"Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal
Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?
Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz
Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz
Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz
"Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan
Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar
[ Meghan's Point of View]Nandito ako ngayon sa isang sikat at mamahaling bar not because for the nightlife, but dahil sa matinding pangangailangan.Gusto kong humakbang paatras. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba. But suddenly, Tita Fe grabbed my arms. Nakadiin pa ang mga kuko nito sa higpit na pagkakahawak sa aking braso."Ano na Meghan? Wag na wag mong susubukang umatras sa napag usapan natin! At lalong wag mo akong ipapahiya sa kakilala ko rito!" Bulyaw niya habang pinandidilatan ako ng malalaki niyang mata."Tita baka may iba pang paraan. Ibang trabaho nalang po." Mangiyak-ngiyak kong sagot na namimilipit na rin sa sakit."At saan ka naman makakahanap ng trabaho na may malaki kang sasahurin aber? Mag isip ka nga! Ni wala ka ngang pinag aralan!" Pasigaw niyang sagot. Sabagay, kailan niya ba kami pinakitaan ng maganda. Halos ata lahat ng sasabihin niya sa amin ng nanay ko ay pasigaw at pangmamaliit.Nagsimula nang na