“Good morning, Ms. Tori.”
Ngumiti si Tori sa guwardiya na bumati sa kanya. Kilala na kasi siya ng mga guwardiya ng Madrigal branch ng Madraullo Motors dahil sa malimit niyang pagpunta rito para i-check from time to time ang progreso ng renovation ng coffee corner. At para alam din niya kung kailan siya magsisimula sa pagpapa-deliver ng mga materyales na gagamitin para roon.
“Good morning din,” balik-bati ni Tori na sinuklian ng guwardiya ng pagyukod sa kanya.
Hanggang maaari, tinitiyempo ni Tori na sa pagitan ng alas onse at alas dose ng tanghali siya nagpupunta sa Madraullo Motors para siguradong hindi sila magkikita ni Xander.
Mula nang tahasang sabihin ni Xander na hindi siya sang-ayon na si Tori ang magdidisenyo ng coffee corner ng kumpanya, hindi na naalis sa dalaga na magtanim ng sama ng loob sa binata. Ramdam ni Tori na ayaw sa kanya ng binata dahil sa tatlong beses na kakatwa nilang engkwentro. Kaya naman hanggang kaya niyang iwasan ang binata para hindi sila magkita ay gagawin niya hanggang sa matapos ang proyekto niya sa kumpanya ng mga Syjuco.
Dumiretso na si Tori sa lugar ng renovation.
“Good morning, Mam Tori!” ang sabay-sabay na bati ng mga tauhan doon.
“Good morning din. Huwag n’yo akong intindihin. Ituloy n’yo lang ang mga ginagawa n’yo. Gusto ko lang makita ang progress ng natapos na.”
Pagkasabi nun ay muling nagbalikan sa kani-kanyang trabaho ang mga trabahador. Nagsuot ng hard hat si Tori at saka inilabas ang kanyang pangsukat. Tahimik siyang nag-obserba sa lugar habang tinitingnan ang bawat sulok.
“Ang guwapo ngayon ni Boss Xander, ano?”
Natigilan bigla si Tori nang narinig niyang binanggit ang pangalan ng lalaking iniiwasan. Pinilit niyang ipagsawalang-bahala ang narinig. Wala naman siyang pakialam sa lalaking binanggit.
“Oo nga! Parang ang bango-bango niyang tingnan, ano?”
Muling natigilan si Tori. Napaisip na siya sa narinig. Parang naging curious siya sa itsura ng binata ngayon. Bigla tuloy siyang napa-isip kung paano niya makikita ang binata ng hindi siya nahahalata.
“Mukhang tinamaan na ni kupido ang boss natin, ah.”
Mas napukaw ngayon ang atensyon ni Tori dahil boses ng matandang lalaki na nagsalita.
“Tingin ko nga rin, brother. Iba ang aura ngayon, eh. Sa tingin ko naman dapat lang. It’s about time na sarili naman niya ang asikasuhin niya. Okay na ang Madraullo Motors. Stable na stable na ang kumpanya.”
Lalo tuloy naging palaisipan kay Tori ang mga naririnig niyang mga usapan ngayon kay Xander.
Mabilis na hinubad niya ang hard hat at saka lumabas mula roon habang nag-iisip kung paano niya makikita ang binata ng hindi siya napapansin nito.
Hindi pa lubusang nakakalayo si Tori nang magbago ang isip niya. Naisip niya na ilang araw na nga niyang iniiwasan ang lalaki, tapos ngayon ay bigla siyang susugod sa opisina nito dahil lang sa nga narinig niyang mga usap-usapan?
Kaagad siyang huminto sa paglalakad at saka mabilis na humarap uli sa direksyon kung saan siya galing. Pero laking gulat niya ng may bigla na lang bumulaga sa kaniya na mukha ng isang may-edad na babae.
“Ay, sorry po!”
Pero laking gulat ni Tori nang bigla na lang napahawak sa kanya ang babae at tuloy-tuloy na napaluhod.
“Ay!”
Sinubukang mahabol ni Tori ang babae para hindi ito tuluyang bumagsak, pero pati siya ay nadala nito paluhod. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Tori kaya nagawan niya ng paraan na hindi sila bumagsak nang mabilis sa lapag.
Maingat na inayos ni Tori ang katawan ng babae at saka itinakip sa may tuhod nito pababa ang hinubad niyang cardigan niya. Bahagya niyang itinaas ang ulo nito.
Inilagay ni Tori ang isang kamay niya sa tapat ng ibabang mukha ng babae, pilit niyang pinapakiramdaman ang paghinga nito. Pagkatapos ay inilagay niya ang isang daliri sa palapulsuhan nito. May pulso naman ito at humihinga naman.
Napansin ni Tori na bahagyang kumikibot-kibot ang mga labi ng babae. May tunog siyang naririnig mula sa katawan ng babae pero hindi niya matukoy kung ano at saan nanggagaling iyon mula sa katawan nito. Tila may ‘beep’ na tunog siyang naririnig. Iginala ni Tori ang mga mata niya sa katawan ng babae, saka niya napansin ang relo nito na tila doon nanggagaling ang tunog.
Iniharap ni Tori sa direksyon niya ang mukha ng relo ng babae. Nakita niya roon ang salitang LOW. Napaisip si Tori kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. Mabuti na lang at napansin niya ang bracelet na suot ng babae na kasama ng relo niya. Hinawakan niya ito at saka inikot. Doon niya nakita ang salitang DIABETES 1.
“S-Sweet…” bigla naman niyang narinig na sabi ng babae sa hirap at mahinang salita.
“Sweet?” ulit ni Tori.
Hypoglycemia! Iyon agad ang pumasok sa isip ni Tori. Isa itong hypoglycemia episode ng isang taong diabetic.
“Mam, eto po. May iced tea ako na nasa plastic bottle. Kaya n’yo po bang iangat ng kaunti ang katawan ninyo? Iuupo ko po kayo para makainom kayo nang maayos.”
Ganun nga ang ginawa ni Tori. Nang sa tingin niya ay maayos na ang pagkaka-upo ng babae ay iniumang na niya ang dulo ng plastic bottle sa mga labi nito. Nang maramdaman ng babae ang likido sa mga labi niya ay agad naman itong uminom. Nang sa tingin ni Tori ay marami-rami na rin ang nainom ng babae, inawat niya na muna ang pag-inom nito.
“Mam, check po muna natin. Observe ko po muna kayo ng mga fifteen minutes,” sabi ni Tori habang ibinababa niya ang plastic bottle at tiningnan naman ang relo niya sa pala-pulsuhan, habang pinagmamasdan ang babae.
Nakapikit ito, pero kumpara kanina, medyo mas maganda na ang kulay ng mukha nito.
“Mam, nahihilo pa rin kayo?”
Marahang tumango ito. Sinilip ni Tori ang relo niya, naka-fifteen minutes na.
“Mam, gusto n’yo po ba ng iced tea pa? Sa tingin n’yo, kailangan n’yo pa?”
“P-Please…”
Dinampot ni Tori ang plastic bottle. Nakahanda na siyang painumin uli ito ng biglang may sumigaw.
“Mommy!”
Lumipad ang tingin ni Tori sa direksyon ng boses Nakita niya ang nag-aalalang mukha ng taong gusto sana niyang makita kani-kanina lang. Si Xander.
Mommy niya ang babaeng ‘to?
~CJ
“Xander?”Nag-angat ng tingin si Xander mula sa telepono niya. Ngumiti si Cassandra kay Xander, tapos ay pilit iniangat ang sarili para maupo sa hospital bed. Agad namang tumayo si Xander nang makita na kumikilos ang ina.“Mommy, ang tigas talaga ng ulo mo,” sermon naman ni Xander sa ina habang inaalalayan ito sa pag-upo.“Alam mo, aral na aral ka sa Lolo Judd mo,” sagot naman ni Cassandra.“Tsk! Sabi mo kasi kanina, uuwi ka na. Ano'ng ginagawa mo run sa construction site ng coffee corner?”Umilap bigla ang mga mata ni Cassandra. “Ikaw naman, dumaan lang naman ako dun para sumilip. Nagkataon lang na biglang nag-shoot down ang sugar ko,” katwiran niya. “Mabuti na lang may nakakita sa ‘yo. Paano kung wala?”“By the way, where is that lady?” Kumunot ang noo ni Xander. “who? Tori?” “Kilala mo siya?”Nagkibit-balikat si Xander.“Well, she’s the designer whom Xia recommended.”Tama pala ang hula ni Cassandra sa babae. Pinigilan niya ang sarili na ma-excite, sabay tanong uli kay Xander
“Pardon?” Narinig ni Tori na tumikhim si Xander sa kabilang linya. [I– I mean… gusto ni Mommy na sa bahay ka mag-dinner bukas. Don't worry. It's just a simple family dinner. No occasion. Kami-kami lang ang nandun. Gusto lang niyang magpasalamat sa ‘yo. Sa ginawa mong pag-attend sa kanya. You know… her hypoglycemic scene thing…”]Hindi maintindihan ni Tori ahg sarili, pero bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa pagtatama ni Xander sa naunang salitang binitawan niya. Ang mommy pala niya ang nag-iimbita sa kanya at hindi naman siya. [“Tori?”]“A-Ah, yes.”[“You mean, yes? You are going to the dinner?”]Biglang nataranata si Tori. Hindi pa naman siya sumasagot ng oo. Kung bakit kasi iyon ang nasabi niya sa pagkabigla niya. “No. I mean, okay lang. Wala lang ‘yung ginawa ko. Kahit sino naman siguro, ganun din ang gagawin in case of emergency na tulad ng nangyari sa mother mo. Tell her I appreciate the dinner. Pero okay na ako na naalala niya akong pasalamatan. No need to invite me.”Pina
“Okay, let’s eat!” anunsiyo ni Jordan Syjuco.Walang magawa si Tori nang patabihin siya kay Xander. After all, bisita lang siya rito ngayon. Hinayaan niyang maunang kumuha ng pagkain ang pamilya Syjuco. “Huy, ano ba kayo? Nauna pa kayo sa bisita ko,” sita naman ni Xandra.“Ay, okay lang po, Mam. Ay, Tita pala. Marami naman pong pagkain. Saka iniisip ko pa po kung alin ang uunahin kong kainin sa dami ng putahe,” katwiran ni Tori. "Ay naku, tikman mong lahat, Tori. Magtatampo ako kapag hindi,” sagot naman ni Xandra. Napansin ni Tori na hindi kumukuha ng pagkain si Xandra, sa halip ay si Jordan ang sumasandok ng pagkain para sa asawa. Hindi man dapat, pero nakaramdam si Tori ng inggit sa nakitang ka-sweet-an ng asawa kay Xandra. “Sige na, iha. Kumain ka na. Huwag kang magpapalinlang sa kambal ko, at hindi mo mamamalayan, naubos na nila ang pagkain,” udyok ni Xandra kay Tori. Tumalima naman si Tori. Inabot na niya ang serving spoon para sa kanin pero nagulat siya nang sabay nila
Iha, magkita uli tayo sa office ni Xander next week, ha? Samahan mo ako dun sa malapit na Mercato roon,” sabi ni Xandra.Nakatayo sila ni Tori sa tapat ng sasakyan ni Xander habang hinihintay sila ng huli na matapos sa pag-uusap. Nakamasid naman sa di-kalayuan si Jordan. “Tita, i-message n’yo po muna ako. Hindi kasi ako araw-araw nagpupunta roon.”Napansin ni Tori na parang nadismaya ang ginang sa sinabi niya, pero hindi niya alam kung ano ang dahilan.“Ganun ba? Balak pa naman sana kitang sorpresahin doon. If ever, ako pala ang masosorpresa.”“Opo, Tita. Hindi ko naman kasi kailangang magpunta araw-araw sa site.”“I think mas pabor ‘yun, iha. Mas marami kang time na sumama sa mga lakad ko kung hindi ka naman pala nire-require ng kliyente mo na lagi kang mag-visit sa site,” bigay-diin ni Xandra sa salitang kliyente, sabay tingin sa anak.“‘My…”“What?” patay-malisyang tanong ni Xandra.“Nakakahiya kay Tori. Sinasamahan mo ng personal agenda iyong services niya sa atin,” may halong pa
Bumangon si Tori mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya naihatid ni Xander, pero mula nang dumating siya ay hindi na siya mapakali at nakatulog. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang eksena kanina sa sasakyan ni Xander.Sinilip ni Tori ang orasan sa tabi ng kama niya. Ala-una na ng madaling-araw. Umahon siya mula sa kama at nagpunta sa kusina at saka nagbukas ng ref. Sandaling nag-isip si Tori habang nakatayo sa nakabukas na ref. Iniisip niya kung ano ba ang gusto niyang inumin o kung ano ba ang iinumin niya. Gusto niya ng makakatulong para makatulog na siya. Hanggang sa mapagpasyahan ni Tori na red wine na lang ang inumin. Nang maubos ni Tori ang kalahating baso ng red wine, muli siyang bumalik sa kuwarto at nahiga. Kampante si Tori na makakatulog na siya ngayon ng mahimbing. Pero may ilang minuto na rin siyang nakahiga ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ang guwapong mukha ni Xander ang laman ng isip niya. Nagtataka naman si TorI kung bakit, hindi nam
Madraullo Motors.Dito pinapunta si Tori ng kaibigang si Xia. Inirekomenda siya nito para maging interior designer ng kumpanyang ito at para magkaroon na raw siya ng una niyang kliyente. Sabi ni Xia, isang maliit na coffee nook ang kailangan niyang i-design. Okay lang naman kay Tori. Kailangan lang niya talaga ng unang proyekto para makagawa na siya ng portfolio niya bilang Registered Interior Designer.“Good morning. Magkikita kami ni Xia. Saan ko kaya siya puwedeng hintayin?” tanong ni Tori sa magandang babae na sumalubong sa kanya na may nakalagay na Justine sa name plate niya. “Ah, si Mam Xia po ba? Gusto n’yo Mam, ihatid ko kayo sa Executive Lounge?” balik-tanong nung Justine kay Tori.Bahagyang nagulat si Tori. Aware naman siya na galing sa mayamang pamilya ang kaibigan, pero hindi niya akalain na ganito kakilala si Xia sa kumpanyang ito. Close talaga siguro siya sa may-ari.“Oh, mukhang VIP si Xia dito sa company n’yo, ah? But no, I prefer sitting here na lang rather dun sa l
Magaan ang pakiramdam ni Tori habang naglalakad palabas ng gusali. Mula sa araw na ito, payapa na ang bawat araw niya. Makakapamuhay na siya ng normal. Pero napahinto si Tori sa paglalakad nung nakita niya ang best friend na si Chandra. Kitang-kita niya nang yakapin nito ang kaka-annuled pa lang na dating asawa niya na si Ruther. Ilang sandaling magkayakap ang dalawa nang magtama ang mga mata nila Tori at Chandra. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan at mabilis na humiwalay kay Ruther. “T-Tori…” Biglang nahimasmasan si Tori nang narinig niya ang boses ni Chandra. Akmang lalapit sa kaniya si ito kaya mabilis na tumalikod si Tori at naglakad palayo.“Tori!” Lumingon si Tori sa likuran habang mabilis na naglalakad. Nakita niyang naglalakad din si Chandra at mukhang hinahabol talaga siya. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Ayaw niya munang makausap ang kaibigan. Hindi ngayon. Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Si Chandra pa naman ang nasa isip ni Tori kanina na unang
Hindi alam ni Tori kung nakailang kurap siya ng mga mata. Pero kahit ilang kurap pa, hindi pa rin nagbabago ang itsura ng lalaking nasa harapan niya. Hindi maaaring magkamali si Tori dahil ito rin ang lalaking dalawang beses na niyang nakakabungguan sa magkaibang lugar at magkaibang coffee shop. At hindi lang basta kabungguan, dahil natatapunan din niya ito ng kape sa damit niya. Kaya kung pangatlong beses na niyang nakabungguan ngayon ang lalaki, pangatlong beses na rin niya itong natapunan ng mainit na kape sa suot na damit nito. “Hanggang dito ba naman, bubungguin at tatapunan mo pa rin ako ng kape? Wala kang patawad, Miss.”Nang narinig ni Tori ang inis na boses ng lalaki, mas nainis si Tori. Kung magsalita ang lalaki ay parang sinasadya niya ang lagi niyang matapunan ito ng kape. Hindi ba niya alam ang salitang “aksidente”?“E-Excuse me?” "Well at least ngayon, nagsasalita ka na. Unlike before, nakatulala ka lang sa akin. Masyado kang nagugywapuhan sa akin, ano?"Naiinis man, p