[ Meghan's POV ]
"Mag-iingat ka doon Meghan! Alagaan mong mabuti yang baby mo. Tsaka lagi mo akong tawagan ha. Mamimiss kita. Wag kang mag- alala at ako na ang bahala sa bahay niyo ng nanay mo. Wag mo akong kakalimutan." Maluha-luhang tugon ni Ate Luz habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
"Syempre naman po ate. Paano ko naman makakalimutan ang kaisa-isang taong naging karamay ko sa lahat. Maraming salamat po, napakalaki ng utang na loob ko sayo ate. Kayo na po muna ang bahala dito. Tsaka lage din po kayong mag-iingat. Babalitaan ko po kayo." Sagot ko habang abala sa pagpunas ng namumuong luha sa aking mga mata.
"Luz, I appreaciate all the good things you've done to my daughter. Don't worry I will keep in touch with you." Saad ni Daddy Benedict sabay yakap kay Ate Luz. May iniabot pa itong sobre kay Ate Luz na naglalaman ng pera. Ayaw sanang tanggapin ni ate ngunit pinilit namin ni daddy. Para na rin makap
[ Brandon's POV ]My life without her is totally different now. I'm started to miss everything about her. Yung simpleng goodmorning niya while inaalok akong kumain ng breakfast. Yung masarap niyang luto. Yung pagiging boba niya at ignorante sa mga bagay. Ang kakulitan niya. Her beautiful face. Ang mapupula at maiinit niyang labi.Fuck!Bakit ngayon ko lang narealize lahat ng ito! Bakit ngayon pa na wala na si babae sa buhay ko.Ngayon nga lang ba? Marahil ay matagal na kaso di ko lang matanggap sa sarili ko noon dahil masyado kong pinapahalagahan ang pangalan ko kesa sa nararamdaman ko.It's been 5 years long since umalis si babae sa buhay ko. 5 years of longingness. 5 years of grief and sadness. I don't even know paano ko nasurvive lahat gayung halos araw-araw akong kinakain ng konsensiya ko.I've been looking for her kahit napakaimpossibleng mahanap ko siya. Nagbakasyon ako sa parents ko sa States ng ilang buwan just to find ma
[Meghan's POV]"Welcome to Cebu, Philippines Ms. Meghan Walton"Nahagip ng aking paningin ang isang banner. Hawak ito ng isang may edad na babae at dalagitang tantiya ko'y nasa 20's pa lamang. Walton na kasi ang gamit kong apelyido ngayon. Matagal na itong pinabago ni Daddy Ben.Nakangiti akong naglakad patungo sa direksiyon ng dalawang babae. Nang makalapit ako sa dalawa ay kita ko ang pagkamangha sa kanilang mga mata."Wow! Ms. Walton? Aba'y pagkagandang babae. Mukhang taga hollywood." Di magkaundagagang sambit ng dalagita. Mukhang napakalakas ng energy niya lalo na't titig na titig ito sa aking kabuuan. Bigla ko tuloy naalala si Gail sa kanya."Oo nga ano. Aba'y napakamestisa at napakaamo ng mukha." Turan naman ng kasama nitong may edad na babae. Dinig na dinig ko ang paghanga ng dalawa kaya't natutuwa ko silang binati."Magandang araw po sa inyo. Maraming salamat po sa compliment." Medyo nahihiyang saad ko pa. Nagkatinginan ang dalawa at
[Meghan's POV] Mabilis namang kinuha ni Annie ang kanyang cellphone sabay click ng camera kasama ang lalaki kahit na marami itong bitbit na pinamalengke namin. Kilig na kilig pa si Annie na parang nakalimutang may kasama. Pagkatapos ay muling bumaling sa akin ang lalaki. "I'm sorry again. My name is Calex and you?" Sincere na sambit nito sabay lahad ng kanyang kamay. "It's okay. Hindi mo naman sinasadya. Meghan Walton." Sabay abot naman ng kamay niya at nagshakehands kami. Pulang-pula naman si Annie habang nakatingin sa amin. Kilig na kilig ang bruha. May kinuha si Calex sa wallet niya." By the way Meghan, here take it." Aniya sabay abot na dalawang ticket. Nagtataka ko naman iyong tiningnan. "VIP tickets for motocross racing?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. "Yeah, I'm a motocross racer. Sa Sunday na yan. I hope makapunta ka. Pambawi ko man lang sayo." Aniya na napakamot pa sa batok na pa
[Meghan's POV]Dinala ako ni Calex sa garden ng isang napakaganda at napakaromantic na restaurant. Private pa ang lugar na talagang pinaghandaan at pinag-isipan dahil sa ganda ng set-up ng table at mga bulaklak sa paligid. Di ko mapigilang mapahanga sa effort niya. Buong buhay ko ngayon ko lang kasi naranasan ang ganito. Since my heartbreak kay Brandon ay nagfocus na ako sa sarili ko at kay Baby Benj. Marami namang nagpaparamdam nung nasa US ako but never ako nag-entertain dahil bukod sa hindi pa ako ready ay wala rin akong balak pumasok sa isang relasyon.Pinaupo niya ako sa dining table habang siya nama'y nakaupo sa bandang dulo kung saan magkaharap kami. May lumapit na isang binatilyo sabay pinatugtog nito ang hawak na violin.Napangiti ako lalo sa pagiging romantic ni Calex kahit kakakilala palang namin. Di ko maiwasang maikumpara siya kay Brandon pagkat napakaopposite nila. Napakagentleman kasi niya at lagi pang nakangiti. Samantalang si B
[ Brandon's POV ]"Mr. Cabwell, I already booked you a ticket bound to Cebu for tomorrow." Saad ng sekretarya ko habang pormal itong nakatayo sa pintuan ng office ko.Nakaupo lang ako sa swivel chair habang tutok ang mga mata sa laptop. Natigil ako sa ginagawa at matalim ko siyang tiningnan."Sorry sir, but I can't say no to your dad. Kabilin-bilinan niya po na paglaanan niyo ang event kahit isang oras lang." Paliwanag nito na alam na alam ang tinatakbo ng isip ko. Ilang taon na rin siyang naninilbihan sa kompanya namin at isa siya sa tanging pinagkakatiwalaan ng daddy ko."I can't say no right? So fine! I have no choice after all." Napailing kong sagot. Lumiwanag naman ang mukha nito na tila ba nagtagumpay sa nais nitong mangyari."Good to hear sir. Aayusin ko na po lahat ng gamit na kakailanganin niyo. Excuse me." Aniya bago nito tuluyang sinarado ang pinto.I sighed heavily. Wala naman kasi talaga dapat sa bokabularyo ko ang
A day earlier....[ Meghan's POV ]Ilang oras din kaming bumiyahe bago makarating sa resort ni Calex. Pagod man sa biyahe ay napakaworth it naman nang makababa kami ng sasakyan at makita ang ganda ng lugar."Wow grabe maam! Napakaganda naman dito." Mangha na sambit ni Annie habang nililibot nito ang mata.I agreed with her dahil parang paraiso ang ganda. Kahit ako ay awang ang bibig sa pagpuri. Natigil ako sa pagpapantasya ng magsalita si Calex."I'm so happy na nagustuhan niyo. Don't worry mas magugustuhan niyo pa, lalo na kung matikman niyo ang mga dishes rito especially our seafoods specialty." Nakangiting tugon ni Calex. Kumislap naman ang mga mata ni Annie na parang biglang natakam."Oh Annie, alam ko ng nasa isip mo. Save mo nalang yang cravings mo para sa celebration bukas." Pagbibiro ko sa kanya na agad namang bumungisngis."Naman maam! Isa pa naman ya
Chapter 45 Continuation [ Meghan's POV ] Lumabas ako ng C.R na kunyari parang walang nangyari. Pinipigilan ko ang sariling wag madestruct sa presensiya ni Brandon kahit na sobrang hirap. Kinailangan ko kasi itong gawin para mapakita sa kanyang hindi na ako apektado at wala na akong pakialam kahit na alam kong salungat iyon sa gusto ng puso ko. Binalikan ko sa Calex na kausap pa rin si Brandon. Inayos at pinakalma ko muna ang sarili bago siya nilapitan. "Sorry medyo natagalan." Saad ko while wrapping my hand on his shoulder. Hindi man ako direktang nakatingin kay Brandon ay alam kong matalim ang titig nito sa amin lalo na nang sumagot si Calex. "Are you alright?" Concern na tanong nito sa akin. Tumango naman ako. " Yeah, thank you for always checking up on me." Maarteng paglalambing ko kay Calex na halatang lalong ikinairita ni Brandon. Ramdam ko sa mga ngiti at mata ni Calex na parang nanibago
[ Meghan's POV ]Hindi ko na natapos ang pagligo sa dagat dahil baka lapitan na naman ako ni Brandon. Nagtataka man ay inihatid pa rin ako ni Calex sa kwarto ko."Sigurado ka ba talagang ayos ka lang? Pwede naman kitang samahan para maenjoy mo ang beach." Concern na saad niya.Nginitian ko nalang ito para hindi na magduda. "Nilalamig na rin kasi ako tsaka gabi na. Some other time nalang Cal. Pasensiya na." Sagot ko habang papasok na sa loob ng kwarto."Sige Meg. No problem. Basta pag may kailangan kayo magsabi ka lang sa akin o sa mga staff dito. Goodnight." Bilin niya bago tuluyang umalis.Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko si Annie na abala sa kakapindot ng cellphone niya nang mapansin nito ang namumugto kong mga mata."Hala maam Meghan! Umiiyak po kayo? May nangyari po ba maam?" Nag-aalala niyang tanong sabay lapit sa akin.Alam kong mapagkakatiwalaan naman si Annie kahit may kadaldalan ito. Kaya