Share

Kabanata 5

"Meghan's POV"

Umalis na si Brandon, pero hindi parin ako pinapalipat ng ibang table nitong pinsan niyang si Jhant. Although marami daw nagrequest kay Tita MA na etable ako.

Gusto nitong kasama lang nila ako at kahit na nalalaswaan na ako sa kinikilos nitong iba niyang kasama ay sinisikmura ko nalang. 

Hinihipuan na ang mga katable nila kasama si Lexi pero mukhang tuwang tuwa pa at kinikilig ang mga babaeng ito.

Mabuti nalang talaga at wala ni isa sa mga lalaking ito ang tumabi sa akin kahit na umalis na si Brandon sa tabi ko.

Patango-tango lang ako if tinatanong ako ni Jhant if I'm okay. But to be honest, di talaga ako nag eenjoy. Legal bang kumirot ang parte ng puso ko sa pandededma sa akin ni Brandon kanina?lalo na nung umalis siya para lang makipagkita dun sa 'babe' kuno na kausap niya. 

Juskopo! Nakakahiya mag-isip ng ganito lalo na't unang gabi pa lang ng pagkikita namin ni Brandon. Feelingera ata ako masyado. Pasimpleng tinapik ko nalang ang ulo ko sa kahibangan kong ito.

Di ko namalayan ang oras at medyo malalim na pala ang gabi. May mga kasama na kaming sumama na sa kani-kanilang mga customer. Yung iba naman iniwanan lang sa table na lasing. Buti nalang talaga at naisuka ko kanina yung ibang nainom ko kaya hindi na masyadong mabigat ang pakiramdam ko ngayon.

Kinausap muna ni Jhant si Tita MA bago nagbill out at later on nagpasya na rin itong umuwi kasama ang mga kaibigan niya. 

Ngumiti pa ito ng pilyo sa akin bago tuluyang nagpaalam. Di ko mawari kung para saan ang ngiti niyang iyon.INI

Wala naman silang tinake out sa mga nakatable nila siguro nga for fun lang yung ipinunta nila .

Unti unti namang nagsiuwian ang mga customer namin.

Ayun sa sabi ni Gail sakin kanina ,3am ang uwian namin. Nasa amin na yun kung gusto namin mag overtime depende kung di pa umuuwi ang customer at gusto pa kaming makausap. Mabuti nalang at umalis na rin sina Jhant ng makauwi na ako.

Habang nagbibihis ako ng damit sa dressing room ay biglang pumasok si Lexi. Nakaramdam agad ako ng masamang hangin.

"Feeling mo naman magugustuhan ka ni Brandon? Hahahaha iniwan ka nga mag isa." Pang aasar niya sakin na nakahalukipkip pa. Napakamaldita talaga ng hitsura ng babaeng ito.

Gusto ko sana siyang sagutin pero umiwas nalang ako at nagtimpi. First night ko palang sa duty at ayaw ko namang magkaroon ng kaaway agad kahit na tingin sa akin nito ay kaaway naman talaga.

Nasuntok na nga ni Brandon kanina yung gurang na una naming customer ni Gail dahil sa akin.

"Pipi ka ba o bingi-bingihan? At ipapaalala ko lang sayo hah! Ako ang reyna dito at sa 'kin lang si Brandon! Wag ka masyadong feeling dahil halata namang di ka type non. Masasaktan ka lang girl!" Pang-aasar niya ulit sa akin na may kasamang pag-ikot ng kanyang eyeballs. Akala niya siguro ikinaganda niya! Nagmukha siyang si Sadako!

"Dukutin ko kaya yang mata mo girl? O talaga? Di ako type ni Brandon?Eh diba halata namang di ka rin niya type? So it's a tie!" Sigaw ng naghuhumurentado kong utak. Syempre di ko naman siya magawang sagutin.

After ko magbihis at magtanggal ng make up ay lumabas ako ng walang imik. Bahala na yang Lexi na yan kung talunan man ako sa isip niya basta nagtatrabaho ako para sa amin ng nanay ko at hindi ako nakikipagkompetensiya ninuman.

Bago umalis ay kinausap muna ako ni Tita MA.

"Meg Congrats!" Natutuwa niyang sabi.

"Bakit naman po tita?" Nagtaka na naman ako sa inasal niya.

"Bago umuwi si Jhant Cabwell, inihabilin niya sakin na ereserve daw kita." Aniya

"Reserve po?"

Para naman akong gamit nito at kailangan pang ereserve. Sigaw ng isip ko.

"Atleast diba! Pabor na pabor sa pagkabirhen mo hehehehe. Iisang customer lang etatable mo at yun pang VIP natin! Ubod ng gwapo na sobrang yaman pa. Nakajackpot ang beauty mo dai!" Saad ni tita na ipinagtaka ko. Sino ba ang tinutukoy niya? Si Jhant ba o si Brandon?O isa dun sa mga kaibigan nila?

There's a part of me na natuwa kasi kahit papano hindi nako tatabi at kakausap pa nang kung sinong lalaki. Pero nalungkot naman ako sa part na sobrang baba nang tingin nila sa katulad ko. Dahil sa totoo lang bayaran ang tingin ko sa sarili ko ngayon.

Sabi ni Tita MA, Jhant paid triple.

Hindi ko alam kung bakit sobrang laki ng ibinayad niya para sa pag upo at kunting pagtungga ko nang alak kasama nila.

Naalala ko ang pilyong ngiti ni Jhant sa akin kanina at siguro nga nireserve niya ako para maging katable niya sa mga susunod na gabi. Di ba dapat maging happy ako dahil tama si Tita MA ,gwapo at ubod ng yaman din si Jhant pero ewan ko ba ba't sinisigaw ng puso ko na sana si Brandon nalang. Bueno, di rin naman mahirap pakisamahan si Jhant dahil makwento ito kumpara kay Brandon na halatang walang pakialam. Choosy paba ako? Isang Cabwell na nga ang nagkainteres sa akin! Gandang ganda tuloy ako sa sarili ko ngayon.

Inabot sakin ni Tita M.A ang kita ko ngayong gabi.

Arawan pala ang sahod namin. At may 20% kami sa binayad ng ka table namin.

Inabutan ako ni tita ng dalawampung libo.

Laking gulat ko at sobrang tuwa dahil first time ko pa nakahawak ng ganito kalaking halaga.

Maluha luha kong niyakap si Tita MA. 

"Maraming salamat po tita! Napakalaking bagay na nito para pampagamot sa nanay ko." Mangiyak- ngiyak kong saad.

"Pinaghirapan mo yan Meg, pag igihan mo pa ang trabaho mo. Mas kikita kapa ng malaki kung masasanay ka!" Aniya.

Masayang masaya akong uuwi ng bahay ngayon.

Pwede ko na mabayaran si Tita Fe ng paunti-unti at yung sobra naman ay para sa gamot ni Nanay.

Nag-abang nako ng jeep pauwi.

Dalawang sakay pa bago makarating sa amin.

Pag ganitong madaling araw naman ay wala pa gaanong traffic kaya nasa 40-50mins lang ang byahe pauwi sa amin.

After 45mins. ay masaya akong tinakbo ang tagpi tagpi naming bahay.

Inihabilin ko lang kasi si nanay sa kapitbahay namin at malapit niyang kaibigan na si Ate Luz.

"Nay, nandito nako!"

Masayang bati ko at pagkabukas ng pinto ay agad din akong nagmano kaagad sabay h***k sa pisngi ng nakahigang si nanay. Pagkatapos ay bumaling ako kay Ate Luz.

"Mano po ate." Sabay abot sa kanang kamay nito.

"Inabot ka ata ng madaling araw Meghan?" Nagtatakang tanong nito sa akin sabay kusot sa mga mata niyang halatang bagong gising.

"Pasensiya na po ate, naghahanap lang ako ng raket." Kumuha ako ng limang daan sa bag at iniabot sa kanya.

"Aba'y para saan ito?" Tanong niya.

"Para po sa pag-aalaga niyo kay nanay ate. Nagpapasalamat po ako sa inyo ng malaki." Saad ko sabay hawak ng kamay niya.

"Tumigil ka ngang bata ka!" Kinuha nito ang mga kamay ko at ibinalik sa akin ang pera.

"Di na kayo ibang tao sa akin! Noong  magaling pa ang Nanay Madel mo ay siya lagi ang natatakbuhan ko nung walang-wala din ako. Kahit alam kong hirap din siya ay nag-aabot parin siya ng tulong sa akin. Alam kong pinaghirapan mo tong bata ka! Kaya idagdag mo nalang iyan sa pampagamot ng nanay mo." Sambit ni ate Luz sabay tapik ng aking braso.

"Maraming salamat po ate." Napayakap ako sa kabaitan niya.

"Oh siya! Ako'y uuwi narin sa amin. Napainom ko na ng gamot ang nanay mo kanina kaya painumin mo ulit siya mamayang umaga." Tugon ni Ate Luz bago umalis.

"Sige po ate, ako na po ang bahala! Maraming salamat po ulit."

Nakahiga lang si nanay sa papag na higaan namin. Nagiging emosyonal na naman ako pag nakikita ang ganitong sitwasyon niya. Kailangan ko pang sikapin magtrabaho dahil balak ko rin ipagawa ang barong-barong namin at bumili ng malambot na kama ng sa ganun ay maging komportable naman si nanay sa hinihigaan niya. Alam kong malaking tulong ang maibibigay sa akin ng pagtatrabaho sa bar kaya't buo na ang desisyon ko ngayong magpatuloy.

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang nagising si nanay pero dahil matamlay pa siya ay ngumiti lamang ito ng makita ako sa tabi niya.

Nahihirapan nadin siyang magsalita.

3months ago lang she was diagnosed for stage 4 tuberculosis.

Siguro dahil narin sa sobrang pagsisikap para maiahon ako sa pag-aaral dati ng highschool.

Dati pa siyang inaatake ng malalang ubo at nahihirapang paghinga at dahil kapos kami kaya di na nagpatingin pa si nanay sa doktor.

Labandera si nanay at sobrang proud ako sa kanya dahil simula ng iniwan siya ng tatay ko after mabuntis ay di na siya nag-asawa. Lagi niyang sinasabi na sapat na ako para sa kanya. 

Ramdam na ramdam ko naman ang pagmamahal niya.

Wala man siyang katuwang sa pagpapalaki sa akin ay napalaki naman niya ako ng maayos at mabuting tao.

Alam kong hindi matutuwa si nanay sa trabahong pinasok ko kaya nilihim ko nalang ito sa kanya.

Batid kong nagtatanong ang kanyang mga mata kaya sinagot ko nalang siya para gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Pasensya kana nay kung inabot ako ng madaling araw, nag-overtime kasi ako sa karenderya bilang taga serve ng pagkain at tagahugas. Pero wag kang mag alala, binigyan naman ako ng amo ko ng malaking halaga para maipagamot na ulit kita." Naluluha kong sabi sabay yakap sa kanya.

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Alam kong nahihirapan na din siya kaya dodoblehin ko pang kumayod para lang gumaling siya.

Nagpalit lang ako ng damit pantulog at tumabi na sa kanya.

Guilty man ako dahil sa pagsisinungaling ay panatag naman ang loob ko dahil sa wakas mapapatingnan ko na ulit si nanay sa doktor at yun ang pinakamahalaga sa akin ngayon.

"Goodmornight nay, I love you." Sabay h***k sa kanyang pisngi.

..........

Alas sais pa lang nang umaga  ng magising kami sa malalakas na katok.

"Meghan lumabas ka diyan!" Pasigaw niyang sabi na parang mabubulabog yung buong barangay. Kilala ko na ang eskandalosang bunganga nito.

Mukhang mag-eeskandalo na naman ito ng umagang-umaga.

Alam ko ang preno ng bibig nito at baka malaman pa ni nanay ang patungkol sa trabahong pinasok ko.

Nagmamadali akong bumangon at binuksan ang pintuan.

"Goodmorning Tita Fe, ano ho ang sa atin?" Mahinahon kong tanong kahit na nakakapang-init ng ulo ang asal nito.

"Malaki ba kita mo kagabi? Kailangan ko ng pera ngayon din Meghan." Aniya sabay buka ng kamay nito. Kung umasta talaga ito ay parang may iniwang milyon na pera sa akin.

"Meron naman po kahit papaano. Balak ko po sanang ipacheck-up si nanay ngayong araw kaya mabibigyan ko lang po sana kayo nang paunang bayad." Pakiusap ko sa kanya.

"Aba! Di pwede yan Meghan! Usapan natin mapapasakin ng buo ang una mong sasahurin! Kaya ibigay mo sa akin ngayon din! Kung tutuusin pagtatrabuhuhan mo pa iyan! Magbabayad kapa ng interes!" Nagsimula ng uminit ang ulo nito at lumaki pa ang boses.

Napapaiyak na akong nakikiusap sa kanya.

"Tita, parang awa nyo na po kahit bukas nalang po sana ako magbibigay sa inyo ng buong kita ko. Malala na po kasi ang kondisyon ni nanay ngayon kaya kailangan na po siyang mapatingnan sa doktor agad." Garalgal na ang boses kong nakikiusap sa kanya.

"Sabing hindi pwede eh! Ang usapan ay usapan kaya wag ka ng umalma pa!" At galit na itong pumasok sa loob.

"Akin na yung bag mo kagabi kung hindi ay ako mismo ang maghahanap!"

Pumasok na siya sa kwarto namin ni nanay. Hinahanap at kinuha ang bag na ginamit ko sa trabaho kagabi. Halang talaga ito sa pera. Umiiyak akong inagaw sa kanya pero nakuha na niya ang perang kinita ko.

"Wow! Kita mo nga naman! Pasalamat ka talaga sakin at pinasok kita doon. Malaki laki eto! Buti naman at ginalingan mo! Kukunin ko to lahat." Mangisi-ngisi niyang sabi na parang nakahawak ng ginto.

"Tita, nagmamakaawa po ako sa inyo!" Tuluyan na akong napahagulhol ng iyak at lumuhod na nakikiusap.

"Awa-awa ka diyan! Tumabi ka at uuwi na ako! Kung tutuusin kulang na kulang pa to hah! Basta bukas babalik ulit ako dito."

Masayang umalis ang bruha. Napakawalang puso. Nanlumong humagulhol ako ng iyak at napayakap sa aking dalawang tuhod.

Malayong kamag anak na ni nanay si Tita Fe. At dahil may pasugalan ito kaya sa kanya kami nakahiram ng pera pambayad sa ospital noong unang naadmit si nanay. Pinaglaba pa ako ng ilang tray ng labahin bago nagbigay. Pero alam kong may usapan na kami na pag hindi parin ako makapagbayad sa buwan na palugit niya ay kusa niya akong ipapasok sa bar umayaw man ako.

Tiningnan ko si nanay, umiiyak din ito.

Sana hindi niya naintindihan lahat ng sinabi ni Tita Fe. 

Maya maya pa'y nahihirapan na naman siyang huminga na parang kinakaposan ng hangin.

Nagmadali akong nilapitan siya.

"Nay! Nay! Ate Luz !Mga kapitbahay tulungan niyo po ako! Si nanay !"

Napasigaw ako sa sobrang takot at pagkataranta.

Dali-daling pumasok sina Ate Luz at mabilis naming isinugod si nanay papuntang ospital!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
napaka walang puso naman yang tita Fe mo dapat kasi hindi mo nilagay lahat ng kita mo sa bag mo dapat nagtabi kana ng para sa nanay mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status