Kinabukasan ay maagang umalis sina Brandon kasama ang mommy nito. Magsho-shopping daw sila kasama si Krissy. Malungkot akong naiwan sa bahay lalo na pag naiimagine ko ang muling pagkikita ng mag-ex. Botong-boto pa naman ang Mommy Alice ni Brandon na magkabalikan ang dalawa. Di ko mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha habang kinakausap ang sarili.
"Napakalungkot ni mama ngayon baby. Ano na kayang nangyayari ngayon sa papa mo kasama ang ex niya. Sana hindi na niya maisipang makigpagbalikan kay Krissy dahil pag nangyari yun baka lalo ka niyang hindi kilalanin." Emosyonal kong kinakausap ang maliit na umbok ng aking sinapupunan. Wala man akong karapatan para pangunahan si Brandon sa magiging desisyon niya sana maisip man lang niya na dinadala ko ang anak niya at maaapektuhan kami ng sobra.
Abala ang utak ko sa kakaisip ng biglang nagbeep ang message alert tone ko. Nang buksan ko ang aking cellphone ay message ito mula kay Brandon.
"You can go home muna. Sasama sa
[ Brandon's POV ]Nasa terrace ako ngayon habang hawak2x ang baso ng vodka. Honestly, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong sasabog at alam kong may kinalaman ang nangyari sa amin ni babae kanina. Sobrang dismayado ako, akala ko kaya niya ng iwan ang lintik na trabaho sa bar ngunit sadyang nasa dugo niya na ata ang ganoong gawain."That woman pisses me this much!" Tiim-bagang na tugon ko habang iniinom ang vodkang hawak ko. Nakatingin lang ako sa liwanag ng buwan habang dinaramdam ang pag-aalab ng galit sa aking puso.Nasa ganitong sitwasyon ako ng biglang nagsalita si mommy."So kumusta ang emergecy mo kanina? Wanted to tell something? The way you stare at the moon outside mukhang malalim ang iniisip mo." Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ang seryosong boses ni mommy."Mom, ikaw pala. Do you want to drink? May wine ako sa fridge I can get that for you." Aya ko sa kanya but she nodded."No s
Ilang gabi na ring umuuwi si Brandon na laging nakainom. Ang masaklap pa kadalasan may kasama itong magaganda at seksing babae. Sobrang manhid na ata ng puso ko at di ko alam kung paano ko kinakaya. Ang mahirap wala akong karapatan mangialam. Mukhang hindi ko pa talaga lubos na kilala si Brandon dahil ngayon lang lumabas ang tunay na kulay nito, ang pagiging womanizer. Never ko inakala na mangyayari ito. Ni hindi ko hinanda ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Humuhugot nalang ako ng lakas ng loob sa baby ko. Dahil siya nalang ang kaisa-isang dahilan kung bakit nakikipaglaban ako sa hamon ng buhay.Sobrang laki ng ipinagbago ng lahat. Hindi na rin kami nag-uusap. Pinagluluto ko siya ngunit hindi kami sabay kung kumain gaya ng dati. Yung katulong na hihintayin muna matapos kumain ang amo bago kumain, ganoon ang set-up namin ngayon.Wala na atang mas sasakit pa sa pambabalewala niya sa akin pero may malaking parte sa puso ko ang nais lumaban at ipagpa
[ Meghan's POV ]Maaga akong nagpaalam kay Ate Luz. 4:00AM palang ay bumiyahe na ako pauwi sa bahay ni Brandon. Kahit sobrang bigat pa ng dibdib ko ay kinailangan ko pa ring tumupad sa kasunduan namin. Actually, never naman nawala yung sakit pero kinailangan ko pa ring magpatuloy dahil kung susukuan ko siya dahil lang sa mga babae niya ay parang napakababaw na dahilan iyon kompara sa dahilan na kailangan kong patunayan ang sarili ko sa kanya para itama lahat ng mga panghuhusga niya alang-alang na rin sa pagtanggap niya ng buo sa magiging anak namin."Hinahanap niya kaya ako? Mukhang wala naman atang pakialam yun sa akin." Malalim ang naging buntong-hininga ko sa kaisipang ito. Ni hindi nga ako nakakatulog ng maayos gabi-gabi kakaisip kong ano ang pwede kong gawin para mapalapit ulit sa kanya. Hanggang sa biyahe ay lutang pa rin ang utak ko.Sakto namang hindi pa traffic sa daan kaya't mabilis akong nakarating. Nilakad ko pa ang babaan ng jeep papas
[Meghan's POV] Pilit kong inabala ang sarili sa paglilinis ng buong bahay ni Brandon para lang makalimutan kahit papaano ang ginawa niya sa akin kaninang umaga. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili para lang pakitaan niya ng maganda kagaya dati. "Matigas din kasi ulo mo Meghan! Sinabihan kana niya diba na kailangan alam niya lahat ng lakad mo pero nagpadala ka sa bugso ng damdamin kaya sinusuway mo ang kagustuhan niya." Napailing akong kinakausap ang sarili dahil narealize kong may mali din ako. Nung chineck ko kasi ang aking cellphone ay may missed calls ito galing kay Brandon. Sa pagmamadali ko kahapon ay di ko namalayang naiwan ko pala ito. "Tinawagan niya ako? So ibig sabihin may paki siya sa akin?" Sigaw naman ng kabilang parte ng utak ko. Gusto kong kiligin sa kaisipang ito ngunit kinakalaban naman ito ng puso ko dahil sa masakit na nangyari kanina. "Pero hindi pa rin dahilan yun para babuyin ka niya ng ganon-ganon la
"Kuya, pwede niyo po ba akong mahintay? Kukunin ko lang po yung mga gamit ko." Pakiusap ko sa driver ng taxi para hindi na ako hahagilap ng masasakyan paalis. Pansin siguro nito ang pag- iyak ko kaya napatitig pa ito sa namamaga kong mata bago sumagot. "Wala pong problema ma'am." Aniya kaya't mabilis akong bumaba para kunin ang mga gamit ko. Nang makapasok sa loob ay muli na naman akong napahikbi. Di ko mapigilan maging emosyonal habang nilalagay sa bag ang mga gamit ko. I'm going to miss him! Sobra! Feeling ko'y mahihirapan akong hindi na siya makita araw-araw. Sobrang sakit lang kasi na kahit hindi naman ganoon kasaya ang pagtira ko dito, memorable pa rin lahat dahil kasama ko siya. Nasanay na ako na kahit dinedeadma niya lang ako ay masaya na akong mapagsi
[ Meghan's POV ]"Mag-iingat ka doon Meghan! Alagaan mong mabuti yang baby mo. Tsaka lagi mo akong tawagan ha. Mamimiss kita. Wag kang mag- alala at ako na ang bahala sa bahay niyo ng nanay mo. Wag mo akong kakalimutan." Maluha-luhang tugon ni Ate Luz habang nakayakap sa akin ng mahigpit."Syempre naman po ate. Paano ko naman makakalimutan ang kaisa-isang taong naging karamay ko sa lahat. Maraming salamat po, napakalaki ng utang na loob ko sayo ate. Kayo na po muna ang bahala dito. Tsaka lage din po kayong mag-iingat. Babalitaan ko po kayo." Sagot ko habang abala sa pagpunas ng namumuong luha sa aking mga mata."Luz, I appreaciate all the good things you've done to my daughter. Don't worry I will keep in touch with you." Saad ni Daddy Benedict sabay yakap kay Ate Luz. May iniabot pa itong sobre kay Ate Luz na naglalaman ng pera. Ayaw sanang tanggapin ni ate ngunit pinilit namin ni daddy. Para na rin makap
[ Brandon's POV ]My life without her is totally different now. I'm started to miss everything about her. Yung simpleng goodmorning niya while inaalok akong kumain ng breakfast. Yung masarap niyang luto. Yung pagiging boba niya at ignorante sa mga bagay. Ang kakulitan niya. Her beautiful face. Ang mapupula at maiinit niyang labi.Fuck!Bakit ngayon ko lang narealize lahat ng ito! Bakit ngayon pa na wala na si babae sa buhay ko.Ngayon nga lang ba? Marahil ay matagal na kaso di ko lang matanggap sa sarili ko noon dahil masyado kong pinapahalagahan ang pangalan ko kesa sa nararamdaman ko.It's been 5 years long since umalis si babae sa buhay ko. 5 years of longingness. 5 years of grief and sadness. I don't even know paano ko nasurvive lahat gayung halos araw-araw akong kinakain ng konsensiya ko.I've been looking for her kahit napakaimpossibleng mahanap ko siya. Nagbakasyon ako sa parents ko sa States ng ilang buwan just to find ma
[Meghan's POV]"Welcome to Cebu, Philippines Ms. Meghan Walton"Nahagip ng aking paningin ang isang banner. Hawak ito ng isang may edad na babae at dalagitang tantiya ko'y nasa 20's pa lamang. Walton na kasi ang gamit kong apelyido ngayon. Matagal na itong pinabago ni Daddy Ben.Nakangiti akong naglakad patungo sa direksiyon ng dalawang babae. Nang makalapit ako sa dalawa ay kita ko ang pagkamangha sa kanilang mga mata."Wow! Ms. Walton? Aba'y pagkagandang babae. Mukhang taga hollywood." Di magkaundagagang sambit ng dalagita. Mukhang napakalakas ng energy niya lalo na't titig na titig ito sa aking kabuuan. Bigla ko tuloy naalala si Gail sa kanya."Oo nga ano. Aba'y napakamestisa at napakaamo ng mukha." Turan naman ng kasama nitong may edad na babae. Dinig na dinig ko ang paghanga ng dalawa kaya't natutuwa ko silang binati."Magandang araw po sa inyo. Maraming salamat po sa compliment." Medyo nahihiyang saad ko pa. Nagkatinginan ang dalawa at