“No… hindi ko pa naranasan since I was a kid. Hindi ko rin naisip na mag-request sa Mom ko.”“Oh… maybe ito na ang magiging start ng pagiging fur mom mo.”Nagsalubong ang mga kilay ni Tori.“Fur mom?”Lumapad ang ngiti ni Evelyn.“Yeah… iyon ang tawag nila ngayon sa mga individuals na nag-aalaga ng mga dogs na parang totoong baby nila. Fur parent. Ganun.”“I see…” patango-tango na sagot ni Tori.Bago sa pandinig niya iyon. Wala talaga siyang idea sa pag-aalaga ng mga pet. Ayaw kasi ng Daddy niya na may mga hayop na pagala-gala sa bakuran nila. Ang natatandaan niya ay may mga aso sila noon, pero inilalabas lang sa kulungan ang mga iyon kapag hatinggabi na para dagdag seguridad sa malaking bahay nila.“Can you describe to me kung sino itong dog na naka-catch ng attention mo? Isasama kita sa kanya, malay mo, sabi mo nga, you two are meant for each other.”“Ay, nagbibiro lang naman ako doon, Evelyn.”Umiling-iling si Evelyn.“No. Sa laki ng ambag mo dito sa shelter, willing ako na i-let
Nagkibit-balikat na lang si Tori. Nagkataon lang naman siguro, sa isip-isip niya. Tumuloy na siya sa loob ng shelter. Mabilis niyang nakita si Evelyn na nakatayo sa may mataas na mesa roon na nagsisilbing counter at reception, at may mga high stool chair sa tapat. “Okay na ‘ko,” anunsiyo ni Tori kay Evelyn.“Okay, let’s go,” sagot naman ni Evelyn na nagpatiuna ng naglakad. Ilang liko-liko at lumabas sila sa bahay na iyon. Napansin ni Tori na mayroong isa pang maliit na bahay ang abot-tanaw mula sa kinaroroonan nila ngayon. Mukhang doon sila pupunta ngayon. Napaisip tuloy siya kung ano ba ang nasa loob nun.“Nandito sa bahay na ito iyong mga healthy. Parang mga tao rin. Nakahiwalay ang may mga tama,” nakangiting paliwanag ni Evelyn kay Tori. Iginala ni Tori ang tingin sa mga asong nasa harapan na nila ngayon pero nasa kabila ng salamin. Hinahanap niya iyong aso na nakita niya roon sa website ng shelter. “Doon tayo sa kabila,” narinig ni Tori na sabi ni Evelyn na mukhang nahulaan
“Doon na muna siya sa bahay habang naghahanap ka ng malilipatan mo.”Napalingon si Tori kay Xander. Maang siyang napatingin sa binata. Kung alam lang ni Xander na gusto na nga siyang iwasan ng dalaga.“Ah, hindi. Okay lang. Babalikan ko na lang siya. I believe, they still need to process the papers?” nagbaling ng tingin si Tori kay Evelyn para magkumpirma, “right?” Hindi naman talaga sure si Tori sa sinasabi niyang papeles. Naisip lang niya iyon para makaiwas sa offer ni Xander. “Oh, pwede namang I-email na lang namin sa ‘yo ang legal documents ni Mocha, Tori. Kahit mamaya lang o bukas mare-receive mo na ‘yun. Nothing to worry about.”Hindi malaman ni Tori kung anong palusot pa ang pwede niyang gawin. Siguro ay papayag na muna siya ngayon sa suggestioj ni Xander. Makaka-isip din siya mamaya ng alibi sa lalaki. “By the way, I am Evelyn Vergara, I own this place and Paws Haven,” pakilala ni Evelyn sa sarili kay. Xander.“Oh, sorry. I forgot to introduce you to Xasnder,” nahihiyan
“Miss Tori!” Sabay na napahinto sa paglalakad sila Tori at Xander. Sabay din silang lumingon pabalik sa loob ng shelter. Nakita nila ang isang staff na tumatakbo papunta sa kanila.“Pinapabigay po ni Mam Evelyn,” sabi nito nang makalapit na siya sa dalawa, “diaper po niyang aso, saka ilang personal na gamit niya. Baka raw po kasi hanapin.”Akmang aabutin ni Tori ang maliit na pink bag na iniaabot ng staff pero inabot din pala ni Xander kaya sabay nilang nahawakan ang bag. Muli na namang nagkadikit ang mga kamay nila. Bahagya pa ngang napapitlag si Tori dahil sa kuryenteng naramdaman niya sa pagdidikit ng mga kamay nila Xander, pero pinilit niyang huwag mahalata ng binata.“Ako na rito,” sabi ni Xander na ang tinutukoy ay ang bag ng aso.Lihim na nagpasalamat si Tori doon dahil nagkaroon siya ng dahilan na bitiwan ang pagkakahawak sa bag. “Miss Tori, Sir, lagyan n’yo na lang po ng diaper, ano? Mahirap na. Medyo mahaba-haba rin ang biyahe n’yo. Baka kasi maihi,” bilin sa kanila ng sta
“Are you okay?” Lumipad ang tingin ni Tori kay Xander. Matamang nakatingin ang binata sa kanya na tila pinag-aaralan ang mukha niya. “Ah, y-yeah. Medyo… nangawit lang sa pag-upo.”“Come, aalalayan na kita,” prisinta naman ni Xander.“Ay, hindi! Okay lang,” pagkontra naman ni Tori, sabay mabilis na bumaba na mula sa sasakyan ni Xander.Pero sadyang makulit si Xander dahil inalalayan pa rin niya ang dalaga sa pagbaba. Hawak-hawak niya sa siko niya si Tori, habang karga sa isang kamay ang asong si Mocha.Hindi na nagawang humindi ni Tori. Pero naroroon na naman ang mga insekto sa tiyan niya. Tila nagliliparan na naman sila sa pagkakahawak ni Xander kahit sa siko lang naman siya hinawakan. Hanggang sa naglalakad na sila papunta sa lugar kung nasaan ang mga kamag-anak ni Xander ay hindi na inalis ni Xander ang hawak sa siko niya. Agad namang nakaramdam ng pagka-ilang si Tori. Lahat kasi ng pamilya ni Xander at mga pamilya ng dalawang tiyuhin niya ay sa kanila nakatingin. Walang nagsa
Patagong humikab si Tori sa gitna ng masayang kuwentuhan at tawanan ng pamilya ni Xander. Actually, pangalawang hikab na niya ito. Nage-enjoy man siya sa ngayon pero hindi niya mapigilan ang antok, palibhasa ay maaga siyang nagising kanina para magpunta sa shelter. Napatingin siya kay Mocha na ngayon ay nasa kandungan niya. Tulog na tulog na ang alaga. Parang bigla tuloy nakaramdam ng lihim na inggit sa kanya si Tori. Heto si Mocha at kampanteng natutulog sa gitna ng ingay at tawanan ng mga tao sa paligid niya. Bigla tuloy na-miss ni Tori ang sariling kama sa condo niya.“Guys, kailangan ng umuwi ni Tori,” Napaangat ng tingin si Tori mula sa pagkakatingin niya kay Mocha. Nasalubong niya ang tingin ni Xander na kanina pa niya katabi sa dinner. “Bakit?” mahina niyang tanong sa lalaki, hindi pa naman kasi siya nagsabi na uuwi na siya.Inilapit ni Xander ang mukha niya sa tenga ni Tori.“Kanina ka pa naghihikab.”Natigilan si Tori. Ganun ka-observant ang binata sa kanya? Pasimple na ng
“Bakit kumuha ka pa ng cart? Diaper lang naman ang bibilhin natin?” tanong ni Tori kay Xander.“Okay lang ‘yan. Para wala na tayong bitbit. Isa pa, pwede na rin nating ilagay dito si Mocha,” at ganun nga ang ginawa ni Xander, “see?” Hindi na kumontra si Tori at nauna nang naglakad sa binata. Naiilang kasi siyang katabi ang binata sa paglalakad. Hindi kasi maiwasang magkadikit ang mga braso nila. At sa tuwing mangyayari iyon ay tila may maliliit na kuryenteng nararamdaman si Tori. Hindi lang niya alam kung nararamdaman din ba iyon ng binata. Para mawala sa isip ni Tori ang kakaibang bagay na iyon, nilibang niya ang sarili sa iba’t ibang mga bagay na nakikita niya sa loob ng tindahang pinasukan nila ni Xander. Exclusive lang ang tindahan na ito sa mga gamit at pagkain na para sa mga alagang hayop. Naaliw siya sa pagdampot ng ilang bagay at mga damit, pagkatapos ay ibabalik din naman niya sa lagayan at wala naman siyang balak bilhin. Tutal naman ay hindi pa niya maiiuwi si Mocha sa tin
Nakahiga na si Tori pero naiisip pa rin niya iyong maghapong nangyari sa araw na ito. Parang napakahaba ng araw niya ngayon. Mula sa pagdating ni Xander sa shelter, hanggang sa bahay ng mga Syjuco, at saka sa pagbili nila ng mga gamit mi Mocha at ang usapan nila sa parking lot. Napabalikwas ng upo si Tori. Muli niyang binalikan iyong huling sinabi ni Xander kanina. Hindi niya alam kung tama ba ang dinig niya. Goodnight kiss? Oo. Iyon ang pagkakarinig niya. Pero para kay Mocha pala. Biglang pinakiramdaman ni Tori ang kanyang sarili. Bakit parang may panghihinayang sa parte niya nang malaman niyang si Mocha pala ang tinutukoy ni Xander sa goodnight kiss? Padabog siyang nahiga uli. Naiinis siya sa sarili niya. Alam na alam naman niyang hindi siya dapat magpabaya. Na kailangan niyang bantayan ang sarili niya. Hindi tamang nilalagyan niya ng malisya ang lahat ng kilos at ipinapakita sa kanya ni Xander. Hindi tamang nagiging kampante siya. Kailangang propesyonal lamang ang relasyon nilan
Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay.Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom
Masaya ang lahat habang kumakain. Panay ang tuksuhan at asaran ng magkakapatid na Syjuco. Ang maganda lang sa kanila ay walang napipikon sa mga pang-aasar nila. Tahimik lang na nakikinig at nanonood si Tori sa kanila. Sa isip niya, inisip niya na baka ito na ang huling sandali na makikita niya ang ganitong kaguluhan ng pamilyang ito. Hanggang sa magkasundo ang pamilya Syjuco na umuwi na.“Uuwi na kami para makapagpahinga ka na,” sabi ni Xandra sa dalaga.“Kayo rin po. Pihadong may mga jet lag pa po kayo,” sagot naman ni Tori.“Medyo nga. Oh, sige. Babalik na lang uli ako. Ipagluluto kita.”“Tita, huwag na nga po. Okay lang…”“Oh, no. Basta. Ipagluluto kita.&rd
“Hi, Tori!” Napatingin si Tori sa direksyon ng pintuan, pati na sina Xander at Sonia. Malapad ang ngiti ni Xandra Syjuco nang pumasok mula roon. Kasunod niya sa likod ang asawang si Jordan.“Hi, friend!” masayang bati naman ni Xia.“It should be sis-in-law, di ba?” tanong naman ni Xavier na kasunod na naglalakad ni Xia at may dalang basket na may mga lamang fresh na sunfllower na mga bulaklak.“Eh, di friend sis-in-law na lang. Oh, satisfied ka na, Kuya?” sagot naman sa kanya ni Xia.Inakbayan naman ni Xavier si Xia at saka hinila ito palapit sa kanya.“Flowe
“Darling ko, okay lang naman akong magbantay sa ‘yo. Inabala mo pa itong si Sonia,” sabi ni Xander habang sinusubuan si Tori ng pagkain.“Hindi ako makapaglinis mabuti ng katawan ko dahil sa nakakabit na IV sa isang kamay ko.”“Oh? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“At ano? Ikaw ang sasama sa akin sa loob ng CR?” nakataas ang isang kilay na balik-tanong ni Tori kay Xander.Tumawa lang si Xander sa reaksyon ni Tori.“Eto talagang darling ko... di bale, makikita ko rin naman ‘yan. Soon…”Inirapan ni Tori si Xander, pero sige pa rin ng tawa ng lalaki.
Mabilis na hinalikan ni Xander si Tori sa pisngi kaya nahinto siya sa pagsisintimyento.“Bibili muna ako ng maiinom nila Tito. Kayo muna ang mag-usap, catch up,” nagbaling ng tingin si Xander kay Vic, “Tito, hot coffee?”“Yes, please. No sugar.”“Any specific blend or type of coffee? Any recipe?”“Anything basta no sugar.”“Got it,” nilingon ni Xander si Julie at Danilo, “how about you, ‘Te Julie? Kuya Danny? Your kids?”“Hot coffee rin ako. Bagay ‘yun sa egg pie na dala namin,” sagot ni Julie at saka binalingan ang dalawang anak, “mga anak, how about you?”
Tila naman napipilan si Tori. Hindi niya alam ang isasagot. Nag-assume nga lang ba siya?“Tatanungin lang kita… since pupunta sila Tito Vic today, gusto mo bang mag-sponge bath? Bubuhatin ba kita para dalhin sa CR? O magdadala na lang ako dito ng tubig sa palanggana?”Namilog ang mga mata ni Tori.“Dadating si Daddy Vic?”Bahagyang natigilan si Xander, nawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya.“Bakit? Ayaw mo ba? Nandito rin sila nung unconscious ka pa,” nag-aalalang sagot ni Xander sa dalaga, iniisip niya na baka ayaw makausap ng dalaga si Vic.Umiling si Tori.&ldquo
Pinigilan ni Tori ang kamay ni Xander na may hawak ng kutsara ng pagkain na isusubo ng lalaki dapat sa kanya.“What happened to the taxi driver?” may pag-aalalang tanong ni Tori kay Xander. Ngumiti si Xander.“Don’t worry, he’s okay. Medyo bugbog lang left thigh nya at medyo mahihirapan siyang mailakad iyon agad, pero sabi ng doktor na tumitingin sa kanya, need lang niya ng therapy.Napatango-tango si Tori.“Mabuti naman. Hindi ko yata kakayanin kung may taong mamamatay nang dahil sa akin.”“Hey… that’s why it is called accident. Don’t put the blame on you.
Pero tinawanan lang siya ni Xander, at saka mabilis siyang hinalikan sa labi niya.“Ayan. Na-turn off na ko,” pabiro niyang sabi pagkatapos niyang halikan si Tori.Lalo tuloy nagpuyos ang loob ni Tori. Nang magsabog yata ng pasensiya ang Maykapal ay nasalo lahat ni Xander.“Ano’ng gatas ba ang ininom mo nung bata ka at ganyan ka?” inis na tanong ni Tori.Tumawa uli si Xander.“I don’t know… hindi ko iyan naitanong sa Mommy ko. Hayaan mo, kapag dumalaw siya rito sa iyo, tatanungin ko para ma-satisfy ko iyang tanong mo,” maloko nitong sagot.Umirap si Tori sa lalaki.
Nakatunghay si Xander sa maamong mukha ni Tori, habang mahigpit ang hawak niya ka kamay nitong walang nakalagay na suwero. Mataimtiim at tahimik siyang dumadalangin na sana ay magising na ang dalaga.Tatlong araw na itong tulog mula ng maaksidente ito. Mabuti na lang at bago mangyari ang aksidente ay tinangka niyang tawagan si Tori, kaya naman nang manghingi ito ng tulong ay numero niya ang unang lumabas. Tatlong araw na rin siyang hindi nakakapasok sa opisina. Mula nang sagipin niya si Tori sa aksidente ay hindi na siya umalis sa tabi nito. Ipinamahala muna niya sa kapatid na si Xavier ang dalawang branch ng Madraullo Motors habang nagbabantay pa siya kay Tori sa ospital. Ayaw niyang iwanan ang dalaga, iniisip ni Xander na baka magkaroon ng pagkakataon na makaalis si Tori at iwanan na naman siya. Hinding-hindi na siya papayag na mawala pa sa kanya si Tori.