Share

Kabanata 6

[Jhant Cabwell POV]

I am driving papunta sa office ni Brandon. Manggugulo na naman ako sa workaholic kong pinsan.

Masyadong atang nagpapayaman ang isang yun. I also owned business establishments like my cousin pero di ako masyadong tutok sa negosyo. I appointed my trusted employees to handle my business while I'm busy enjoying myself outdoor.

Mas gusto ko mag enjoy, magtravel and ofcourse mambabae hahahaha life is too short to be wasted anyway!

Simula pagkabata ay sabay kaming lumaki ng pinsan kong si Brandon. Magkapatid ang mga daddy namin na parehong Portuguese-American. 

We both grew up in States pero noong mga bata pa kami nagpupunta rin kami dito sa Pilipinas para magbakasyon. Maaga kaming natutong magtagalog dahil sa mga mother namin na pareho ding Filipina. After graduated from college, pinapunta kami dito sa Pilipinas to manage our dad's respective businesses.

Halos kilala ko na ang pagkatao ng pinsan ko.

Alam kong never pa ito nagkaroon ng love interests sa mga babae.

Nagninight life din ito, pero ayaw nito pumatol sa mga cheap.

Gusto nitong may ibubuga ang mga chikas niya.

Pero nang makita ko kagabi kung paano niya ipagtanggol yung bagong pasok na magandang entertainer sa bar, nakakapanibago.

I will admit, she's fucking gorgeous! Kahit ata sinong lalaki mag-aarouse pag nakita siya.

Halatang may lahi sa itsura niya. Mestisahin at matangkad. Kaya siguro iba ang tingin ng pinsan ko sa kanya.

Madalas kaming nagpupunta doon sa bar na tambayan namin at di na bago sa amin ang mga binabastos na babae pero di naman siya nagrereact. Until last night.

May kakaiba. 

May namumuong kakulitan na naman sa isip ko.

Alam ko namang never pa ito nakipag sex sa isang entertainer but gusto ko itong magtry hahahahaha 

I want him to pleasure himself with that beautiful sluttish woman.

And bago ako umuwi kagabi, I talked to the bar manager and requested na ereserve ang bago nilang entertainer. Sounds naughty pero di para sa akin kundi para sa pinsan kong si Brandon. I want him to try something new.

Exciting right?

[Brandon's POV]

Here I am with my daily routine. 

Facing my laptop for my newly expanded condos.

Tinitingnan ko ang gawa ng mga engineers na nagsubmit din sa akin ng site location and the unit's design.

"I want this one!"

I called my secretary to book a meeting with the engineers as soon as possible .

Suddenly, Jhant entered my office.

Heto na naman ang makulit kong pinsan na mas gusto pa ata magliwaliw kesa magfocus sa business niya.

"Hey! Are you busy later?" Nakangiting tanong nito sabay upo sa sofa ng office ko.

"And what's with that smile?" Nagtatakang tanong ko.

"Naalala ko lang kasi kung paano mo ipagtanggol ang magandang dilag kagabi." Panunukso nito sabay kagat ng apple na nakalagay sa table. Sumirko ang kilay ko.

"Good job Brandon! You're a heroooo." Pang-aasar pa nito in a feminine voice. Loko-loko talaga! Parang bata ito kong mangulit.

"What are you talking about? Bad mood rin ako kagabi kaya napagbuntungan ko ang mga gurang na yun!" Nakahalukipkip kong sagot habang nakatutok lang sa laptop ko.

"Weeh!? That's it? Nothing more? Kasi sa pagkakaalam ko never ka pa nangialam sa mga ganoong eksena not until last night." Napahagikhik na ito ng tuluyan.

"And what do you mean?Na concern ako sa mababang lipad na babaeng yun?" Naiinis na akong hinarap ito.

"Oppsss! Wala akong sinabing ganyan! Sayo na mismo nanggaling yan." Mangisi-ngisi pang tukso nito.

"Seriously? Naiisip mo pa yan? And why the hell I care? Kailan pa ako nagkaroon ng interest sa mga entertainer?" Iritableng tugon ko at tuluyan ng napatayo sa kinauupuan ko.

"Oh! Relax! Pero malay mo naman just last night lang hahahahah" Malokong sagot nito na humagalpak na ng tawa.

Bigla akong natahimik at napaisip.

Well to be honest, kahit ako naninibago sa inasal ko kagabi. I also really don't know kung bakit ko nagawa iyon coz just like what Jhant said never naman ako nakikisali sa mga ganitong eksena before.

Yes, I'll admit she has that magnetic beauty. But It doesn't change the fact na she's a whore and a player . She's even acting innocent na di raw siya umiinom but nilaklak lang ng isang beses ang shotglass na may lamang vodka.

Napailing akong bumaling ulit kay Jhant.

"Ewan ko sayo! Puro ka kalokohan! Ikaw lang naman nagbibigay ng malisya sa ginawa kong yun coz for me that's not a big deal. She's nothing compared to my girls. Remember?" Sagot ko sabay balik sa upuan at kinulikot ulit ang laptop ko.

"Okay! Sabi mo eh. But join us later okay? Let's have fun again. Same time, same place." Pakindat-kindat pang offer nito na parang may ibig sabihin na naman. Sa hitsura nito ngayon parang may naiisip na naman itong kalokohan.

"We'll see." Tipid na sagot ko

"Wag mo nang pag-isipan. I want you to prove me something also! Promise mag eenjoy ka! See you Brandon the hero!" Malokong tugon nito bago tuluyang umalis.

Napailing nalang akong sinusundan ito ng tingin palabas ng office ko. Minsan napapaisip ako kung paano ko naging kadugo ito. Kung gaano ako kaseryoso ay ganoon naman ito kabulakbol minsan sa buhay. Nangingialam din ito sa buhay ko gaya ng pagreto nang kung sinong babaeng sa tingin niya ay matitipuhan ko. Kaya yung iba kong chikas ay nakilala ko because of Jhant. Speaking of chikas, bigla kong naalala ang usapan namin ni Britney for tonight. She's a businesswoman and a gorgeous model. We're planning to meet at the hotel coz It's been a week na hindi na kami nagkikita and tinatadtad na ako ng phonecalls. Then maybe after seeing her, I'll join Jhant on the bar.

[Meghan's POV]

Nakailang hospital pa kami bago tinanggap si nanay. Ang rason ng ibang hospital na unang pinagdalhan namin ay wala raw available na espesyalistang doktor para sa sakit ni nanay. 

Kaya sa isang pribadong hospital namin siya dinala kahit na alam kong malulula kami sa bill. Di ko na naisip ang mababayaran ko dahil namumutawi sa akin ang kagustuhang mapagamot na siya sa lalong madaling panahon.

Agad naman siyang inalalayan ng mga nurses at binigyan ng oxygen.

Maya maya pa'y sinuri narin sya ng doktor.

"Miss, di na kayo pwedeng pumasok sa loob. Don't worry we will do our very best. Just wait here." Bilin ng doktor bago tuluyang sinarado ng pinto ng emergency room.

Di mawala-wala ang pagtagos ng aking mga luha. Sobrang nag-aalala ako kay nanay .

Panay lang ang iyak ko habang nakayakap kay Ate Luz.

"Tatagan mo loob mo Meghan. Maawain ang Diyos. Matapang ang nanay mo. Malalagpasan din niya ito." Pagpapagaan ng loob sa akin ni Ate Luz.

Masakit man sa d****b ay kailangan ko ring magpakatatag dahil sa ngayon wala talaga akong ibang maasahan kundi sarili ko lang lalong lalo na sa paghahanap ng pinansyal.

Halos kalahating oras pa kami naghintay sa labas bago lumabas ng pintuan ang doktor na nagdala kay nanay kanina sa loob.

"Dok, kumusta na po ang nanay ko?Maayos na po ba siya?" Tanong ko sa garalgal na boses.

"So you're the daughter of the patient? I'm Mr. Nel Chua a thoracic surgeon." Pagpapakilala nito sa amin.

"Sa ngayon under observation pa ang kalagayan ng nanay mo. Masyado ng complicated ang tubercolosis niya. Madami ng internal organs niya ang naapektuhan. Life-threatening na ang kanyang kondisyon that's why she needs surgical operation as soon as possible." Paliwanag ng doktor.

Nanlumo ako sa aking narinig. Kung naagapan lang siguro kaagad ay baka di na lumala ng ganito.

"Malaki po ba ang gagastusin sa operasyon dok?"

"I will be honest with you, milyon ang gagastusin for surgical operation. Di pa kasama ang mga gamot na kakailanganin after that. Just let me know pag nakapag decide kana so we can prepare all the materials for the operation. I will just check my other patient,excuse me." Magalang na tugon nito bago umalis.

Lalo akong nanlumo sa mga narinig ko. Pinunasan ko nang aking mga kamay ang mga luhang nag unahan na naman sa pagpatak.

Isang Milyon? Saan naman ako kukuha nang ganoon kalaking halaga? Kahit ata pagsabayin ko pa ang pagwa-waitress sa bar at paglalabada ay aabutin ako ng taon sa pag-iipon. Nariyan pa ang sakim na si Tita Fe na kahit isang singkong duling ay wala manlang tinira sa kinita ko kagabi.

Niyakap ako ulit ni Ate Luz na napaiyak na rin. Hinaplos nito ang likod ko.

"Napaka unfair ng mundo ate. Bakit sa amin pa nangyayari ang ganito. Bakit sa amin pang naghihikahos na nga sa kahirapan." Napa-upo akong napaiyak sa sahig habang yakap-yakap ang dalawa kong tuhod.

"May dahilan ang Diyos Meghan. Wag kang mawalan ng pag-asa. Nandito lang ako palagi ,hindi man sa pinansyal na tulong pero sisikapin kung alagaan kayo ng nanay mo." Ani Ate Luz at muli akong niyakap.

Nilipat na rin si nanay sa ICU dahil hindi pa rin ito nagigising at kailangan ng agarang atensyon ang kalagayan nito.

Habang tinitingnan ko si nanay sa loob ng ICU ay nanghihina pa ako lalo.

Kinabitan siya ng maraming tubo. At kahit di niya sabihin ay ramdam ko ang sakit ng paghihirap niya.

Kailangan kong gumawa ng paraan.

Pupunta ako kay Tita MA ngayon din. Siya nalang ang bukod tanging naisip kong lapitan. Stay-in naman siya sa bar kaya malamang andoon lang siya ngayon.

Buti may barya pa akong tira kasya pamasahe. Wala naman kasi akong cellphone kaya di rin ako makakatawag.

"Ate Luz, kayo na po muna ang bahala kay nanay. Maghahanap lang po ako ng mahihiraman ng pera panggastos." Pakiusap ko sabay ayos sa sarili.

"Saan ka naman makakahagilap ng ganoon kalaking halaga Meghan?" Pag- aalala nito.

"Bahala na po. Basta gagawa po ako ng paraan." Positibong sagot ko.

"Oh siya mag iingat ka. Ako na ang bahalang magbantay sa nanay mo dito." Aniya.

"Maraming salamat po ate." At nagmadali akong umalis papuntang bar.

..................

Lagpas isang oras akong nagbiyahe gawa narin ng traffic dahil umaga.

Binati ko agad si kuya guard na nakaduty sa building papasok ng bar.

"Kuya, bagong waitress po ako dito. Kakausapin ko lang po sana si Tita MA." Paliwanag ko.

"Tawagan ko po muna sa telepono si manager ma'am." Aniya sabay dial sa telepono nito.

"Pakisabi po si Meghan."

Pagkatapos tawagan ng guard si Tita MA ay pinapasok niya rin ako agad.

May mga janitor na naglilinis sa loob. At buti nalang agad ko namang nakita si Tita MA.

"Oh Meghan, anong sa 'tin? At teka! bakit parang maga yang mga mata mo?" Nag-aalala niyang tanong at hinawakan pa ang pisngi ko.

"May sakit ka ba?" Dagdag pa niya. Napayakap ako kay Tita MA. Kahit kakakilala lang namin ay napakagaan na ng loob ko sa kanya.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kay nanay pati na rin nang pagkuha ni Tita Fe nang kinita ko kagabi. Kinapalan ko na ang mukha ko at sinabi sa kanya ang talagang sadya ko.

"Walang hiya talaga yang Fe na yan! Kung di ko lang kakilala ang asawa nun ay baka ako na ang magpakulam sa kanya." Halata sa tono ng boses ni tita ang inis.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa nanay mo Meg. Mayroon akong kaunting naipon pero sobrang kukulangin to para sa operasyon ng nanay mo." Aniya habang hinahanap sa bag nito ang kanyang wallet. At ng mahanap ay agad din nitong dinukot ang laman.

"Maraming salamat po tita. Pagsisikapan ko pong pagtrabahuhan at dodoble kayod po ako para makapagbayad sa inyo. Maghahanap nalang po ako ng ipapandagdag ." Mangiyak-ngiyak kong saad.

"Sa ngayon wag mo munang isipin yan. Basta pumasok ka lang mamayang gabi at hahanap tayo ng paraan." Sagot niya at iniabot sa akin ang pera.

Nalulungkot man ay nabawas-bawasan kahit papano ang bigat na dinadala ko. Pinahiram ako ni Tita MA ng 80,000php para sa paunang bayad para sa medikasyon ni nanay. Na kahit alam kong kukulangin ay malaking tulong narin pandagdag.

Nagpasalamat ulit ako sa kanya at nagmadali na ring umalis para bumalik ng hospital.

Papasok parin ako mamayang gabi. Wala na akong pakialam kahit makipagtable pa ako ng maraming lalaki. Kahit mabastos o mahipuan man basta gagawin ko lahat gumaling lang si nanay. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
Ang bait naman,,sana ma tumolong
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana matulungan ka ni jhant or ni brandon na maipagamot ang nanay mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status