[ Meghan's Point of View]
Nandito ako ngayon sa isang sikat at mamahaling bar not because for the nightlife, but dahil sa matinding pangangailangan.
Gusto kong humakbang paatras. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba. But suddenly, Tita Fe grabbed my arms. Nakadiin pa ang mga kuko nito sa higpit na pagkakahawak sa aking braso.
"Ano na Meghan? Wag na wag mong susubukang umatras sa napag usapan natin! At lalong wag mo akong ipapahiya sa kakilala ko rito!" Bulyaw niya habang pinandidilatan ako ng malalaki niyang mata.
"Tita baka may iba pang paraan. Ibang trabaho nalang po." Mangiyak-ngiyak kong sagot na namimilipit na rin sa sakit.
"At saan ka naman makakahanap ng trabaho na may malaki kang sasahurin aber? Mag isip ka nga! Ni wala ka ngang pinag aralan!" Pasigaw niyang sagot. Sabagay, kailan niya ba kami pinakitaan ng maganda. Halos ata lahat ng sasabihin niya sa amin ng nanay ko ay pasigaw at pangmamaliit.
Nagsimula nang nagpatakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Kahit maglabada nalang po ako araw- araw. Kahit anong matinong trabaho po papasukin ko wag lang po dito." Sagot ko sa garalgal na boses.
"Nagpapatawa ka ba? Kahit maglabada ka pa isang taon hinding hindi mo mababayaran ang utang ninyo sa akin. Kung hindi lang ako naawa sa nanay mo ay baka matagal na siyang tigok ngayon! Ni pambiling bigas nga hirap kayo! Gamitin mo yang ganda mo! Maging practical ka!" Aniya na may kasamang pagduro.
Kahit saang anggulo tingnan may point naman talaga siya. Highschool graduate lang ako dahil di na kayang itaguyod pa ni nanay ang pag aaral ko ng kolehiyo. Gustuhin ko man gumawa ng paraan para makapagpatuloy ay di na rin natupad sapagkat nagkasakit si nanay sa baga at kailangan ko siyang alagaan. Napakahirap maging anak dukha. Isang kahig isang tukha lang kami. Pero ni minsan, kahit isang beses, hindi pumasok sa isipan kong magbenta ng laman.
Di ko namalayang sa paghatak sa akin ni Tita Fe ay nakapasok na pala kami sa loob ng bar. Agad kaming sinalubong ng isang baklang maraming kolorete sa mukha.
"Welcome to High Five!" Magiliw na bati nito sa amin sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Siya na ba ang pamangkin na tinutukoy mo Fe? Napakagandang bata nga! Tiyak maraming customer magkakandarapa sa kanya." Kita sa mukha niya ang paghanga sa akin. Mukha naman siyang mabait at harmless.
"Ikaw na ang bahala sa kanya at may lakad pa ako. Tawagan mo ako kung mag iinarte yan at ng malintikan yan sakin!" Pataray na sagot ni Tita Fe sabay irap.
"Masyado ka namang highblood Fe." Aniya sabay dukot ng iilang libo sa wallet nito.
"Heto na nga pala yung napag usapan natin nang mawala na yang init ng ulo mo." Sabay abot nito sa nakangising si Tita Fe.
"Maayos ka talaga kausap Caryaso. Aalis na ako. At ikaw!" Baling nito muli sa akin.
"Ayusin mo ang magiging trabaho mo rito kung ayaw mong magkaproblema tayo!" Bilin pa nito bago tuluyang umalis.
"Aba tinawag pa akong Caryaso ng walanghiya! Sabing Arya eh!" Nakapout na saad ng kausap ni tita habang hinahabol siya nito ng tingin paalis.
"Sumunod kana sa akin sa loob hija. Ano nga palang pangalan mo?" Malumanay niyang tanong sabay baling sa akin.
Mukhang totoo nga ang kutob ko na mabait siya.
"Meghan po" Nahihiyang sagot ko.
"Wag kanang mag po sa akin, baka mahalatang may edad na ako. Momshie Arya nalang or Tita MA for short, ganyan tawag nila sa akin dito." Nakangiti niyang sambit. Tumango na lamang ako at marahang sumunod sa kanya.
Sa gilid kami dumaan kaya kahit hindi ganoon kaliwanag ang mga ilaw ay kitang kita ko kung gaano kadaming tao na halos mga lalaki ang narito. Sobrang lawak ng loob at may nagkikinangang mga ilaw. Isa nga pala ito sa pinakamahal at pinakasikat na bar kaya napakaclassy nito. May mga babaeng nagsasayawan na sobrang sexy ang mga suot. Ang iba naman ay may kanya kanyang katable.
Iniisip ko pa lang ang papasukin ko ay para na akong mahihimatay sa hiya at nerbyos. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko dahil para ito sa nanay kong bukod tanging karamay ko sa hirap at ginhawa. Idagdag pa ang bruhang si Tita Fe na araw araw kaming sinisingil sa utang na may pagkalaki-laking interes.
Nanlumo na naman ako pag naiisip ang pakikitungo niya sa amin. Kung sino pa yung kamag-anak na akala mo tutulong sayo sa panahon ng kagipitan ay siya pa yung taong lalong maglulugmok sayo sa kahirapan. At eto, ginawa pa akong bugaw ng walang pusong tiyahin. Pero wala man lang akong magawa kundi sumunod dahil kinakailangan ko rin kumita para sa maintenance nang gamot ni nanay.
Nang nasa loob na kami ng dressing area ni Tita MA ay isa-isang pinakilala sa akin ang mga nagtatrabaho rito.
Lahat sila ay nakamake-up, magaganda ang hitsura, matatangkad, mapuputi at sexy ang mga katawan. Masasabi mong may ibubuga talaga. Hindi basta ordinaryong babae lang sa kanto. Di mo aakalaing sa gaganda ng mga hitsura nila ay ganito ang kanilang trabaho.Yung iba kasi para ng mga modelo.
"Girls, this is Meghan, bago niyong makakasama." Pagpapakilala ni Tita M.A sa akin.
"Hi I am Gail."
"Hey I'm Leila."
"Alexa here."
and so fort.
At isa isa akong nakipagkamay sa kanila maliban nalang sa tatlong babae na kanina pa masama ang tingin sa akin.
Di naman mahirap kabisaduhin ang kanilang mga pangalan sapagkat may nametag naman na nakalagay sa kanilang suot.
"Hmmmp naaamoy niyo ba yun?nangangamoy malansang isda!" Lait sa akin nung nagngangalang Lexi sabay nguso sa direksyon ko.
"Oo nga! Saan naman kaya yan napulot ni Tita MA. Hitsura palang mukhang gusgusin." Tawang tawa na sabat nung isa niyang katabi.
Bigla naman akong nasaktan sa mga sinabi nila. Di ko akalaing may bitter pa sa ganitong klaseng trabaho. Akala ko kasi practical, walang hiyaan, walang inggitan. Pero kagaya lang din pala ito sa mga nababasa kong nobela. May mga tao talagang sadyang di mo feel at di ka feel kahit unang tagpo niyo pa lang.
"Wag mo nalang pansinin yang mga yan! Paniguradong inggit lang yan sayo. Wala kapa ngang make up nag uumapaw na yang kagandahan mo. Ano pa kaya kung maayusan kana." Turan sa akin ni Gail na nakapagpagaan ng loob ko.
Unang tingin ko pa lang sa kanya ay mukhang magkakasundo kami. Napangiti naman akong tumingin sa kanya.
"Maraming salamat. Napakaganda mo rin."
"Talaga? totoo ba? magaling lang talaga akong magmake-up kaya di halata." Natatawa pa niyang sambit.
"Okay girls! Bumalik na kayong lahat sa trabaho at ako na ang bahala kay Meghan." Utos ni Tita MA sa mga ito at sabay sabay silang nagsialisan maliban kay Gail na nagpaiwan at nag-insist na siya nalang daw mag make-up sa akin.
"For tonight Meg since first night mo pa, tuturuan ka ni Gail kung ano ang mga dapat gawin." Ani Tita MA habang naghahanap sa cabinet ng aking masusuot.
"Magseserve ka lang naman ng inumin at kung may gustong makigtable sayo, usap usap lang ganern para kumita ka ng tip. For sure pagkakaguluhan ka ng mga customers namin. Pamatay ganda mo te! Pak na Pak!" Ani Gail na sinabayan pa ng pagkaway kaway sa mga kamay.
"Pasensiya na po kayo kung magiging pabigat pa ako sa trabaho. First time ko pa lang po kasing makapasok sa ganito." Nahihiya kong sambit.
"Meg, there's always a first time in everything. At lahat pwedeng matutunan." Sagot ni Gail habang sinusuklay ang buhok ko at sinimulan na ang pag aayos sa akin.
"Wala naman po bang nambabastos na mga customer dito?" Kinakabahan kong tanong dahil sa pagkakaalam ko ay ganoon sa mga bar.
"Hija, kung meron mang nanghihipo sa mga entertainer namin dito ay gustong gusto naman nila yun! Hahahaha." Natatawang sagot ni Tita MA.
Sumirko ang kilay ko senyales ng pagtataka. Sino naman kayang matinong babae ang matutuwa pag nahipuan? Nang napansin niya ito ay muli siyang nagsalita.
"What I mean is, sino ba namang babae ang hindi gugustuhing makaakit ng customer dito eh isa ito sa pinakamahal na bar sa Pilipinas. Lahat ng pumupunta dito ay mga mayayaman! Mga bigatin as in bigtime! Pero kung halimbawang ibang level na ang kabastusan ay di ko naman kayo papabayaan. Anong silbi ng pagiging manager ko kung hahayaan ko lang mastress ang ganda niyo." Nakangisi pero seryosong sambit ni Tita MA.
Nakaramdam naman ako ng kapanatagan sa loob dahil sa sensiridad ng pagkakasabi niya.
Tumango ako at marahang ngumiti.
"Lahat ng mga yan pumupunta lang dito para magliwaliw. At nasa usapan niyo na kung mag uuber the bakod kayo." Sabat naman ni Gail.
"Uber the bakod?" Nagtatakang tanong ko.
"I mean pag lalabas kayo ng bar and magsasaya somewhere na solo niyo ang isa't isa! Alam mo na yun! Hahahaha." Kwelang sagot niya. Bigla naman akong namula ng maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"You mean parang take out?" Tanong ko ulit.
"Ganoon na nga. Pero syempre nasa sayo parin naman kung papayag ka. Hindi naman sapilitan. Pero sinasabi ko sayo lahat ng girls dito gustong gusto nila yan! hahahahahaha" Paliwanag ni Tita MA sabay tawa ng malakas.
Bigla ko tuloy natanong yung sarili ko kung may nakakatawa ba gayung para sa akin ay kakilakilabot ang ganoong bagay. Wala pa akong karanasan sa lalake. Ni kiss nga wala dahil never pa akong nagkakaboyfriend.
"Tita, to be honest po bi....birhen pa po kasi ako." Nahihiya kong pagtatapat.
Kita naman sa kanilang mga mukha ang pagkagulat.
"Ilang taon kana ba?" Ani Gail
"22 pa lang ." Sagot ko.
"Seryoso ka Meg? kasi ako 18 pa lang nung nakatikim ng langit hahahaha." Napahalakhak pa si Gail.
"Naku bihira ata ang kagaya mo. Pero wag kang mag alala. Andito naman ako para gabayan ka basta wag ka lang magpapadala sa kaba at nerbyos." Payo sa akin ni Tita MA.
Gumaan na ang loob ko ngayong alam kong andito sina Gail at Tita MA na handa akong tulungan sa bagong daan na aking tatahakin.
Di ko namamalayang sa pag uusap namin ay malapit na pala matapos si Gail sa pag aayos sa akin.
Maya maya pa'y pinatayo na ako ni tita at binigay ang damit na nahanap niya sa cabinet para sa susuotin ko ngayong gabi. Isang tube dress na kulay black velvet with matching 3inches stilletos. Lalo tuloy akong tumangkad sa height ko na 5'5. Buti nalang hindi first time sakin ang magsuot ng ganito kataas na heels dahil sa pagsali ko ng mga beauty pageants sa barangay namin.
Kita sa mga mata nina Gail at Tita MA ang pagkamangha sa akin.
"Baklaaaa! Napakaganda mo lalo!" Hiyaw ni Gail na di magkaundagaga sa pagspray sa akin ng mamahaling perfume para bumango at presentableng haharap sa customer.
"Naku! Excited na ako! Tiyak mas dadayuhin pa ang bar dahil may bago na naman tayong diyosang panlaban!" Kita sa mukha ni Tita MA ang tuwa.
Pagtingin ko sa salamin ay halos di ko makilala ang sarili ko. Naayosan naman ako dati sa barangay pageants na sinasalihan ko pero ibang ganda ang nakikita ko ngayon. Noon pa man marami na ang nagsasabi sa akin na maganda ako. Kahit naman kasi lumaki akong di nakikilala ang aking ama ay alam kong isa itong foreighner. Lutang na lutang kasi ang pagiging mestisa ko kahit lumaki lang sa isang iskwater. Halos nga mga binata sa lugar namin ay nanliligaw sa akin pero never ako nagkaroon ng interes na magka boyfriend lalo pa't nitong mga nakaraang buwan ay nagkasakit si nanay at nakailang balik kami sa ospital.
"Be confident Meg! Your drop dead gorgeous!" Dagdag na paghanga sa akin ni Tita MA sabay abot ng aking kamay para lumabas na at nang masimulan ko na ang aking unang gabi sa trabaho.
"Gail, ayusin mong maigi ang pagtuturo kay Meghan ha!" Paalala ni Tita MA."Ako na ang bahala tita. Di ko papahirapan tong si Meghan sayang naman yung ganda kung mapapagod lang." Ani Gail sabay kindat sa akin."Oh siya sige na, puntahan ko lang ibang loyal customers natin!" Paalam ni Tita MA sabay lakad paalis."Meg, wag kang kabahan. Chill lang dapat. Baka magka stiff neck ka niyan sa kakayuko mo." Ani Gail ng mapansin ang lagi kong pagyuko na parang may hinahanap na nawawalang piso."Pasensya kana Gail, sobrang naninibago lang talaga ako." Turan ko sabay hawak sa leeg kong nagsimula ng mangalay."Hayaan mo't masasanay ka rin. Ganyan na ganyan ako nung una kong pasok dito. Anyway, ganito lang gagawin mo. Pag may bagong pasok na customer lapitan mo agad tapos batiin mo syempre. Samahan mo ng ngiti para maakit sa kagandahan mo hahahahaha." Aniyang tawang tawa pa. Napakamot nalang ako sa ulo. Napakabubbly niya talaga."Pagkatapos,
"Will you get out of here or I'll tear down your stupid faces?" Tiim bagang na singhal ng matipunong lalaki sa dalawang gurang. Mabilis naman silang umalis na parang mga dagang takot na takot.Sadyang nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang ang kanilang naging reaksiyon.Marahan kong tiningnan ang lalaki at laking gulat ko ko ng makilala ang lalaking nagligtas sa akin."Brandon Cabwell!?" Sigaw ng utak ko na halos di makapaniwala sa nga nakikita ko."Juskopo! Hindi ba ako nananaginip?"Sambit ko sa sarili sabay tapik ng kaliwa kong pisngi.Totoo nga! Di ko akalaing ganito kagwapo ang isang Brandon Cabwell. Gwapo naman talaga siya kahit sa newspapaer at magazine ko lang siya nakikita noon pero ibang iba yung dating pag sa personal. Napakatangos ng kanyang ilong na halatang may lahi. Nasa 6ft. mahigit ang height nito at idagdag pa ang napakagandang hubog ng katawan at muscles.Napatulala ako saglit ng matitigan siya. Parang nag slow-mo
WARNING:THIS CHAPTER CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, ADULT LANGUAGE AND SITUATION INTENTED FOR MATURE READERS ONLY AND NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED.[Meghan's Point of View]Papunta palang kami sa table ng mga Cabwell ay di na ako mapakali. Mukhang pansin naman ito ni Gail dahil agad nitong hinawakan ang nanginginig kong kamay."Meg, relax ka lang. Wag kang masyadong kabahan. Magtiwala ka diyan sa beauty mo, tiyak mapapaibig mo si Brandon." Mahinang tili nito.Naku! Sadyang napakaimposibleng mangyari ng sinasabi niya. Pero may parte ng katawan ko ang nakikiliti pag naiisip yun kahit sobrang napakalabo.Habang naglalakad kami ay bigla namang tinawag si Gail ng isa sa mga customer."Naku di muna pala kita masasamahan, mukhang may nangangailangan ng ganda ko. Basta ha relax ka lang and smile." Bilin niya bago tuluyang pinuntahan ang customer nito.Habang p
"Meghan's POV"Umalis na si Brandon, pero hindi parin ako pinapalipat ng ibang table nitong pinsan niyang si Jhant. Although marami daw nagrequest kay Tita MA na etable ako.Gusto nitong kasama lang nila ako at kahit na nalalaswaan na ako sa kinikilos nitong iba niyang kasama ay sinisikmura ko nalang.Hinihipuan na ang mga katable nila kasama si Lexi pero mukhang tuwang tuwa pa at kinikilig ang mga babaeng ito.Mabuti nalang talaga at wala ni isa sa mga lalaking ito ang tumabi sa akin kahit na umalis na si Brandon sa tabi ko.Patango-tango lang ako if tinatanong ako ni Jhant if I'm okay. But to be honest, di talaga ako nag eenjoy. Legal bang kumirot ang parte ng puso ko sa pandededma sa akin ni Brandon kanina?lalo na nung umalis siya para lang makipagkita dun sa 'babe' kuno na kausap niya.Juskopo! Nakakahiya mag-isip ng ganito lalo na't unang gabi pa lang ng pagkikita namin ni Brandon. Feelingera ata ako masyado. Pasim
[Jhant Cabwell POV]I am driving papunta sa office ni Brandon. Manggugulo na naman ako sa workaholic kong pinsan.Masyadong atang nagpapayaman ang isang yun. I also owned business establishments like my cousin pero di ako masyadong tutok sa negosyo. I appointed my trusted employees to handle my business while I'm busy enjoying myself outdoor.Mas gusto ko mag enjoy, magtravel and ofcourse mambabae hahahaha life is too short to be wasted anyway!Simula pagkabata ay sabay kaming lumaki ng pinsan kong si Brandon. Magkapatid ang mga daddy namin na parehong Portuguese-American.We both grew up in States pero noong mga bata pa kami nagpupunta rin kami dito sa Pilipinas para magbakasyon. Maaga kaming natutong magtagalog dahil sa mga mother namin na pareho ding Filipina. After graduated from college, pinapunta kami dito sa Pilipinas to manage our dad's respective businesses.Halos kilala ko na ang pagkatao ng pinsan ko.Alam kong
Pagkadating ko galing bar dala ang perang pinahiram ni Tita MA ay agad kong kinausap si Dr. Chua. Balak ko sana itong edeposit sa magagastos ni nanay sa kanyang operasyon ngunit ayon sa kanya ay kulang na kulang parin. Sobrang mahal pala talaga ng Thoracic Surgical operation. Tiningnan ko si nanay na wala paring malay hanggang ngayon.Tumulo na naman ang mga luha ko. Sobrang napakababaw kasi talaga nito basta pagdating sa kanya.Napapikit ako sa emosyong nararamdaman ko. Ipapangako kong hanggat kinakaya ni nanay ay kakayanin ko ring gumawa ng paraan. Di ko na namalayan ang oras at pagabi na pala.Pinakiusapan ko ulit si Ate Luz na bantayan si nanay at sinabi ko nalang sa kanya na may sideline ako sa isang kainan bilang waitress.Di na naman siya nag-usisa pa.Matamlay man ako at kulang sa pahinga ay kailangan ko paring pumasok dahil wala na akong inaasahang mapagkukunan ng panggastos kundi ang pagtatrabaho lang sa bar. Umuw
Napakabilis ng mga pangyayari at sa isang iglap lang ay nakikita ko ang sariling nakasunod kay Brandon papunta sa parking lot. Di ko maipaliwanag ang naghahalong emosyon na nararamdaman ko. Pero alam ng utak ko kung ano ang nais nitong mangyari.Ito na ba? Masusuko ko na ba ang bataan ko?"Are you just standing there?" Striktong tanong ni Brandon na nakapagpapabalik sa aking huwisyo. Para kasing nagyelo ang mga paa ko at di ko ito maihakbang papunta sa mamahaling sasakyan niya.Nauna siyang pumasok sa loob at di man lang ako pinagbuksan ng pintuan. Di pala ito gentleman gaya ng inaasahan ko.Nahihiyang binuksan ko ang pintuan ng backseat at umupo. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan ng di man lang umiimik. Nakakapressure lalo!At maya-maya pa'y bigla siyang nagsalita."If your fellow entertainer telling the truth then I'll pay you! Just name your price!" Prangkang sabi nito na wala ng paligoy-ligoy pa. Bihira lang ito magsalita pero
Akala ko simpleng paglapat lang ngunit bigla niya nalang akong sinunggaban ng h***k sa mga labi. H***k na napakapusok. Nagslow-mo na naman ang mundo ko at parang may paru-parong nagliparan sa aking kaibuturan. Nagsimulang uminit ang aking mga pisngi. Di ko alam ang gagawin at nang kagatin niya ang ibabang labi ko ay nalalasahan ko ang init at tamis ng kanyang laway.Ramdam kong sinasakop niya na ang bibig ko at nagpalipat-lipat siya ng kagat sa itaas at ibabang parte.Pilit niya itong pinapabuka gamit ang kanyang dila.Aminin kong nagliliyab ako sa ginagawa niya. At parang sasabog ang d****b ko sa bugso ng damdaming nararamdaman ko. Binuka ko ang aking bibig at ginaya ng marahan ang ginagawa niya.S******p niya ang dila ko bagay na lalong nakakapagpabaliw sa akin. Suddenly he stopped and whispered habang mahinang kinakagat ang aking tainga. "Not a good kisser huh but a fast learner" Aniya at muling sinakop ang aking mga labi. Lalo ak