Hindi alam ni Tori kung nakailang kurap siya ng mga mata. Pero kahit ilang kurap pa, hindi pa rin nagbabago ang itsura ng lalaking nasa harapan niya. Hindi maaaring magkamali si Tori dahil ito rin ang lalaking dalawang beses na niyang nakakabungguan sa magkaibang lugar at magkaibang coffee shop. At hindi lang basta kabungguan, dahil natatapunan din niya ito ng kape sa damit niya. Kaya kung pangatlong beses na niyang nakabungguan ngayon ang lalaki, pangatlong beses na rin niya itong natapunan ng mainit na kape sa suot na damit nito.
“Hanggang dito ba naman, bubungguin at tatapunan mo pa rin ako ng kape? Wala kang patawad, Miss.”
Nang narinig ni Tori ang inis na boses ng lalaki, mas nainis si Tori. Kung magsalita ang lalaki ay parang sinasadya niya ang lagi niyang matapunan ito ng kape. Hindi ba niya alam ang salitang “aksidente”?
“E-Excuse me?”
"Well at least ngayon, nagsasalita ka na. Unlike before, nakatulala ka lang sa akin. Masyado kang nagugywapuhan sa akin, ano?"
Naiinis man, pero hindi maitatwa na distracted si Tori sa guwapong mukha ng lalaki. Idagdag pa ang magandang pangangatawan nito na halata na nagtatago sa suot nitong coat. Sa dalawang beses niyang nakaharap ang lalaki, ngayon lang niya ito napagmasdan nang matagal-tagal. Kaya naman ngayon lang rumehistro sa isip niya ang nakakaakit na mukha nito.
Lalo namang naningkit ang mga mata ng lalaki dahil sa sagot ni Tori. Heto siya at naiinis na sa kaharap, pero parang balewala lang sa dalaga.
Sa parte naman ni Tori, kahit anong panininingkit at inis ng itsura ng lalaking nasa harapan niya, hindi pa rin maihiwalay ni Tori ang pagkakatitig sa mukha nito. Hindi kasi naging dahilan ang pagka-inis nito para mawala ang taglay nitong kaguwapuhan. Actually, kaguwapuhan is an understatement. Sa tingin ni Tori, isang napakagandang nilalang ang mukha ng lalaking nasa harap niya ngayon. Tila ba napaka-perpekto ng hulma ng mukha nito.
“Tell me the truth. Stalker ba kita?”
“What?!”
“The first and second time na natapunan mo ako ng kape, hindi ko naisip ‘yun. Pero ngayon, ibang usapan na yata. It seems that you are following me. May hidden desire ka ba sa akin?”
Nagpanting ang tenga ni Tori sa sinabi ng lalaki. May mangilan-ngilan ding empleyado na nagdadaan sa lugar at tumitingin sa kanila.
Itinaas ni Tori ang isang kamay niya at saka dinuro ang mukha ng lalaki.
“Hindi ako stalker at wala akong balak sundan-sundan ka! Bakit? Sino ka ba?”
Maangas na ngumisi ang lalaki.
“You are asking who I am?” Itinuro pa ng lalaki ang sarili niya.
Nagtaas ng noo si Tori.
“Oo! Sino ka ba?”
“Nandito ka sa lugar na ‘to and yet, hindi mo kilala kung sino ako?” balik-tanong ng lalaki kay Tori.
“Tinatanong ko nga sa ‘yo, tapos ibabalik mo rin ng tanong sa akin?”
Hindi nagpasindak si Tori sa lalaki kahit gaano pa ito kaguwapo. Pero ibinaba lang ng lalaki ang kamay niyang ipinangturo niya sa mukha nito.
“Okay. I will tell you who I am. But first, wipe off these coffee spills over my coat,” tila hari na utos ng guwapong lalaki kay Tori.
Napataas ang isang kilay ni Tori. Hindi pa siya nautusan nang ganun sa buong buhay niya. Kung malalaman lang ng lalaki kung sino ba talaga siya, baka bawiin pa nito ang ginawang pag-uutos nito sa kanya.
“I’m waiting, Miss…” Ngumisi pa ito para lalong dagdagan ang pang-aasar niya kay Tori.
Hindi nga nagkamali ang lalaki dahil asar na asar na nga si Tori sa mga sandaling iyon. Mayamaya ay huminga nang malalim si Tori. Gusto na lang niyang matapos ang usapan nila ng lalaki.
“Okay, fine,” sabi niya, pigil-pigil ang emosyon.
Pero bago pa man din mabuksan ni Tori ang bag niya para kunin ang panyo niya ay may nagsalita sa likuran nila.
“So? Ano ‘to? Nagpakilala na kayo sa isa’t isa ng wala pa ako?”
Sabay napatingin ang lalaki at si Tori sa bagong dating.
“Xia!”
“Baby sis!”
Napakunot-noo si Tori nang narinig niya ang tawag ng lalaki sa kaibigan.
“Baby sis?” ulit niya sa sinabi ng lalaki, tapos ay nilingon niya ito.
Ganun din naman ang lalaki. Mukhang nag-iisip rin ito patungkol kay Tori dahil nakakunot din ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Muling nagbaling ng tingin si Tori kay Xia.
“Kapatid mo?”
“Kakilala mo?”
Bahagyang tumawa si Xia habang salitang tinitingnan ang dalawa, “wow! Kailangan lagi kayong sabay?” natatawang komento ni Xia.
Nagkibit-balikat si Xia, “at least, ngayon pa lang napa-practice n’yo nang magsabay,” at saka ito malisyosong tumawa
Napaawang ang mga labi ni Tori sa sinabi ng kaibigan, samantalang ang lalaki naman ay halatang nainis sa narinig mula sa nakababatang kapatid.
“Xia!” pagsaway nito sa dalaga.
Biglang tinakpan ni Xia ang bibig niya.
“Oops! My bad. Sorry, Kuya Xander…”
“Xander?” ulit ni Tori sa pangalan nito. Pati ang pangalan niya ang guwapo ng dating.
This time, si Xia naman ang kumunot ang noo.
“Oh? Akala ko ba nagkakilala na kayo. Bakit hindi mo alam na Xander ang pangalan ni kuya?”
Sabay na nagkatinginan si Xander at Tori, pero agad na nagbawi ng tingin ang huli.
“Oh, sige na nga. Let me introduce you. Kuya, meet Xia. At hindi ko siya basta kakilala. She’s my friend,” bumaling naman si Xia kay Tori, “my dearest friend, meet my Kuya Xander. The eldest among my four Kuyas. Pero no girlfriend since birth.”
“Xiamara!”
“Ay sorry, Kuya,” pigil ang ngiti na sagot ni Xia.
“Anyway, I am wishing the both of you. Ikaw Tori, kapag may ginawa sa iyo itong kuya ko, sabihan mo agad ako. Kuya, ingatan mo itong kaibigan ko, ha. Sige ka, hindi nito gagandahan ang design ng coffee nook mo rito,” may pananakot na sabi ni Xia.
“What?” / “Ano?”
Napangiti si Xia at saka salitang tiningnan ang dalawa.
“Sabay na naman kayo, ha…” sabay bumungisngis, “nakakatuwa kayong dalawa, in fairness.”
Sinamaan naman ng tingin ni Xander at Tori si Xia, pero hindi iyon nakaapekto sa batang kapatid ni Xander dahil nagkomento pa uli ito.
“Nae-excite ako sa inyong dalawa… parang may nakikita akong mabubuong love team…”
~CJ
“Wait. I want to introduce you two formally,” kinikilig na sabi ni Xia. Pakiramdam niya ngayon ay isa siyang tagahanga ng isang love team sa showbiz. “Kuya Xander, this is Viktoria Panlilio,” iminuwestra ng kamay ni Xia si Tori, “a newly-grad Interior Designer. She graduated from Canada, the same school where I graduated. And just like me…” malapad na ngumiti si Xia, ”Tori here, also graduated with honours.”Tori is so proud of her achievement. Wala siyang ginamit na tao o kilalang pangalan para makuha ang karangalan niya na iyon. She did not brag her social status even. Ika nga, sariling sikap ang lahat. Walang nakakaalam sa eskwelahan na anak siya ng isang prominenteng pamilya sa Pilipinas. In fact, kahit nga si Xia ay walang alam sa family background niya.“And Tori? I would like to introduce to you the person you will be working with for a couple of months,” pinigil ni Xia ang ngiti sa kanyang mga labi, “the CEO of Madraullo Motors, my kuya, Xander Syjuco.”Bahagyang nagulat si T
“You see, the company wanted to give our customers an unforgettable heart-touching experience when they visit our dealerships. Our mission is that we want our customers to see that we are not just selling them cars, we are not only making a profit out of their money, but we are also trying to move their hearts, that we care about them and their cars. We wanted them to feel that they are important and we, their dealer, are different. That we are a different car dealer among the rest.” Napakurap-kurap si Tori. Bakit ba ganito mag-isip ang taong ito? He is a businessman with a heart. Iyan ang nasa isip ni Tori habang matamang nakikinig kay Xander. At dahil nakatingin siya kay Xander, na mukhang sabay na sanay na sa mga ganitong paliwanagan, hindi maalis ni Tori na pagmasdan ang guwapo at halos perpekto nitong mukha. Pwede pa ngang maging artista ang binata kung gugustuhin niya lang. Kahit siguro sa Hollywood ay pag-aagawan ito ng mga producers doon. Saan ka pa, guwapo na, magan
“Good morning, Ms. Tori.”Ngumiti si Tori sa guwardiya na bumati sa kanya. Kilala na kasi siya ng mga guwardiya ng Madrigal branch ng Madraullo Motors dahil sa malimit niyang pagpunta rito para i-check from time to time ang progreso ng renovation ng coffee corner. At para alam din niya kung kailan siya magsisimula sa pagpapa-deliver ng mga materyales na gagamitin para roon. “Good morning din,” balik-bati ni Tori na sinuklian ng guwardiya ng pagyukod sa kanya.Hanggang maaari, tinitiyempo ni Tori na sa pagitan ng alas onse at alas dose ng tanghali siya nagpupunta sa Madraullo Motors para siguradong hindi sila magkikita ni Xander. Mula nang tahasang sabihin ni Xander na hindi siya sang-ayon na si Tori ang magdidisenyo ng coffee corner ng kumpanya, hindi na naalis sa dalaga na magtanim ng sama ng loob sa binata. Ramdam ni Tori na ayaw sa kanya ng binata dahil sa tatlong beses na kakatwa nilang engkwentro. Kaya naman hanggang kaya niyang iwasan ang binata para hindi sila magkita ay gaga
“Xander?”Nag-angat ng tingin si Xander mula sa telepono niya. Ngumiti si Cassandra kay Xander, tapos ay pilit iniangat ang sarili para maupo sa hospital bed. Agad namang tumayo si Xander nang makita na kumikilos ang ina.“Mommy, ang tigas talaga ng ulo mo,” sermon naman ni Xander sa ina habang inaalalayan ito sa pag-upo.“Alam mo, aral na aral ka sa Lolo Judd mo,” sagot naman ni Cassandra.“Tsk! Sabi mo kasi kanina, uuwi ka na. Ano'ng ginagawa mo run sa construction site ng coffee corner?”Umilap bigla ang mga mata ni Cassandra. “Ikaw naman, dumaan lang naman ako dun para sumilip. Nagkataon lang na biglang nag-shoot down ang sugar ko,” katwiran niya. “Mabuti na lang may nakakita sa ‘yo. Paano kung wala?”“By the way, where is that lady?” Kumunot ang noo ni Xander. “who? Tori?” “Kilala mo siya?”Nagkibit-balikat si Xander.“Well, she’s the designer whom Xia recommended.”Tama pala ang hula ni Cassandra sa babae. Pinigilan niya ang sarili na ma-excite, sabay tanong uli kay Xander
“Pardon?” Narinig ni Tori na tumikhim si Xander sa kabilang linya. [I– I mean… gusto ni Mommy na sa bahay ka mag-dinner bukas. Don't worry. It's just a simple family dinner. No occasion. Kami-kami lang ang nandun. Gusto lang niyang magpasalamat sa ‘yo. Sa ginawa mong pag-attend sa kanya. You know… her hypoglycemic scene thing…”]Hindi maintindihan ni Tori ahg sarili, pero bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa pagtatama ni Xander sa naunang salitang binitawan niya. Ang mommy pala niya ang nag-iimbita sa kanya at hindi naman siya. [“Tori?”]“A-Ah, yes.”[“You mean, yes? You are going to the dinner?”]Biglang nataranata si Tori. Hindi pa naman siya sumasagot ng oo. Kung bakit kasi iyon ang nasabi niya sa pagkabigla niya. “No. I mean, okay lang. Wala lang ‘yung ginawa ko. Kahit sino naman siguro, ganun din ang gagawin in case of emergency na tulad ng nangyari sa mother mo. Tell her I appreciate the dinner. Pero okay na ako na naalala niya akong pasalamatan. No need to invite me.”Pina
“Okay, let’s eat!” anunsiyo ni Jordan Syjuco.Walang magawa si Tori nang patabihin siya kay Xander. After all, bisita lang siya rito ngayon. Hinayaan niyang maunang kumuha ng pagkain ang pamilya Syjuco. “Huy, ano ba kayo? Nauna pa kayo sa bisita ko,” sita naman ni Xandra.“Ay, okay lang po, Mam. Ay, Tita pala. Marami naman pong pagkain. Saka iniisip ko pa po kung alin ang uunahin kong kainin sa dami ng putahe,” katwiran ni Tori. "Ay naku, tikman mong lahat, Tori. Magtatampo ako kapag hindi,” sagot naman ni Xandra. Napansin ni Tori na hindi kumukuha ng pagkain si Xandra, sa halip ay si Jordan ang sumasandok ng pagkain para sa asawa. Hindi man dapat, pero nakaramdam si Tori ng inggit sa nakitang ka-sweet-an ng asawa kay Xandra. “Sige na, iha. Kumain ka na. Huwag kang magpapalinlang sa kambal ko, at hindi mo mamamalayan, naubos na nila ang pagkain,” udyok ni Xandra kay Tori. Tumalima naman si Tori. Inabot na niya ang serving spoon para sa kanin pero nagulat siya nang sabay nila
Iha, magkita uli tayo sa office ni Xander next week, ha? Samahan mo ako dun sa malapit na Mercato roon,” sabi ni Xandra.Nakatayo sila ni Tori sa tapat ng sasakyan ni Xander habang hinihintay sila ng huli na matapos sa pag-uusap. Nakamasid naman sa di-kalayuan si Jordan. “Tita, i-message n’yo po muna ako. Hindi kasi ako araw-araw nagpupunta roon.”Napansin ni Tori na parang nadismaya ang ginang sa sinabi niya, pero hindi niya alam kung ano ang dahilan.“Ganun ba? Balak pa naman sana kitang sorpresahin doon. If ever, ako pala ang masosorpresa.”“Opo, Tita. Hindi ko naman kasi kailangang magpunta araw-araw sa site.”“I think mas pabor ‘yun, iha. Mas marami kang time na sumama sa mga lakad ko kung hindi ka naman pala nire-require ng kliyente mo na lagi kang mag-visit sa site,” bigay-diin ni Xandra sa salitang kliyente, sabay tingin sa anak.“‘My…”“What?” patay-malisyang tanong ni Xandra.“Nakakahiya kay Tori. Sinasamahan mo ng personal agenda iyong services niya sa atin,” may halong pa
Bumangon si Tori mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya naihatid ni Xander, pero mula nang dumating siya ay hindi na siya mapakali at nakatulog. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang eksena kanina sa sasakyan ni Xander.Sinilip ni Tori ang orasan sa tabi ng kama niya. Ala-una na ng madaling-araw. Umahon siya mula sa kama at nagpunta sa kusina at saka nagbukas ng ref. Sandaling nag-isip si Tori habang nakatayo sa nakabukas na ref. Iniisip niya kung ano ba ang gusto niyang inumin o kung ano ba ang iinumin niya. Gusto niya ng makakatulong para makatulog na siya. Hanggang sa mapagpasyahan ni Tori na red wine na lang ang inumin. Nang maubos ni Tori ang kalahating baso ng red wine, muli siyang bumalik sa kuwarto at nahiga. Kampante si Tori na makakatulog na siya ngayon ng mahimbing. Pero may ilang minuto na rin siyang nakahiga ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ang guwapong mukha ni Xander ang laman ng isip niya. Nagtataka naman si TorI kung bakit, hindi nam
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Nainis si Tori sa tanong ni Xander. Heto na nga at nakikipaghalikan na siya sa binata, tapos may gana pa siyang magselos kay Gener?Pero sa tanong nga ba ni Xander siya nainis, o dahil sa paghinto ni Xander sa paghalik sa kanya?Both! Sagot ng utak ni Tori.Ubod lakas na itinulak ni Tori si Xander, at saka siya mabilis na tumayo at naglakad palayo mula kay Xander. Pero mas mabilis sa kanya si Xander dahil naramdaman na lang niya ang kamay nito sa braso niya.“Where are you going?” tanong sa kanya ng binata sabay hinto ni Tori dahil pigil-pigil siya ng binata.“Anywhere away from you!” inis na sagot ni Tori.Tumaas ang isang sul
Napatanong din si Tori sa sarili kung paanong alam ni Xander ang tungkol kay Gener at sa pagbibigay nito lagi ng gatas ng kalabaw sa kanya.“But I can ask someone to buy fresh milk sa grocery. Kahit ilan pang kahon ang gusto mo,” may pagyayabang na dagdag pa ni Xander.Nahalata ni Tori ang pagseselos ng binata kay Gener sa timbre ng salita nito. Pero binalewala niya iyon. Sa halip ay tinanong niya ito.“Bakit mo alam ‘yun?”“Hah! I have my own ways, darling,” may pagka-inis na sagot ni Xander.May sayang naramdaman si Tori sa kaalamang nagseselos ang binata kay Gener. Muntik pa siyang napangiti pero agad din niyang sinupil. Ayaw niyang makita
Hindi alam ni Tori kung paano pakakalmahin ang puso niya. Mula nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto at masilayan niya ito ay tila may sariling isip ang puso niya at nataranta na ito nang masilayan niyang muli ang guwapong mukha ni Xander. Medyo pumayat ito nang bahagya mula nung huli niya itong makita. Ang facial hair nito ay visible rin ngayon na tila ba ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Ayaw na ayaw pa naman ni Tori sa lalaki ang may balbas at bigote. Pero sa sitwasyon ni Xander, hindi iyon nakapagpa-turn off sa kanya. Sa halip, sa tingin niya ay bagay dito ang ganung konting buhok sa kanyang mukha. Tila ba nakadagdag pa ito sa kanyang kaguwapuhan. Bumrusko ng konti ang dating ng binata para sa kanya. Pakiramdam nga ngayon ni Tori ay gusto na niyang tumayo at salubungin ng yakap ang binatang tila slow motion na naglalakad patungo sa kanya. Nakasuot lang ito ng simpleng muscle sando at cargo pants pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Isang buwan lang siyang nap