Nagkibit-balikat na lang si Tori. Nagkataon lang naman siguro, sa isip-isip niya. Tumuloy na siya sa loob ng shelter. Mabilis niyang nakita si Evelyn na nakatayo sa may mataas na mesa roon na nagsisilbing counter at reception, at may mga high stool chair sa tapat. “Okay na ‘ko,” anunsiyo ni Tori kay Evelyn.“Okay, let’s go,” sagot naman ni Evelyn na nagpatiuna ng naglakad. Ilang liko-liko at lumabas sila sa bahay na iyon. Napansin ni Tori na mayroong isa pang maliit na bahay ang abot-tanaw mula sa kinaroroonan nila ngayon. Mukhang doon sila pupunta ngayon. Napaisip tuloy siya kung ano ba ang nasa loob nun.“Nandito sa bahay na ito iyong mga healthy. Parang mga tao rin. Nakahiwalay ang may mga tama,” nakangiting paliwanag ni Evelyn kay Tori. Iginala ni Tori ang tingin sa mga asong nasa harapan na nila ngayon pero nasa kabila ng salamin. Hinahanap niya iyong aso na nakita niya roon sa website ng shelter. “Doon tayo sa kabila,” narinig ni Tori na sabi ni Evelyn na mukhang nahulaan
“Doon na muna siya sa bahay habang naghahanap ka ng malilipatan mo.”Napalingon si Tori kay Xander. Maang siyang napatingin sa binata. Kung alam lang ni Xander na gusto na nga siyang iwasan ng dalaga.“Ah, hindi. Okay lang. Babalikan ko na lang siya. I believe, they still need to process the papers?” nagbaling ng tingin si Tori kay Evelyn para magkumpirma, “right?” Hindi naman talaga sure si Tori sa sinasabi niyang papeles. Naisip lang niya iyon para makaiwas sa offer ni Xander. “Oh, pwede namang I-email na lang namin sa ‘yo ang legal documents ni Mocha, Tori. Kahit mamaya lang o bukas mare-receive mo na ‘yun. Nothing to worry about.”Hindi malaman ni Tori kung anong palusot pa ang pwede niyang gawin. Siguro ay papayag na muna siya ngayon sa suggestioj ni Xander. Makaka-isip din siya mamaya ng alibi sa lalaki. “By the way, I am Evelyn Vergara, I own this place and Paws Haven,” pakilala ni Evelyn sa sarili kay. Xander.“Oh, sorry. I forgot to introduce you to Xasnder,” nahihiyan
“Miss Tori!” Sabay na napahinto sa paglalakad sila Tori at Xander. Sabay din silang lumingon pabalik sa loob ng shelter. Nakita nila ang isang staff na tumatakbo papunta sa kanila.“Pinapabigay po ni Mam Evelyn,” sabi nito nang makalapit na siya sa dalawa, “diaper po niyang aso, saka ilang personal na gamit niya. Baka raw po kasi hanapin.”Akmang aabutin ni Tori ang maliit na pink bag na iniaabot ng staff pero inabot din pala ni Xander kaya sabay nilang nahawakan ang bag. Muli na namang nagkadikit ang mga kamay nila. Bahagya pa ngang napapitlag si Tori dahil sa kuryenteng naramdaman niya sa pagdidikit ng mga kamay nila Xander, pero pinilit niyang huwag mahalata ng binata.“Ako na rito,” sabi ni Xander na ang tinutukoy ay ang bag ng aso.Lihim na nagpasalamat si Tori doon dahil nagkaroon siya ng dahilan na bitiwan ang pagkakahawak sa bag. “Miss Tori, Sir, lagyan n’yo na lang po ng diaper, ano? Mahirap na. Medyo mahaba-haba rin ang biyahe n’yo. Baka kasi maihi,” bilin sa kanila ng sta
“Are you okay?” Lumipad ang tingin ni Tori kay Xander. Matamang nakatingin ang binata sa kanya na tila pinag-aaralan ang mukha niya. “Ah, y-yeah. Medyo… nangawit lang sa pag-upo.”“Come, aalalayan na kita,” prisinta naman ni Xander.“Ay, hindi! Okay lang,” pagkontra naman ni Tori, sabay mabilis na bumaba na mula sa sasakyan ni Xander.Pero sadyang makulit si Xander dahil inalalayan pa rin niya ang dalaga sa pagbaba. Hawak-hawak niya sa siko niya si Tori, habang karga sa isang kamay ang asong si Mocha.Hindi na nagawang humindi ni Tori. Pero naroroon na naman ang mga insekto sa tiyan niya. Tila nagliliparan na naman sila sa pagkakahawak ni Xander kahit sa siko lang naman siya hinawakan. Hanggang sa naglalakad na sila papunta sa lugar kung nasaan ang mga kamag-anak ni Xander ay hindi na inalis ni Xander ang hawak sa siko niya. Agad namang nakaramdam ng pagka-ilang si Tori. Lahat kasi ng pamilya ni Xander at mga pamilya ng dalawang tiyuhin niya ay sa kanila nakatingin. Walang nagsa
Patagong humikab si Tori sa gitna ng masayang kuwentuhan at tawanan ng pamilya ni Xander. Actually, pangalawang hikab na niya ito. Nage-enjoy man siya sa ngayon pero hindi niya mapigilan ang antok, palibhasa ay maaga siyang nagising kanina para magpunta sa shelter. Napatingin siya kay Mocha na ngayon ay nasa kandungan niya. Tulog na tulog na ang alaga. Parang bigla tuloy nakaramdam ng lihim na inggit sa kanya si Tori. Heto si Mocha at kampanteng natutulog sa gitna ng ingay at tawanan ng mga tao sa paligid niya. Bigla tuloy na-miss ni Tori ang sariling kama sa condo niya.“Guys, kailangan ng umuwi ni Tori,” Napaangat ng tingin si Tori mula sa pagkakatingin niya kay Mocha. Nasalubong niya ang tingin ni Xander na kanina pa niya katabi sa dinner. “Bakit?” mahina niyang tanong sa lalaki, hindi pa naman kasi siya nagsabi na uuwi na siya.Inilapit ni Xander ang mukha niya sa tenga ni Tori.“Kanina ka pa naghihikab.”Natigilan si Tori. Ganun ka-observant ang binata sa kanya? Pasimple na ng
“Bakit kumuha ka pa ng cart? Diaper lang naman ang bibilhin natin?” tanong ni Tori kay Xander.“Okay lang ‘yan. Para wala na tayong bitbit. Isa pa, pwede na rin nating ilagay dito si Mocha,” at ganun nga ang ginawa ni Xander, “see?” Hindi na kumontra si Tori at nauna nang naglakad sa binata. Naiilang kasi siyang katabi ang binata sa paglalakad. Hindi kasi maiwasang magkadikit ang mga braso nila. At sa tuwing mangyayari iyon ay tila may maliliit na kuryenteng nararamdaman si Tori. Hindi lang niya alam kung nararamdaman din ba iyon ng binata. Para mawala sa isip ni Tori ang kakaibang bagay na iyon, nilibang niya ang sarili sa iba’t ibang mga bagay na nakikita niya sa loob ng tindahang pinasukan nila ni Xander. Exclusive lang ang tindahan na ito sa mga gamit at pagkain na para sa mga alagang hayop. Naaliw siya sa pagdampot ng ilang bagay at mga damit, pagkatapos ay ibabalik din naman niya sa lagayan at wala naman siyang balak bilhin. Tutal naman ay hindi pa niya maiiuwi si Mocha sa tin
Nakahiga na si Tori pero naiisip pa rin niya iyong maghapong nangyari sa araw na ito. Parang napakahaba ng araw niya ngayon. Mula sa pagdating ni Xander sa shelter, hanggang sa bahay ng mga Syjuco, at saka sa pagbili nila ng mga gamit mi Mocha at ang usapan nila sa parking lot. Napabalikwas ng upo si Tori. Muli niyang binalikan iyong huling sinabi ni Xander kanina. Hindi niya alam kung tama ba ang dinig niya. Goodnight kiss? Oo. Iyon ang pagkakarinig niya. Pero para kay Mocha pala. Biglang pinakiramdaman ni Tori ang kanyang sarili. Bakit parang may panghihinayang sa parte niya nang malaman niyang si Mocha pala ang tinutukoy ni Xander sa goodnight kiss? Padabog siyang nahiga uli. Naiinis siya sa sarili niya. Alam na alam naman niyang hindi siya dapat magpabaya. Na kailangan niyang bantayan ang sarili niya. Hindi tamang nilalagyan niya ng malisya ang lahat ng kilos at ipinapakita sa kanya ni Xander. Hindi tamang nagiging kampante siya. Kailangang propesyonal lamang ang relasyon nilan
Tunog ng alarm clock ang gumising kay Tori. Pinakiramdam niya muna ang paligid. Palaisipan kay Tori kung talagang kagigising lang ba niya ngayon. Para kasing totoong-totoo iyong mga eksenang naaalala niyang nangyari at nanaginip pa rin siya ngayon. Hindi pa rin maka-move on na iginala pa ni Tori ang mga mata sa paligid. Hanggang sa unti-unti niyang na-realize na nasa realidad siya at panaginip lang ang mga pangyayaring hanggang ngayon ay nasa isip pa niya. Nasa kuwarto siya ngayon ng condo niya sa San Clemente. Matagal na rin pala siyang hindi nakakadalaw kay Alyssa. Kaya siguro napaginipan niya ang bata. Kapag natapos na niya ang coffee corner project niya sa Madraullo Motors, dadalawin niya agad si Alyssa. Nang biglang tumunog ang telepono niya. Inabot niya ito mula sa katabing bedside table at saka binuksan iyon. Good morning! Kinailangan pang sipating mabuti ni Tori ang screen ng telepono niya para malaman kung sino ba ang nagpadala ng mensahe sa kanya. Hindi man ganun kalin
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Nainis si Tori sa tanong ni Xander. Heto na nga at nakikipaghalikan na siya sa binata, tapos may gana pa siyang magselos kay Gener?Pero sa tanong nga ba ni Xander siya nainis, o dahil sa paghinto ni Xander sa paghalik sa kanya?Both! Sagot ng utak ni Tori.Ubod lakas na itinulak ni Tori si Xander, at saka siya mabilis na tumayo at naglakad palayo mula kay Xander. Pero mas mabilis sa kanya si Xander dahil naramdaman na lang niya ang kamay nito sa braso niya.“Where are you going?” tanong sa kanya ng binata sabay hinto ni Tori dahil pigil-pigil siya ng binata.“Anywhere away from you!” inis na sagot ni Tori.Tumaas ang isang sul
Napatanong din si Tori sa sarili kung paanong alam ni Xander ang tungkol kay Gener at sa pagbibigay nito lagi ng gatas ng kalabaw sa kanya.“But I can ask someone to buy fresh milk sa grocery. Kahit ilan pang kahon ang gusto mo,” may pagyayabang na dagdag pa ni Xander.Nahalata ni Tori ang pagseselos ng binata kay Gener sa timbre ng salita nito. Pero binalewala niya iyon. Sa halip ay tinanong niya ito.“Bakit mo alam ‘yun?”“Hah! I have my own ways, darling,” may pagka-inis na sagot ni Xander.May sayang naramdaman si Tori sa kaalamang nagseselos ang binata kay Gener. Muntik pa siyang napangiti pero agad din niyang sinupil. Ayaw niyang makita
Hindi alam ni Tori kung paano pakakalmahin ang puso niya. Mula nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto at masilayan niya ito ay tila may sariling isip ang puso niya at nataranta na ito nang masilayan niyang muli ang guwapong mukha ni Xander. Medyo pumayat ito nang bahagya mula nung huli niya itong makita. Ang facial hair nito ay visible rin ngayon na tila ba ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Ayaw na ayaw pa naman ni Tori sa lalaki ang may balbas at bigote. Pero sa sitwasyon ni Xander, hindi iyon nakapagpa-turn off sa kanya. Sa halip, sa tingin niya ay bagay dito ang ganung konting buhok sa kanyang mukha. Tila ba nakadagdag pa ito sa kanyang kaguwapuhan. Bumrusko ng konti ang dating ng binata para sa kanya. Pakiramdam nga ngayon ni Tori ay gusto na niyang tumayo at salubungin ng yakap ang binatang tila slow motion na naglalakad patungo sa kanya. Nakasuot lang ito ng simpleng muscle sando at cargo pants pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Isang buwan lang siyang nap