Nang naayos ko na ang lahat ng mga gamit na dadalhin ko ay pinuntahan ko si Ate Luz para isama sa pagdalaw sa puntod ni nanay.
"Meghan, sigurado kana ba diyan sa desisyon mo? Mababait ba yang mga amo? Napapabalita pa naman ngayon na maraming katiwala ang inaabuso ng kanilang mga amo." Nag-aalalang tanong niya habang inaayos ang bulaklak sa ibabaw ng puntod ni nanay. Sinabi ko kasi sa kanya na mamasukan ako bilang katulong. Gustong-gusto kong magtapat sa kanya ngunit hindi ko pa magawa dahil sa usapan namin ni Brandon na magiging sekreto muna ang lahat. Sadyang hindi pa lang ngayon ang tamang panahon.
Nakaramdam ako ng guilt habang nakatingin sa abalang si Ate Luz. Noon pa man ay tumayo na siyang pangalawang ina sa akin kaya't alam kong hindi tama na ilihim ko sa kanya ang lahat. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago sumagot.
"Opo ate, wag po kayong mag-alala. Tsaka dadalaw pa rin po ako minsan sa bahay. Kayo na po muna ang bahalang tumingin-tin
Alas-singko pa lang ng umaga ay gumising na ako. Talagang inagahan ko para makapagluto at makakain si Brandon. Naalala ko kasi kahapon ang paghahabol niya sa oras kaya't di na siya kumain ng breakfast.Pagkatapos maligo at magbihis ay inasikaso ko na rin sa kusina lahat. Di naman ako nahirapan sa lulutuin pagka't napakaraming mapagpipilian. Basta hindi lang malansa ay pasado sa tummy ko. At nang matapos ay inihain ko na rin lahat sa mesa.Hindi parin siya bumababa ng kwarto niya kaya't naisipan ko siyang katukin. Baka kasi late na naman siya magising at magkaundagaga na naman.Dahan-dahan kong inakyat ang hagdanan at marahang kinatok ang pintuan ng kwarto niya."What?" Bungad ni Brandon na kinusot-kusot pa ang kanyang mata. Naghihikab pa ito ngunit kahit anong awra niya ay di manlang nabawasan ang kanyang kagwapuhan."Sorry kung naabala ko ang tulog mo. Malapit na kasi mag-7:00AM hindi ka pa lumalabas ng kwarto." Nahihiyang sambit ko ngunit k
[Meghan's POV]Ilang linggo na rin simula ng tumira ako dito sa bahay ni Brandon. Halos araw-araw ay may nakikita akong pagbabago sa treatment niya sa akin. Yung nararamdaman ko na ang pagiging concern niya gaya nalang ng pagdadala niya ng preskong prutas at pagkain pagkauwi niya. Bihira nalang rin niya akong sungitan at napapangiti ko na rin siya sa simpleng biro ko. Hindi na awkward sa akin ang kausapin siya at ramdam kong ganoon rin siya sa akin.Ayaw niya ring magpagod ako kung kaya't pinapapunta niya rito ang on-call caretaker niya para may katuwang ako sa paglalaba at paglilinis ng buong bahay at bakuran.Yung kadalasan ko lang ginagawa rito ay ang ipagluto siya at syempre ang alagaan siya at mahalin ng walang kapalit.Wala na ata akong ibang mahihiling pa dahil di ko man maramdaman na mahal niya ako ay sobrang natutuwa naman ako sa mga pinapakita niya.Nakaupo ako sa bench sa bakuran ng bahay para lumanghap ng sariwang hangin n
Kinabukasan ay maagang umalis sina Brandon kasama ang mommy nito. Magsho-shopping daw sila kasama si Krissy. Malungkot akong naiwan sa bahay lalo na pag naiimagine ko ang muling pagkikita ng mag-ex. Botong-boto pa naman ang Mommy Alice ni Brandon na magkabalikan ang dalawa. Di ko mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha habang kinakausap ang sarili."Napakalungkot ni mama ngayon baby. Ano na kayang nangyayari ngayon sa papa mo kasama ang ex niya. Sana hindi na niya maisipang makigpagbalikan kay Krissy dahil pag nangyari yun baka lalo ka niyang hindi kilalanin." Emosyonal kong kinakausap ang maliit na umbok ng aking sinapupunan. Wala man akong karapatan para pangunahan si Brandon sa magiging desisyon niya sana maisip man lang niya na dinadala ko ang anak niya at maaapektuhan kami ng sobra.Abala ang utak ko sa kakaisip ng biglang nagbeep ang message alert tone ko. Nang buksan ko ang aking cellphone ay message ito mula kay Brandon."You can go home muna. Sasama sa
[ Brandon's POV ]Nasa terrace ako ngayon habang hawak2x ang baso ng vodka. Honestly, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong sasabog at alam kong may kinalaman ang nangyari sa amin ni babae kanina. Sobrang dismayado ako, akala ko kaya niya ng iwan ang lintik na trabaho sa bar ngunit sadyang nasa dugo niya na ata ang ganoong gawain."That woman pisses me this much!" Tiim-bagang na tugon ko habang iniinom ang vodkang hawak ko. Nakatingin lang ako sa liwanag ng buwan habang dinaramdam ang pag-aalab ng galit sa aking puso.Nasa ganitong sitwasyon ako ng biglang nagsalita si mommy."So kumusta ang emergecy mo kanina? Wanted to tell something? The way you stare at the moon outside mukhang malalim ang iniisip mo." Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ang seryosong boses ni mommy."Mom, ikaw pala. Do you want to drink? May wine ako sa fridge I can get that for you." Aya ko sa kanya but she nodded."No s
Ilang gabi na ring umuuwi si Brandon na laging nakainom. Ang masaklap pa kadalasan may kasama itong magaganda at seksing babae. Sobrang manhid na ata ng puso ko at di ko alam kung paano ko kinakaya. Ang mahirap wala akong karapatan mangialam. Mukhang hindi ko pa talaga lubos na kilala si Brandon dahil ngayon lang lumabas ang tunay na kulay nito, ang pagiging womanizer. Never ko inakala na mangyayari ito. Ni hindi ko hinanda ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Humuhugot nalang ako ng lakas ng loob sa baby ko. Dahil siya nalang ang kaisa-isang dahilan kung bakit nakikipaglaban ako sa hamon ng buhay.Sobrang laki ng ipinagbago ng lahat. Hindi na rin kami nag-uusap. Pinagluluto ko siya ngunit hindi kami sabay kung kumain gaya ng dati. Yung katulong na hihintayin muna matapos kumain ang amo bago kumain, ganoon ang set-up namin ngayon.Wala na atang mas sasakit pa sa pambabalewala niya sa akin pero may malaking parte sa puso ko ang nais lumaban at ipagpa
[ Meghan's POV ]Maaga akong nagpaalam kay Ate Luz. 4:00AM palang ay bumiyahe na ako pauwi sa bahay ni Brandon. Kahit sobrang bigat pa ng dibdib ko ay kinailangan ko pa ring tumupad sa kasunduan namin. Actually, never naman nawala yung sakit pero kinailangan ko pa ring magpatuloy dahil kung susukuan ko siya dahil lang sa mga babae niya ay parang napakababaw na dahilan iyon kompara sa dahilan na kailangan kong patunayan ang sarili ko sa kanya para itama lahat ng mga panghuhusga niya alang-alang na rin sa pagtanggap niya ng buo sa magiging anak namin."Hinahanap niya kaya ako? Mukhang wala naman atang pakialam yun sa akin." Malalim ang naging buntong-hininga ko sa kaisipang ito. Ni hindi nga ako nakakatulog ng maayos gabi-gabi kakaisip kong ano ang pwede kong gawin para mapalapit ulit sa kanya. Hanggang sa biyahe ay lutang pa rin ang utak ko.Sakto namang hindi pa traffic sa daan kaya't mabilis akong nakarating. Nilakad ko pa ang babaan ng jeep papas
[Meghan's POV] Pilit kong inabala ang sarili sa paglilinis ng buong bahay ni Brandon para lang makalimutan kahit papaano ang ginawa niya sa akin kaninang umaga. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili para lang pakitaan niya ng maganda kagaya dati. "Matigas din kasi ulo mo Meghan! Sinabihan kana niya diba na kailangan alam niya lahat ng lakad mo pero nagpadala ka sa bugso ng damdamin kaya sinusuway mo ang kagustuhan niya." Napailing akong kinakausap ang sarili dahil narealize kong may mali din ako. Nung chineck ko kasi ang aking cellphone ay may missed calls ito galing kay Brandon. Sa pagmamadali ko kahapon ay di ko namalayang naiwan ko pala ito. "Tinawagan niya ako? So ibig sabihin may paki siya sa akin?" Sigaw naman ng kabilang parte ng utak ko. Gusto kong kiligin sa kaisipang ito ngunit kinakalaban naman ito ng puso ko dahil sa masakit na nangyari kanina. "Pero hindi pa rin dahilan yun para babuyin ka niya ng ganon-ganon la
"Kuya, pwede niyo po ba akong mahintay? Kukunin ko lang po yung mga gamit ko." Pakiusap ko sa driver ng taxi para hindi na ako hahagilap ng masasakyan paalis. Pansin siguro nito ang pag- iyak ko kaya napatitig pa ito sa namamaga kong mata bago sumagot. "Wala pong problema ma'am." Aniya kaya't mabilis akong bumaba para kunin ang mga gamit ko. Nang makapasok sa loob ay muli na naman akong napahikbi. Di ko mapigilan maging emosyonal habang nilalagay sa bag ang mga gamit ko. I'm going to miss him! Sobra! Feeling ko'y mahihirapan akong hindi na siya makita araw-araw. Sobrang sakit lang kasi na kahit hindi naman ganoon kasaya ang pagtira ko dito, memorable pa rin lahat dahil kasama ko siya. Nasanay na ako na kahit dinedeadma niya lang ako ay masaya na akong mapagsi