“Xander?”
Nag-angat ng tingin si Xander mula sa telepono niya.
Ngumiti si Cassandra kay Xander, tapos ay pilit iniangat ang sarili para maupo sa hospital bed. Agad namang tumayo si Xander nang makita na kumikilos ang ina.
“Mommy, ang tigas talaga ng ulo mo,” sermon naman ni Xander sa ina habang inaalalayan ito sa pag-upo.
“Alam mo, aral na aral ka sa Lolo Judd mo,” sagot naman ni Cassandra.
“Tsk! Sabi mo kasi kanina, uuwi ka na. Ano'ng ginagawa mo run sa construction site ng coffee corner?”
Umilap bigla ang mga mata ni Cassandra.
“Ikaw naman, dumaan lang naman ako dun para sumilip. Nagkataon lang na biglang nag-shoot down ang sugar ko,” katwiran niya.
“Mabuti na lang may nakakita sa ‘yo. Paano kung wala?”
“By the way, where is that lady?”
Kumunot ang noo ni Xander.
“who? Tori?”
“Kilala mo siya?”
Nagkibit-balikat si Xander.
“Well, she’s the designer whom Xia recommended.”
Tama pala ang hula ni Cassandra sa babae. Pinigilan niya ang sarili na ma-excite, sabay tanong uli kay Xander.
“So, nasaan na siya? I want to thank her.”
“I don't know. Baka umuwi na. Usually, sumasaglit lang siya dun sa area ng construction to check some things, then aalis na.”
Natuwa si Cassandra sa isiping updated pala ang anak sa presensya ni Tori. Pero siyempre, hindi niya iyon pwedeng ipahalata sa anak na panganay.
“Please check, anak. And…kindly know where she resides. Pupuntahan ko siya. I want to thank her personally.”
“‘My… hayan ka na naman… sabi ng huwag kang umaalis mag-isa, di ba?”
“Hmp! Alam mo, kasing istrikto ka na ng Lolo Judd mo. Bawasan mo nga ang kaka-bonding sa kanya.”
Mahinang tumawa si Xander. Alam na alam nilang magkakapatid ang ginawang pagtakas ng Mommy niya noong eighteen siya sa kabila ng paghihigpit mng ama nito na si Judd Madrigal, para lang makaranas siyang makapasok ng bar na isa sa mga ipinagbabawal sa kanya noon. Unfortunately, someone from the bar drugged Cassandra and she accidentally ended up in bed with a stranger, his father Jordan. Pero nagising na lang si Jordan na wala na si Cassandra sa tabi niya na hindi alam ang pangalan at tirahan niya. But love finds a way, so the rest is history.
“Mommy, kung para na akong si Lolo, eh di sana pinaghiwalay ko kayo ng kuwarto ni Daddy,” nakatawang sabi ni Xander.
“Don’t you dare, Xander Syjuco. Huwag na huwag mong gagawin ‘yan,” pagbabanta ni Cassandra sa anak.
Muling tumawa si Xander sa inakto ng ina kaya naman irap ang iginanti ni Cassandra sa anak.
“Huwag mong ibahin ang usapan, Xander. I am serious. Kung ayaw mo akong magpunta mag-isa sa bahay ni Tori, samahan mo ako. I insist.”
“Okay. Ganito na lang, ‘My.” Alam naman ni Xander na hindi titigil ang ina. “Why not just invite her to our house? Dinner?” suhestiyon niya.
Namilog ang mga mata ni Cassandra.
“Yes… I like that idea, anak! But for now, uwi na tayo. Miss ko na ang Daddy mo,” ungot ni Cassandra sa anak.
Naisipan namang biruin ni Xander ang ina.
“‘My, masyado pang maaga para magkulong kayo ni Daddy sa kuwarto n'yo. Baka magulat ang mga katulong sa bahay kung bakit may umaalulong dun.”
Napamaang si Cassandra.
“Xander?!”
Isang malutong na halakhak lang ang isinukli ni Xander sa ina.
HINDI mapakali si Xander. Hindi niya alam kung paano aayain si Tori sa hapunan na napag-usapan nila ng inang si Cssandra nung nasa ospital pa ito. Naisipan niyang tawagan ang bunsong kapatid. Tutal, kaibigan naman ni Xia si Tori.
“Baby sis.”
[“Yes, pinakaguwapo kong Kuya?”]
“Pinapa-invite ni Mommy si Tori sa bahay. Gusto lang daw niyang magpasalamat sa kanya over dinner.”
Habang sinasabi ni Xander iyon sa kapatid ay palihim siyang umusal na sana ay agad na pumayag ang bunsong kapatid.
[“Why me?”]
Hindi nagkamali si Xander. Knowing her baby sister, nahulaan na niyang ganito nga ang magiging reaksyon ni Xia.
“Why not you? Kaibigan mo siya.”
[“Pero hindi naman ako ang inutusan ni Mommy, kuya kong pinakaguwapo…”]
“Tsk! Xia…”
[“Kuya, twenty-eight ka na next year. Magi-invite lang sa dinner dinadaga pa ang dibdib mo? And to think, hindi mo naman nililigawan iyong iimbitahin mo. Si Tori lang ‘yun. Kuya.”]
“Si Tori nga kasi ‘yun…”
[“What do you mean by that, kuya?”]
“Ha? I mean si Tori ‘yun. Ikaw ang may kaibigan sa kanya, hindi naman ako.”
[“But technically, she works for you now.”]
Napakamot sa tungki ng ilong niya si Xander. Kahit kailan talaga, mabilis mag-isip ang bunsong kapatid.
“Baby sis… Sige na… Ang dali lang naman ng gagawin mo…”
[“Madali lang pala. Then do it yourself, Kuya. Bye!”]
Agad na nag-panic si Xander sa pagpapaalam ng bunsong kapatid.
“Xia, wait! “
Pero nawala na ang kapatid sa kabilang linya. Napahugot na lang ng malalim na hininga si Xander. Hindi naman niya magawang magalit sa bunsong kapatid. Mula nang maliit ito, prinsesa na ang turing nilang lahat sa nag-iisang babae ng mga Syjuco. Kaya nga nang hilingin ni Xia na gusto nitong mag-aral ng Interior Design sa Canada ay wala silang nagawang lahat kung hindi ang pumayag. Kahit na ang ibig sabihin nito ay malalayo sa kanila ang bunsong kapatid at hindi nila ito mababantayan.
Napatitig si Xander sa screen ng telepono niya. Wala na siyang ibang choice, na-oohan na niya ang ina na isasama niya si Tori sa bahay nila. Kahit kailan ay hindi niya binigo ang ina. Iyon ang ganti niya sa ina sa mag-isang pagpapalaki sa kanya noong mga panahong hindi pa nila nadidiskubre na si Jordan Syjuco ang kanyang ama.
“Here we go, Xander.”
Hinanap niya ang pangalan ni Tori sa phonebook ng telepono niya. Hindi alam ni Xander kung gaano katagal niya tinitigan muna ang pangalan ni Tori sa screen ng telepono niya. Pakiramdam din niya ay bang-basa na ang kilikili niya sa tensyon na nararamdaman niya ngayon. Sa isip-isip niya, tama nga si Xia. Simpleng hapunan lang naman ang mangyayari, pero bakit tense na tense siya?
Humugot muna siya ng malalim na hininga, at saka ipinuwesto ang daliri niya sa tapat ng pangalan ni Tori.
“This is it.”
[“Yes, hello?”]
Tumikhim muna si Xander bago sumagot kaTori.
“Can I invite you to dinner?”
Huli na nang maisip ni Xander na mali pala ang paraan ng pagkakasabi niya sa pag-imbita kay Tori. It seems that he is asking Tori for a dinner date with him.
~CJ
“Pardon?” Narinig ni Tori na tumikhim si Xander sa kabilang linya. [I– I mean… gusto ni Mommy na sa bahay ka mag-dinner bukas. Don't worry. It's just a simple family dinner. No occasion. Kami-kami lang ang nandun. Gusto lang niyang magpasalamat sa ‘yo. Sa ginawa mong pag-attend sa kanya. You know… her hypoglycemic scene thing…”]Hindi maintindihan ni Tori ahg sarili, pero bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa pagtatama ni Xander sa naunang salitang binitawan niya. Ang mommy pala niya ang nag-iimbita sa kanya at hindi naman siya. [“Tori?”]“A-Ah, yes.”[“You mean, yes? You are going to the dinner?”]Biglang nataranata si Tori. Hindi pa naman siya sumasagot ng oo. Kung bakit kasi iyon ang nasabi niya sa pagkabigla niya. “No. I mean, okay lang. Wala lang ‘yung ginawa ko. Kahit sino naman siguro, ganun din ang gagawin in case of emergency na tulad ng nangyari sa mother mo. Tell her I appreciate the dinner. Pero okay na ako na naalala niya akong pasalamatan. No need to invite me.”Pina
“Okay, let’s eat!” anunsiyo ni Jordan Syjuco.Walang magawa si Tori nang patabihin siya kay Xander. After all, bisita lang siya rito ngayon. Hinayaan niyang maunang kumuha ng pagkain ang pamilya Syjuco. “Huy, ano ba kayo? Nauna pa kayo sa bisita ko,” sita naman ni Xandra.“Ay, okay lang po, Mam. Ay, Tita pala. Marami naman pong pagkain. Saka iniisip ko pa po kung alin ang uunahin kong kainin sa dami ng putahe,” katwiran ni Tori. "Ay naku, tikman mong lahat, Tori. Magtatampo ako kapag hindi,” sagot naman ni Xandra. Napansin ni Tori na hindi kumukuha ng pagkain si Xandra, sa halip ay si Jordan ang sumasandok ng pagkain para sa asawa. Hindi man dapat, pero nakaramdam si Tori ng inggit sa nakitang ka-sweet-an ng asawa kay Xandra. “Sige na, iha. Kumain ka na. Huwag kang magpapalinlang sa kambal ko, at hindi mo mamamalayan, naubos na nila ang pagkain,” udyok ni Xandra kay Tori. Tumalima naman si Tori. Inabot na niya ang serving spoon para sa kanin pero nagulat siya nang sabay nila
Iha, magkita uli tayo sa office ni Xander next week, ha? Samahan mo ako dun sa malapit na Mercato roon,” sabi ni Xandra.Nakatayo sila ni Tori sa tapat ng sasakyan ni Xander habang hinihintay sila ng huli na matapos sa pag-uusap. Nakamasid naman sa di-kalayuan si Jordan. “Tita, i-message n’yo po muna ako. Hindi kasi ako araw-araw nagpupunta roon.”Napansin ni Tori na parang nadismaya ang ginang sa sinabi niya, pero hindi niya alam kung ano ang dahilan.“Ganun ba? Balak pa naman sana kitang sorpresahin doon. If ever, ako pala ang masosorpresa.”“Opo, Tita. Hindi ko naman kasi kailangang magpunta araw-araw sa site.”“I think mas pabor ‘yun, iha. Mas marami kang time na sumama sa mga lakad ko kung hindi ka naman pala nire-require ng kliyente mo na lagi kang mag-visit sa site,” bigay-diin ni Xandra sa salitang kliyente, sabay tingin sa anak.“‘My…”“What?” patay-malisyang tanong ni Xandra.“Nakakahiya kay Tori. Sinasamahan mo ng personal agenda iyong services niya sa atin,” may halong pa
Bumangon si Tori mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya naihatid ni Xander, pero mula nang dumating siya ay hindi na siya mapakali at nakatulog. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang eksena kanina sa sasakyan ni Xander.Sinilip ni Tori ang orasan sa tabi ng kama niya. Ala-una na ng madaling-araw. Umahon siya mula sa kama at nagpunta sa kusina at saka nagbukas ng ref. Sandaling nag-isip si Tori habang nakatayo sa nakabukas na ref. Iniisip niya kung ano ba ang gusto niyang inumin o kung ano ba ang iinumin niya. Gusto niya ng makakatulong para makatulog na siya. Hanggang sa mapagpasyahan ni Tori na red wine na lang ang inumin. Nang maubos ni Tori ang kalahating baso ng red wine, muli siyang bumalik sa kuwarto at nahiga. Kampante si Tori na makakatulog na siya ngayon ng mahimbing. Pero may ilang minuto na rin siyang nakahiga ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ang guwapong mukha ni Xander ang laman ng isip niya. Nagtataka naman si TorI kung bakit, hindi nam
Nagulat si Xander nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. Mabuti na lang at pumipirma lang siya ng mga tseke para sa mga kailangang bayaran ng kumpanya at wala siya sa meeting. “Kuya, bakit wala yata si Tori sa ibaba? Or nanggaling na ba siya rito?” agad na tanong ni Xia sa Kuya niya pagpasok pa lang nito sa pintuan.Kumunot ang noo ni Xander.“Bakit mo sa akin hinahanap?” iritableng sagot ni Xander, “you are her friend, so dapat, ikaw ang mas nakakaalam ng whereabouts ng kaibigan mo.”Muling itinuloy ni Xander ang ginagawa at hindi na pinansin ang kapatid. Kaya naman, naupo na lang si Xia sa upuang nasa harapan ng mesa ni Xander. “Ang sungit naman ng pinakaguwapo kong Kuya,” reklamo ni Xia pagka-upo niya, “may regla ka ba today?”Muling nag-angat ng tingin si Xander. Kumpara kanina, halos magsalubong na ang mga kilay niya ngayon kaya naalarma si Xia. “Oops! Someone woke up at the wrong side of the bed,” nakangiti pang sabi niya at saka nag-peace sign kay Xander.NapailIn
“Excuse me? Anong tumakas ka riyan?” Pinanlakihan ni Cassandra ng mga mata si Xander. “Of course not. Alam ng Daddy mo na pupunta ako rito. By the way iho, bakit wala si Tori dun sa construction sa ibaba?”Napahawak si Xander sa batok niya, at saka hinimas-himas iyon. Nagtataka siya kung bakit halos sabay na hinahanap ng ina at kapatid ang dalaga.“I don’t know, ‘My. Baka bukas siya pupunta. O sa isang araw? Wala naman kasi siyang itinerary sa akin.” “Hindi ba dapat alam mo? You are working with her. You two should have a good communication. Paano magiging successful ang cafè natin kung hindi kayo nag-uusap na dalawa?”Iginiya ni Xander ang ina sa upuan sa harap ng mesa niya. “Mommy, may monitoring reports naman. Kalma. Tori is professional. I'm sure maayos na matatapos ang construction ng coffee corner.” “Hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Tori?” muling tanong ng ina kay Xander habang nakatingala sa nakatayong anak sa tabi niya. Lihim na napabuntong-hininga si Xander. Umaga
Paws Haven Ito ang napili ni Tori na shelter para mag-volunteer. Dito dinadala ang mga asong pagala-gala sa lansangan at ang mga asong hindi na kayang alagaan ng mga amo nila. At ito rin ang nakikitang paraan ni Tori para libangin ang sarili. Dalawang araw na mula nang ihatid siya ni Xander sa tinutuluyan niya ay lagi na lang niyang naiisip ang binata. Dalawang araw na rin siyang hindi nagpupunta sa opisina nito.’Baka kasi hindi siya makatiis at gumawa na naman siya ng paraan na silipin ang binata sa opisina nito katulad ng nangyari nung nakaraan, iyon nga lamang at hindi natuloy dahil sa pagtulong niya sa ina nito. Kung bakit naman kasi gustong-gusto niya na tinitingnan siya ni Xander. Pakiramdam kasi ni Tori, iba ang paraan ng pagtingin sa kanya ni Xander, kumpara kapag ibang tao ang kausap ng binata. Parang nangungusap ang paraan ng pagtingin sa kanya ng binata, at tila may mensaheng gustong iparating sa kanya. Napakabago ng mga ganitong pakiramdam kay Tori, at natatakot siya
“No… hindi ko pa naranasan since I was a kid. Hindi ko rin naisip na mag-request sa Mom ko.”“Oh… maybe ito na ang magiging start ng pagiging fur mom mo.”Nagsalubong ang mga kilay ni Tori.“Fur mom?”Lumapad ang ngiti ni Evelyn.“Yeah… iyon ang tawag nila ngayon sa mga individuals na nag-aalaga ng mga dogs na parang totoong baby nila. Fur parent. Ganun.”“I see…” patango-tango na sagot ni Tori.Bago sa pandinig niya iyon. Wala talaga siyang idea sa pag-aalaga ng mga pet. Ayaw kasi ng Daddy niya na may mga hayop na pagala-gala sa bakuran nila. Ang natatandaan niya ay may mga aso sila noon, pero inilalabas lang sa kulungan ang mga iyon kapag hatinggabi na para dagdag seguridad sa malaking bahay nila.“Can you describe to me kung sino itong dog na naka-catch ng attention mo? Isasama kita sa kanya, malay mo, sabi mo nga, you two are meant for each other.”“Ay, nagbibiro lang naman ako doon, Evelyn.”Umiling-iling si Evelyn.“No. Sa laki ng ambag mo dito sa shelter, willing ako na i-let
Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay.Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom
Masaya ang lahat habang kumakain. Panay ang tuksuhan at asaran ng magkakapatid na Syjuco. Ang maganda lang sa kanila ay walang napipikon sa mga pang-aasar nila. Tahimik lang na nakikinig at nanonood si Tori sa kanila. Sa isip niya, inisip niya na baka ito na ang huling sandali na makikita niya ang ganitong kaguluhan ng pamilyang ito. Hanggang sa magkasundo ang pamilya Syjuco na umuwi na.“Uuwi na kami para makapagpahinga ka na,” sabi ni Xandra sa dalaga.“Kayo rin po. Pihadong may mga jet lag pa po kayo,” sagot naman ni Tori.“Medyo nga. Oh, sige. Babalik na lang uli ako. Ipagluluto kita.”“Tita, huwag na nga po. Okay lang…”“Oh, no. Basta. Ipagluluto kita.&rd
“Hi, Tori!” Napatingin si Tori sa direksyon ng pintuan, pati na sina Xander at Sonia. Malapad ang ngiti ni Xandra Syjuco nang pumasok mula roon. Kasunod niya sa likod ang asawang si Jordan.“Hi, friend!” masayang bati naman ni Xia.“It should be sis-in-law, di ba?” tanong naman ni Xavier na kasunod na naglalakad ni Xia at may dalang basket na may mga lamang fresh na sunfllower na mga bulaklak.“Eh, di friend sis-in-law na lang. Oh, satisfied ka na, Kuya?” sagot naman sa kanya ni Xia.Inakbayan naman ni Xavier si Xia at saka hinila ito palapit sa kanya.“Flowe
“Darling ko, okay lang naman akong magbantay sa ‘yo. Inabala mo pa itong si Sonia,” sabi ni Xander habang sinusubuan si Tori ng pagkain.“Hindi ako makapaglinis mabuti ng katawan ko dahil sa nakakabit na IV sa isang kamay ko.”“Oh? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“At ano? Ikaw ang sasama sa akin sa loob ng CR?” nakataas ang isang kilay na balik-tanong ni Tori kay Xander.Tumawa lang si Xander sa reaksyon ni Tori.“Eto talagang darling ko... di bale, makikita ko rin naman ‘yan. Soon…”Inirapan ni Tori si Xander, pero sige pa rin ng tawa ng lalaki.
Mabilis na hinalikan ni Xander si Tori sa pisngi kaya nahinto siya sa pagsisintimyento.“Bibili muna ako ng maiinom nila Tito. Kayo muna ang mag-usap, catch up,” nagbaling ng tingin si Xander kay Vic, “Tito, hot coffee?”“Yes, please. No sugar.”“Any specific blend or type of coffee? Any recipe?”“Anything basta no sugar.”“Got it,” nilingon ni Xander si Julie at Danilo, “how about you, ‘Te Julie? Kuya Danny? Your kids?”“Hot coffee rin ako. Bagay ‘yun sa egg pie na dala namin,” sagot ni Julie at saka binalingan ang dalawang anak, “mga anak, how about you?”
Tila naman napipilan si Tori. Hindi niya alam ang isasagot. Nag-assume nga lang ba siya?“Tatanungin lang kita… since pupunta sila Tito Vic today, gusto mo bang mag-sponge bath? Bubuhatin ba kita para dalhin sa CR? O magdadala na lang ako dito ng tubig sa palanggana?”Namilog ang mga mata ni Tori.“Dadating si Daddy Vic?”Bahagyang natigilan si Xander, nawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya.“Bakit? Ayaw mo ba? Nandito rin sila nung unconscious ka pa,” nag-aalalang sagot ni Xander sa dalaga, iniisip niya na baka ayaw makausap ng dalaga si Vic.Umiling si Tori.&ldquo
Pinigilan ni Tori ang kamay ni Xander na may hawak ng kutsara ng pagkain na isusubo ng lalaki dapat sa kanya.“What happened to the taxi driver?” may pag-aalalang tanong ni Tori kay Xander. Ngumiti si Xander.“Don’t worry, he’s okay. Medyo bugbog lang left thigh nya at medyo mahihirapan siyang mailakad iyon agad, pero sabi ng doktor na tumitingin sa kanya, need lang niya ng therapy.Napatango-tango si Tori.“Mabuti naman. Hindi ko yata kakayanin kung may taong mamamatay nang dahil sa akin.”“Hey… that’s why it is called accident. Don’t put the blame on you.
Pero tinawanan lang siya ni Xander, at saka mabilis siyang hinalikan sa labi niya.“Ayan. Na-turn off na ko,” pabiro niyang sabi pagkatapos niyang halikan si Tori.Lalo tuloy nagpuyos ang loob ni Tori. Nang magsabog yata ng pasensiya ang Maykapal ay nasalo lahat ni Xander.“Ano’ng gatas ba ang ininom mo nung bata ka at ganyan ka?” inis na tanong ni Tori.Tumawa uli si Xander.“I don’t know… hindi ko iyan naitanong sa Mommy ko. Hayaan mo, kapag dumalaw siya rito sa iyo, tatanungin ko para ma-satisfy ko iyang tanong mo,” maloko nitong sagot.Umirap si Tori sa lalaki.
Nakatunghay si Xander sa maamong mukha ni Tori, habang mahigpit ang hawak niya ka kamay nitong walang nakalagay na suwero. Mataimtiim at tahimik siyang dumadalangin na sana ay magising na ang dalaga.Tatlong araw na itong tulog mula ng maaksidente ito. Mabuti na lang at bago mangyari ang aksidente ay tinangka niyang tawagan si Tori, kaya naman nang manghingi ito ng tulong ay numero niya ang unang lumabas. Tatlong araw na rin siyang hindi nakakapasok sa opisina. Mula nang sagipin niya si Tori sa aksidente ay hindi na siya umalis sa tabi nito. Ipinamahala muna niya sa kapatid na si Xavier ang dalawang branch ng Madraullo Motors habang nagbabantay pa siya kay Tori sa ospital. Ayaw niyang iwanan ang dalaga, iniisip ni Xander na baka magkaroon ng pagkakataon na makaalis si Tori at iwanan na naman siya. Hinding-hindi na siya papayag na mawala pa sa kanya si Tori.