Magaan ang pakiramdam ni Tori habang naglalakad palabas ng gusali. Mula sa araw na ito, payapa na ang bawat araw niya. Makakapamuhay na siya ng normal.
Pero napahinto si Tori sa paglalakad nung nakita niya ang best friend na si Chandra. Kitang-kita niya nang yakapin nito ang kaka-annuled pa lang na dating asawa niya na si Ruther.
Ilang sandaling magkayakap ang dalawa nang magtama ang mga mata nila Tori at Chandra. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan at mabilis na humiwalay kay Ruther.
“T-Tori…”
Biglang nahimasmasan si Tori nang narinig niya ang boses ni Chandra. Akmang lalapit sa kaniya si ito kaya mabilis na tumalikod si Tori at naglakad palayo.
“Tori!”
Lumingon si Tori sa likuran habang mabilis na naglalakad. Nakita niyang naglalakad din si Chandra at mukhang hinahabol talaga siya. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Ayaw niya munang makausap ang kaibigan. Hindi ngayon.
Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Si Chandra pa naman ang nasa isip ni Tori kanina na unang tatawagan niya at babalitaan ng magandang pangyayari sa buhay niya.
“Tori, wait! Mag-usap muna tayo, please!”
Hindi pa rin pinansin ni Tori ang pagtawag sa kanya ni Chandra. Halos lakad-takbo na ang kanyang ginawa. Mabilis na mabilis na rin ang tibok ng dibdib niya. Parang gusto niyang umiyak na hindi. Ayaw niyang ipakita kay Chandra na apektado siya sa nakita niya.
“Tori!”
Lumingon uli si Tori sa likuran niya. Hindi pa rin tumitigil si Chandra sa pagsunod sa kanya. Kailangan niya ng mapagtataguan para huminto na si Chandra sa pagsunod sa kanya.
Nakalabas na siya sa gusaling pinanggalingan nila ni Chandra. Nakita niya na nagtatawiran na ang mga tao sa kalsadang nasa harap ng gusali. Tumakbo si Tori para makahabol sa pagtawid. Nakita niya kasi na anumang sandali ay magiging pula na ang ilaw sa harap ng pedestrian lane. Kailangan niyang makatawid agad para hindi siya maabutan ni Chandra.
“Tori!” muli niyang narinig na pagtawag sa kanya ni Chandra.
Hindi na niya nilingon ang kaibigan. Hindi ba ito nakakaintindi na ayaw niyang makipag-usap sa kanya?
Nang makatawid ay hindi na nag-abalang lingunin ni Tori si Chandra. Humalo na siya sa karamihan ng mga taong naglalakad.
Pero hindi pa rin nakampante si Tori. Kilala niya ang kaibigan, alam niyang pipilitin pa rin nitong sundan siya. Kaya naman ng may nakita siyang coffee shop ay agad siyang pumasok doon kahit wala naman siyang balak uminom ng kape.
Naglakad siya hanggang sa dulo dahil naroroon ang counter. Nakipila na rin siya roon sa isiping matatabunan siya ng ibang taong pipila rin.
Sa tuwing magbubukas ang pintuan ng coffee shop hindi maalis kay Tori ang kabahan. Baka kasi mamaya ay isa na pala si Chandra sa mga pumapasok doon. Baka magulat na lang siya na nasa tabi na niya ang kaibigan.
Ex-kaibigan, Tori. Pagtatama niya sa sarili.
Hindi mapakali si Tori hanggang hindi siya nakarating sa harap ng counter at naka-order. Kahit nung hinihintay na niya ang order niya ay naghanap siya ng isang tagong lugar malapit sa counter para hintayin ang order niya, at makapagtago. Hindi pwedeng magpakampante ni Tori. Ayaw niyang magkaroon ng pagkakataon si Chandra na makausap siya ngayon.
“Customer Angelica!”
Iyon ang ibinigay niyang pangalan kanina sa counter nung umorder siya. Nilibot muna niya ng tingin ang paligid bago siya pumunta sa gilid ng counter para kunin ang inorder.
Natigilan siya ng iabot sa kanya ng babaeng staff ang order niya.
“Miss… baka hindi sa akin ‘yan. Hot coffee kasi ang alam kong order ko.”
“Customer Angelica po?”
Tumango si Tori.
Tiningnan nung staff ang resibo na hawak niya. Pagkatapos ay muling tiningnan si Tori.
“Wait lang po, Mam.”
Umalis ang staff sa harapan ni Tori at nagpunta sa ordering counter. Kinausap nito ang staff na kumukuha ng nga orders at ipinakita ang hawak na resibo. Sinulyapan nung staff si Tori, pero agad ding nagbawi ng tingin. Muli silang nag-usap nung isang staff tapos ay sabay silang tumingin sa screen nung machine sa counter.
Habang ginagawa nila iyon ay hindi na naman mapakali si Tori. Muli niyang nilibot ng tingin ang paligid ng coffee shop. Kinakabahan pa rin siya na baka biglang pumasok sa loob si Chandra. Mali yata na nagreklamo pa siya sa order niya.
Nagdesisyon si Tori na kunin na lang ang mainit na kape na ibinibigay sa kanya.
“Mam…”
Nginitian ni Tori iyong staff. Anuman ang sasabihin nito sa kanya ngayon ay hindi na niya pinatuloy.
“Miss, okay na. Kukunin ko na lang ‘to. Nagmamadali na kasi ako.”
Hindi na hinintay ni Tori na sumagot iyong staff. Basta dinampot na lang niya iyong paper cup at umalis na roon. Gusto na niyang makaalis. Gusto na niyang makauwi. Para kay Tori, matatahimik lang siya kapag nandoon na siya sa sariling tahanan niya.
Dere-derecho at walang lingon-likod na naglakad na si Tori papunta sa main entrance ng coffee shop. Bahagya siyang nakayuko para maitago niya ang mukha hanngang sa makarating siya sa pintuan.
Hinawakan niya ang door handle at saka mabilis na itinulak ang frosted glass na pintuan. Pero laking gulat niya nang madala siya ng pintuan palabas. Tila may malakas na puwersa na humatak nun mula sa labas. Dahil sa pagkabigla at pagkatangay ni Tori, hindi niya nakontrol ang katawan.
Mabilis ang pangyayari dahil namalayan na lang ni Tori na bumangga siya sa isang matigas na bagay. Kasabay nito ang pag-agos ng mainit na likido sa kamay at braso niya.
“D*mn!”
Agad siyang nag-angat ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kaharap. Halos kalahati ng suot nitong polo shirt ay natapunan ng kape na galing sa paper cup na hawak niya.
Napipilan si Tori. Gusto niyang humingi ng pasensiya pero walang lumabas na boses mula sa kaniya.
Natatarantang binuksan ni Tori ang bag niya ng malinis niyang kamay. Kukunin sana niya ang panyo niya para punasan ang nabasang polo shirt ng lalaki. Pero nagulat na lang siya nang may humawak sa kamay niya at isiniksik doon ang isang panyo.
Nakita na lang niyang paalis na ang lalaking natapunan niya ng kape.
~CJ
Hindi alam ni Tori kung nakailang kurap siya ng mga mata. Pero kahit ilang kurap pa, hindi pa rin nagbabago ang itsura ng lalaking nasa harapan niya. Hindi maaaring magkamali si Tori dahil ito rin ang lalaking dalawang beses na niyang nakakabungguan sa magkaibang lugar at magkaibang coffee shop. At hindi lang basta kabungguan, dahil natatapunan din niya ito ng kape sa damit niya. Kaya kung pangatlong beses na niyang nakabungguan ngayon ang lalaki, pangatlong beses na rin niya itong natapunan ng mainit na kape sa suot na damit nito. “Hanggang dito ba naman, bubungguin at tatapunan mo pa rin ako ng kape? Wala kang patawad, Miss.”Nang narinig ni Tori ang inis na boses ng lalaki, mas nainis si Tori. Kung magsalita ang lalaki ay parang sinasadya niya ang lagi niyang matapunan ito ng kape. Hindi ba niya alam ang salitang “aksidente”?“E-Excuse me?” "Well at least ngayon, nagsasalita ka na. Unlike before, nakatulala ka lang sa akin. Masyado kang nagugywapuhan sa akin, ano?"Naiinis man, p
“Wait. I want to introduce you two formally,” kinikilig na sabi ni Xia. Pakiramdam niya ngayon ay isa siyang tagahanga ng isang love team sa showbiz. “Kuya Xander, this is Viktoria Panlilio,” iminuwestra ng kamay ni Xia si Tori, “a newly-grad Interior Designer. She graduated from Canada, the same school where I graduated. And just like me…” malapad na ngumiti si Xia, ”Tori here, also graduated with honours.”Tori is so proud of her achievement. Wala siyang ginamit na tao o kilalang pangalan para makuha ang karangalan niya na iyon. She did not brag her social status even. Ika nga, sariling sikap ang lahat. Walang nakakaalam sa eskwelahan na anak siya ng isang prominenteng pamilya sa Pilipinas. In fact, kahit nga si Xia ay walang alam sa family background niya.“And Tori? I would like to introduce to you the person you will be working with for a couple of months,” pinigil ni Xia ang ngiti sa kanyang mga labi, “the CEO of Madraullo Motors, my kuya, Xander Syjuco.”Bahagyang nagulat si T
“You see, the company wanted to give our customers an unforgettable heart-touching experience when they visit our dealerships. Our mission is that we want our customers to see that we are not just selling them cars, we are not only making a profit out of their money, but we are also trying to move their hearts, that we care about them and their cars. We wanted them to feel that they are important and we, their dealer, are different. That we are a different car dealer among the rest.” Napakurap-kurap si Tori. Bakit ba ganito mag-isip ang taong ito? He is a businessman with a heart. Iyan ang nasa isip ni Tori habang matamang nakikinig kay Xander. At dahil nakatingin siya kay Xander, na mukhang sabay na sanay na sa mga ganitong paliwanagan, hindi maalis ni Tori na pagmasdan ang guwapo at halos perpekto nitong mukha. Pwede pa ngang maging artista ang binata kung gugustuhin niya lang. Kahit siguro sa Hollywood ay pag-aagawan ito ng mga producers doon. Saan ka pa, guwapo na, magan
“Good morning, Ms. Tori.”Ngumiti si Tori sa guwardiya na bumati sa kanya. Kilala na kasi siya ng mga guwardiya ng Madrigal branch ng Madraullo Motors dahil sa malimit niyang pagpunta rito para i-check from time to time ang progreso ng renovation ng coffee corner. At para alam din niya kung kailan siya magsisimula sa pagpapa-deliver ng mga materyales na gagamitin para roon. “Good morning din,” balik-bati ni Tori na sinuklian ng guwardiya ng pagyukod sa kanya.Hanggang maaari, tinitiyempo ni Tori na sa pagitan ng alas onse at alas dose ng tanghali siya nagpupunta sa Madraullo Motors para siguradong hindi sila magkikita ni Xander. Mula nang tahasang sabihin ni Xander na hindi siya sang-ayon na si Tori ang magdidisenyo ng coffee corner ng kumpanya, hindi na naalis sa dalaga na magtanim ng sama ng loob sa binata. Ramdam ni Tori na ayaw sa kanya ng binata dahil sa tatlong beses na kakatwa nilang engkwentro. Kaya naman hanggang kaya niyang iwasan ang binata para hindi sila magkita ay gaga
“Xander?”Nag-angat ng tingin si Xander mula sa telepono niya. Ngumiti si Cassandra kay Xander, tapos ay pilit iniangat ang sarili para maupo sa hospital bed. Agad namang tumayo si Xander nang makita na kumikilos ang ina.“Mommy, ang tigas talaga ng ulo mo,” sermon naman ni Xander sa ina habang inaalalayan ito sa pag-upo.“Alam mo, aral na aral ka sa Lolo Judd mo,” sagot naman ni Cassandra.“Tsk! Sabi mo kasi kanina, uuwi ka na. Ano'ng ginagawa mo run sa construction site ng coffee corner?”Umilap bigla ang mga mata ni Cassandra. “Ikaw naman, dumaan lang naman ako dun para sumilip. Nagkataon lang na biglang nag-shoot down ang sugar ko,” katwiran niya. “Mabuti na lang may nakakita sa ‘yo. Paano kung wala?”“By the way, where is that lady?” Kumunot ang noo ni Xander. “who? Tori?” “Kilala mo siya?”Nagkibit-balikat si Xander.“Well, she’s the designer whom Xia recommended.”Tama pala ang hula ni Cassandra sa babae. Pinigilan niya ang sarili na ma-excite, sabay tanong uli kay Xander
“Pardon?” Narinig ni Tori na tumikhim si Xander sa kabilang linya. [I– I mean… gusto ni Mommy na sa bahay ka mag-dinner bukas. Don't worry. It's just a simple family dinner. No occasion. Kami-kami lang ang nandun. Gusto lang niyang magpasalamat sa ‘yo. Sa ginawa mong pag-attend sa kanya. You know… her hypoglycemic scene thing…”]Hindi maintindihan ni Tori ahg sarili, pero bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa pagtatama ni Xander sa naunang salitang binitawan niya. Ang mommy pala niya ang nag-iimbita sa kanya at hindi naman siya. [“Tori?”]“A-Ah, yes.”[“You mean, yes? You are going to the dinner?”]Biglang nataranata si Tori. Hindi pa naman siya sumasagot ng oo. Kung bakit kasi iyon ang nasabi niya sa pagkabigla niya. “No. I mean, okay lang. Wala lang ‘yung ginawa ko. Kahit sino naman siguro, ganun din ang gagawin in case of emergency na tulad ng nangyari sa mother mo. Tell her I appreciate the dinner. Pero okay na ako na naalala niya akong pasalamatan. No need to invite me.”Pina
“Okay, let’s eat!” anunsiyo ni Jordan Syjuco.Walang magawa si Tori nang patabihin siya kay Xander. After all, bisita lang siya rito ngayon. Hinayaan niyang maunang kumuha ng pagkain ang pamilya Syjuco. “Huy, ano ba kayo? Nauna pa kayo sa bisita ko,” sita naman ni Xandra.“Ay, okay lang po, Mam. Ay, Tita pala. Marami naman pong pagkain. Saka iniisip ko pa po kung alin ang uunahin kong kainin sa dami ng putahe,” katwiran ni Tori. "Ay naku, tikman mong lahat, Tori. Magtatampo ako kapag hindi,” sagot naman ni Xandra. Napansin ni Tori na hindi kumukuha ng pagkain si Xandra, sa halip ay si Jordan ang sumasandok ng pagkain para sa asawa. Hindi man dapat, pero nakaramdam si Tori ng inggit sa nakitang ka-sweet-an ng asawa kay Xandra. “Sige na, iha. Kumain ka na. Huwag kang magpapalinlang sa kambal ko, at hindi mo mamamalayan, naubos na nila ang pagkain,” udyok ni Xandra kay Tori. Tumalima naman si Tori. Inabot na niya ang serving spoon para sa kanin pero nagulat siya nang sabay nila
Iha, magkita uli tayo sa office ni Xander next week, ha? Samahan mo ako dun sa malapit na Mercato roon,” sabi ni Xandra.Nakatayo sila ni Tori sa tapat ng sasakyan ni Xander habang hinihintay sila ng huli na matapos sa pag-uusap. Nakamasid naman sa di-kalayuan si Jordan. “Tita, i-message n’yo po muna ako. Hindi kasi ako araw-araw nagpupunta roon.”Napansin ni Tori na parang nadismaya ang ginang sa sinabi niya, pero hindi niya alam kung ano ang dahilan.“Ganun ba? Balak pa naman sana kitang sorpresahin doon. If ever, ako pala ang masosorpresa.”“Opo, Tita. Hindi ko naman kasi kailangang magpunta araw-araw sa site.”“I think mas pabor ‘yun, iha. Mas marami kang time na sumama sa mga lakad ko kung hindi ka naman pala nire-require ng kliyente mo na lagi kang mag-visit sa site,” bigay-diin ni Xandra sa salitang kliyente, sabay tingin sa anak.“‘My…”“What?” patay-malisyang tanong ni Xandra.“Nakakahiya kay Tori. Sinasamahan mo ng personal agenda iyong services niya sa atin,” may halong pa