Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Madraullo Motors.Dito pinapunta si Tori ng kaibigang si Xia. Inirekomenda siya nito para maging interior designer ng kumpanyang ito at para magkaroon na raw siya ng una niyang kliyente. Sabi ni Xia, isang maliit na coffee nook ang kailangan niyang i-design. Okay lang naman kay Tori. Kailangan lang niya talaga ng unang proyekto para makagawa na siya ng portfolio niya bilang Registered Interior Designer.“Good morning. Magkikita kami ni Xia. Saan ko kaya siya puwedeng hintayin?” tanong ni Tori sa magandang babae na sumalubong sa kanya na may nakalagay na Justine sa name plate niya. “Ah, si Mam Xia po ba? Gusto n’yo Mam, ihatid ko kayo sa Executive Lounge?” balik-tanong nung Justine kay Tori.Bahagyang nagulat si Tori. Aware naman siya na galing sa mayamang pamilya ang kaibigan, pero hindi niya akalain na ganito kakilala si Xia sa kumpanyang ito. Close talaga siguro siya sa may-ari.“Oh, mukhang VIP si Xia dito sa company n’yo, ah? But no, I prefer sitting here na lang rather dun sa l
Magaan ang pakiramdam ni Tori habang naglalakad palabas ng gusali. Mula sa araw na ito, payapa na ang bawat araw niya. Makakapamuhay na siya ng normal. Pero napahinto si Tori sa paglalakad nung nakita niya ang best friend na si Chandra. Kitang-kita niya nang yakapin nito ang kaka-annuled pa lang na dating asawa niya na si Ruther. Ilang sandaling magkayakap ang dalawa nang magtama ang mga mata nila Tori at Chandra. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan at mabilis na humiwalay kay Ruther. “T-Tori…” Biglang nahimasmasan si Tori nang narinig niya ang boses ni Chandra. Akmang lalapit sa kaniya si ito kaya mabilis na tumalikod si Tori at naglakad palayo.“Tori!” Lumingon si Tori sa likuran habang mabilis na naglalakad. Nakita niyang naglalakad din si Chandra at mukhang hinahabol talaga siya. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Ayaw niya munang makausap ang kaibigan. Hindi ngayon. Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Si Chandra pa naman ang nasa isip ni Tori kanina na unang
Hindi alam ni Tori kung nakailang kurap siya ng mga mata. Pero kahit ilang kurap pa, hindi pa rin nagbabago ang itsura ng lalaking nasa harapan niya. Hindi maaaring magkamali si Tori dahil ito rin ang lalaking dalawang beses na niyang nakakabungguan sa magkaibang lugar at magkaibang coffee shop. At hindi lang basta kabungguan, dahil natatapunan din niya ito ng kape sa damit niya. Kaya kung pangatlong beses na niyang nakabungguan ngayon ang lalaki, pangatlong beses na rin niya itong natapunan ng mainit na kape sa suot na damit nito. “Hanggang dito ba naman, bubungguin at tatapunan mo pa rin ako ng kape? Wala kang patawad, Miss.”Nang narinig ni Tori ang inis na boses ng lalaki, mas nainis si Tori. Kung magsalita ang lalaki ay parang sinasadya niya ang lagi niyang matapunan ito ng kape. Hindi ba niya alam ang salitang “aksidente”?“E-Excuse me?” "Well at least ngayon, nagsasalita ka na. Unlike before, nakatulala ka lang sa akin. Masyado kang nagugywapuhan sa akin, ano?"Naiinis man, p
“Wait. I want to introduce you two formally,” kinikilig na sabi ni Xia. Pakiramdam niya ngayon ay isa siyang tagahanga ng isang love team sa showbiz. “Kuya Xander, this is Viktoria Panlilio,” iminuwestra ng kamay ni Xia si Tori, “a newly-grad Interior Designer. She graduated from Canada, the same school where I graduated. And just like me…” malapad na ngumiti si Xia, ”Tori here, also graduated with honours.”Tori is so proud of her achievement. Wala siyang ginamit na tao o kilalang pangalan para makuha ang karangalan niya na iyon. She did not brag her social status even. Ika nga, sariling sikap ang lahat. Walang nakakaalam sa eskwelahan na anak siya ng isang prominenteng pamilya sa Pilipinas. In fact, kahit nga si Xia ay walang alam sa family background niya.“And Tori? I would like to introduce to you the person you will be working with for a couple of months,” pinigil ni Xia ang ngiti sa kanyang mga labi, “the CEO of Madraullo Motors, my kuya, Xander Syjuco.”Bahagyang nagulat si T
“You see, the company wanted to give our customers an unforgettable heart-touching experience when they visit our dealerships. Our mission is that we want our customers to see that we are not just selling them cars, we are not only making a profit out of their money, but we are also trying to move their hearts, that we care about them and their cars. We wanted them to feel that they are important and we, their dealer, are different. That we are a different car dealer among the rest.” Napakurap-kurap si Tori. Bakit ba ganito mag-isip ang taong ito? He is a businessman with a heart. Iyan ang nasa isip ni Tori habang matamang nakikinig kay Xander. At dahil nakatingin siya kay Xander, na mukhang sabay na sanay na sa mga ganitong paliwanagan, hindi maalis ni Tori na pagmasdan ang guwapo at halos perpekto nitong mukha. Pwede pa ngang maging artista ang binata kung gugustuhin niya lang. Kahit siguro sa Hollywood ay pag-aagawan ito ng mga producers doon. Saan ka pa, guwapo na, magan
“Good morning, Ms. Tori.”Ngumiti si Tori sa guwardiya na bumati sa kanya. Kilala na kasi siya ng mga guwardiya ng Madrigal branch ng Madraullo Motors dahil sa malimit niyang pagpunta rito para i-check from time to time ang progreso ng renovation ng coffee corner. At para alam din niya kung kailan siya magsisimula sa pagpapa-deliver ng mga materyales na gagamitin para roon. “Good morning din,” balik-bati ni Tori na sinuklian ng guwardiya ng pagyukod sa kanya.Hanggang maaari, tinitiyempo ni Tori na sa pagitan ng alas onse at alas dose ng tanghali siya nagpupunta sa Madraullo Motors para siguradong hindi sila magkikita ni Xander. Mula nang tahasang sabihin ni Xander na hindi siya sang-ayon na si Tori ang magdidisenyo ng coffee corner ng kumpanya, hindi na naalis sa dalaga na magtanim ng sama ng loob sa binata. Ramdam ni Tori na ayaw sa kanya ng binata dahil sa tatlong beses na kakatwa nilang engkwentro. Kaya naman hanggang kaya niyang iwasan ang binata para hindi sila magkita ay gaga
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Nainis si Tori sa tanong ni Xander. Heto na nga at nakikipaghalikan na siya sa binata, tapos may gana pa siyang magselos kay Gener?Pero sa tanong nga ba ni Xander siya nainis, o dahil sa paghinto ni Xander sa paghalik sa kanya?Both! Sagot ng utak ni Tori.Ubod lakas na itinulak ni Tori si Xander, at saka siya mabilis na tumayo at naglakad palayo mula kay Xander. Pero mas mabilis sa kanya si Xander dahil naramdaman na lang niya ang kamay nito sa braso niya.“Where are you going?” tanong sa kanya ng binata sabay hinto ni Tori dahil pigil-pigil siya ng binata.“Anywhere away from you!” inis na sagot ni Tori.Tumaas ang isang sul
Napatanong din si Tori sa sarili kung paanong alam ni Xander ang tungkol kay Gener at sa pagbibigay nito lagi ng gatas ng kalabaw sa kanya.“But I can ask someone to buy fresh milk sa grocery. Kahit ilan pang kahon ang gusto mo,” may pagyayabang na dagdag pa ni Xander.Nahalata ni Tori ang pagseselos ng binata kay Gener sa timbre ng salita nito. Pero binalewala niya iyon. Sa halip ay tinanong niya ito.“Bakit mo alam ‘yun?”“Hah! I have my own ways, darling,” may pagka-inis na sagot ni Xander.May sayang naramdaman si Tori sa kaalamang nagseselos ang binata kay Gener. Muntik pa siyang napangiti pero agad din niyang sinupil. Ayaw niyang makita
Hindi alam ni Tori kung paano pakakalmahin ang puso niya. Mula nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto at masilayan niya ito ay tila may sariling isip ang puso niya at nataranta na ito nang masilayan niyang muli ang guwapong mukha ni Xander. Medyo pumayat ito nang bahagya mula nung huli niya itong makita. Ang facial hair nito ay visible rin ngayon na tila ba ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Ayaw na ayaw pa naman ni Tori sa lalaki ang may balbas at bigote. Pero sa sitwasyon ni Xander, hindi iyon nakapagpa-turn off sa kanya. Sa halip, sa tingin niya ay bagay dito ang ganung konting buhok sa kanyang mukha. Tila ba nakadagdag pa ito sa kanyang kaguwapuhan. Bumrusko ng konti ang dating ng binata para sa kanya. Pakiramdam nga ngayon ni Tori ay gusto na niyang tumayo at salubungin ng yakap ang binatang tila slow motion na naglalakad patungo sa kanya. Nakasuot lang ito ng simpleng muscle sando at cargo pants pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Isang buwan lang siyang nap
“You see,” pagpapatuloy ni Clover, “hindi naman kami tumitingin sa estado at nakaraan ng isang tao. Lahat kaming apat na pamilya ay ganun. You see, kahit gaano kayaman iyong apat na abnoy na magkakaibigan na ‘yun, hindi sila nang-uri ng mga babaeng minahal nila. Kaya hanggang sa mga apo nila, tangay-tangay iyon.”Tipid na ngumiti si Tori sa ginang. “Nabanggit nga po ni Tita Xandra iyan dati.”“Sorry, if I have sent the wrong impression. Mabait naman ako… hindi naman ako monster Lola katulad ng naiisip mo…” dagdag pa ng ginang. “Naku, hindi naman po. Hindi po ganun ang iniisip ko sa inyo. Alam ko naman pong natural lang na mag-react po kayo ng ganun. Siyempre po, pinoprotektahan n’yo lang ang apo n’yo kasi mahal n’yo si Xander. Wala po akong sama ng loob sa inyo. Sa inyong lahat. Alam ko pong mahal n’yo lang si Xander kaya nangyari ang ganun.”Umaktong hindi naniniwala si Clover sa sinabi ni Tori. “Um? Talaga ba? No hard feelings talaga?” Sunod-sunod na tango naman ang ginawa ng nak
Nakatitig si Tori sa pintuang nilabasan ng ama. Gusto niyang ibigay na kanina ang pagpapatawad sa ama, pero parang may pumipigil sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi pa siya handa. Nararamdaman pa rin niya ang sakit sa dibdib kapag naaalala niya ang mga pagkakamali at pagkukulang ng ama sa kanya noon.Naniniwala naman si Tori na maghihilom din ang mga sakit. Mawawala rin pagdating ng tamang panahon. Sa ngayon, mas mabuting hayaan na muna siya ng ama. Mas kailangan niyang gamutin muna ang sarili niya. Pero hindi nga ba at iyon ang ginagawa niya ngayon kaya mas pinili niyang iwan at lumayo mula kay Xander? Hanggang sa may dumukot sa kanya ngayon.Biglang bumangon ang inis sa dibdib ni Tori. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Naiinis na nagmartsa sya papunta sa pintuan. Ano ba kasi ang plano ng kumidnap sa kanya? Ano ang balak nitong gawin
“Ruther, wait!” paghabol ni Tori sa dating asawa habang nagmamadali ang huli sa paglabas sa kuwartong iyon. Nagmamadaling tumayo si Tori para habulin si Ruther na palabas na. Kung hindi naman pala kidnap ito, bakit pa siya iiwan ni Ruther dito? Mabilis na nilingon ni Ruther si Tori habang nakahawak sa door knob.“Sorry, Tori. See you na lang sa outside world!” sagot naman nito, sabay sarado na ng pintuan.“Ruther!”Pero isinara na ni Ruther ang pintuan. Pinilit pa ring marating ni Tori ang pintuan, pero nang hilahin niya ang door knob