Share

CHAPTER 5 - MR & MS.

“You see, the company wanted to give our customers an unforgettable heart-touching experience when they visit our dealerships. Our mission is that we want our customers to see that we are not just selling them cars, we are not only making a profit out of their money, but we are also trying to move their hearts, that we care about them and their cars. We wanted them to feel that they are important and we, their dealer, are different. That we are a different car dealer among the rest.”          

Napakurap-kurap si Tori. Bakit ba ganito mag-isip ang taong ito? He is a businessman with a heart. Iyan ang nasa isip ni Tori habang matamang nakikinig kay Xander. At dahil nakatingin siya kay Xander, na mukhang sabay na sanay na sa mga ganitong paliwanagan, hindi maalis ni Tori na pagmasdan ang guwapo at halos perpekto nitong mukha. Pwede pa ngang maging artista ang binata kung gugustuhin niya lang. Kahit siguro sa Hollywood ay pag-aagawan ito ng mga producers doon. Saan ka pa, guwapo na, maganda pa ang katawan.

“So, what do you have in mind, Tori?”

Napatuwid ng upo si Tori ng narinig niya ang pangalan niya. Bakit ba kasi lumilipad ang isip niya ngayon?

Hindi kasi maalis ni Tori ang mapatitig sa mukha ng binata. Papasa na ngang matinee idol ito kung sasabak sa mundo ng pelikula. Tiyak na pagkakaguluhan siya ng mga babaeng artista, at baka mag-unahan pa silang maging kapareha siya sa mga pelikula. Paniguradong putok na putok ang fan base nito. Baka isang ngiti pa lang ni Xander sa mga tagahanga niya, kiligin na ang mga ito.     

“Ahm…” 

Napatingin si Tori sa kaibigang si Xia. Ngumiti ito sa kanya. Ngiti na parang sinasabing alam niya ang tumatakbo sa isip ng kaibigan.  

Sandaling nataranta si Tori. Mabilis siyang nag-isip ng isasagot.

“Actually… I will suggest… that we go minimalist.”

Pasimpleng nagbuga ng hangin si Tori dahil mabilis pa rin niyang napagana ang brain cells niya. Agad-agad niyang binuksan ang dalang tablet na gadget at hinanap sa gallery ang proposal presentation niya na idinisenyo niya para sa project na ito.

“The first one…” panimula ni Tori habang inaayos ang tablet niya, “ang idea ko dito is parang nasa bahay lang. Comfortable. Walang pa-sosyal, simple lang. The walls are painted in white. Ang furnitures, more on beige and white, then wood. Pwede ring the palo-china material, pero we just have to make sure na properly treated. same as well din naman sa ibang woods. Mahirap nang magkaroon ng bukbok o anay ang mga iyon in a short span of time. The decorations are very few, enough lang para magkaroon ng accent.”

“That’s all?” tanong ni Xander kaya napilitan si Tori na lingunin ang lalaki. 

Muling nagbaling ng tingin si Tori sa tablet niya at saka may hinanap sa mga files niya roon. 

“Here,” panimula ni Tori, at saka muling ibinaling paharap kay Xander ang screen ng tablet.

“Dito, almost same lang ng konti, but medyo dagdag ng materials such as steels or pipes. And then bare lang ang magiging wall. No paint. Rustic look. Pwede ring combination ng rustic and cool Scandinavian look. We can also try minimizing the pieces of furniture, with this one, we will compress them a little bit. Like this one.”

Itinuro ng daliri ni Tori sa screen ang gusto niyang i-point out na design kay Xander.

“How about the oven? Saan iyon ilalagay diyan? The refrigerator? The baking supplies and other types of equipment? I want those things not visible para malinis tingnan.”   

Nilingon ni Tori si Xander para sagutin ang tanong niya. Matamang nakatingin ang lalaki sa lay-out na nasa screen ng tablet ni Tori. Hindi tuloy nakaligtas kay Tori ang masinsin at malalantik na mga pilikmata ng binata. Parang nahiya tuloy siya sa manipis at may kaiklian na mga pilik-mata niya.

Kailangan talagang may pagkukumpara, Tori? Pagka-usap ni Tori sa sarili niya.

“Ahm…” 

Pilit na ibinalik ni Tori ang pokus niya sa presentation niya. Umayos siya ng upo at pilit pinakalma ang sarili. Lihim niyang pinagalitan ang sarili sa mga ikinikilos niya ngayon. 

Be professional, Viktoria! Panenermon ni Tori sa sarili.

Pero talaga naman kasing nadi-distract siya ni Xander kahit ano’ng gawin niyang pagpipigil. 

Tumikhim si Tori bago muling nagsalita.

“Kung meron na kayong specific na brands, you can give me the model, or model number, para I can get the dimensions. And then gagawa uli ako ng bagong lay-out para i-incorporate iyong mga appliances sa magiging final design. We can make it na parang naka-built-in sa wall, para mag-fit pa rin sa minimalist or industrialist look niya.”

“Siguro Kuya, Tori and I can inspect the area na rin and then we can make recommendations to what model and sizes na magfi-fit sa area. Para masukat na rin ni Tori ang exact floor area,” sambot ni Xia.

“Baby sis, kung ikaw na lang kasi ang nagde-design, eh di nakatipid pa ang company. Para ano pa at pinagbigyan ka namin na mag-aral ng Interior Design sa ibang bansa kahit labag sa loob namin, kung magbabayad din tayo ng ibang gagawa nun for the company?”

Namilog ang mga mata ni Xia.

“Kuya? You’re so blunt! Naririnig ka ni Tori,” saway ni Xia sa kuya niya.

Sa isang iglap ay nawala ang nararamdamang paghanga ni Tori kanina sa binata.

“Well, I am just telling the truth.” 

Tumingin si Xander kay Tori, pero nagbawi ng tingin sa kanya ang dalaga.

“Okay, let’s go. Let’s check the place,” sabi ni Xander, para maiba ang topic.

“Ah, kami na lang ni Xia, Mr. Syjuco,” sabi ni Tori sa binata na ikina-taas ng isang kilay ng binata dahil sa pormal na pagtawag ni Tori sa kanya.

Biglang tumawa nang mahina si Xia, kaya naman napalingon sa kanya sina Tori at Xander. Maasim ang tingin ni Xander sa kapatid. 

“Sorry naman,” pigil-pigil ang pagtawa na sabi ni Xia habang naka-peace sign. 

“Ms. Panlilio… FYI. If you want us to work harmoniously, call me by my first name and not by my last name. Clear?”

~CJ 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Hailey Bear!💕
Thank you Ms CJ.🤍🫰
goodnovel comment avatar
Hailey Bear!💕
Kalmahan molang Victoria...hahah! grabe maka describe ha, Super gwapo nga!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status