"Gail, ayusin mong maigi ang pagtuturo kay Meghan ha!" Paalala ni Tita MA."Ako na ang bahala tita. Di ko papahirapan tong si Meghan sayang naman yung ganda kung mapapagod lang." Ani Gail sabay kindat sa akin."Oh siya sige na, puntahan ko lang ibang loyal customers natin!" Paalam ni Tita MA sabay lakad paalis."Meg, wag kang kabahan. Chill lang dapat. Baka magka stiff neck ka niyan sa kakayuko mo." Ani Gail ng mapansin ang lagi kong pagyuko na parang may hinahanap na nawawalang piso. "Pasensya kana Gail, sobrang naninibago lang talaga ako." Turan ko sabay hawak sa leeg kong nagsimula ng mangalay. "Hayaan mo't masasanay ka rin. Ganyan na ganyan ako nung una kong pasok dito. Anyway, ganito lang gagawin mo. Pag may bagong pasok na customer lapitan mo agad tapos batiin mo syempre. Samahan mo ng ngiti para maakit sa kagandahan mo hahahahaha." Aniyang tawang tawa pa. Napakamot nalang ako sa ulo. Napakabubbly niya talaga."Pagkatapos,
Last Updated : 2021-12-02 Read more