“Hi, Lena. Nasa loob ba si Xander? I mean si Mr. Syjuco?”Nag-angat ng tingin si Lena mula sa pinapanood nitong video sa cellphone niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng makita niya si Tori na nakatayo sa harapan niya. Malapad niyang nginitian si Tori. “Ay, Miss Tori! Mabuti naman at nandito ka na…“ sabi ni Lena, sabay patay sa video na pinapanood niya, “nanonood na nga ako ng mga tutorial videos.”Nagsalubong ang mga kilay ni Tori. “Tutorial videos?”“Oo. Wala ka pa kasi. Eh, may meeting si Sir Xander ng 10am. So, iiwanan daw niya sa akin si Mocha. Eh, wala naman akong alam sa pag-aalaga ng mga ganung aso. Hindi ko alam kung ano ang ipapakain ko. Baka mamaya, bawal pala. Mabuti na lang at nandito ka na.”Naisip ni Tori na iyon pala ang dahilan ni Xander kaya ginising siya nang maaga. May meeting pala ang kumag. At hindi lang basta ginising, inasar pa. Siguro ginawa nio Xander iyon para magmadali siyang magpunta sa opisina nito. “Nasaan na si Mocha?”“Nasa loob, Miss Tori. Paso
Biglang natigilan si Tori sa narinig. Pero parang balewala lang naman kay Xander ang sinabi niya. Pinilit ding balewalain na lang ni Tori iyon. Baka naman napalapit lang masyado si Xander sa alaga niya kaya niya nasabi ang ganung salita.Kaya nung hinarap ni Xander si Tori ay nailang na naman ang dalaga at hindi siya makatingin nang diretso sa binata. Idagdag pa na pinag-isipan niyang singhutin ang leeg ni Xander kanina nang napalapit ito sa kanya. Nagkunwari na lang si Tori na inaayos niya ang diaper ni Mocha.“Pabigyan kita ng snack kay Lena? What do you want? Burger? Sandwich? Coffee?”Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Tori.“Huwag na. Nag-breakfast naman ako sa bahay bago ako pumunta rito. Water na lang.”“Are you sure? Napilitang tingnan ni Tori si Xander.“Okay lang ako. Hihingi na lang ako kay Lena later kung may kailangan ako.”Ngumiti si Xander. Muling natulala si Tori sa binata. Nakita na naman niya kasi iyong killer smile ng binata. Kung hindi pa ito nagpaalam, hindi pa s
Napansin ni Tori ang mabilis na paghinga ni Xander, at lubusan niya iyong ipinagtaka. Kapuna-puna ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib nito. Saka lang namalayan ni Tori na nakalapat ang mga palad niya sa dibdib ni Xander, at sobrang lapit pala nila sa isa’t isa. Agad na namilog ang mga mata niya nang ma-realize ni Tori iyon, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Kung nalalaman lang ni Tori, ganun din ang nararamdaman ngayon ni Xander. Abot-abot ang kabang nararamdaman niya. Marami nang babae ang napalapit nang ganito kay Xander, pero ngayon lang siya nakaranas ng ganitong tensyon. Bilang isang sought-after bachelor sa kanilang lugar, hindi na mabilang ang mga babaeng nagtangkang tuksuhin at paibigin siya. Pero para kay Tori, nakahanda siyang maging willing victim. Bahagyang ipinilig ni Tori ang ulo niya, habang iniisip kung bakit siya napunta sa sitwasyon na ito. Saka niya biglang naalala na muntik na siyang matumba kani-kanina lang nang dahil kay Mo
Tiningnan ni Tori ang sulat ng ina. Nakalagay doon ang pangalan at address ng taong hahanapin niya ngayon. Ito ang gagawin niya ngayon kaya tinanggihan niya ang alok ni Xander na samahan siya. Matagal nang napasakanya ang sulat na ito ng namayapang ina. Mula nang pagka-graduate niya sa kolehiyo. Pero hindi niya nagawang puntahan ang address na sinasabi niya sa sulat na ito dahil sa mga bagay na ipinagawa sa kanya ng ama. Kung hindi pa niya nakasalubong ang dating yaya sa Canada, hindi niya maaalala ang sulat na ito na si Yaya Caring din ang nagbigay sa kanya dati.Kaya pinili niyang dito tumira sa San Clemente pagkagaling niya sa Canada para magawa na niyang hanapin ang bilin na ito ng ina. Gusto nga sanang sumama sa kanya ng dating yaya pabalik sa Pilipinas nang malaman ang balak niya na dito sa San Clemente pansamantalang tumira. Pero hindi pumayag ang anak nitong nurse na siyang pumetisyon kay Yaya Caring. Siguro balang araw, baka-sakaling makiusap siya sa anak nito na payagang ma
Ang tagal kong naghintay sa ‘yo, Viktoria.”Nilingon ni Tori ang matandang lalaki. Kimi siyang ngumiti rito. May limang minuto na rin siguro silang nasa biyahe. Tahimik lang silang apat hanggang magbukas nga ng topic ang matanda. “Tori na lang po.”Ngumiti si Vic.“Para ka ring ang Mama mo. Ayaw magpatawag ng Aryana. Arya lang ang gusto niyang itawag sa kanya.”“Gaano n’yo po kakilala ang Mama ko?”Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Vic. “Kilalang-kilala…”“Victor po ba ang tunay n’yong pangalan?” Ayun na. Naitanong na ni Tori ang isa sa mga katanungan sa isip niya. Bahagyang tumawa si Vic na ipinagtaka ni Tori, nag-iisip siya kung may nakakatawa ba sa tanong niya. “Oh, nandito na pala tayo,” anunsiyo ni Vic, habang sumisilip sa salamin sa unahan.Nakigaya si Tori at nakisilip din. Nakita niya ang isang bungalow style na bahay na kulay puti lang ang pintura.“Puti lang ang ipinalagay na pintura ng Mama mo. Bahala ka na raw magpapintura kapag titira ka na rito. Baka raw kasi hi
Tahimik na sumunod si Tori kay Vic. “Hindi mo ba hinahanap kung nasaan ang kuwarto nitong bahay?” tanong ni Vic habang naglalakad sa unahan ni Tori. “Well, yes,” sagot naman ni Tori.Nakangiting nilingon ni Vic si Tori, at saka ito nagpunta sa isang bahagi ng dingding ng sala. Itinulak nito ang isang bahagi ng wooden panel doon at saka nalantad ang isang kuwarto sa loob nito. Pero kung titingnan mo rito sa sala, hindi mo mapapansin na isa pala iyong pinto papasok sa isang kuwarto. Napatango-tango si Tori.“I’m impressed.”“Mabuti naman at nagustuhan mo ang idea na to. From inside, may lock naman doon.”“What if aalis ako at para secured gusto kong naka-lock ito from this side?”“Meron itong magnetic lock. Kailangan mo lang silang mapagtapat na dalawa. One from this side, and the other one from the other side.”“Nice!” tanging nasabi ni Tori.“By the way, whose idea is this? Itong magic door?”“Sino pa? Eh di, yours truly.”Bahagya pang yumukod kay Tori si Vic.“Madiskarte ito, a
Muling tumango si Tori.“Ewan ko ba dun sa Mama mo. Hindi ko alam if it is a sign of her love for me, o gusto lang niyang inisin ang asawang si Randy.”Matamang nakatingin lang si Tori kay Vic, iniisip niya kung ganun nga ang nasa isip ng ina nung mga panahong iyon kaya Viktoria ang ipinangalan sa kanya ng ina.“Ayaw mo bang maniwala? I swear, iha. Kamay lang ng Mama mo ang nahawakan ko. Sumpa man,” itinaas ni Vic ang kamay niya na parang nanunumpa, “swear to God,” itinuro pa ng kanyang hintuturo ang direksyon ng langit.“No po. Hindi naman sa ganun… it’s just… tsk!” Napailing si Tori. “From my name… tapos iyong sulat ni Mama para hanapin ko kayo dito sa San Clemente… all the while, akala ko may malalaman ako. I mean, secret or something… I mean… tungkol sa pagkatao ko?” Malakas na tumawa si Vic. “Bata ka pa kasi ng mawala ang Mama mo. Kaya hindi mo siya ganun kakilala. Napaka-bully nung si Arya. Nako,” tumingala si Vic sabay sabing, “huwag kang magagalit sa akin, Arya. Nagsasabi
“This is supposed to be your room. Sa ngayon, it’s bare pa. Well, except for the bed, and other necessities… Hindi ko kasi alam kung ano ang type mong design. But we can do something about it naman. Very fast. Para saan pa at may architectural firm ako kung wala akong mga connections…”Nilingon ni Tori si Vic.“Tito, nag-college ka na, di ba? Bakit nag-aral ka pa uli ng Architecture?”“Iyon talaga kasi ang dream course ko. Pero ayaw ko namang pagastusin ng malaki ang mga magulang ko. Lalo na at ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Kaya nung humiling ang Mama mo na huwag na uli akong sumakay ng barko, naisip ko, why not? I will be hitting two birds in one stone. Mapagbibigyan ko na si Arya na mag-stay ako rito sa San Clemente, matutuloy ko pa ang pangarap ko. So, nag-enroll uli ako.”Matamang nakatingin lang si Tori sa mukha ni Vic.“Why are you looking at me like that?” takang-tanong ni Vic.“You love her that much, ha…”Ngumiti si Vic, kasabay ng paghalukipkip ng mga braso
“Kuya.”Sa halip na lingunin ni Xander ang bagong dating, tinungga niya ang alak na nasa basong hawak niya. Hindi pa rin siya lumingon dito kahit na naupo na ito sa tabi niya. Nasa mini bar si Xander sa loob ng kuwarto niya. Ganito na ang naging routine niya sa halos isang linggong pagkawala ni Tori. Gigising sa umaga, maliligo at papasok sa opisina. Pagkarating naman niya sa hapon, maliligo at saka dederecho na sa mini bar niya para lunurin ang sarili sa alak. Minsan ay sumasabay siya sa hapunan ng pamilya, minsan naman ay hindi. Katulad ngayon, kaya siguro nandito si Xavier ay para yayain siyang kumain. Ito siguro ang nautusan ng ina na tumawag sa kanya.“Huy, Kuya!” pag-uulit ni Xavier, at saka lang siya nilingon saglit ni Xander pero ibinalik din ang tingin sa alak na nasa harapan niya na para bang may tinitingnan siyang imahe doon.&
“Everyone, let’s have first a fifteen-minute break before we go through the rest of the reports. We have prepared a snack for everybody at the back. You may get your snack there,” anunsiyo ng HR Manager ng Araullo branch ng Madraullo Motors.Nandito ngayon si Xander dahil hindi nga nakapasok si Xavier ngayong araw. Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba na masama ang timpla ngayon ng kapatid o totoo. Paano naman kahapon nang umuwi ito mula sa pagdalaw kay Tori ay mukhang okay naman ito. Pero ilang oras lang na nakauwi ito sa bahay nila ay tumawag na agad sa kanya at sinabing siya na muna ang bahala ngayon sa kumpanya. Mabuti na lang at maigi na ang lagay ni Tori at may makakasama ito sa hospital, si Sonia.Napasulyap si Xander sa telepono niyang nasa ibabaw ng mesa nang mag-vibrate ito. Kapag ganitong nasa
Bahagyang nagitla si Tori nang narinig ang boses ni Sonia. Napakurap-kurap pa siya. Tiningnan niya si Sonia na manghang nakatingin sa kanya.“Bakit?” nagtatatakang tanong ni Tori.“Nakatulala ka na naman diyan, Mam.”Bahagyang ipinilig ni Tori ang ulo niya. Hindi siya aware na lumilipad na naman ang isip niya. Mukha namang hindi siya niloloko ni Sonia.Dinampot ni Tori ang tasa ng batirol na ginawa ni Sonia. Dahan-dahan siyang humigop mula sa tasa, para lang magulat na hindi na iyon ganun kainit. Mabilis na ibinaba ni Tori ang tasa sa ibabaw ng mesa.“Malamig na, ah,” napalakas niyang komento, pero hindi naman niya sinisisi si Sonia.
Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay.Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom
Masaya ang lahat habang kumakain. Panay ang tuksuhan at asaran ng magkakapatid na Syjuco. Ang maganda lang sa kanila ay walang napipikon sa mga pang-aasar nila. Tahimik lang na nakikinig at nanonood si Tori sa kanila. Sa isip niya, inisip niya na baka ito na ang huling sandali na makikita niya ang ganitong kaguluhan ng pamilyang ito. Hanggang sa magkasundo ang pamilya Syjuco na umuwi na.“Uuwi na kami para makapagpahinga ka na,” sabi ni Xandra sa dalaga.“Kayo rin po. Pihadong may mga jet lag pa po kayo,” sagot naman ni Tori.“Medyo nga. Oh, sige. Babalik na lang uli ako. Ipagluluto kita.”“Tita, huwag na nga po. Okay lang…”“Oh, no. Basta. Ipagluluto kita.&rd
“Hi, Tori!” Napatingin si Tori sa direksyon ng pintuan, pati na sina Xander at Sonia. Malapad ang ngiti ni Xandra Syjuco nang pumasok mula roon. Kasunod niya sa likod ang asawang si Jordan.“Hi, friend!” masayang bati naman ni Xia.“It should be sis-in-law, di ba?” tanong naman ni Xavier na kasunod na naglalakad ni Xia at may dalang basket na may mga lamang fresh na sunfllower na mga bulaklak.“Eh, di friend sis-in-law na lang. Oh, satisfied ka na, Kuya?” sagot naman sa kanya ni Xia.Inakbayan naman ni Xavier si Xia at saka hinila ito palapit sa kanya.“Flowe
“Darling ko, okay lang naman akong magbantay sa ‘yo. Inabala mo pa itong si Sonia,” sabi ni Xander habang sinusubuan si Tori ng pagkain.“Hindi ako makapaglinis mabuti ng katawan ko dahil sa nakakabit na IV sa isang kamay ko.”“Oh? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“At ano? Ikaw ang sasama sa akin sa loob ng CR?” nakataas ang isang kilay na balik-tanong ni Tori kay Xander.Tumawa lang si Xander sa reaksyon ni Tori.“Eto talagang darling ko... di bale, makikita ko rin naman ‘yan. Soon…”Inirapan ni Tori si Xander, pero sige pa rin ng tawa ng lalaki.
Mabilis na hinalikan ni Xander si Tori sa pisngi kaya nahinto siya sa pagsisintimyento.“Bibili muna ako ng maiinom nila Tito. Kayo muna ang mag-usap, catch up,” nagbaling ng tingin si Xander kay Vic, “Tito, hot coffee?”“Yes, please. No sugar.”“Any specific blend or type of coffee? Any recipe?”“Anything basta no sugar.”“Got it,” nilingon ni Xander si Julie at Danilo, “how about you, ‘Te Julie? Kuya Danny? Your kids?”“Hot coffee rin ako. Bagay ‘yun sa egg pie na dala namin,” sagot ni Julie at saka binalingan ang dalawang anak, “mga anak, how about you?”
Tila naman napipilan si Tori. Hindi niya alam ang isasagot. Nag-assume nga lang ba siya?“Tatanungin lang kita… since pupunta sila Tito Vic today, gusto mo bang mag-sponge bath? Bubuhatin ba kita para dalhin sa CR? O magdadala na lang ako dito ng tubig sa palanggana?”Namilog ang mga mata ni Tori.“Dadating si Daddy Vic?”Bahagyang natigilan si Xander, nawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya.“Bakit? Ayaw mo ba? Nandito rin sila nung unconscious ka pa,” nag-aalalang sagot ni Xander sa dalaga, iniisip niya na baka ayaw makausap ng dalaga si Vic.Umiling si Tori.&ldquo