong sinusulyapan habang nakaupo sa swivel chair ko kaharap ang laptop.Tang ina, di ko mapigilan ang pamumuhay ng pagkalalaki ko habang nakatitig sa mukha nitong halatang pagod na pero ang ganda pa rin. Her sweaty looks made her even hottier.Damn! Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko dapat nararamdaman ito. I shouldn't appreciate her this way. She's Keron's girlfriend and I must stick to my plan.Si
( Zelena's POV )"Alas nuebe na Ze, hindi ka pa ba tapos riyan?" Nag- aalalang tanong ni Tita Charo sa kabilang linya. Kanina ay tinawagan ko na ito para ipaalam na matatagalan ako ng uwi dahil sa sandamakmak na pinapagawa ng Conrad na iyon. Bayad naman ang overtime ko pero ang nakakainis lang ay ang binilin nun na hindi ako puwedeng umuwi hanggat hindi ito natatapos.At anong karapatan kong umalma gayung empleyado lang naman niya ako, empleyadong nasa pinakamababang posisyon pa.Tila ba biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang nagulat ako kanina dahil lumabas ang pagkaistrikto nun na huling nangyari lang noong una kaming nagkatagpo sa napaka- awkward na sitwasyon. Yung pagiging istrikto na kasalungat sa pinapakita niyang concern at kabaitan sa pagtulong sa 'kin kagabi at kaninang umaga. "Patapos na rin ta, pasensiya ka na di kana naman nakauwi sa bahay mo." Malungkot na sambit ko. Kahit pa man kusang loob ang pagtulong nito sa 'min ay may mga panahon pa rin na gaya nito na nakakar
Parang biglang tumigil ang mundo ko sa oras na ito. Simpleng halik lang ang iginawad niya ngunit hinaplos nito ang buong puso ko. It's just a smack kiss pero para bang nakalimutan ko lahat ng pangungulila at pagkamuhi na pinagdaanan ko sa limang taon na iyon sa simpleng halik na ito.Nang maramdaman kong nilayo nito ang mukha ay saka pa lamang ako nagmulat ng mga mata."Damn! I'm.... sorry. Fuck! I can't help it." He uttered pero pipikit pikit na ang mga mata niya at marahan itong napasandal sa gilid ng elevator.Tanging paglunok lang ang naging reaksyon ko dahil na rin ng samo't saring emosyon. Alam ko namang lasing lang siya pero gustong maniwala ng puso ko na baka unti unti na 'kong naalala ng puso niya kahit malabo akong makilala ng isipan niya.Huminga ako ng malalim ng makitang napahilot ito sa kanyang sintido. Sakto namang bumukas na ang elevator sa pinakahuling palapag kaya wala na rin akong ibang nagawa pa kundi ang alalayan siya palabas hanggang sa makarating kami sa may park
[NOTE: Mature content ahead, not intended for young and minor readers.]Marahan kong ipinikit ang mga mata para namnamin ang bawat hagod ng labi niya. Sumisigaw ang kabilang parte ng utak ko na mali ito dahil nakatali na siya sa ibang babae. Ngunit di ko magawang tumutol dahil mas nangibabaw ang kagustuhan ng puso ko. I want this, I am longing for this for a long time.Martir, tanga o bobo man akong matatawag but what can I do? Alam na alam ko sa kaibuturan ng puso ko na mahal na mahal ko pa rin ang lalaking ito. Ang lalaking kauna unahan kong minahal at pinag alayan ng sarili ngunit siya rin mismong naging dahilan ng kauna unahang sakit na naranasan ko noon.At kahit gaano pa kahirap ang pinagdaanan ko sa limang taon na wala siya sa tabi ko, napatunayan ko ngayon na hindi kailanman kumupas ang pagmamahal kong iyon. Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Namumuhi ako sa kanya noon ng sobra pero sa araw araw na nakikita kong parang totoong nawalan talaga siya ng ala- ala at hindi basta
( Conrad's POV )Nagising ako nang makaramdam ng pagkirot ng ulo ko. Marahan kong kinapa ang babaeng kayakap ko kagabi ngunit nang unan lang ang mahawakan ko ay mabilis akong nagdilat ng mga mata.Damn! Where is she?Bumalikwas agad ako ng bangon at mabilisang sinuot ang boxer ko. Patakbo akong lumabas ng master's bedroom sa pag asang makikita ko lang siya sa may banyo, sala o di kaya'y sa kitchen. Ngunit nanlumo lang ako at nadismaya nang hindi ko makita ang mukha ng babaeng kinahuhumalingan ko.She's probably leaving without a word at hindi ko man lang namalayan ang pag alis niya. Fuck!Dismayado akong naupo sa sofa sabay hilot sa sintido ko. Nakainom ako kagabi pero hindi ako nakakalimot sa lahat ng nangyari. Bawat detalye ay sariwang sariwa lahat sa isipan ko. Alam na alam ko lahat dahil hindi naman talaga ako ganoon kalasing. It's just that, umandar lang talaga ang kapilyuhan sa utak ko kagabi nang makita ko sa mga mata niya na parang concern siya sa 'kin noong nagpang abot kami
( Zelena's POV )"Pinapautos ng boss na dalhin mo ito sa opisina niya." Mariing tugon ng sekretarya ni Conrad matapos ako nitong pababain kanina sa rooftop. Na maski si Ms. Jessa ay wala nagawa nang ito mismo ang ma- autoridad na nagsabing may ibang ipapagawa sa 'kin.Napalunok ako ng mariin. Matapos nang may mangyari sa amin kagabi ay hindi ko pa kayang makaharap si Conrad. Sobrang nahihiya ako, wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Pagkagising ko kaninang madaling araw ay para akong sinampal ng ilang libong beses sa kahangalang ginawa ko. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin. Na kahit alam kong mali ay di ko pa rin tinutulan."Ma'am, pwede po bang iutos niyo nalang po sa iba? May gagawin pa po kasi ako." Kinakabahang paliwanag ko. Bakit naman kasi ako pa? Sinasadya ba ito ng lalaki? Ngunit kumunot lang ang noo nito. "Wala ng mas mahalaga pa sa mismong utos ng presidente Ms. Agustino. Pakiusap, dalhin mo na kung ayaw mong dalawa tayong mawawalan ng trabaho." Wika nito kaya di na ak
Di ko alam kung paano ko natapos ang duty sa buong araw na ang sama sama ng loob ko. Hindi na rin kami muling nagkita pa ni Conrad na siyang ipinagpapasalamat ko. Sana man lang magkaroon siya ng kaunting ideya sa mga sinabi ko.Sana nga.....Dahil absent naman si Rina ay mas lalo akong naging matamlay dahil wala akong makausap na pwedeng pagbalingan ng atensyon. Nagmadali akong lumabas ng locker matapos makapagpalit ng masusuot.Halos patakbo pa akong humakbang papalabas ng entrance sa kagustuhang makauwi na.Nakalabas na ako nang biglang magring ang cellphone ko. Sinagot ko rin ito kaagad nang makitang tumatak ang pangalan ni Keron."Hi Ze, I'm here!"Sambit nito agad kaya nagpalinga linga ako sa paligid. Nakita ko itong nakatayo at kumakaway sa pinupwestuhan nito sa tuwing sinusundo niya ako kaya binaba ko na ang tawag. Ang daming trip talaga!Tipid akong napangiti habang naglalakad papalapit sa kanya."I'm back! Did you miss me?" Anitong abot tainga ang ngiti kaya napailing nalang a