Halos kalahating oras na nasa terrace ngayon si Krissy habang pinapakalma ang damdamin sa magandang view na kanyang nakikita.Ngayong araw pa nga lang silang magkasama ni Calex pero sadyang napakarami na ng mga nangyari. Ano pa kaya sa mga susunod na linggo at buwan. She's hoping na kung meron man, sana hindi ganoong klase ng eksena.Feeling niya wala na siyang mukhang maihaharap pa sa lalaki. Kahit naman siguro sinong babae na nasa kalagayan niya ay papangarapin nalang na lamunin ng lupa dahil sa kahihiyang iyon. Hindi niya rin alam kung ano na ang ginagawa ng lalaki ngayon sa kwarto nito. Ngunit nagpapasalamat siya at hindi pa rin ito lumalabas. She's not ready to face him.Nasa malalim siyang pag-iisip nang tumunog ang doorbell. Mukhang dumating na ang mayordoma ng kanilang mansyon para ihatid ang mga pinaluto niyang pagkain.Dahil sa eksenang nangyari kanina ay nakalimutan niya ng tanungin pa ang lalaki sa gusto nitong kainin. Buti nalang at naalala niya ang mga sinabi ni mommy L
Mabilis lumipas ang mga araw at nalalapit na ang araw na pinaghandaan ni Krissy, ang birthday ni Calex."Maayos na po lahat ng bilin niyo Ms. Parker. Sobrang natuwa po ang naturang orphanage para sa sponsorship po ninyo." Ani Lucy at bakas sa boses ng babae ang tuwa.Sino ba naman ang hindi matutuwa sa inaasal na ito ng kanyang boss. Senyales kasi ito ng malaking pagbabago sa babae. Na matagal ng pinagdasal ng lahat, ng mga taong nakapaligid at nakakilala sa kanya as ruthless and heartless woman."Okay good. Maghire ka ng magaling na event coordinators and tell them na magsend ng samples sa email ko." Tugon ni Krissy bago lumabas ng opisina niya si Lucy.Sa susunod na araw na ang birthday ng kanyang asawa. And she wants to give him one of the most unforgettable birthday celebration of his life. Wishing that he would appreciate it.Simula ng umalis ang lalaki noong Sunday ay hindi na rin ito nakauwi. Pinahatid lang din nito sa isang staff ng resort ang sasakyan ni Krissy na hiniram niy
( An hour before the party)Kagagaling lang ni Calex sa naturang ginagawang renovations nang biglang may mga kamay na tumakip sa kanyang mga mata."Sir, tatanggalin ko ito but you need to follow us first." Sambit ng isang pamilyar na boses ng isang babae. At mukhang kilala niya kung sino ang nagmamay-ari nito, si Grace.Hindi naman kinabahan si Calex. Ramdam niyang hindi naman masama ang intensyon nito.Walang salitang tumango siya at inihakbang ang kanyang paa para sumunod ayon sa kagustuhan nito.At matapos ang ilang hakbang ay masayang tinanggal ni Grace ang kanyang mga kamay na nakatakip sa mga mata ni Calex.At hindi paman tuluyang naibuka ni Calex ang kanyang mga mata ay sabay-sabay at masayang siyang binati ng mga empleyado at staff ng La Paraiso."Happy Birthday Sir Calex!!!!" Malakas na hiyaw ng mga ito na may kasama pang palakpakan.Lumapit kay Calex ang dalawang empleyado na may hawak ng dalawang cake. Ang isang cake ay may numerong 2 habang ang isa naman ay 9, numero ito n
Pagkatapos ng makailang ulit na pagniniig at pabago-bagong posisyon ay kapwa hingal at pagod na napahiga sina Krissy at Calex sa maliit na kubo.Dilat na dilat ang mga mata ni Krissy habang nakatulog sa kapaguran ang lalaki. Hindi niya aakalaing aabot sa ganito ang paghahanap niya kay Calex. Na dapat sana ay masaya niyang ipapakita sa lalaki ang orphanage na napili niyang tulungan. Pero ganito pa ang kinahinatnan.Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Krissy. Ramdam niyang hindi alam ni Calex na siya ang nakaniig lalo pa't parang wala ito sa sarili dahil sa impluwensiya ng alak.Biglang pumasok sa isipan niya ang binitawang salita ng lalaki noong akala niya may mangyayari sa kanila ngunit hindi nito itinuloy. Na kahit daw kailan ay hindi niya na ulit matitikman ang katawan nito, as in ever.But here she is! Natikman niya ito ulit sa ikalawang pagkakataon.Somehow napaisip si Krissy na ano kaya ang gagawin ng lalaki kapag nalaman nito na hindi siya ang babaeng kaniig? Pipi
Hindi alam ni Calex kung bakit may kung anong nagtulak sa kanya ngayon na umuwi na muna sa condo ni Krissy. Hindi niya maipaliwanag at lalong hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman ito."Kayo na muna ang bahala rito. Just call me anytime if you guys need something." Bilin ni Calex sa kanyang mga engineers at workers.Ilang araw nalang naman ang bibilangin at tuluyan ng matatapos ang renovations. At alam niyang napakaganda ng magiging result nito. Focus na focus ata siya sa ginagawa para lang may maipagmalaki sa kanyang daddy Fred at kuya Brandon."Don't worry sir. Kami na po ang abala." Tugon ng mga ito at kampanteng pumasok si Calex sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito ng takbo paalis.Habang nasa biyahe ay di niya maiwasang maalala ang mga nangyari kagabi. Nakainom man siya at parang mabigat ang kanyang ulo ngunit hindi mawaglit sa kanyang alaala na may nakaniig siya. Sa pagkakaalam niya si Grace ang kasama niya ngunit bakit tila sa pakiramdam niya ay hindi iyon si Grace kun
"Teka po muna dad, bago ako magpaliwanag, pwede ko rin bang marinig ang paliwanag ninyong dalawa? Kailan pa kayo nakauwi? Akala ko ba sa susunod na buwan pa?" Kunot noong tanong ni Krissy pabalik habang nagpalipat-lipat ang kanyang mga mata kay Brenda at sa kanyang daddy. Hindi niya rin kasi talaga inaasahan ang pagdating ngayon ng dalawa. She doesn't have any idea na siya pa itong masusurpresa! But one thing is for sure, she's very happy na tuluyan ng magaling ang kanyang daddy.Tumikhim naman si Brenda bago nagsalita."Actually couz, last week pa nag-advice si Dr. Filomeno na pwede ng umuwi si tito this week. Hindi namin sinabi sayo dahil gusto kasi talaga namin na surpresahin ka. Kakarating lang namin kaninang madaling araw. Pagdating naman namin sa mansyon sabi ng mga katulong mo eh dito kana raw sa condo mo nakalagi at bihira ka nalang umuwi doon. We also advice everyone na wag na munang ipaalam sayo. So I brought tito Henry here, tapos kami pa pala yung masusurpresa." Mahabang
Tinungo ni Calex ang kanyang kwarto nang walang anumang salita. Tuloy tuloy lang siya sa pagpasok at di na ulit binalingan pa ang lumuluhang si Krissy.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa naging komprontasyon ni Krissy. He felt so much pain in her eyes at alam niyang hindi pagdadrama iyon. At first time naging ganoon ang babae sa kanyang harapan.Buong akala niya matigas ang puso ni Krissy, hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at palaging mataas ang tingin sa sarili. But what he saw was the total opposite about what he thought about her.She's weak and in pain. Asking him na bigyan niya rin ito ng atensyon, silang dalawa ng magiging anak nila. At ang ipagtapat nito sa kanya kung gaano ito nasasaktan sa tuwing nakikita siyang may kasamang babae, was a brave move.And damn! Hindi niya alam on why he's feeling guilty that he's the one who caused her so much pain.Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng awa habang nakatingin kay Krissy kanina, kung
Alas singko ng umaga nang magising si Calex. At dahil nakaramdam siya ng gutom ay agad din siyang nagluto ng breakfast. Alam niyang hindi niya naman maaasahan si Krissy sa kusina kaya siya na lamang ang gagawa nito kahit na hindi niya nga sana gusto ang pagluluto.At nang matapos siya ay marahan niyang kinatok ang pintuan ng kwarto ng babae para ayain ito.Ngunit gayun na lamang ang pagtataka niya nang makailang beses na niya itong kinatok ngunit wala pa ring nagbubukas ng pintuan.Marahan niyang pinihit ang doorknob ng pintuan nito. Sumibol ang kaba sa kanyang dibdib nang marealize niya na parang wala ang babae sa kwarto nito.At nang tuluyan itong mabuksan ay gayun na lamang ang pagkagulat niya nang makumpirmang wala nga ito."What the f*ck! Where is the hell is she!?" Kinakabahang usal niya sa sarili.Hindi niya mapigilan makaramdam ng inis at pag-aalala. Inis, dahil bigla itong umalis without his knowledge. Na kung umasta ay parang wala itong kasama sa bahay. Ngunit di niya naman