Madraullo Motors.
Dito pinapunta si Tori ng kaibigang si Xia. Inirekomenda siya nito para maging interior designer ng kumpanyang ito at para magkaroon na raw siya ng una niyang kliyente.
Sabi ni Xia, isang maliit na coffee nook ang kailangan niyang i-design. Okay lang naman kay Tori. Kailangan lang niya talaga ng unang proyekto para makagawa na siya ng portfolio niya bilang Registered Interior Designer.
“Good morning. Magkikita kami ni Xia. Saan ko kaya siya puwedeng hintayin?” tanong ni Tori sa magandang babae na sumalubong sa kanya na may nakalagay na Justine sa name plate niya.
“Ah, si Mam Xia po ba? Gusto n’yo Mam, ihatid ko kayo sa Executive Lounge?” balik-tanong nung Justine kay Tori.
Bahagyang nagulat si Tori. Aware naman siya na galing sa mayamang pamilya ang kaibigan, pero hindi niya akalain na ganito kakilala si Xia sa kumpanyang ito. Close talaga siguro siya sa may-ari.
“Oh, mukhang VIP si Xia dito sa company n’yo, ah? But no, I prefer sitting here na lang rather dun sa lounge,” nakangiting pagtanggi ni Tori.
Agad na lumibot ang mga mata ni Tori. Sinuyod niya ng tingin ang kinaroroonan kung saan ba siya makaka-puwesto na makikita niya agad si Xia kapag pumasok na ito sa building. And at the same time, hindi naman siya agad makikita ni Xia sa pupuwestuhan niya. Gusto niya kasi na sorpresahin ang kaibigan. Matagal na rin silang hindi nagkita ng personal mula ng maunang umuwi si Xia rito sa Pilipinas. Laging sa video call na lang sila nakakapag-usap.
“Sure ka, Mam?”
“Yes. And I think I’ll go with that corner,” nakangiti pa rin na sabi ni Tori sa kausap sabay turo sa isang bakanteng mesa na medyo tago mula sa main entrance ng building.
“Sure, Mam. Can I offer you our coffee? It’s brewed coffee if you are into that kind of coffee… and our coffee beans are one of the finest coffee beans which we buy from the local Bunsayao farmers. They sell it to this company exclusively.”
Ngumiti si Tori kay Justine. Nagustuhan niya ang ideya na tumatangkilik ang kumpanyang ito sa mga local farmers, at hindi ng imported products.
“Okay, sige. Please give me one. Saan ko babayaran?”
“For now it’s free, Mam. Pati na rin ang bread na kasamang ise-serve with the coffee. Freshly baked din po araw-araw ang mga breads namin. May sarili po kaming baker.”
Napahanga nun si Tori. Hindi siya makapaniwala na gagastusan ng ganun ng kumpanyang ito ang kape na isinisilbi nila sa mga kliyente nilang nagpupunta rito. At hindi lang kape, may kasama pang tinapay. Na sarili daw nilang gawa.
“Really? Ang galante naman pala nitong company n’yo. Oh, sige. Titikman ko and then I will post a review.”
“Yay! Thank you, Mam! Malaking bagay na po sa amin iyong magiging review ninyo,” masayang sabi ng kausap.
Yumuko pa ng bahagya si Justine, tanda ng kasiyahan niya sa pagpi-prisinta ni Tori sa review.
“Ipapahatid ko na lang po, Mam,” dagdag pa ni Justine.
“Thank you.” Pagkatapos ay naglakad na si Tori papunta sa mesa na pinili niya.
Agad na sinet-up ni Tori ang tablet na dala niya sa ibabaw ng mesa, at saka ni-review ang mga designs na ipi-present niya mamaya sa may-ari nitong kumpanya. Hindi na nag-abala pa si Tori na hanapin sa internet ang background ng kumpanya. Nagbase na lang siya sa mga paglalarawan ni Xia at sa kung ano ang gustong resulta ng kliyente sa gagawin niyang disenyo.
Ang sabi ni Xia ay sa isang coffee corner ang gagawin niyang disenyo sa loob ng kumpanyang ito. A profitable coffee corner for their customers. Nang mabanggit iyon ni Xia ay lihim siyang natawa. May mga naaalala kasi siyang mga kakatwang eksena kapag kape at coffee shop ang nababanggit.
Mayamaya lang ay dumating na ang kape at tinapay na sinabi ni Justine. Ibang staff ang naglapag nun sa ibabaw ng mesa nya.
“Enjoy your snack, Mam,” sabi nung staff bago ito umalis.
Habang ine-enjoy ni Tori ang masarap na kape at tinapay na inihain sa kanya, isinabay na rin niya ang pagrebisa sa mga gawang disenyo niya sa kanyang tablet. Kailangan niyang siguraduhin na magiging okay ang presentation niya mamaya. Nakakahiya kay Xia kung mapapahiya siya. Si Xia pa naman ang nag-refer sa kanya.
Mayamaya, naisipan ni Tori na sulyapan ang main entrance. Maaari kasing parating na rin si Xia sa mga sandaling ito. Pero natigilan si Tori sa nakita niya sa main entrance. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang ikot ng mundo. Hindi si Xia ang nakita niyang papasok ngayon. Kung hindi isang tao na ayaw na niyang makita sa buong buhay niya.
Biglang nakaramdam ng takot si Tori. Pakiramdan niya ay sinasakal siya at nangangapos ang kanyang paghinga. Ibinuka pa niya ang kanyang bibig dahil pakiramdam niya ay kailangan niyang kumuha ng hangin. Buong akala ni Tori ay hindi na niya uli mararamdama ang ganung pakiramdam. Akala niya okay na siya. Pero hindi pa rin pala.
Hindi na ikinagulat ni Tori ng napansin niya na hindi nag-iisa ang lalaki. Hindi pa siya napapansin nung dalawang nilalang. At ayaw din naman niyang makita siya ng mga ito. Hindi pa siya handang makipag-usap sa kanila. Kung may super power lang sana siyang maging invisible, ginawa na niya agad.
Kaya bago pa man din siya makita ng dalawa, agad na dinampot ni Tori ang mga gamit niya at ang paper cup na konti pa lang ang nababawas na kape. May pagmamadali siyang tumayo at saka naglakad nang mabilis palayo sa lugar na iyon. Wala siyang ideya kung saan papunta ang direksyon na nilalakaran niya. Basta ang gusto lang niya ay makalayo at makaiwas sa dalawang taong iyon.
Nang may nakita si Tori na pasilyo na lilikuan, nagmadali na siyang lumiko roon. Napasigaw na lang siya nang may nabunggo siyang matigas na bagay.
“D*mn!”
Oh, my!
Tao ang nabunggo ni Tori. At base sa boses nito, galit o inis ito.
Agad na nag-angat ng tingin si Tori. Inihanda na niya ang sarili sa galit ng taong nakabungguan niya. Lalo na at nararamdaman niya ngayon sa balat ng kamay niya ang mainit na likido ng kape mula sa hawak niyang paper cup.
Pero kung nagulat siya sa dalawang taong pinagtataguan niya, mas nagulat siya sa lalaking nasa harap niya ngayon.
“Ikaw?” / “Ikaw uli?”
Sabay na sabi ni Tori at nung lalaking nakabungguan niya.
~CJ
Magaan ang pakiramdam ni Tori habang naglalakad palabas ng gusali. Mula sa araw na ito, payapa na ang bawat araw niya. Makakapamuhay na siya ng normal. Pero napahinto si Tori sa paglalakad nung nakita niya ang best friend na si Chandra. Kitang-kita niya nang yakapin nito ang kaka-annuled pa lang na dating asawa niya na si Ruther. Ilang sandaling magkayakap ang dalawa nang magtama ang mga mata nila Tori at Chandra. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan at mabilis na humiwalay kay Ruther. “T-Tori…” Biglang nahimasmasan si Tori nang narinig niya ang boses ni Chandra. Akmang lalapit sa kaniya si ito kaya mabilis na tumalikod si Tori at naglakad palayo.“Tori!” Lumingon si Tori sa likuran habang mabilis na naglalakad. Nakita niyang naglalakad din si Chandra at mukhang hinahabol talaga siya. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Ayaw niya munang makausap ang kaibigan. Hindi ngayon. Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Si Chandra pa naman ang nasa isip ni Tori kanina na unang
Hindi alam ni Tori kung nakailang kurap siya ng mga mata. Pero kahit ilang kurap pa, hindi pa rin nagbabago ang itsura ng lalaking nasa harapan niya. Hindi maaaring magkamali si Tori dahil ito rin ang lalaking dalawang beses na niyang nakakabungguan sa magkaibang lugar at magkaibang coffee shop. At hindi lang basta kabungguan, dahil natatapunan din niya ito ng kape sa damit niya. Kaya kung pangatlong beses na niyang nakabungguan ngayon ang lalaki, pangatlong beses na rin niya itong natapunan ng mainit na kape sa suot na damit nito. “Hanggang dito ba naman, bubungguin at tatapunan mo pa rin ako ng kape? Wala kang patawad, Miss.”Nang narinig ni Tori ang inis na boses ng lalaki, mas nainis si Tori. Kung magsalita ang lalaki ay parang sinasadya niya ang lagi niyang matapunan ito ng kape. Hindi ba niya alam ang salitang “aksidente”?“E-Excuse me?” "Well at least ngayon, nagsasalita ka na. Unlike before, nakatulala ka lang sa akin. Masyado kang nagugywapuhan sa akin, ano?"Naiinis man, p
“Wait. I want to introduce you two formally,” kinikilig na sabi ni Xia. Pakiramdam niya ngayon ay isa siyang tagahanga ng isang love team sa showbiz. “Kuya Xander, this is Viktoria Panlilio,” iminuwestra ng kamay ni Xia si Tori, “a newly-grad Interior Designer. She graduated from Canada, the same school where I graduated. And just like me…” malapad na ngumiti si Xia, ”Tori here, also graduated with honours.”Tori is so proud of her achievement. Wala siyang ginamit na tao o kilalang pangalan para makuha ang karangalan niya na iyon. She did not brag her social status even. Ika nga, sariling sikap ang lahat. Walang nakakaalam sa eskwelahan na anak siya ng isang prominenteng pamilya sa Pilipinas. In fact, kahit nga si Xia ay walang alam sa family background niya.“And Tori? I would like to introduce to you the person you will be working with for a couple of months,” pinigil ni Xia ang ngiti sa kanyang mga labi, “the CEO of Madraullo Motors, my kuya, Xander Syjuco.”Bahagyang nagulat si T
“You see, the company wanted to give our customers an unforgettable heart-touching experience when they visit our dealerships. Our mission is that we want our customers to see that we are not just selling them cars, we are not only making a profit out of their money, but we are also trying to move their hearts, that we care about them and their cars. We wanted them to feel that they are important and we, their dealer, are different. That we are a different car dealer among the rest.” Napakurap-kurap si Tori. Bakit ba ganito mag-isip ang taong ito? He is a businessman with a heart. Iyan ang nasa isip ni Tori habang matamang nakikinig kay Xander. At dahil nakatingin siya kay Xander, na mukhang sabay na sanay na sa mga ganitong paliwanagan, hindi maalis ni Tori na pagmasdan ang guwapo at halos perpekto nitong mukha. Pwede pa ngang maging artista ang binata kung gugustuhin niya lang. Kahit siguro sa Hollywood ay pag-aagawan ito ng mga producers doon. Saan ka pa, guwapo na, magan
“Good morning, Ms. Tori.”Ngumiti si Tori sa guwardiya na bumati sa kanya. Kilala na kasi siya ng mga guwardiya ng Madrigal branch ng Madraullo Motors dahil sa malimit niyang pagpunta rito para i-check from time to time ang progreso ng renovation ng coffee corner. At para alam din niya kung kailan siya magsisimula sa pagpapa-deliver ng mga materyales na gagamitin para roon. “Good morning din,” balik-bati ni Tori na sinuklian ng guwardiya ng pagyukod sa kanya.Hanggang maaari, tinitiyempo ni Tori na sa pagitan ng alas onse at alas dose ng tanghali siya nagpupunta sa Madraullo Motors para siguradong hindi sila magkikita ni Xander. Mula nang tahasang sabihin ni Xander na hindi siya sang-ayon na si Tori ang magdidisenyo ng coffee corner ng kumpanya, hindi na naalis sa dalaga na magtanim ng sama ng loob sa binata. Ramdam ni Tori na ayaw sa kanya ng binata dahil sa tatlong beses na kakatwa nilang engkwentro. Kaya naman hanggang kaya niyang iwasan ang binata para hindi sila magkita ay gaga
“Xander?”Nag-angat ng tingin si Xander mula sa telepono niya. Ngumiti si Cassandra kay Xander, tapos ay pilit iniangat ang sarili para maupo sa hospital bed. Agad namang tumayo si Xander nang makita na kumikilos ang ina.“Mommy, ang tigas talaga ng ulo mo,” sermon naman ni Xander sa ina habang inaalalayan ito sa pag-upo.“Alam mo, aral na aral ka sa Lolo Judd mo,” sagot naman ni Cassandra.“Tsk! Sabi mo kasi kanina, uuwi ka na. Ano'ng ginagawa mo run sa construction site ng coffee corner?”Umilap bigla ang mga mata ni Cassandra. “Ikaw naman, dumaan lang naman ako dun para sumilip. Nagkataon lang na biglang nag-shoot down ang sugar ko,” katwiran niya. “Mabuti na lang may nakakita sa ‘yo. Paano kung wala?”“By the way, where is that lady?” Kumunot ang noo ni Xander. “who? Tori?” “Kilala mo siya?”Nagkibit-balikat si Xander.“Well, she’s the designer whom Xia recommended.”Tama pala ang hula ni Cassandra sa babae. Pinigilan niya ang sarili na ma-excite, sabay tanong uli kay Xander
“Pardon?” Narinig ni Tori na tumikhim si Xander sa kabilang linya. [I– I mean… gusto ni Mommy na sa bahay ka mag-dinner bukas. Don't worry. It's just a simple family dinner. No occasion. Kami-kami lang ang nandun. Gusto lang niyang magpasalamat sa ‘yo. Sa ginawa mong pag-attend sa kanya. You know… her hypoglycemic scene thing…”]Hindi maintindihan ni Tori ahg sarili, pero bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa pagtatama ni Xander sa naunang salitang binitawan niya. Ang mommy pala niya ang nag-iimbita sa kanya at hindi naman siya. [“Tori?”]“A-Ah, yes.”[“You mean, yes? You are going to the dinner?”]Biglang nataranata si Tori. Hindi pa naman siya sumasagot ng oo. Kung bakit kasi iyon ang nasabi niya sa pagkabigla niya. “No. I mean, okay lang. Wala lang ‘yung ginawa ko. Kahit sino naman siguro, ganun din ang gagawin in case of emergency na tulad ng nangyari sa mother mo. Tell her I appreciate the dinner. Pero okay na ako na naalala niya akong pasalamatan. No need to invite me.”Pina
“Okay, let’s eat!” anunsiyo ni Jordan Syjuco.Walang magawa si Tori nang patabihin siya kay Xander. After all, bisita lang siya rito ngayon. Hinayaan niyang maunang kumuha ng pagkain ang pamilya Syjuco. “Huy, ano ba kayo? Nauna pa kayo sa bisita ko,” sita naman ni Xandra.“Ay, okay lang po, Mam. Ay, Tita pala. Marami naman pong pagkain. Saka iniisip ko pa po kung alin ang uunahin kong kainin sa dami ng putahe,” katwiran ni Tori. "Ay naku, tikman mong lahat, Tori. Magtatampo ako kapag hindi,” sagot naman ni Xandra. Napansin ni Tori na hindi kumukuha ng pagkain si Xandra, sa halip ay si Jordan ang sumasandok ng pagkain para sa asawa. Hindi man dapat, pero nakaramdam si Tori ng inggit sa nakitang ka-sweet-an ng asawa kay Xandra. “Sige na, iha. Kumain ka na. Huwag kang magpapalinlang sa kambal ko, at hindi mo mamamalayan, naubos na nila ang pagkain,” udyok ni Xandra kay Tori. Tumalima naman si Tori. Inabot na niya ang serving spoon para sa kanin pero nagulat siya nang sabay nila