Hindi na alintana ni Krissy ang kanyang kalagayan bilang buntis. May kung anong nagtulak sa kanya na madaliin ang pagmamaneho lalo pa't it took hours bago makarating sa lokasyon.Habang nasa biyahe ay naghuhumerentado naman ang kanyang puso. Sa kung bakit napakadali lang para kay Calex na balewalain ang kanyang mga sinabi para sa pansariling kagustuhan lang nito. She's waiting for him all day pero mas inuuna pa ng lalaki ang pakikipagparty. Sinasabihan siya ng lalaki ng selfish' pero base sa pinaparamdam nito sa kanya ay ito pa ang mas selfish dahil iniisip lang nito ang sariling kapakanan at kagustuhan. Na wala manlang kahit katiting na concern para sa kanya o kahit para sa magiging anak manlang nila.Nagsimula ng lumandas ang mga luha sa mga mata ni Krissy. Simula ng makilala niya si Calex ay hindi niya na mabilang kung ilang beses na siyang umiyak. Kung ilang beses siyang naging mahina.Hindi niya pa matukoy kung ano nga ba ang totoong nararamdaman niya para sa kanyang asawa nguni
Nang magmulat ng mga mata si Krissy ay halos kulay puting pintura ang kanyang nakikita sa loob ng silid. Marahan niyang inilibot ang kanyang paningin nang mapansin ang nakakabit na suwero sa kanyang kanang kamay.At napagtanto niyang hindi pala ito kwarto ng bahay kundi kwarto ng isang hospital!Saka niya lang naalala ang huling nangyari bago siya nawala ng malay.Sumibol ang kaba sa kanyang dibdib sa isang malaking posibilidad kung bakit siya nandito ngayon.Agad siyang napahaplos sa maliit na umbok ng kanyang sinapupunan. Iniisip niya ang kalagayan ng kanyang baby. Hoping na maayos lang ito lalo pa't naalala niya kanina na dinudugo siya.Marami pang katanungan ang pumasok sa isip ni Krissy. At ang isa sa mga ito ay sa kung sino ang nagmagandang loob na nagdala sa kanya rito.Naudlot lamang ang malawak na paglalakbay ng kanyang isipan nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa niyon ang isang babaeng doktor."Hi Mrs. Vargas, I'm glad that your awake now." Bati nito sa kany
Nagising si Krissy dahil sa mahihinang tawag sa kanya ni Calex. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata."Pumunta dito si Dra. Castro. Binilin sa akin na gisingin kita ng ganitong oras for your medicine. Here, take it!" Anito sa tuwid na pagsasalita.Nananaginip lang ba si Krissy o baka assumera lang siya dahil feeling niya parang medyo concern ang tono ng boses nito.Tiningnan niya ang lalaki na halatang bagong gising lang din. Napakagwapo pa rin nito kahit kakagising lang.Maingat na bumangon si Krissy at kinuha ang inabot nitong tubig at gamot saka marahang ininom. "Thank you." Tipid na anas niya bago muling humiga."You don't need to thank me. Alam mong labag sa loob ko ang ginagawa kong ito." Prangkang sambit ni Calex. Ngunit imbes na masaktan ay gusto pang mapangiti ni Krissy dahil sa naging sagot nito. Kung tutuusin, Calex is her girl version. Nakikita niya ang sarili sa lalaki, sa kung paano siya magsungit at sumagot lalo na noon, nung mga panahong suwail pa siya."Anywa
Lumipas ang mga oras na nagkulong lang si Krissy sa kanyang kwarto. Parang hindi niya pa kayang harapin muli si Calex dahil sa napaka awkward na pangyayari kanina. Idagdag pa ang di mapigilang pagwawala ng kanyang puso.Hindi niya alam kung paano siya kikilos ngayon dahil sa presensiya ng lalaki na nagbibigay ng tensyon sa kanya. Lalo na kapag naalala niya kung paano siya nito nahuling nakatitig kanina. Geez! Nag-iinit na naman ang kanyang pakiramdam dahil sa labis na pagkapahiya.Marahang natapik niya ang kanyang mukha. She's blushing again. At nakakapanibago sa kanya ang damdaming ito.Parang gusto niya tuloy umalis na muna ngayon para maiwasan ang lalaki. Ngunit hindi niya naman pwedeng gawin. Tinakpan na lamang ni Krissy ang kanyang mukha ng unan. Kapwa kasi magulo ang kanyang isip at puso.Ganito pala ang pakiramdam kapag may kasamang lalaki sa iisang bahay. Not to mention na asawa pa niya.Di mapakaling nagpalakad-lakad naman siya sa kanyang kwarto ngayon. Habang iniisip kung a
Halos kalahating oras na nasa terrace ngayon si Krissy habang pinapakalma ang damdamin sa magandang view na kanyang nakikita.Ngayong araw pa nga lang silang magkasama ni Calex pero sadyang napakarami na ng mga nangyari. Ano pa kaya sa mga susunod na linggo at buwan. She's hoping na kung meron man, sana hindi ganoong klase ng eksena.Feeling niya wala na siyang mukhang maihaharap pa sa lalaki. Kahit naman siguro sinong babae na nasa kalagayan niya ay papangarapin nalang na lamunin ng lupa dahil sa kahihiyang iyon. Hindi niya rin alam kung ano na ang ginagawa ng lalaki ngayon sa kwarto nito. Ngunit nagpapasalamat siya at hindi pa rin ito lumalabas. She's not ready to face him.Nasa malalim siyang pag-iisip nang tumunog ang doorbell. Mukhang dumating na ang mayordoma ng kanilang mansyon para ihatid ang mga pinaluto niyang pagkain.Dahil sa eksenang nangyari kanina ay nakalimutan niya ng tanungin pa ang lalaki sa gusto nitong kainin. Buti nalang at naalala niya ang mga sinabi ni mommy L
Mabilis lumipas ang mga araw at nalalapit na ang araw na pinaghandaan ni Krissy, ang birthday ni Calex."Maayos na po lahat ng bilin niyo Ms. Parker. Sobrang natuwa po ang naturang orphanage para sa sponsorship po ninyo." Ani Lucy at bakas sa boses ng babae ang tuwa.Sino ba naman ang hindi matutuwa sa inaasal na ito ng kanyang boss. Senyales kasi ito ng malaking pagbabago sa babae. Na matagal ng pinagdasal ng lahat, ng mga taong nakapaligid at nakakilala sa kanya as ruthless and heartless woman."Okay good. Maghire ka ng magaling na event coordinators and tell them na magsend ng samples sa email ko." Tugon ni Krissy bago lumabas ng opisina niya si Lucy.Sa susunod na araw na ang birthday ng kanyang asawa. And she wants to give him one of the most unforgettable birthday celebration of his life. Wishing that he would appreciate it.Simula ng umalis ang lalaki noong Sunday ay hindi na rin ito nakauwi. Pinahatid lang din nito sa isang staff ng resort ang sasakyan ni Krissy na hiniram niy
( An hour before the party)Kagagaling lang ni Calex sa naturang ginagawang renovations nang biglang may mga kamay na tumakip sa kanyang mga mata."Sir, tatanggalin ko ito but you need to follow us first." Sambit ng isang pamilyar na boses ng isang babae. At mukhang kilala niya kung sino ang nagmamay-ari nito, si Grace.Hindi naman kinabahan si Calex. Ramdam niyang hindi naman masama ang intensyon nito.Walang salitang tumango siya at inihakbang ang kanyang paa para sumunod ayon sa kagustuhan nito.At matapos ang ilang hakbang ay masayang tinanggal ni Grace ang kanyang mga kamay na nakatakip sa mga mata ni Calex.At hindi paman tuluyang naibuka ni Calex ang kanyang mga mata ay sabay-sabay at masayang siyang binati ng mga empleyado at staff ng La Paraiso."Happy Birthday Sir Calex!!!!" Malakas na hiyaw ng mga ito na may kasama pang palakpakan.Lumapit kay Calex ang dalawang empleyado na may hawak ng dalawang cake. Ang isang cake ay may numerong 2 habang ang isa naman ay 9, numero ito n
Pagkatapos ng makailang ulit na pagniniig at pabago-bagong posisyon ay kapwa hingal at pagod na napahiga sina Krissy at Calex sa maliit na kubo.Dilat na dilat ang mga mata ni Krissy habang nakatulog sa kapaguran ang lalaki. Hindi niya aakalaing aabot sa ganito ang paghahanap niya kay Calex. Na dapat sana ay masaya niyang ipapakita sa lalaki ang orphanage na napili niyang tulungan. Pero ganito pa ang kinahinatnan.Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Krissy. Ramdam niyang hindi alam ni Calex na siya ang nakaniig lalo pa't parang wala ito sa sarili dahil sa impluwensiya ng alak.Biglang pumasok sa isipan niya ang binitawang salita ng lalaki noong akala niya may mangyayari sa kanila ngunit hindi nito itinuloy. Na kahit daw kailan ay hindi niya na ulit matitikman ang katawan nito, as in ever.But here she is! Natikman niya ito ulit sa ikalawang pagkakataon.Somehow napaisip si Krissy na ano kaya ang gagawin ng lalaki kapag nalaman nito na hindi siya ang babaeng kaniig? Pipi