[ Meghan's POV ]
Nagising ako ng di namamalayan ang oras. Masyado atang napasarap ang tulog ko. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid nang mapansin kong malapit na rin kami pa Manila ni Brandon.
Wala pa rin ako sa mood magsalita habang si Brandon nama'y abala sa pagmamaneho.
"Are you hungry?" Basag nito sa katahimikan nang hindi pa rin ako tinitingnan. Sa tono ng kanyang pananalita ay parang nasa mood ito ngayon.
Pinapakiramdaman ko ang sarili at alam kong nakakaramdam na din ako ng gutom. Pero ayaw ko namang isipin ni Brandon na patay-gutom ako kaya't titiisin ko nalang muna. "Hindi pa naman." Sagot ko sa kanya.
Ngunit hindi pa man siya nakasagot ay biglang kumalam ang aking sikmura. Tunog na parang nauutot na ewan. Napakalakas pa lalo't nasa loob kami ng sasakyan niya.
"Putek! Nakakahiya!" Marahang sambit ko habang hinahaplos ang aking tiyan.
Napasulyap ako sa kanya at bakas sa mukha nito na pinipigilang mapahalakha
[ Brandon's POV ]Simula ng nagbreak kami ni Krissy ay nabalitaan kong lumipad siya pa Canada. Maraming media ang nag-usisa why we ended up but I chose to be quiet dahil ayaw ko ng pahabain ang lahat.Nalaman ng parents ko ang balita and my mom told me to visit soon. She really likes Krissy para sa akin because Krissy is the only heiress of Parker's Corporation. Na pag nagkatuluyan kami ay mas lalo pang lalawak ang aming business establishments by merging their properties to ours. Probably if that will happen, Cabwell's Properties will be included to World largest companies.Napailing ako pag naiisip na pagdating sa mga ganitong bagay I can't decide for myself, for my own happiness dahil hindi lang ako mainit sa mata ng media pati na rin sa mata ng mommy ko. And it's also the main reason why I don't want to commit serious relationship to other woman. Bukod sa never pa ako natamaan ng pana ni kupido, ay talagang iniiwas ko rin ang sari
Pagkatapos ng ilang beses na pagsasanib nang aming mga katawan ni Brandon ay para kaming lantang gulay sa pagod. Kapwa kaming humihingal kabang nakahiga sa kama niya.Sadyang sobrang ramdam ko ang langit sa aming pagniniig pagkat ginagawa ko ito sa lalaking mahal na mahal ko.Nakangiti akong humarap sa kanya na ngayon ay ipinikit na ang kanyang mga mata. Di ko alam kung paano sisimulan. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba at excitement sa magiging reaksyon niya."Bran-don." Mahinang tawag ko sa kanya. Mukhang narinig naman niya dahil humarap ito sa akin."Ohm. What is it?" Sagot niya ngunit nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Palakas ng palakas ang kabog ng damdamin ko hanggang sa finally ay nabigkas ko na rin ang katagang kanina ko pa gustong sabihin."Bu-buntis ako." Nauutal na saad ko na ikinadilat ng mga mata niya."What!?" Sa kanyang pagkabigla ay napabalikwas pa siya ng bangon at bakas sa ekpresyon niya ang labis na kalitu
Nang naayos ko na ang lahat ng mga gamit na dadalhin ko ay pinuntahan ko si Ate Luz para isama sa pagdalaw sa puntod ni nanay."Meghan, sigurado kana ba diyan sa desisyon mo? Mababait ba yang mga amo? Napapabalita pa naman ngayon na maraming katiwala ang inaabuso ng kanilang mga amo." Nag-aalalang tanong niya habang inaayos ang bulaklak sa ibabaw ng puntod ni nanay. Sinabi ko kasi sa kanya na mamasukan ako bilang katulong. Gustong-gusto kong magtapat sa kanya ngunit hindi ko pa magawa dahil sa usapan namin ni Brandon na magiging sekreto muna ang lahat. Sadyang hindi pa lang ngayon ang tamang panahon.Nakaramdam ako ng guilt habang nakatingin sa abalang si Ate Luz. Noon pa man ay tumayo na siyang pangalawang ina sa akin kaya't alam kong hindi tama na ilihim ko sa kanya ang lahat. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago sumagot."Opo ate, wag po kayong mag-alala. Tsaka dadalaw pa rin po ako minsan sa bahay. Kayo na po muna ang bahalang tumingin-tin
Alas-singko pa lang ng umaga ay gumising na ako. Talagang inagahan ko para makapagluto at makakain si Brandon. Naalala ko kasi kahapon ang paghahabol niya sa oras kaya't di na siya kumain ng breakfast.Pagkatapos maligo at magbihis ay inasikaso ko na rin sa kusina lahat. Di naman ako nahirapan sa lulutuin pagka't napakaraming mapagpipilian. Basta hindi lang malansa ay pasado sa tummy ko. At nang matapos ay inihain ko na rin lahat sa mesa.Hindi parin siya bumababa ng kwarto niya kaya't naisipan ko siyang katukin. Baka kasi late na naman siya magising at magkaundagaga na naman.Dahan-dahan kong inakyat ang hagdanan at marahang kinatok ang pintuan ng kwarto niya."What?" Bungad ni Brandon na kinusot-kusot pa ang kanyang mata. Naghihikab pa ito ngunit kahit anong awra niya ay di manlang nabawasan ang kanyang kagwapuhan."Sorry kung naabala ko ang tulog mo. Malapit na kasi mag-7:00AM hindi ka pa lumalabas ng kwarto." Nahihiyang sambit ko ngunit k
[Meghan's POV]Ilang linggo na rin simula ng tumira ako dito sa bahay ni Brandon. Halos araw-araw ay may nakikita akong pagbabago sa treatment niya sa akin. Yung nararamdaman ko na ang pagiging concern niya gaya nalang ng pagdadala niya ng preskong prutas at pagkain pagkauwi niya. Bihira nalang rin niya akong sungitan at napapangiti ko na rin siya sa simpleng biro ko. Hindi na awkward sa akin ang kausapin siya at ramdam kong ganoon rin siya sa akin.Ayaw niya ring magpagod ako kung kaya't pinapapunta niya rito ang on-call caretaker niya para may katuwang ako sa paglalaba at paglilinis ng buong bahay at bakuran.Yung kadalasan ko lang ginagawa rito ay ang ipagluto siya at syempre ang alagaan siya at mahalin ng walang kapalit.Wala na ata akong ibang mahihiling pa dahil di ko man maramdaman na mahal niya ako ay sobrang natutuwa naman ako sa mga pinapakita niya.Nakaupo ako sa bench sa bakuran ng bahay para lumanghap ng sariwang hangin n
Kinabukasan ay maagang umalis sina Brandon kasama ang mommy nito. Magsho-shopping daw sila kasama si Krissy. Malungkot akong naiwan sa bahay lalo na pag naiimagine ko ang muling pagkikita ng mag-ex. Botong-boto pa naman ang Mommy Alice ni Brandon na magkabalikan ang dalawa. Di ko mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha habang kinakausap ang sarili."Napakalungkot ni mama ngayon baby. Ano na kayang nangyayari ngayon sa papa mo kasama ang ex niya. Sana hindi na niya maisipang makigpagbalikan kay Krissy dahil pag nangyari yun baka lalo ka niyang hindi kilalanin." Emosyonal kong kinakausap ang maliit na umbok ng aking sinapupunan. Wala man akong karapatan para pangunahan si Brandon sa magiging desisyon niya sana maisip man lang niya na dinadala ko ang anak niya at maaapektuhan kami ng sobra.Abala ang utak ko sa kakaisip ng biglang nagbeep ang message alert tone ko. Nang buksan ko ang aking cellphone ay message ito mula kay Brandon."You can go home muna. Sasama sa
[ Brandon's POV ]Nasa terrace ako ngayon habang hawak2x ang baso ng vodka. Honestly, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong sasabog at alam kong may kinalaman ang nangyari sa amin ni babae kanina. Sobrang dismayado ako, akala ko kaya niya ng iwan ang lintik na trabaho sa bar ngunit sadyang nasa dugo niya na ata ang ganoong gawain."That woman pisses me this much!" Tiim-bagang na tugon ko habang iniinom ang vodkang hawak ko. Nakatingin lang ako sa liwanag ng buwan habang dinaramdam ang pag-aalab ng galit sa aking puso.Nasa ganitong sitwasyon ako ng biglang nagsalita si mommy."So kumusta ang emergecy mo kanina? Wanted to tell something? The way you stare at the moon outside mukhang malalim ang iniisip mo." Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ang seryosong boses ni mommy."Mom, ikaw pala. Do you want to drink? May wine ako sa fridge I can get that for you." Aya ko sa kanya but she nodded."No s
Ilang gabi na ring umuuwi si Brandon na laging nakainom. Ang masaklap pa kadalasan may kasama itong magaganda at seksing babae. Sobrang manhid na ata ng puso ko at di ko alam kung paano ko kinakaya. Ang mahirap wala akong karapatan mangialam. Mukhang hindi ko pa talaga lubos na kilala si Brandon dahil ngayon lang lumabas ang tunay na kulay nito, ang pagiging womanizer. Never ko inakala na mangyayari ito. Ni hindi ko hinanda ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Humuhugot nalang ako ng lakas ng loob sa baby ko. Dahil siya nalang ang kaisa-isang dahilan kung bakit nakikipaglaban ako sa hamon ng buhay.Sobrang laki ng ipinagbago ng lahat. Hindi na rin kami nag-uusap. Pinagluluto ko siya ngunit hindi kami sabay kung kumain gaya ng dati. Yung katulong na hihintayin muna matapos kumain ang amo bago kumain, ganoon ang set-up namin ngayon.Wala na atang mas sasakit pa sa pambabalewala niya sa akin pero may malaking parte sa puso ko ang nais lumaban at ipagpa