Share

Kabanata 128

Nang magmulat ng mga mata si Krissy ay halos kulay puting pintura ang kanyang nakikita sa loob ng silid. Marahan niyang inilibot ang kanyang paningin nang mapansin ang nakakabit na suwero sa kanyang kanang kamay.

At napagtanto niyang hindi pala ito kwarto ng bahay kundi kwarto ng isang hospital!

Saka niya lang naalala ang huling nangyari bago siya nawala ng malay.

Sumibol ang kaba sa kanyang dibdib sa isang malaking posibilidad kung bakit siya nandito ngayon.

Agad siyang napahaplos sa maliit na umbok ng kanyang sinapupunan. Iniisip niya ang kalagayan ng kanyang baby. Hoping na maayos lang ito lalo pa't naalala niya kanina na dinudugo siya.

Marami pang katanungan ang pumasok sa isip ni Krissy. At ang isa sa mga ito ay sa kung sino ang nagmagandang loob na nagdala sa kanya rito.

Naudlot lamang ang malawak na paglalakbay ng kanyang isipan nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa niyon ang isang babaeng doktor.

"Hi Mrs. Vargas, I'm glad that your awake now." Bati nito sa kany
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Uba Semaña Josephjoyce
pa update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status