Spoiler: Exciting ang susunod chapter. Haha feeling ko nahuhulaan niyo na. Thank your for patiently waiting. Love you all po <3
Usok ng sigarilyo, nakakabinging musika at mga mayayamang personalidad ang bumungad sa amin ng makapasok. Halos mapaawang ako nang makilala ang ibang mga artista at modelo na sa telebisyon ko lang nakikita. They're partying and drinking like there's no other people around."Oh my goodness! Hala di ba mga artista yon?" Tili ni Rina sabay nguso sa direksyon ng grupong tinitingnan ko rin. Kagaya ko'y di rin ito makapaniwala sa mga nakikita."This bar is high end and exclusive kaya maraming mga celebraties ang nagpaparty dito." Si Matthew na ang sumagot habang iginigiya kami nito sa isang malaking couch. At parang nagdadalawang isip pa akong umupo nang makita ang isang lalaki na mukhang kasamahan nito."Hi," Bati nito sa min ni Rina na simple ko lang na nginitian. He looks good, neat tingnan. Tipong parang disenteng professor ang hitsura."This is Ray, my friend. Huwag kayong mailang ah, we're good gentleman. You may sit down now ladies." Pakilala ni Matthew sa kaibigan nito bago kami naup
( Conrad's POV )"Hu--- huwag na po! Kaya ko po umuwi sir," Garagal at nauutal ang boses na tanggi nito. Pulang pula na ang mga mata niya dahil sa pag iyak kaya di ko maiwasang makaramdam ng kung anong kirot sa puso ko habang nakatitig sa maamo at napakaganda nitong mukha.Base sa sinasabi ng babaeng ito kanina, I guess she's not totally moving on from her past. Di kaya'y ang tinutukoy niya ay ang ama ng anak niya? At bakit nga ba siya iniwan ng tarantadong yon kung ganun? What about Keron? Ginawa niya lang bang panakip butas ang step brother kong iyon?"You're literally drunk. It's not good na magcommute ka na ganyan ang itsura mo. Let's go." Ngayo'y kalmado na ang boses ko para di naman ito makaramdam ng pagkailang.Kaso mariin pa rin itong umiling at pinaninindigan ang pagtanggi niya. Hawak hawak pa nito ang ulo."Hindi hindi po, huwag na po." Anito pa kaya napabuga ako ng hangin.Bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako gayung halos lahat ng babaeng nakakasalamuha ko ay nagkakandarap
( Zelena's POV )Naalimpungatan ako nang maramdaman ang sinag na araw na tumama sa balat ko. Di ko pa man lang tuluyang naibuka ang aking mga mata ay napahilot na 'ko sa sintido kong sobrang sakit."Ouch!" Mahinang d***g ko. Resulta na ito sa rami ng alak na nainom ko kagabi. Kung bakit ba naman kasi napasobra ako gayung hindi naman ako sanay.Teka! Kagabi!?Napaawang ako bigla nang unti unting inalala ang mga nangyari kagabi. Tuluyan kong ibinuka ang mga mata at halos mapatalon ako nang makita ang malaking kamang hinihigaan ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng maaliwalas at marangyang kwarto. Shit! Hindi ito ang apartment na tinitirhan namin. Ibig sabihin hindi ako nakauwi kagabi? Goodness! Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Tita Charo at Connor.Napabalikwas ako ng bangon habang parang tambol sa pagdagundong ang puso ko.Oh shit! Nasaan ako? Natutop ko ang bibig nang biglang sumulpot sa isipan ko ang mukha ng lalaking huli kong na
"Sir, aalis na po ako. Ma--- maraming salamat po." Agad na paalam ko pagkatapos kumain. Hindi na rin ako nag offer na maghugas ng pinggan dahil may dishwasher naman siya, pero tumulong naman akong magligpit kahit tinutulan niya."Ihahatid na kita." Mariing alok niya kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano makakatanggi dahil mukhang desidong desidido siya."Let's go?" Ulit niya at nauna na sa may maindoor. Napakagat nalang ako ng ibabang labi bago sumunod. Akala ko mauuna siyang lumabas ngunit tumigil ito at pinauna ako bago ito lumabas at sinarado ang unit niya.Nagpapakagentleman na naman ang loko! Pero hindi, kailangang makapag isip ako ng paraan dahil hindi niya pwedeng malaman ang address ko. Di naman sa pagiging assuming pero kasi baka makita siya ni Connor. Mahirap na, napakakomplikado pa ng sitwasyon namin ngayon.Nilakasan ko ang loob ko hanggang sa tuluyang makalabas. Ngayo'y nauna na rin akong humakbang habang siya'y nakasunod sa 'kin. Naghahanap ako ng paraan
Naghuhumerentado man ang puso ko ngunit natagpuan ko pa rin ang sarili sa entrada ng hotel. Sobrang kabog ng puso ko habang naglalakad papasok sa loob. Tinawagan ko si Rina kanina para itanong kung pinapapasok din ba siya kaso hindi naman daw siya tinawagan ni Mrs. Tizon.Ibig sabihin kaya nito maaaring personal ang sadya sa 'kin ni Conrad? Dahil sa naaalala ko, siya pa ang nagsuggest kanina na huwag nalang akong pumasok kung masakit ang ulo ko pero bakit naman ata biglaang nagbago ang ihip ng hangin at siya pa ang nagpapatawag sa 'kin sa opisina niya?Di magkamayaw ang puso ko sa pagwawala sa kaisipang ito. Para akong naiihi dahil sa kaba na para bang first time namin magkakasama gayung kagabi lang ay buong magdamag akong natulog sa condo niya. Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ko nun dahil sa kalasingan!"Hmmmp ka bago bago mo sa trabaho umaabsent ka na kaagad! Pinapakita mo lang talaga kung gaano ka kairresponsable!"Natilihan ako nang salubungin ako ng galit na mga salita na i
( Conrad's POV )Hindi na ako umimik after saying those words. She didn't even dare to answer kaya mas lalo akong nainis. Ano namang inaakala ng babaeng ito? Na makikipaglapit ako sa kanya after she left me like an idiot? Damn! She's not even worth my time. Sana pala hinayaan ko nalang siya kagabi kung di man lang din pala siya marunong tumanaw ng utang na loob.Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung ginagawa akong parang tanga. Wala pang gumagawa sa 'kin ng ganoon. Never in my entire life!Kita ko ang pamumuo ng pawis sa noo niya habang inaayos ang sandamakmak na mga papeles. Pasimple ko itong sinusulyapan habang nakaupo sa swivel chair ko kaharap ang laptop.Tang ina, di ko mapigilan ang pamumuhay ng pagkalalaki ko habang nakatitig sa mukha nitong halatang pagod na pero ang ganda pa rin. Her sweaty looks made her even hottier.Damn! Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko dapat nararamdaman ito. I shouldn't appreciate her this way. She's Keron's girlfriend and I must stick to my plan.Si
( Zelena's POV )"Alas nuebe na Ze, hindi ka pa ba tapos riyan?" Nag- aalalang tanong ni Tita Charo sa kabilang linya. Kanina ay tinawagan ko na ito para ipaalam na matatagalan ako ng uwi dahil sa sandamakmak na pinapagawa ng Conrad na iyon. Bayad naman ang overtime ko pero ang nakakainis lang ay ang binilin nun na hindi ako puwedeng umuwi hanggat hindi ito natatapos.At anong karapatan kong umalma gayung empleyado lang naman niya ako, empleyadong nasa pinakamababang posisyon pa.Tila ba biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang nagulat ako kanina dahil lumabas ang pagkaistrikto nun na huling nangyari lang noong una kaming nagkatagpo sa napaka- awkward na sitwasyon. Yung pagiging istrikto na kasalungat sa pinapakita niyang concern at kabaitan sa pagtulong sa 'kin kagabi at kaninang umaga. "Patapos na rin ta, pasensiya ka na di kana naman nakauwi sa bahay mo." Malungkot na sambit ko. Kahit pa man kusang loob ang pagtulong nito sa 'min ay may mga panahon pa rin na gaya nito na nakakar
Parang biglang tumigil ang mundo ko sa oras na ito. Simpleng halik lang ang iginawad niya ngunit hinaplos nito ang buong puso ko. It's just a smack kiss pero para bang nakalimutan ko lahat ng pangungulila at pagkamuhi na pinagdaanan ko sa limang taon na iyon sa simpleng halik na ito.Nang maramdaman kong nilayo nito ang mukha ay saka pa lamang ako nagmulat ng mga mata."Damn! I'm.... sorry. Fuck! I can't help it." He uttered pero pipikit pikit na ang mga mata niya at marahan itong napasandal sa gilid ng elevator.Tanging paglunok lang ang naging reaksyon ko dahil na rin ng samo't saring emosyon. Alam ko namang lasing lang siya pero gustong maniwala ng puso ko na baka unti unti na 'kong naalala ng puso niya kahit malabo akong makilala ng isipan niya.Huminga ako ng malalim ng makitang napahilot ito sa kanyang sintido. Sakto namang bumukas na ang elevator sa pinakahuling palapag kaya wala na rin akong ibang nagawa pa kundi ang alalayan siya palabas hanggang sa makarating kami sa may park
Conrad held my waist habang karga karga nito si Connor sa matipuno niyang braso. Lahat ng mga kasambahay nila sa mansyon ay nanlaki ang mga mata na halatang gulat na gulat at puno ng pagtatakang nakatingin sa amin.Nakakaasiwa man ang tipo ng titig nila ngunit di ko inaasahang mas malala pa ang magiging reaksyon ng dad niya at ng mommy ni Keron. Napaawang din si Keron nang makita kami pero ngumiti rin ito sa 'kin na ginantihan ko naman. Pero di ko napaghandaan ang biglaang pagtayo ni Lorraine sabay turo sa amin sa nanlilisik na mga mata.At ano namang ginagawa ng babaeng ito dito? Akala ko family dinner ito!"What is this Conrad!? Bakit kasama mo yang pobreng janitress ng hotel mo? At yang bata...." Puno ng gigil na asik ng matapobreng babae pero sinamaan ito ng tingin ni Conrad at puno ng gigil na pinagbantaan."Just fucking stop Lorraine! Kung wala kang respeto sa sarili mo, respetuhin mo ang mag ina ko." Buong loob na sambit ni Conrad.Irritableng umupo muli ang babae na kita na a
"Baby, may ipapadala akong box diyan sa tauhan ko. It's for you and Connor, susuotin ninyo ngayong gabi." Wika ni Conrad sa kabilang linya.Magmula ng umuwi kami ng San Agustin ay pumirmi na muna siya sa Maynila dahil may mahalaga raw na aasikasuhin. Habang kami nina Connor at Tita Charo ay dito na nanatili sa resthouse niya sa Batangas. Di na rin naman ako nag isip ng anupaman o nagbusisi pa dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya. At syempre halos oras oras naman itong nagtetext o di kaya'y tumatawag dahil namimiss niya raw kami sa bawat minuto. Medyo OA man pakinggan but maybe ganito lang siya magpakita at magparamdam ng pagmamahal na sobra ko namang na- aapreciate."Bakit? May okasyon ba? Anong meron ngayong gabi?" Nagtatakang tanong ko pero sa malambing na boses."Magdidinner tayo sa bahay. Dumating na kaninang umaga sina daddy. Gusto ko na kayong pormal na ipakilala sa kanila and please don't get nervous or afraid dahil nandito ako baby, I will always protect the two of you!"
At gaya nga ng mariing sinabi at pangako ni Conrad, pormal kaming humarap kami kina Tiyang. Sobrang nagwawala ang puso ko nang nasa harapan ng luma nilang bahay at naabutan si Tiyang na naglalabada. Mangha at gulat na gulat ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Ze---- Zelena?" Di makapaniwalang turan nito at pansin ko kaagad ang namumuong mga luha sa mga mata nito."Tiyang....."Emosyonal akong lumapit at kinuha ang basang kamay niya na dali dali niyang pinunasan bago ito inilahad sa akin at nagmano.Di ko mapigilan maging emosyonal habang nakatitig sa mukha nitong pinaglipasan na ng panahon. Marami na itong puting buhok sa ulo at kulubot na rin ang mataray nitong mukha.At di ko na napigilan ang sariling mapaluha nang ito na mismo ang kusang yumakap sa akin at una pang humagulhol ng iyak.Tahimik lang na nakatingin sa amin si Conrad na mababanaag din ang emosyon sa mga mata niya."Kumusta ka na pamangkin ko? Patawad! Sana mapatawad mo ako!" Humahagulhol na sambit ni Tiyang kay
Matapos namin kumain ng breakfast at nakapaghanda para tumungong San Agustin ay di ko inaasahan ang biglaang pagdating ni Tita Charo."Lala Charoooo!" Tuwang tuwa itong sinalubong ni Connor at ganoon din ako."Tita!" Kapwa kami napayakap sa kanya."Naku! Namiss ko kayong dalawa. Ang isang gabi ay para ng isang linggo." Emosyonal na sambit nito."Welcome po kayo rito. Feel at home lang po." Magalang na ani ni Conrad at nagmano kay tita na ikinangiti naman nito. Inutusan nito ang driver at isang tauhan niya na bitbitin ang malalaking bag na dala ni tita. "Ang dami mo namang gamit na dala ta." Wala sa sariling sambit ko nang mapuna ang mga ito."Hindi ko lang mga gamit iyan. Mga gamit yan natin, inutos daw nitong si Conrad ehh. Ibabahay na ata kayong mag ina. Nakipag agawan pa yan kay Keron para lang mapuntahan kayo nung gabi." Salaysay ni tita kaya napamaang akong nakatingin sa lalaking napakamot pa sa ulo niya na parang nahihiya."Total naman nakahanda na ang paglipat ninyo kaya ipina
Dahil sa sinabi niya ay halos nabuhay ang diwa ko sa buong magdamag. Paano ba namang hindi? Conrad was talking about marriage and building our own family. Para akong nanaginip. Napakabiglaan ng lahat at di ko aakalaing iaalok niya ang ganoon kaseryosong bagay.Dahil lang ba talaga ito kay Connor? O baka may mas malalim pang dahilan?Napapikit ako sa sariling kaisipan at marahang tinampal ang umiinit na pisngi ko dahil sa pagiging ilusyonada. Dahil kahit magdeny pa 'ko, alam ko sa sarili kong umaasa ako na minamahal pa rin ako ng puso niya gaya ng naunawaan ko sa mga sinabi niya kanina.At ang kaba, takot at pag aalinlangan ay napawi lahat sa isang iglap lang. Mahirap man magtiwala ngunit sa salita pa lang niyang iyon ay parang nanumbalik ang lakas kong ipaglaban ang naudlot na pagmamahalan namin noon. Unti unting napapawi ang kaduwagan at takot ko para sa kaligtasan ni Connor dahil nagtiwala at kumakapit ako na poprotektahan kami ni Conrad gaya ng pangako niya.Dahil sa sobrang daming
"Aba'y oo naman! Di lang yun, ipagluluto rin kita ng paborito mong kakanin nang matikman din nitong maganda mong asawa. Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" Inosenteng tanong ni Manang na walang ka alam alam sa nangyayari."Uhmmm Zelena po Manang." Tipid na sagot ko lang at iniwas na ang mga mata sa mapanuksong lalaki."Aba'y kaygandang pangalan, kasing ganda mo. Naku! Kung ako sa inyong dalawa, hangga't bata pa kayo eh mag anak kayo ng marami nang sa gayun dadami ang magagandang lahi ninyo." Ngiting ngiti na turan ni Manang na sinang ayunan naman ni Conrad.Gosh! Inaasar ba ako ng lalaking ito? Kaya naman para makaiwas na sa pang iinis o kung anumang pantitrip niya ay minadali ko ang pag ubos sa pagkain ko at nauna ng tumayo sa kanila.Hawak hawak ko ang dibdib nang makalabas ng kusina. Kokomprontahin ko talaga siya ngayon kung bakit niya iyon sinasabi. Anong klaseng pantitrip ba ang gusto niya. Hindi na nakakatuwa dahil yung puso kong marupok ay umaasa na naman.Upang pakalmahin ang n
Kita ko ang nag uumapaw na kagalakan at kasiyahan sa mga mata niya nang aminin kong siya ang ama ni Connor at nabuo ang bata noong nagkakilala kami sa San Agustin, kung saan siya nangupahan ng halos dalawang buwan lang. Na ganoon lang kami kadaling nagkapalagayan ng loob at nagkaroon ng relasyon. Ngunit ganoon din kabilis na naglaho ang masayang ala ala namin na magkasama nang bigla na lamang siyang nawala sa ere na parang bula. At yun pala ay naaksidente siya ayon na rin sa kwento ni Jonas.Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Sobra din siyang nagulantang sa narinig."So it's all for real? And I am using the name Cole Perez? Kaya pala may time noon na nilapitan ako ng magkaibang babae at tinawag sa ganyang pangalan. But why? Bakit nagpakilala ako sa ibang katauhan? " Garalgal ang boses na tanong niya.Marahan lang akong tumango at di rin naitago ang pagiging emosyonal. "Siguro nagpanggap kang ibang tao dahil ayaw mo ng balikan ang buhay mo bilang isang Conrad Lexus Farris. Kw
( Zelena's POV )"Nasaan tayo?" Ito ang unang tanong ko sa kanya matapos magising mula sa mahabang pagkakatulog. Dahil sa labis na katahimikan namin sa biyahe matapos ang emosyonal na sagutan kanina ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Maging si Connor ay mahimbing at malalim na rin ang tulog."Batangas." Tipid na sagot niya na tutok na tutok ang mga mata sa pagmamaneho.Napalunok ako ng mariin habang tinitingnan ang tinatahak naming daan. Sa dami ng punong kahoy ay alam kong malayo na nga kami sa Maynila.Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero isa lang ang alam kong sigurado, kinakabahan ako ng sobra ngunit di ko rin maikakaila ang kakaibang galak sa puso ko.Ganoon pa man, kailangan kong manatiling pormal at kalmado sa harapan niya. Alam kong mapag uusapan na namin ang lahat tungkol sa nakaraan dahil wala na naman akong takas pa. Ngunit hanggang doon lang din iyon. Hindi na ako aasa pang manunumbalik pa kami sa dati kahit na may anak kaming mag uugnay sa 'min. Itinatak ko
( Conrad's POV )"Papa! Papa!"Nagulat ako nang makita ang isang batang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa isang fastfood.At nang tuluyan itong makalapit at magpang abot ang mga mata namin, ay nakaramdam ako ng bolta boltaheng di maipaliwanag na emosyon sa puso ko.Di ko magawang ialis ang mga mata sa mukha ng inosenteng bata na alam kong napakapamilyar sa 'kin at nakita ko na noon! Fuck! It's because I saw my old self to him, when I was a kid just like his age. Na hanggang ngayon ay nakatago pa ang larawan kong iyon sa wallet ko."Who is he? Damn! Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa batang ito?" My mind shouted. I want to touch and caress this kid's face.At mas lalong nagwala ang damdamin ko nang tarantang lumapit ang ina ng bata.Fuck! It's Zelena....Of all woman ay siya pa talaga!? Kaya mas lalo lang namuhay ang kuryosidad ko. I can't even blink habang nakatutok ang mga mata sa mag ina. Ni hindi ko na halos marinig ang sinasabi ni Zelena dahil sa pagwawala ng damdamin ko.Para la