“Wait. I want to introduce you two formally,” kinikilig na sabi ni Xia. Pakiramdam niya ngayon ay isa siyang tagahanga ng isang love team sa showbiz.
“Kuya Xander, this is Viktoria Panlilio,” iminuwestra ng kamay ni Xia si Tori, “a newly-grad Interior Designer. She graduated from Canada, the same school where I graduated. And just like me…” malapad na ngumiti si Xia, ”Tori here, also graduated with honours.”
Tori is so proud of her achievement. Wala siyang ginamit na tao o kilalang pangalan para makuha ang karangalan niya na iyon. She did not brag her social status even. Ika nga, sariling sikap ang lahat. Walang nakakaalam sa eskwelahan na anak siya ng isang prominenteng pamilya sa Pilipinas. In fact, kahit nga si Xia ay walang alam sa family background niya.
“And Tori? I would like to introduce to you the person you will be working with for a couple of months,” pinigil ni Xia ang ngiti sa kanyang mga labi, “the CEO of Madraullo Motors, my kuya, Xander Syjuco.”
Bahagyang nagulat si Tori. Pareho lang pala sila ni Xia. Wala rin siyang alam na ganito pala ang estado ng pamilya ni Xia. Wala siyang alam na merong ganitong negosyo ang pamilya nila. Nung nasa Canada pa kasi sila ay hindi nila napag-uusapan ang mga estado nila sa buhay dito sa Pilipinas. Alin sa dalawa - hindi nila alintana pareho ni Xia ang estado ng bawat isa, o sadyang wala silang pakialam kung ano ang estado nila. Ang mahalaga ay magkaibigan silang dalawa.
“Actually, lahat ng branches ng Madraullo Motors ay iniikutan ni Kuya. We have three branches, fyi lang, friend. This one is in San Clemente, the other one is in San Vicente, supervised by my other kuya. And the other one is in Cebu.”
“Cebu?” pag-uulit ni Tori.
“Yes, friend! Amazing, di ba? Anyway, Si Kuya Xanthi ko naman ang nandun, together with Kuya Xane, who manages the shipping business naman ng Syjuco side. The car dealership kasi is owned by dad’s and mom’s families.”
“Oh, Kuya… tara na sa office mo para mahubad mo na ‘yang coat mong natapunan ng kape ng kaibigan ko,” pilyang sabi ni Xia.
Nanlaki naman ang mga mata ni Tori. Mukha kasing natuyo na iyong mga natapong kape sa coat ni Xander. Bigla siyang kinabahan. Mukhang mamahalin at branded pa naman ang suot ng binata.
Mabilis na binuksan ni Tori ang bag niya para kumuha ng wet wipes. Pero nakakapagtakang wala iyon sa bag niya, samantalang hindi siya umaalis ng bahay na walang dala nun.
Wala tuloy siyang choice kung hindi gamitin ang panyo niya. Akmang pupunasan na ng hawak na panyo ni Tori ang coat ni Xander nang pigilan siya ni Xia.
“Oy, Tori! Wait!”
Napahinto si Tori. Ang kamay niyang may hawak na panyo ay na-suspende sa ere. Napatingin siya sa gawi ni Xia na matamang nakatitig sa hawak niyang panyo. Hanggang sa inagaw na ni Xia mula kay Tori ang panyo.
“Ano ‘to?” tanong ni Xia habang iwinawagayway sa harapan ni Tori ang panyo.
“Panyo?” patanong na sagot ni Tori.
“I know, friend. Pero paanong nangyari na sa bag mo nanggaling itong panyo ni Kuya Xander?” dagdag na tanong ni Xia.
Natigilan si Tori. Basta lang naman siya dumampot ng panyo sa lagayan niya. Samantalang si Xander naman ay magkasalubong ang mga kilay na tila nag-iisip.
Iniladlad pa ni Xia ang panyo para maipakita ang nakaburda doon na kulay pula na maliit na letrang X sa isang gilid nung itim na panyo. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa kuya niya at sa kaibigan. Isang napakalaking palaisipan sa kanya kung bakit nasa kaibigan ang panyo ng kapatid ganung ngayon lang daw sila nagkakilala.
Napamaang si Tori. Habang si Xander naman ay wala kang kakikitaang pagkagulat man lang.
“Tell me, matagal na ba kayong magkakilala?” ungkat ni Xia sa dalawa.
“No!”
“Yes.”
Nalito si Xia sa sagot ng dalawa. Sabay na naman silang sumagot pero magka-iba naman ng sagot.
“Kuya… Tori. Ano ba talaga? Yes or no?”
“Okay. Let’s go to my office. Doon ko sasabihin. Para tuloy maibigay ko na itong coat ko kay Lena at mapa-dry clean.”
Nang banggitin ni Xander ang salitang dry clean, sakto naman na napatingin siya kay Tori nang hindi sinasadya.
“Sige, ako na’ng magbabayad sa dry cleaning,” sabi naman ni Tori.
Para kasing sa pagkakasulyap sa kanya ni Xander ay parang siya ang pinagbabayad nito sa magagastos sa coat niya.
“No. Never mind. Maliit na bagay lang naman,” sabi naman ng lalaki, taliwas sa iniisip ni Tori.
“Pero tatlong beses na kitang natatapunan ng kape sa damit. Hayaan mong bumawi ako.”
“What??” gulat na komento ni Xia.
Sabay na tumingin si Tori at Xander kay Xia.
“Nag-meet na kayo before? Not once? But two times? Wow…”
Umiling si Xander. Parang alam na niya ang nasa isip ng bunsong kapatid.
“Come on, sis… doon na tayo sa office ko,” sabi ni Xander sabay talikod na at nauna nang naglakad sa dalawa.
Agad namang sumunod si Xia. Wala namang magawa si Tori kung hindi ang sumunod.
“Lena,” pagtawag ni Xander sa sekretarya niya nang makarating na ang tatlo sa opisina ni Xander.
Huminto si Xander sa tapat ng mesa ng sekretarya kaya naman huminto rin si Xia at Tori.
“Have this dry cleaned,” sabi ni Xander habang hinuhubad ang coat.
“Ay, Sir! Natapunan ng kape ang coat mo.”
Nagkibit-balikat lang si Xander.
“Ay, Miss Xia!” bati ng sekretarya ni Xander kay Xia na parang ngayon lang napansin ang presensiya ng dalawang babae sa likod ni Xander.
“Hi, Lena,” balik-bati ni Xia rito.
“Si Tori nga pala. Friend ko,” sabay turo ni Xia sa kaibigan, “siya ang magdi-design ng coffee shop natin dito.”
Sinulyapan ni Lena si Tori. Pagkakita niya sa kaibigan ng amo ay biglang namilog ang mga mata nito.
“Owww…”
“Nakikita mo ba ang nakikita ko, Lena?” biglang tanong ni Xia sa nakangiting sekretarya ng Kuya niya.
Lumapad ang ngiti ni Lena, “kitang-kita, Miss Xia. Malinaw pa sa sikat ng araw!”
Pagkatapos ay tumawa sila Lena at Xia na tila sila lang ang nagkakaintidihan sa pinagtatawanan nila.
~CJ
“You see, the company wanted to give our customers an unforgettable heart-touching experience when they visit our dealerships. Our mission is that we want our customers to see that we are not just selling them cars, we are not only making a profit out of their money, but we are also trying to move their hearts, that we care about them and their cars. We wanted them to feel that they are important and we, their dealer, are different. That we are a different car dealer among the rest.” Napakurap-kurap si Tori. Bakit ba ganito mag-isip ang taong ito? He is a businessman with a heart. Iyan ang nasa isip ni Tori habang matamang nakikinig kay Xander. At dahil nakatingin siya kay Xander, na mukhang sabay na sanay na sa mga ganitong paliwanagan, hindi maalis ni Tori na pagmasdan ang guwapo at halos perpekto nitong mukha. Pwede pa ngang maging artista ang binata kung gugustuhin niya lang. Kahit siguro sa Hollywood ay pag-aagawan ito ng mga producers doon. Saan ka pa, guwapo na, magan
“Good morning, Ms. Tori.”Ngumiti si Tori sa guwardiya na bumati sa kanya. Kilala na kasi siya ng mga guwardiya ng Madrigal branch ng Madraullo Motors dahil sa malimit niyang pagpunta rito para i-check from time to time ang progreso ng renovation ng coffee corner. At para alam din niya kung kailan siya magsisimula sa pagpapa-deliver ng mga materyales na gagamitin para roon. “Good morning din,” balik-bati ni Tori na sinuklian ng guwardiya ng pagyukod sa kanya.Hanggang maaari, tinitiyempo ni Tori na sa pagitan ng alas onse at alas dose ng tanghali siya nagpupunta sa Madraullo Motors para siguradong hindi sila magkikita ni Xander. Mula nang tahasang sabihin ni Xander na hindi siya sang-ayon na si Tori ang magdidisenyo ng coffee corner ng kumpanya, hindi na naalis sa dalaga na magtanim ng sama ng loob sa binata. Ramdam ni Tori na ayaw sa kanya ng binata dahil sa tatlong beses na kakatwa nilang engkwentro. Kaya naman hanggang kaya niyang iwasan ang binata para hindi sila magkita ay gaga
“Xander?”Nag-angat ng tingin si Xander mula sa telepono niya. Ngumiti si Cassandra kay Xander, tapos ay pilit iniangat ang sarili para maupo sa hospital bed. Agad namang tumayo si Xander nang makita na kumikilos ang ina.“Mommy, ang tigas talaga ng ulo mo,” sermon naman ni Xander sa ina habang inaalalayan ito sa pag-upo.“Alam mo, aral na aral ka sa Lolo Judd mo,” sagot naman ni Cassandra.“Tsk! Sabi mo kasi kanina, uuwi ka na. Ano'ng ginagawa mo run sa construction site ng coffee corner?”Umilap bigla ang mga mata ni Cassandra. “Ikaw naman, dumaan lang naman ako dun para sumilip. Nagkataon lang na biglang nag-shoot down ang sugar ko,” katwiran niya. “Mabuti na lang may nakakita sa ‘yo. Paano kung wala?”“By the way, where is that lady?” Kumunot ang noo ni Xander. “who? Tori?” “Kilala mo siya?”Nagkibit-balikat si Xander.“Well, she’s the designer whom Xia recommended.”Tama pala ang hula ni Cassandra sa babae. Pinigilan niya ang sarili na ma-excite, sabay tanong uli kay Xander
“Pardon?” Narinig ni Tori na tumikhim si Xander sa kabilang linya. [I– I mean… gusto ni Mommy na sa bahay ka mag-dinner bukas. Don't worry. It's just a simple family dinner. No occasion. Kami-kami lang ang nandun. Gusto lang niyang magpasalamat sa ‘yo. Sa ginawa mong pag-attend sa kanya. You know… her hypoglycemic scene thing…”]Hindi maintindihan ni Tori ahg sarili, pero bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa pagtatama ni Xander sa naunang salitang binitawan niya. Ang mommy pala niya ang nag-iimbita sa kanya at hindi naman siya. [“Tori?”]“A-Ah, yes.”[“You mean, yes? You are going to the dinner?”]Biglang nataranata si Tori. Hindi pa naman siya sumasagot ng oo. Kung bakit kasi iyon ang nasabi niya sa pagkabigla niya. “No. I mean, okay lang. Wala lang ‘yung ginawa ko. Kahit sino naman siguro, ganun din ang gagawin in case of emergency na tulad ng nangyari sa mother mo. Tell her I appreciate the dinner. Pero okay na ako na naalala niya akong pasalamatan. No need to invite me.”Pina
“Okay, let’s eat!” anunsiyo ni Jordan Syjuco.Walang magawa si Tori nang patabihin siya kay Xander. After all, bisita lang siya rito ngayon. Hinayaan niyang maunang kumuha ng pagkain ang pamilya Syjuco. “Huy, ano ba kayo? Nauna pa kayo sa bisita ko,” sita naman ni Xandra.“Ay, okay lang po, Mam. Ay, Tita pala. Marami naman pong pagkain. Saka iniisip ko pa po kung alin ang uunahin kong kainin sa dami ng putahe,” katwiran ni Tori. "Ay naku, tikman mong lahat, Tori. Magtatampo ako kapag hindi,” sagot naman ni Xandra. Napansin ni Tori na hindi kumukuha ng pagkain si Xandra, sa halip ay si Jordan ang sumasandok ng pagkain para sa asawa. Hindi man dapat, pero nakaramdam si Tori ng inggit sa nakitang ka-sweet-an ng asawa kay Xandra. “Sige na, iha. Kumain ka na. Huwag kang magpapalinlang sa kambal ko, at hindi mo mamamalayan, naubos na nila ang pagkain,” udyok ni Xandra kay Tori. Tumalima naman si Tori. Inabot na niya ang serving spoon para sa kanin pero nagulat siya nang sabay nila
Iha, magkita uli tayo sa office ni Xander next week, ha? Samahan mo ako dun sa malapit na Mercato roon,” sabi ni Xandra.Nakatayo sila ni Tori sa tapat ng sasakyan ni Xander habang hinihintay sila ng huli na matapos sa pag-uusap. Nakamasid naman sa di-kalayuan si Jordan. “Tita, i-message n’yo po muna ako. Hindi kasi ako araw-araw nagpupunta roon.”Napansin ni Tori na parang nadismaya ang ginang sa sinabi niya, pero hindi niya alam kung ano ang dahilan.“Ganun ba? Balak pa naman sana kitang sorpresahin doon. If ever, ako pala ang masosorpresa.”“Opo, Tita. Hindi ko naman kasi kailangang magpunta araw-araw sa site.”“I think mas pabor ‘yun, iha. Mas marami kang time na sumama sa mga lakad ko kung hindi ka naman pala nire-require ng kliyente mo na lagi kang mag-visit sa site,” bigay-diin ni Xandra sa salitang kliyente, sabay tingin sa anak.“‘My…”“What?” patay-malisyang tanong ni Xandra.“Nakakahiya kay Tori. Sinasamahan mo ng personal agenda iyong services niya sa atin,” may halong pa
Bumangon si Tori mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya naihatid ni Xander, pero mula nang dumating siya ay hindi na siya mapakali at nakatulog. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang eksena kanina sa sasakyan ni Xander.Sinilip ni Tori ang orasan sa tabi ng kama niya. Ala-una na ng madaling-araw. Umahon siya mula sa kama at nagpunta sa kusina at saka nagbukas ng ref. Sandaling nag-isip si Tori habang nakatayo sa nakabukas na ref. Iniisip niya kung ano ba ang gusto niyang inumin o kung ano ba ang iinumin niya. Gusto niya ng makakatulong para makatulog na siya. Hanggang sa mapagpasyahan ni Tori na red wine na lang ang inumin. Nang maubos ni Tori ang kalahating baso ng red wine, muli siyang bumalik sa kuwarto at nahiga. Kampante si Tori na makakatulog na siya ngayon ng mahimbing. Pero may ilang minuto na rin siyang nakahiga ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ang guwapong mukha ni Xander ang laman ng isip niya. Nagtataka naman si TorI kung bakit, hindi nam
Nagulat si Xander nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. Mabuti na lang at pumipirma lang siya ng mga tseke para sa mga kailangang bayaran ng kumpanya at wala siya sa meeting. “Kuya, bakit wala yata si Tori sa ibaba? Or nanggaling na ba siya rito?” agad na tanong ni Xia sa Kuya niya pagpasok pa lang nito sa pintuan.Kumunot ang noo ni Xander.“Bakit mo sa akin hinahanap?” iritableng sagot ni Xander, “you are her friend, so dapat, ikaw ang mas nakakaalam ng whereabouts ng kaibigan mo.”Muling itinuloy ni Xander ang ginagawa at hindi na pinansin ang kapatid. Kaya naman, naupo na lang si Xia sa upuang nasa harapan ng mesa ni Xander. “Ang sungit naman ng pinakaguwapo kong Kuya,” reklamo ni Xia pagka-upo niya, “may regla ka ba today?”Muling nag-angat ng tingin si Xander. Kumpara kanina, halos magsalubong na ang mga kilay niya ngayon kaya naalarma si Xia. “Oops! Someone woke up at the wrong side of the bed,” nakangiti pang sabi niya at saka nag-peace sign kay Xander.NapailIn
Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay.Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom
Masaya ang lahat habang kumakain. Panay ang tuksuhan at asaran ng magkakapatid na Syjuco. Ang maganda lang sa kanila ay walang napipikon sa mga pang-aasar nila. Tahimik lang na nakikinig at nanonood si Tori sa kanila. Sa isip niya, inisip niya na baka ito na ang huling sandali na makikita niya ang ganitong kaguluhan ng pamilyang ito. Hanggang sa magkasundo ang pamilya Syjuco na umuwi na.“Uuwi na kami para makapagpahinga ka na,” sabi ni Xandra sa dalaga.“Kayo rin po. Pihadong may mga jet lag pa po kayo,” sagot naman ni Tori.“Medyo nga. Oh, sige. Babalik na lang uli ako. Ipagluluto kita.”“Tita, huwag na nga po. Okay lang…”“Oh, no. Basta. Ipagluluto kita.&rd
“Hi, Tori!” Napatingin si Tori sa direksyon ng pintuan, pati na sina Xander at Sonia. Malapad ang ngiti ni Xandra Syjuco nang pumasok mula roon. Kasunod niya sa likod ang asawang si Jordan.“Hi, friend!” masayang bati naman ni Xia.“It should be sis-in-law, di ba?” tanong naman ni Xavier na kasunod na naglalakad ni Xia at may dalang basket na may mga lamang fresh na sunfllower na mga bulaklak.“Eh, di friend sis-in-law na lang. Oh, satisfied ka na, Kuya?” sagot naman sa kanya ni Xia.Inakbayan naman ni Xavier si Xia at saka hinila ito palapit sa kanya.“Flowe
“Darling ko, okay lang naman akong magbantay sa ‘yo. Inabala mo pa itong si Sonia,” sabi ni Xander habang sinusubuan si Tori ng pagkain.“Hindi ako makapaglinis mabuti ng katawan ko dahil sa nakakabit na IV sa isang kamay ko.”“Oh? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“At ano? Ikaw ang sasama sa akin sa loob ng CR?” nakataas ang isang kilay na balik-tanong ni Tori kay Xander.Tumawa lang si Xander sa reaksyon ni Tori.“Eto talagang darling ko... di bale, makikita ko rin naman ‘yan. Soon…”Inirapan ni Tori si Xander, pero sige pa rin ng tawa ng lalaki.
Mabilis na hinalikan ni Xander si Tori sa pisngi kaya nahinto siya sa pagsisintimyento.“Bibili muna ako ng maiinom nila Tito. Kayo muna ang mag-usap, catch up,” nagbaling ng tingin si Xander kay Vic, “Tito, hot coffee?”“Yes, please. No sugar.”“Any specific blend or type of coffee? Any recipe?”“Anything basta no sugar.”“Got it,” nilingon ni Xander si Julie at Danilo, “how about you, ‘Te Julie? Kuya Danny? Your kids?”“Hot coffee rin ako. Bagay ‘yun sa egg pie na dala namin,” sagot ni Julie at saka binalingan ang dalawang anak, “mga anak, how about you?”
Tila naman napipilan si Tori. Hindi niya alam ang isasagot. Nag-assume nga lang ba siya?“Tatanungin lang kita… since pupunta sila Tito Vic today, gusto mo bang mag-sponge bath? Bubuhatin ba kita para dalhin sa CR? O magdadala na lang ako dito ng tubig sa palanggana?”Namilog ang mga mata ni Tori.“Dadating si Daddy Vic?”Bahagyang natigilan si Xander, nawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya.“Bakit? Ayaw mo ba? Nandito rin sila nung unconscious ka pa,” nag-aalalang sagot ni Xander sa dalaga, iniisip niya na baka ayaw makausap ng dalaga si Vic.Umiling si Tori.&ldquo
Pinigilan ni Tori ang kamay ni Xander na may hawak ng kutsara ng pagkain na isusubo ng lalaki dapat sa kanya.“What happened to the taxi driver?” may pag-aalalang tanong ni Tori kay Xander. Ngumiti si Xander.“Don’t worry, he’s okay. Medyo bugbog lang left thigh nya at medyo mahihirapan siyang mailakad iyon agad, pero sabi ng doktor na tumitingin sa kanya, need lang niya ng therapy.Napatango-tango si Tori.“Mabuti naman. Hindi ko yata kakayanin kung may taong mamamatay nang dahil sa akin.”“Hey… that’s why it is called accident. Don’t put the blame on you.
Pero tinawanan lang siya ni Xander, at saka mabilis siyang hinalikan sa labi niya.“Ayan. Na-turn off na ko,” pabiro niyang sabi pagkatapos niyang halikan si Tori.Lalo tuloy nagpuyos ang loob ni Tori. Nang magsabog yata ng pasensiya ang Maykapal ay nasalo lahat ni Xander.“Ano’ng gatas ba ang ininom mo nung bata ka at ganyan ka?” inis na tanong ni Tori.Tumawa uli si Xander.“I don’t know… hindi ko iyan naitanong sa Mommy ko. Hayaan mo, kapag dumalaw siya rito sa iyo, tatanungin ko para ma-satisfy ko iyang tanong mo,” maloko nitong sagot.Umirap si Tori sa lalaki.
Nakatunghay si Xander sa maamong mukha ni Tori, habang mahigpit ang hawak niya ka kamay nitong walang nakalagay na suwero. Mataimtiim at tahimik siyang dumadalangin na sana ay magising na ang dalaga.Tatlong araw na itong tulog mula ng maaksidente ito. Mabuti na lang at bago mangyari ang aksidente ay tinangka niyang tawagan si Tori, kaya naman nang manghingi ito ng tulong ay numero niya ang unang lumabas. Tatlong araw na rin siyang hindi nakakapasok sa opisina. Mula nang sagipin niya si Tori sa aksidente ay hindi na siya umalis sa tabi nito. Ipinamahala muna niya sa kapatid na si Xavier ang dalawang branch ng Madraullo Motors habang nagbabantay pa siya kay Tori sa ospital. Ayaw niyang iwanan ang dalaga, iniisip ni Xander na baka magkaroon ng pagkakataon na makaalis si Tori at iwanan na naman siya. Hinding-hindi na siya papayag na mawala pa sa kanya si Tori.